Chapter 9

39 3 0
                                    


Chapter 9

Madilim na ng maihatid kami ni tito Abner sa bahay. Sinalubong naman ako ni mama at ni Tina.

"Di ka nagsabi anak na uuwi ka para na pagluto ko kayo," inabot niya ang ilang bitbit namin at ang ibigay ang mga iyon kay Cristina "Tina, ipaghain mo naman sila ate mo, pasuyo" utos ni mama kay Tina "atsaka binalingan si tito Abner at inaya na din kumain, total naman ay sa may kanto lang din ang bahay nila. "Dito ka na din muna Isko at madilim na bukas ka na lamang umuwi sa inyo, may kalayuan pa iyon dito." Dagdag niya

Napangiwi si France dahil sa pangalang tinawag sa kanya, alam niyo naman ayaw niya na tinatwag pa siyang Isko, napakapadoy daw at di bagay sa beauty niya. "Tita naman, France na lang wag na Isko, ang ganda ko kaya sa pangalang Isko" sabi niya at saka pa kumilos na isinipit ang buhok sa may tainga kahit maikli naman ang buhok niya habang nakanguso.

"Osiya pumasok na kayo at malamig na, mukhang uulan pa yata.. Halika na muna Abner, dito ka na kumain" pag aaya uli ni mama habang abala kami pumasok sa loob ni France.

"Hindi na pinsan, mukha ngang nagbabadya ang ulan, mauna na ako at baka maabutan pa ako." Pagtanggi ng tito bago buhayin ang motor ng tricycle niya.

"Osiya, hintayin mo nalang ako diyan at magpapakuha ako ng ulam kay Cristina."

Agad naman na pumasok si mama at kumuha ng baunan na nilagyan ni Cristina ng ulam. Paglaoy iniabot ko ito sa kanya kasama ang maliit na halaga ng pera.

"Naku Tine, okay na itong ulam, wag na itong pera, kung tutuusin ay maliit na bagay lang ang paghatid ko sainyo dito, keas naitulong niyong mag-ina sa pamilya ko."

"Kunin mo na Tito pambaon na din ni Tina yan," sabi ko atsaka ko na siya iniwan para di na siya makatanggi uli.

"Salamat na lang Tine, mauna na ako" sabi niya bago paandarin ang trike.

"Salamat din po ingat kayo." Sigaw ko ng makaalis na siya.

Pagpasok ko ay agada ko dumiresto sa kwarto para makapag palit at magshower dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko galing biyahe. Pagkatapos ko mag shower at magbihis ay kihuha ko ang cellphone na inilapag ko kanina sa study table ko. Alas-siete na ng gabi kaya sobrang dilim na sa paligid at tama si mama, bumuhos na ang malakas na ulan. Isinira ko ang bintana sa kwarto ko dahil sa lakas ng ulan ay medyo tumatalsik ito papasok sa kwarto ko. Napansin ko na wala na pala ang puno malapit dito. Ang punong inaakyat ni Mark dati kapag pumapasok siya sa kwarto ko.

Si Mark...

Pinagmasdan ko ang kwarto ko, kagaya parin ng dati ang ayos nito, walang pinagbago. Napangiti ako ng maalala ko ang mga masasayang memories ko dito sa kwarto ko kasama si Mark.

"Araw-araw to nililinis ni Tita" nagulat ako ng magsalita si Cristina mula sa pintuan, tiningnan ko siya, andon lang siya sa may bukana at nakasanda sa may hamba ng pinto.

"Grabe ka naman Tina, di ka ba marunong kumatok?" Reklamo ko at saka inilapag ang cellphone.

"Sorry ate, nakabukas kasi kaya di na ako kumatok... Pinapatawag ka na pal ani Tita, kakain na daw"

"Sige magsusuklay lang ako, susunod ako" sagot ko sa kanya, pero di pa din siya umaalis sa may pinto. Tinitigan niya lang ako.. Problema ng babaeng to.

"Ate?" sabi niya sumimangot siya bago ipagpatuloy ang pagsasalita" ikakasal na pala ang apo ni don Gustavo ano?... Si Mark Skyler, "Ayan na naman tayo sa ikakasal na iyan. Bakit ba sa tuwing naririnig ko iyan ay ang sakit at lagi ko wini-wish na sana ako.. saakin siya ikakasal, dapat ako e... dapat saakin. "Ang pogi non, no? Hmmmm, sabagay maganda naman yung fiancée niya" dagdag pa neto. Sige pa Tina wasakin mo pa ang puso ko. Ipamukha mo pa saakin na maganda si Aera, feeling ko nga isang hibla lang ako ng buhok niya. Para akong isang particles na nag eexist sa mundo para sa benefits ng iba, kapag nandyan siya. Oo, nanliliit ako kapag kaharap ko siya. I admit it, wala akong laban sa kanya sa kahit anong bagay. Except na lang siguro sa ugali, hindi naman ako kagaya niya na psychopath at manipulative.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HABK2: Lost FantasyWhere stories live. Discover now