Chapter 3

152 7 2
                                    

Chapter 3:

*****

Cristine Pov

"Bes, nakakaloka! Tingnan mo'to oh!" sabi ni France habang inilipat pa sa mukha ko yung magazine na hawak niya. Nasa isang coffee shop kami ngayon malapit sa apartment.

Napatingin ako doon sa magazine. Nung nakita ko kung ano ang andon parang nagsisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Si Mark at Aera, nakasulat doon sa page na iyon na ikakasal na sila at dahil nga yayamanin ang lolo ni Mark, kaya na feature iyon sa isang magazine.

Natahimik ako at nakatitig lang doon sa larawan nila, ang ganda ni Aera at napaka gwapo naman ng lalaking kasama niya. Muli namutawi na naman ang inggit na nararamdaman ko.

Kung sakali ba— na hindi nawala ang alaala niya ako ba ang kasama niya sa litrato na ito?

Marahil bang ako ang pakakasalan niya?

Ang sakit!

Nakakayamot,

Nakakainis!

Nakakabanas!

Nakakabwisit!

Nakakainggit!

Bakit ba kasi kailangan na ako pa ang dumanas ng ganito? Bakit sa bilyong-bilyong tao sa Pinas bakit ako? Bakit kailangan ako ang may ganito masaklap na buhay?! Tho, hindi naman super saklap, medyo oa ako sa part na iyon. Pero kasi diba?

Ang daming bakit.

Mga bakit na hindi ko masagot.

Bwesit!

Hayop— Hayop tong babaeng to e, Naku! Naku! Aera bakit kailangan mo pang umeksena huh! Ayon na e, buhay na si Mark e, sukat akalain mong umentrada ka pa! Paano na lang ang happily ever after ko di ba! Mala Fairytale na nga ang buhay ko sukat akalain mong #magicisreal na dati halos ayoko paniwalaan.

Akalain mo ba naman na sa dami ng lalaki sa mundo. Sa isang halimaw pa ako nainlove. Beauty and the Beast! Kitam! Lakas maka-fairytale. Tapos ngayon ito na naman nawala nga ang spell meron namang pa-epal! And that's Aera mahadera!

Teka, nawala nga ba ang spell?

Oo, siguro yun ang sabi sakin dati ni Erius at Luna. Kapag namatay si Crisanta mawawala ang sumpa. Matagal ng patay si Crisanta, matagal na siyang wala. Bwisit din kasi ang bruha na iyon. Sobrang nabaliw sa pag-ibig. Kaya ayon pati ako nadamay pa. Pfft---

"Bes easy, grabe to alam mo bes wag yang magazine ang pag-initan mo. Naku! kalerks, bayaran mo yan huh! di ako magbabayad niyan."

Tiningnan ko si France na nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo. At saka siya ngumuso sa hawak kong magazine.

Don ko lang napansin na nalukot ko na pala yung page ng article tungkol kina Aera at Mark.

"Bes masakit?!" sabi ni France bago siya humigop sa kapeng nasa harap niya.

Lokong bakla to!

Malamang masakit. Mahal ko kaya yung lalaking ikakasal kuno.

Diba--- e siya kaya nasa kalagayan ko.

"Uso move-on bes, tanggapin nalang natin."

"NO!" mariin kung sagot "Hindi ako papayag lalo pa't iba yung nararamdaman ko." Iba talaga ang nararamdaman ko sa babaeng yun, may kakaiba sa mga nangyayari.

Lalo pa't nakita ko si Luna... Limang araw na ang nakaraan. Kung siya man iyon, bakit siya nandito? Dahil din ba kay Mark?

"Yes! I admit I envy that woman. Pero hindi parin yon bes e, hindi ako mapakali, pakiramdam ko may kailangan akong malaman pero—" nakakunot ang noo ko, ano nga bang gusto kong malaman bukod sa kung ano ang nangyari kay Mark, kung papaanong hindi niya ako maaalala.

HABK2: Lost FantasyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ