Prologue.

458 17 1
                                    

This is a work of fiction. Character names, places, and events are just a product of the author's mind or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person living or dead is just purely coincidental.

Mahalagang Basahin:

Ang kwentong ito ay katha ng imahinasyon ko (kasi nga ilusyunada ako kaya madaming ilusyon ang pumapasok sa utak ko, charr) ano ang pagkakapareho sa ibang storya (w/c is wala pa akong nabasa) ay hindi ko po sinasadya.

Wag mong basahin kapag hindi mo pa nababasa ang BOOK 1 nito na ang titulo ay HALIMAW ANG BOYFRIEND KO. Para hindi ka maguluhan. Salamat

....

Lost Fantasy: Halimaw Ang Boyfriend Ko book 2.

Genre: Fantasy-Romance.

By: Maja Bulatao

~*~

Prologue.

Akala ko nakita ko na siya.

Akala ko nagbalik na siya.

Akala ko siya na nga.

Ngunit lahat ng iyon ay akala.

Dahil siya mismo ay di ako kilala

Siya mismo ay hindi ako maalala.

Bakit?

Paano?

Anong nangyari sa kanya.

Sa taong mahal ko. Si Mark.

*******

"Hoy bakla bumangon ka na diyan! Anong balak mo sa buhay!" iminulat ko ang mata ko at sumalubong saakin ang isang lalaking may katamtamang tangkad, saksakan ng puti halatang nag papaturok ng gluta at may buhok na naghuhumiyaw ng 'kulay pink ako' habang nakahalukipkip na nakatayo sa paanan ng kama ko.

"Ano pa edi matutulog! Tanga ka ba."

Kainis ang sarap pa naman ng tulog ko e. At wala akong balak tumayo dito. Simula noong huli ko siyang nakita parang ayoko na. Ayoko ng magising uli sa bawat umaga. Bakit ba kasi nagpakita pa siya. Kung di naman niya ako maalala. Siguro mas madaling tanggapin kung patay na lang siya. Pero hindi mas masakit, mas mahirap. Kasi andiyan siya pero hindi niya ako maalala. Kung pwede nga matulog na lang ng forever e.

"Hay naku bes! Baka nakakalimutan mo na hindi libre ang bahay dito, mahal din ang kuryente at tubig tapos kumakain ka for free at ipapaalala ko uli saiyo na dalawang buwan ka na dito. Hindi ka ba naawa sa akin? Bes tingnan mo naman oh! Kahit pa gaano kakapal na concealer ang ilalagay ko sa eyebag ko wala! Walang epek bes! Ayan oh!" sabay turo niya sa eyebag niya" ...naghuhumiyaw kaya please bes, please lang hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi bes kalimutan mo na ang lalaking iyon kung hindi ka niya maalala edi keber! Kung sakaling si Mark nga iyon o kamukha niya lang. Kawalan niya iyon no! Saka uso mag-move on try mo din minsan. Naka-move on na ang buong universe ikaw na lang ang hindi."

Psh! Kainis talaga itong lalaking ito. I mean bakla. Dinaig pa si mama makapanermon. Oo nga dalawang buwan na kami dito sa Maynila para sana gawin ang dalawang salita na may anim na letra. MOVE ON! Pero bakit hanggang ngayon patuloy pa din akong bumabalik sa nakaraan. Sa nakaraan na hindi ko makalimutan.

"Bes siya yon. Sigurado ako si Mark yung nakita ko, naramdaman ko yon nung niyakap ko siya. Pero bakit hindi na niya ako maalala."

"Okey! E kung siya nga yon. E ikaw na din ang nagsabi bakit hindi ka niya makilala at ang mas worst pa. May Girlfriend na siya and to think na malapit na silang ikasal diba fiance na niya iying si Era! Yun yung sabi mo nung huli mo siyang nakita 5 months ago."

HABK2: Lost FantasyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz