Chapter 6

189 6 3
                                    

Chapter 6

Cristine~~

"Okay ka lang ba?" tanong saakin ng isang batang lalaki na siguro ay kaedad ko lang din. "Bakit ka mag-isa? Nasaan ang mama't papa mo? Muling tanong niya saakin..

Iyak lang ako ng iyak ng mga oras na iyon dahil nahiwalay ako kay mama't papa.

"Hindi ko alam nasan sila" sagot ko doon sa bata na lumapit saakin. Mapungay at bilugan ang mata na may makakapal na lashes may mapula't maliit na labi at matangos na ilong na maihahalintulad mo sa isang manika.

"Natatakot ka ba?" tanong niya

Tumango ako.

Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Wag kang mag-alala sasamahan kita dito hangga't bumalik ang mama't papa mo."

Ng mga oras na iyon ay parang napanatag ang aking loob. Dahil alam kung hindi ako nag-iisa at meron na akong kasama.

Naupo kami sa isang upuan na malapit sa parke. Doon kami naghintay na matagpuan ako nina Mama't Papa. Kinukwentuhan niya ako ng mga kung anu-ano. Tawa lang naman ako ng tawa.

"Mark Skyler pala pangalan ko... Ikaw?" pagpapakilala niya saakin..

"Hmmm.. C-Cristine...Cristine Shannel" sagot ko sakanya

"Ang cute naman ng pangalan mo. Parang ikaw pag ngumingiti.. Kaya wag ka ng iiyak huh!" sabi nito saakin habang nakangiti pa din.

"um!" tumango ako saka siya nginitian pabalik. "Nasaan ang mama't papa mo?" tanong ko sakanya.

"Si Daddy nasa America. Si Mama ko naman----"

"Cristine!---" pareho kaming napalingon ng marinig ko ang boses ni mama.

"Mama!" takbo agad ako sakanya at niyakap siya.

"Naku! Bata ka.. saan-saan ka ba nagsusuot . Pinag-alala mo si mama't papa" sabi niya saakin habang yakap ako.

"Okay lang po ako mama, wag na po kayong mag-alala, saka nga po pala may kasama naman po ako si Mark!" sabi ko atsaka itinuro ang batang nakilala, ngumiti naman siya. "Hindi niya po ako iniwan mama hangga't dumating kayo" proud kung kwento sa nanay ko.

"Talaga ba?" lumapit si mama sakanya "Maraming salamat Hijo" sabi ni mama. " Siya nga pala nasaan ang kasama mo?" tanong niya

"Uh! Kasama ko po ang yaya ko. Ayon po siya" sabay turo niya sa isang babae na siguro ay mas matanda lang ng unti kay mama. Kumaway naman ito ng makita si Mark. Ganon din ang ginawa ni Mark.

"O siya hijo, mauna na kami huh!" paalam niya kay Mark " Sigurado akong nag-aalala na din ang papa mo anak" pakalao'y baling niya saakin.

Nagpaalam ako kay Mark.At saka ay naglakad na kami ni Mama paalis sa lugar kung saan kami tumambay ni Mark.

"Sandali lang" dinig ko'ng sigaw ni Mark habang tumatakbo siya palapit saamin. Inalis niya ang suot ng bracelate. "Ito, saiyo na ito" sabi niya habang isinusuot saakin ang bracelate na gawa sa tela. "Isuot mo to, para hindi ka na matakot ulit. Sabi kasi saakin ni Tito pang taboy daw yan ng mga bad iyan daw ang gamit nila sa Japan. Po-protektahan ka daw niyan. Ibibigay ko na lang saiyo 'to. Ingatan mo huh " sabi niya at pagkatapos niyang maisuot iyon ay nginitian niya ulit ako. Isang ngiti na mararamdaman mo ang pagkasensiridad sa mga sinabi niya.

"Salamat.. sige alis na kami bye-bye" sabi ko at saka nagwave sakanya.

"Bye-bye"

Ito ang unang pagkikita namin...

HABK2: Lost FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon