Chapter 1

270 17 3
                                    

Chapter 1:

Pagkatapos ko maligo ay agad na akong nagbihis. Isang fitted black skirt at ang white long sleeve na blouse saka ito pinatungan ng blazer. Tiningnan ko ang kabuuan ko sa isang human size mirror. Formal na formal ang dating. Naglagay din ako ng light make up yung sapat lang at hindi gaanong halata dahil nga maganda na ako. Saka ko kinulot ang buhok ko.

Kinuha ko yung bag ko and Im ready to face Mark!

Paglabas na paglabas ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang dalawang paris ng mapanuring mata ni Isko. Mula ulo hanggang paa ay pinasadahan niya ako ng tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay "Ano pwede na ba?"

"Taray! Anong a-apply-an mo? President ng company?"

"Hindi! Asawa ng boss ang a-apply-an ko!"

"Kaloka! Edi ikaw na!... Sige bakla kabugin mo yung si ERA MAHADERA."

Talaga makikita ng Aera na iyan na mali ang kinalaban niya bruhang babae yon at talagang si Mark pa.

"O siya, sige umalis kana baka ma-late ka pa."

"Sige, wish me luck!"

"Naku di na kailangan yan ikaw pa! Keri mo na iyan."

Oo naman ako pa! Kung dati mga nagawa kong mapalapit kay Mark at mahalin ako ng hindi ako kumikilos ngayon pa kaya na gagawa na ako ng effort diba.

~*~*~

"Ms. Laum your next!" tinawag ako nong babaeng nakasalamin na kinabog pa sa kapal ng salamin ang salamin ni Harry Potter. Simple lang naman yung babae pero may isang nakakainis sa kanya. Yung tingin niya sakin na para bang nakakita siya ng isang bata na aagaw sa candy niya.

Halos lumabas ang puso ko sa kaba. Kinakabahan kung ano ang magiging reaksyon ni Mark kapag nakita niya ako.

Nginitian ko na lang yong babae saka ako pumasok doon sa office ng boss. At hindi nga nagkamali ang bakla kong BEASTFRIEND. Nakita ko ang isang lalaking gwapo kahit naka-sideview na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatuon ang tingin sa papel na nakalatag sa ibabaw ng mesa niya. Nagbago siya ng hairstyle mula sa boy next door na look niya dati. Ngayon napakapormal na niyang tignan.

Nag-clear throat ako to catch his attention and I didn't failed nilingon niya ako. "Um— Ms. Laum have a seat" naupo ako sa doon sa upuan na nasa harap ng mesa niya. "Ms. Laum nabasa ko sa resume mo na wala ka pang experience sa work so this is your first time?" Na-miss ko to, namis ko ang kausapin niya ako at marinig ang boses niya. "Miss?"

"Uh- um— Yes sir, ito palang yong first time ko mag-trabaho kung e-ha-hire niyo ako." I said and I gave him my sweetest smile.

"Okay, and I also read here that you graduated as a BSIT."

"Y-yes sir" nakakainis bakit ba ako kinakabahan ng ganito bakit ba nauutal ako. Si Mark lang yang kaharap mo Cristine ano ka ba!

Teka! Anong si Mark lang! Si Mark yan yong mahal ko. Na babawiin ko para ako na lang ulit ang mahal niya.

Pero bakit ganoon. Bakit parang hindi na talaga niya ako nakikilala. Bakit normal lang ang reaksyon niya ng makita niya ako. Samantalang ako, bonggang kaba na ang nararamdaman ko.

"Bakit mo naisipan mag-apply sa pagiging graphic artist kung isa ka namang IT graduate?"

"Sir art is my fashion"

"You're funny!"

Funny? Anong nakakatawa doon. Loko ka ah! Naku kung naaalala mo lang ako binatukan na kita ang dami mong arte!

HABK2: Lost FantasyKde žijí příběhy. Začni objevovat