Chapter 5.2

87 3 0
                                    

Chapter 5.2

Cristine ~

"Okay lang Cristine... Di 'ba"

France?

Nakatingin pa din ako sa kanya. I hate him for dragging me in this situation.

"I think wag na lang, naiintindihan kong kailangan mo din magpahinga. Besides madami kang ginagawang trabaho sa office." Si Mark ang nagsalita kaya't nakatingin ako sa kanya. Banayad siyang nakangiti.

"Uh-o-oo, pasensya na." sagot ko , kita ko ang pagkairita sa mukha ni Aera. I knew it she's doing it on purpose. Hayts!

"But Sky, I-" di natapos si Aera ng magsalita si Mark

"I'm tired, I wanna go home" tipid na sagot nito kay Aera. "I;m sorry let's do it next time"

Tinawag ni Mark ang waiter hiningi ang bill. Pagkalapit ng waiter ay inabot ni Mark ang isang card kasama ang bill.

"I'll pay for what we've ordered." Maotoridad na saad ni France.

"It's okay. Let me pay for it as a treat"

"Okay thank you then, so paano mauna na kami" walang alinlangan sagot ni France. Which is a good thing dahil ayoko naman ng magtagal pa dito.

Hindi ko na kakayanin at baka mahimatay na ako sa halo-halong emosyon.

"Let's go" aya ni France ng matapos na kaming kumain. Nagpaalam siya kina Mark at maging ako din.

Hawak ni France ang kamay ko at dire-diretsong kami naglakad palabas ng resto.

~*~

KASALUKUYAN kaming nakasakay ng taxi pauwi sa aming apartment. Nakapangalumbaba ako hanbang pinagmamsadan ang lahat ng aming madaan mula sa bintana bahagya pa din umuulan.

"Okay ka lang bessie?" tanong sa akin ni France na nakaupo sa tabi ko,

Tumango ako bilang tugon ng hindi tinitingnan.

Bumabalik pa din sa isipan ko ang mga pangyayri kanina. Yung mga ngiti ni Mark kay Aera. Nakakainggit.

"Sorry na kanina bessie" dinig ko ang sinabi ni France.

"Saan?" tanong ko sa kanya na hindi siya nililingon.

"Kung di kita pinilit lumabas hindi sana natin makikita sina Mark at Aera. Hindi ka sana nasasaktan ngayon" sabi nito na halos pabulong na.

Nilingon ko siya, nakatingin din siya sa akin. At sa hindi inaasahan ay bigla nalang pumatak ang mga luha ko na tila ba naghahabulan sa pagtulo. Niyakap ako niya ako at hinagod ang aking likod ko.

"Ang sakit bes" usal ko sa pagitan ng aking paghikbi.

"Alam ko bes... Ramdam kong nasasaktan ka. Sorry" sagot nito sa akin. Hindi na ako umimik pa at ganon din si France hinayaan niya nalang ako na umiyak habang yakap niya. Ang sakit-sakit ng pakiramdam ko na para bang pinipilit ng ilang bakal ang puso. Ang hirap huminga ang bigat sa dibdib. Ang sakit-sobrang sakit.

***

Mark~~

Pagkarating namin ng parking lot ng condo ay agad agad kong ipinark yung kotse saka ako bumaba.

"Sky!" dinig kong sigaw ni Aera.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Ano bang problema mo. You're acting weird?" tanong nito.

Humugot ako ng hangin at saka ito pinakawalan sa ere. Kanina pa ako nagtitimpi at ayoko magalit sa kanya. Ayokong mag-away kami.

Hindi ko siya sinagot at naglakad nalang ako papunta sa elevator.

HABK2: Lost FantasyWhere stories live. Discover now