Chapter 5

98 3 3
                                    

Chapter 5

Aera~

What the hell!!!!!!

"Uhhg!" ibinalibag ko ang baso ng wine na kanina ko pa hawak . Kanina pa ako palakad lakad paroo't parito. Kanina pa hindi bumabalik si Mark mula ng umalis siya kasama si Cristine. Kinuha ko ang isang bote ng wine na halos maubos ko na. Walang pakundangan ko itong tinungga direkta sa bote.

"Damn that bitch!" usal ko sa aking sarili. "At paano nalaman ng babaeng yon? Paanong naaalala niya si Mark, don't tell me hindi siya apektado ng kapangyarihan ko"

Bakit kahit binura ko na ang lahat ng alaala ni Mark ay tila ba nangangamba pa din ako na baka sa isang araw pag gising ko ay wala na siya sa akin.

"I won't let that happen!" muli ay itinungga ko ang alak na hawak ko. Nasa kasalukuyan ako ng pag-inom ng biglang marinig ko ang pagbubukas ng pinto. Napatayo ako at nag lakad patungo 'ron.

"Sky!" usal ko ng makita ang taong iniluwa ng pinto. Ang taong mahal ko. Ang taong gagawin ko lahat mapasaakin lang.

Tumulo ang luha ko at nilapitan siya. "bakit ngayon ka lang? Bakit mas pinili mo siang kampihan kaysa saakin? I'm your fiancée?." Tinitigan niya lang ako. Walang anumang reaksyon ang mababakas sa mukha niya. Ano to? Nangyayari na ba ang kinatatakutan ang ko. Totoo ba ang sinabi ng aking ina dati?

Inangat niya ang kamay niya at inilapat sa aking pisngi pinunasan niya ang mga luha na dumadaloy mula sa aking mga mata. Lumiyad siya ng kaunti palapit sa akin pagka wari'y naramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi sa aking noo.

"I'm tired... Pahinga na tayo" sabi nito at saka na ako iniwan mula sa sala. Naiwan ako doon na maraming tanong sa isipan.

"Mark" tanong ko sa aking sarili .

Mga tanong ko na di ko mahanap ang sagot . O baka naman nakalantad na sa aking harapan pero ayoko lang tingnan. Ayokong malaman. Ayokong alamin. Ayoko!

Hindi ako papayag matapos lahat ng aking sakripisyo.

~*~*~

Cristine~

Anong koneksyon ng ulan sa puso ng karamihan. Bakit sa tuwing umuulan ay nakakaramdam din tayo ng lungkot. Naalala ang mga masasayang kahapon na ngayon ay isa na lamang parte ng alaala.

Sabado ng umaga, day off ko. Mula sa bintana ng aking kwarto ay mataman kong pinagmamasdan ang bawat butil ng ulan na pumapatak sa lupa sa mga dahon ng halaman at mga puno. Napa kalungkot ng paligid.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ay narinig ko si France na kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Bukas yan" tugon ko rito.

"Tara" ika niya saka nangiti.. Ano naman daw nakain ng baklang ito??

"Saan?" tanong ko sa kanya. At saan naman daw kaya siya pupunta ng ganitong lagay ng panahon?

"Sa labas, kain tayo." Inirapan ko siya at muling ibinaling ang aking paningin sa labas ng bintana.

"Bakit hindi ba tayo pwedeng kumain dito sa loob at kailangan pa natin lumabas?" pataray kung tugon sa kanya.

"Na late ako ng gising e. Kaya di ako nakapag luto so ano, bakla tara na ba?"

"Wala akong pera" walang ganang sagot ko sa kanya, hindi ko pa din naman inaalis ang aking mga mata sa labas ng bintana. Sa totoo lang wala talaga akong gana.

"Libre ko" saad pa nito. Aba akala mo naman makukuha niya ako sa palibre-libre niyang yan..

"Ayoko!"

"Ay nag-iinarte?! Halika na! Kagabi ka pa di nakain baka mapano ka pa"

HABK2: Lost FantasyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant