FIRST DRAFT (RAW & UNEDITED)

41 3 0
                                    

CHAPTER ONE: Instant Bodyguard

“Good morning, Miss,” tinanguan ko lang ang isa sa mga maids namin nang batiin niya ako. Kaagad akong huminto sa harapan niya. “Where's Dad?” tanong ko dito sabay taas ng kilay.

“He's in the Veranda, Miss. Actually, he's waiting for you,” sagot naman ng nung maid na nakatayo sa kanang direksiyon ko.

“Okay,” mabilis kong sagot dito saka naglakad na ako papuntang Veranda.

There, I saw my father eating his breakfast.

Naglakad ako palapit sa kaniya, napansin niya naman na paparating ako kaya huminto siya sa kaniyang pagkain.

“Darling.” Pag tawag ni Daddy sa'kin kasama ang isang matamis na ngiti sa labi niya.

Napangiti ako doon.

“Morning, Dad.” I kissed his cheeks immediately.

“Upo ka.” Tinuro niya ang isang upuan sa tabi niya kaya naglakad ako palapit doon saka umupo. Kaagad naman akong napatingin sa mga pagkain na naka-lagay sa mesa.

It's my usual breakfast. Bread, sunny side up eggs, hotdogs, hams and bacons.

“So how's your school? I heard you're in top five?” Napangiti ako doon. “Okay lang naman po ang school, nakatayo pa naman,” pabiro kong sagot dito dahilan para matawa siya.

“What I mean is that hindi ka ba nahihirapan?” He cleared.

“Hindi naman, Dad. Ayos lang naman, I have friends there at yes nasa top five po ako,” masaya kong pagkasabi habang kumukuha ng kanin.

“Mabuti naman at kung gano'n, kailangan mo talagang galingan ang pag-aaral kasi ikaw ang papalit sa'kin, ikaw ang magpapatakbo ng kompanya natin.”

Lumihis ang mga mata ko doon. Napatitig ako ng masama kay Daddy.

“Dad naman,” angal ko dito. Uminom si Dad ng orange juice saka muli akong tinignan.

“Bakit?”

“I just don't like talking about business,” matamlay kong sagot rito.

“Pero, kaw ang papalit saki-”

“Matagal pa po 'yon, Dad,” sagot ko dito.  “Ang bata mo pa para mag resign,” dagdag ko pa habang kumakain ng hotdog.

“We don't know what tomorrow brings, baka mawawala ako.”

Natigilan ako sa pag nguya ng pagkain saka mas sumama ang tingin ko kay Daddy.

“Dad naman, don't say that.” Inis ko siyang tinignan.

“It's better to be ready, Severina.” Napabuntong hininga nalang ako doon.

Tinawag niya ako sa full name ko kaya that means, he's serious.

Hindi na ako sumagot doon. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Alam naman ni Daddy na ayaw ko sa business but he keeps on insisting me to do it.

I'm his only daughter at kung mawala siya for sure sa akin ipapamana ang company, na ayaw ko naman sanang i-handle.

I told him na si Tito nalang kaya? Pero hindi sumasagot si Daddy. Siguro dahil hindi pa sila masyadong bati ng kapatid niya.

Si Tito Franco ay kaisa-isang kapatid ni Dad.

Medyo nag-away sila nang hati-hatiin ng Lolo nila ang mana. Si Dad kasi ang pina-asikaso ng Lolo sa company kasi magaling daw si Dad sa pag papatakbo ng company while si Tito ay ipinamana sa kaniya ang hacienda doon sa Bukidnon.

May anak din si Tito Franco, babae rin. Si Diana, magkasing-edad lang kami pero kahit mag pinsan ay di kami masyadong malapit sa isa't-isa. Medyo maldita kasi ang babaeng 'yon, kala mo naman talaga.

Napaka-sungit saka naiirita ka talaga kapag kasama siya dahil walang ibang gustong pag-usapan kundi ang mga dresses at mga alahas niya na doon sa ibang bansa binili.

~

“Guys let's go shopping!” Masigla kong pagkasabi habang papalabas ng powder room. Sinalubong agad ako ng mga kaibigan kong sina Mayumi at Alexis.

“Don't tell me hindi tayo papasok sa next class?” inosenteng tanong ni Alexis.

“Gosh, Alexis?” naiiritang wika ni Mayumi.

“Naku sis, alam niyo naman na medyo bumaba ang grades ko last semester,” malungkot na sabi ni Alexis sa amin.

Nagsimula na kaming maglakad sa hallway ng school.

It's free time kaya halos lahat ng estudyante ay papunta doon sa canteen ng school.

“And sis, I forgot my money. Is it okay to use cards?” napairap ako.

“Ano ba 'yan, ang dami mo namang reklamo,” asik ni Mayumi kay Alexis.

“Sorry naman kasi, actually hindi ko rin sana 'to gagamitin eh,” dagdag pa ni Alexis. Bumuntong hininga ako saka tinignan ang dalawa kong kaibigan.

“Don't worry, ako na bahala sa gastos. All you need to do is sumama sa'kin, kaya lets go?”

Tumango silang dalawa kaya napangisi ako. These two are also daughters of business tycoons here in Philippines pero kung maka-asta parang mga walang pera at ignorante.  Parang hindi mayaman sa kilos. Lalo na 'tong si Alexis parang ignorante sa lahat ng bagay.

So ayun, hindi kami pumasok sa sumunod namin na klase. Ginamit namin ang kotse ni Mayumi, kami kasi ni Alexis ay sinusundo at kung ipapatawag namin ang mga drivers namin ngayon for sure patay kami ng parents namin pag nalaman nilang nag-ka-cut lang pala kami ng klase.

Taas noo akong naglakad sa loob ng mall habang sa likuran ko naman nakasunod ang mga kaibigan ko slash alalay.

Yes, sa aming tatlo ako ang boss and they're my slaves.

Napahinto ako saka napatingin ako sa salamin sa harapan. Kaagad akong nag pose.

“Are you girls, hungry?” Hinarap ko sila sa likuran. Natawa naman ako nang makita ko silang nahihirapan sa pagdala ng mga shopping bags.

“Oo, kanina pa ako gutom. Halika na, Sevs. Let's eat,” aya sa'kin ni Alexis.

Tumango ako saka tinungo namin ang pinaka-malapit na fast food restaurant.

Gaya nang sinabi ko sa kanila kanina, ako ang nag bayad ng kanilang mga binili at ako pa nag bayad sa bills ng pagkain.

“Alam mo Sevs, mabuti ka pa nga kasi kahit tumatakas ka ay hindi bumababa 'yang grades mo,” sabi ni Alexis habang papalabas kami ng mall. Ngumiti ako.

“Alex, utak lang ang kailangan niyan,” sagot ko sa kaniya without looking at her.

“'Yan nga ang problem eh, wala akong utak.” Nagtawanan naman kaming dalawa ni Mayumi nang marinig namin iyon.

“Alam namin sis, kaya nga ikaw ang tatanga-tanga sa grupo,” sagot naman ni Mayumi habang papapunta kami doon sa parking lot.

Tinignan ko ang kulay grey na Sedan ni Mayumi. It's a brand of car. Hindi siya ganoon kamahal pero maganda.

Naglakad si Alexis papunta doon sa likuran ng kotse para ilagay ang mga shopping bags na kung saan nakalagay mga binili namin kanina. Hindi muna ako pumasok sa loob ng kotse, hinintay ko muna silang dalawa na matapos sa pag lalagay nung mga gamit.

“Are you Severina?” Kaagad akong napatingin doon sa harapan ko kung saan naka-tayo ang isang lalaki. Nagulat ako doon kasi bigla nalang sumulpot ang taong 'yon.

He's wearing a fit black dinner suit that really suits him. Actually ang hot niyang tignan.

Nag react ang katawan ko nang sundutin ako ni Mayumi sa tagiliran.

“Sevs, tinatanong ka.”

Muli akong napatangin ulit doon sa lalaki. “A-ah e-eh. Yes, I'm Severina.”

Napatango ang lalaki saka naglakad siya palapit sa akin. Umatras ako ng kaonti doon pero nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko saka tinignan siya ng masama.

“W-what are you d-doing?” Pilit akong kumawala sa pagkahawak niya sa braso ko pero mas malakas siya sa akin kaya wala akong nagawa nang hilahin niya na ako.

“Sevs? Hoy! Bitawawan mo ang kaibigan ko!” Mabilis na lumapit si Mayumi dito pero kaagad siyang itinulak nung lalaki dahilan para matumba si Mayumi, ang kaibigan ko.

“Yums!” tawag ko sa pangalan ni Mayumi habang hinihila ako ng lalaki papunta doon sa isang kulay grey na sports utility vehicle na naka-park lang sa tabi ng kotse ni Mayumi.

Binuksan nito ang pinto saka marahas niya akong ipinasok doon. Kaagad na pumasok din ang lalaki sa loob ng kotse, umupo siya sa driver's seat. Matapos mapa-andar ang kotse ay dahan-dahan na na kaming lumayo sa parking area kung saan naiwan ang mga kasamahan ko.

“Hoy! Kidnapper ka a? Magkano ba gusto mo? Pakawalan mo lang ako rito!” Natataranta kong sigaw dito habang binubuksan ko ang bintana ng kotse niya para silipin sina Mayumi doon sa likuran.

Hindi sumagot ang lalaki sa harapan at nagpatuloy lamang ito sa pag mamaneho.

“Hoy! Kung sino ka man palabasin mo'ko rito!” galit kong sigaw sa kaniya.

Hindi parin ito sumagot at pinagpatuloy lamang ang pagmaneho niya nagulat nalang ako nang mapansin kong pamilyar ang lugar na aming dinadaan.

“Ito ang daan pauwi,” bulong ko sa sarili ko. Ano ba ang trip ng lalaking 'to?

Huminto ang kotse sa harapan ng mansion kaya dali-dali akong lumabas doon saka tumakbo papunta doon sa loob.

“Severina!” Kaagad akong sinalubong ni Daddy sa living room kaya kaagad ko siyang niyakap.

“What happened? Anong nangyari sa'yo? Why are you so shock?”

Mabilis akong nagtago doon sa likuran ni Daddy nang makita kong naglakad papasok 'yung lalaki na kumuha sa akin kanina.

“That guy! He tried to kidnap me!” sigaw ko habang tinuturo 'yung lalaki. Natawa naman si Daddy doon.

“No, honey. He will not kidnap you,” natatawang sabi ni Daddy habang hinaharap ako.

“Then, what is he doing here?” I exclaimed.

“He is Gunner.” Napatingin ako doon sa lalaki sa harapan. Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin. Walang emosyon sa mukha niya gaya kanina habang nag mamaneho.

“He is your bodyguard,” nanlaki naman ang mga mata ko.

“What?” gulat kong tanong kay Daddy.

“Bodyguard pero kung maka-asta kanina parang goon?” naiinis kong pagkasabi.

“I'm sorry, Miss. I'm just doing my job.”

“Doing your job? What the hell!” sigaw ko rito. “Severina, stop that!” natigilan ako nang sawayin ako ni Daddy.

“For now on, Gunner will be your bodyguard,” sabi ni Dad. Kagaad akong umiling-iling.

“No, malaki na ako ba't ko pa ba kailangan niyan?” tanong ko kay Daddy sabay tingin muli sa lalaki.

“Dad, I know you're concerned to me. Thanks for that, but no thanks I don't need a chaperone.”

Tinignan ako ni Daddy. Inilahad niya ang mga kamay niya sa magka-bilang side ng balikat ko saka ako tinignan sa mga mata. “Ginagawa ko ito kasi, ikaw ang kaisa-isa kong anak and I don't want you to get into trouble. Aalis ako next day, pupunta ako ng States in San Francisco, ilang araw din akong mawawala at para mapalagay ang loob ko, kailangan ko ng taong mag babantay sa'yo. Don't worry, mapapag katiwalaan mo naman 'yang si Gunner. Siya ang pinakamagaling sa kanilang district,” explained Dad.

Naiintindihan ko naman si Dad pero I just don't like having guards pakiramdam ko kasi lahat ng kilos ko at lakad ko dapat nasa likuran ko ang taong 'to.

Ayoko lang kasi na may bumubuntot sa akin.

“Don't worry, aalis agad si Gunner pag naka-uwi na ako.”

Mapait akong ngumiti saka tinignan si Daddy sa mga mata. “Sige po,” mahina kong sabi dito. Muli akong napatingin doon sa lalaki na Gunner ang pangalan.

Dahan-dahan ko namang hinaplos ang braso ko kung saan nararamdaman ko parin 'yung kirot.

Ang sakit kasi nang pagkahila niya sa akin kanina.

CHAPTER TWO: Plan

“Really?”

Pasimple akong tumango saka napabuntong hininga nalang.

“You mean, 'yung guy? Na hindi lang basta guy, kundi instant bodyguard mo?”

“Oo nga, Alexis,” inis kong sagot dito dahil nakaka-irita 'yung boses niya.

“Masyado ka naman atang bini-baby ng Daddy mo,” sabi naman ni Mayumi habang kumakain. Naririnig ko ang bawat pag nguya niya sa kabilang linya.

Tanging boses ko lamang ang maririnig sa kwarto ngayon. Naka-higa ako sa malambot kung kama habang naka-dikit ang cellphone sa tainga ko.

Every night nag go-group call kaming tatlo. Nagsasabihan ng kung ano ang mga nangyari sa boung araw namin.

“So, ibig sabihin nito hindi mo na magagawa 'yung gusto mo?” Kaagad akong napangiwi roon. “No, Mayumi. Gagawin ko parin ang gusto ko,” matigas kong pag sagot rito. Nag-iba ako ng posisyon kasi medyo sumakit ang leeg ko.

“Pero, Sevs. Di'ba, makakasama na natin 'yan araw-araw? Even sa malls.” Narinig kong sabi ni Alexis.

“Kaya nga eh,” naiinis kong sagot dito.

“Nakakinis siya promise, tas hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin ng braso ko dahil sa pagkahila niya sa akin kanina,” pag ku-kuwento ko.

“Wow a? Ako nga rin e, ang sakit ng likuran ko sa pagtulak ng taong 'yon. Naku pag nakita ko talaga ang taong 'yon makakatikim siya sa akin,"” naiinis na sabi ni Mayumi sa kabilang linya.

“Panong inis, Yums?” Teased Alexis dahilan para matawa ako.

“By the way, Sevs. Anong name? Ang hot niya kasi kaya try ko siyang i-search sa Facebook para naman ma-add ko hihi.” Napairap ako doon.

“Ang landi mo talaga, Alexis. Alam mo 'yon?” asik ni Mayumi kay Alexis.

“Yms naman, ang sarap kaya ng taong 'yon.”

“Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo? Nakakasuka,” pamutol ko sa kanila. “Basta, ayokong maging bodyguard ang taong 'yon. End of the story.”

"Pero Sevs, akala ko ba umu-o kana sa Dad mo?" tanong ni Mayumi.

“Kaya nga e, labag 'yon sa kalooban ko no.”

“That's easy, Sevs.” Sa tono ng pananalita ni Alexis parang may alam siyang sulosyon sa problema kong 'to.

“Bakit, may naiisip ka?” may pagka curious kong tanong.

“Ako pa? Kung ayaw mo sa taong 'yon, then get rid of him.”

Kumunot ang noo ko. “aano? E, parang ang tigas ng taong 'yon e. Hindi nga nagsasalita.”

“That's easy,” sabi ulit ni Alexis.

“Alex, binibitin mo naman ako. Tell me what's on your mind!”

“Alam ko namang stubborn ka. Ang gawin mo, humanap ka ng paraan para umalis ang taong 'yan sa mansion niyo. Make some foolish stuffs, like pranks. Mga ganun?”

Napangisi ako doon. That gives me an idea. “Hindi ka naman talaga ganoon ka bobo, Alex. Thanks for that. Sige girls. Good night!”

Dali-dali kong tinapos ang tawag saka kagaad akong napabangon. Alexis is right, I need to get rid of that guy.

Maaga akong nagising kinabukasan. Matapos lumabas ng kwarto ay tinungo ko ang dining area para kumain.

Nakakalungkot lang at sinabi ng mga maids na maaga palang ay umalis na ang Daddy kaya mag-isa tuloy akong kumain.

Mabilis lang ako natapos, hindi ko naman kasi inuubos ang pagkain ko. Isang hotdog lang, juice saka bacon ayos na.

Naglakad ako papuntang living room ng bahay saka inabot agad sa akin ng isa sa mga maids ang mga gamit ko para sa eskwela.

“Tell Mang Louie, na aalis na ako,” pag utos ko sa isang maid na naka-tayo sa tapat ko. Tumango ang ito saka naunang lumabas ng mansion para puntahan si Mang Louie, ang personal driver ko.

Lumabas na din ako matapos makapag-ayos-ayos.

Mabilisan naman napahinto ang mga paa ko sa paglalakad nang makita ko 'yung nakaka-inis na bodyguard na harang sa tapat ko. Nakatayo siya sa harapan habang doon sa likuran niya naka-park ang kaniyang kotse.

“Sabi ng Dad mo, simula ngayon ako ang mag hahatid sa'yo,” sabi nito. Kumurba naman ang ngiti sa labi ko, 'yon 'yung ngiti pag nakita ko ang mga kalaban ko doon sa school.

“No way!” Madiin kong pagkasabi dito.

“Pasok na.” Napairap ako nang buksan niya ang pinto ng sports utility vehicle niya.

“Sabi ko ayoko, are you deaf?” mataray kong tugon dito. Nakita ko naman si Mang Louie na pinaandar na ang kotse kaya dali-dali akong lumapit doon.

“I said, pasok na!” Napatigilan ako nang marinig ko ang ma-awtoridad nitong pagkasabi.

Muli ko siyang hinarap. As if na matatakot niya ako. As if na sasakay ako sa kotse niya.

“Duh?” Inirapan ko siya saka naglakad ako muli palapit doon sa garahe pero nanlaki nalang ang mga mata ko nang may biglang bumuhat sa akin. Wtf?

“Get off me!” sigaw ko rito habang pilit na maka-alis sa pagka-buhat niya.

Hindi ito sumagot bagkus ay idinala niya ako palapit doon sa kotse niya.

“I said bitawan mo'ko!” Sigaw ko rito kasabay noon ang paglagay niya sa akin sa back seat ng kotse.

Galit ko siyang tinignan noon. “Fvck you!” mura ko dito. Pero parang wala itong narinig bagkus ay isinara niya ang pinto.

Nakita ko siyang naglakad papunta doon sa harapan, binuksan niya ang pinto at agad nang umupo sa driver's seat.

Nagkabit-balikat naman ako. “Look what you've done! Magulo na ang buhok at damit ko!” pag reklamo ko dito.

Tinignan ko ang sarili ko. Ang gulo-gulo na ng damit ko. Para akong ginahasa dahil sumabay na rin sa paggulo ang aking buhok.

Tinignan ko ng masama si Gunner na ngayon ay nag mamaneho.

Napatingin ako doon sa rear view mirror at doon ko nakita ang kaniyang mga mata na nakatuon doon sa harapan. His eyes, they're beautiful.

Ngayon ko lang napansin na magka-iba ang kulay ng mga mata niya. Kulay asul ang sa kaliwa habang brown naman ang kulay ng sa kanan. Heterochromia ata tawag sa disease na 'yon.

Hetechromia ay isang disease na kung saan magka-iba ang kulay ng mga mata ng isang tao. Based on study only three out of every five hundred people have it, so it's not that common.

Hindi ko napansin na nasa parking lot na pala kami ng school.

Inis akong bumaba ng kotse. “Thanks a?” sarkastiko kong sabi rito habang inaayos ang damit ko. Maraming napapatingin na mga estudyante sa amin dito sa parking lot.

Hindi ito sumagot at pinatakbo na ang kotse niya dahilan para mas mainis pa talaga ako. Nakakainis talaga siya!

~

“Hndi ko inakala na ang spoiled na si Severina Louis ay makakahanap din ng katapat.”

“Shut up!” asik ko kay Mayumi. “Sevs, calm down,” natatawa nitong saway sa akin. Napairap naman ako.

“Kailangan kong gumawa ng paraan para mawala sa landas ko ang taong 'yon,” inis kong sabi sabay kuha ng french fries doon sa table.

“E ano naiisip mo abir?” tanong ni Alexis na busy sa pagpapaganda ng mukha.

“Gagawa ako ng pranks para umalis siya,” sagot ko rito. Kaagad akong napatingin sa mukha ni Alexis.

“Alex, kahit anong gawin mo. Hindi kana ga-ganda,” seryoso kong sabi.




CHAPTER THREE: Tricks

“Dad, uwi ka agad a?”

Mas humigpit ang pagyakap ko kay Daddy. He patted me in consolingly in my head. “Don't worry, Darling. Uuwi agad ako, pag ma close ko lang ang deal na 'to I'll immediately come back.”

Kahit ganun ay nawala ang lungkot na nararamdaman ko. Ngumiti ako saka kumalas sa pagkayakap kay Daddy.

“Basta Dad, make sure makaka-uwi ka on-time a?”

Tumango si Dad bago kinuha ang briefcase niya na puno ng mga documents.

“I will, Darling.” Nilingon ni Daddy si Gunner na nakatayo sa likuran ko. Kahit saan ako magpunta ay naroroon siya kaya nakaka-inis.

“Ikaw na ang bahala sa anak ko,” mahinang sabi ni Daddy. Napatango naman 'yung Gunner. Muli akong tinignan ni Daddy sa huling pagkakataon kaya napilitan akong ngumiti.

“Sige.” Doon, lumabas na ang Daddy saka naiwan kaming dalawa ni Gunner sa living room ng mansion.

Hinarap ko siya saka dali-dali ko siyang inirapan. Ang nakaka-inis lang ngayon ay sabado. Walang pasok kaya for sure mabubulok lang ako dito sa bahay.

Gaya no'ng first met namin ng taong 'to he's wearing a dining suit, kulay black 'yon na talaga namang bumagay sa kaniya. Ang tangkad niya rin kaya medyo inaangat ko ang ulo ko pag kinakausap ko siya.

“Go to your room,” ma awtoridad nitong sabi. “Why would I?” mataray kong pagkasabi. “I am your boss, gagawin ko ang gusto kong gawin, kuha mo?” tanong ko rito saka nilampasan siya.

Naglakad ako papunta doon sa sofa para kunin ang handbag ko. ”Where do you think you're going?” malamig nitong tanong sa likuran ko.

“Shopping,” sabi ko dito sabay ngisi.

“No.”

Kumunot ang noo ko. “Pardon?”

“I said no, you're not allowed to go shopping. Understand?” tanong nito sa akin. Napataas naman ako ng kilay doon.

“Wow a? Don't be so bossy!” inis kong sabi dito.

“I'm not.” Tinalikuran ako ni Gunner saka naglakad palayo. Bigla naman akong napasimangot doon. Aba ang kapal nito, tinalikuran ako?

Dahil sa inis ay hinabol ko siya saka dali-dali kong pinalo ang likuran niya ng handbag ko. Natigilan siya sa paglakad doon saka nilingon ako.

“Ang kapal mo a? Ikaw pa ang may ganang manalikod!” Pasigaw kong sabi dito.

Tinignan ako ni Gunner ng walang ka emo-emosyon sa mukha. Even his heterochromatic eyes. Parang nakatingin lamang ito sa walang kwentang bagay.

Parang bored na bored ang mga mata nito.

“Kung ayaw mo o sa hindi I'll go shopping!”

So I won. Nanalo ako sa sarili kong laro. Walang ibang nagawa ang taong ito kundi ang samahan ako sa mall. Sayang nga lang din at hindi makakasama ang mga friends ko. Actually no-crash that. Hindi nila alam na papunta ako ng mall. Papahirapan ko ang taong ito, pag sina Alex at Yums ang kasama ko ay sila ang pinapadala ko sa mga gamit now, it's his turn.

Marami akong biniling mga gamit, damit, sapatos, alahas at ano-ano pa. Hindi naman siguro mauubos sa isang linggo ang one million allowance ko hindi ba?

Habang naglalakad kami ay 'di ko mapigilang matawa dahil kita ko na nahihirapan siya sa pagdala ng mga bags.

“Ano kaya pa?” I teased while laughing at him. Tinignan niya lang ako ng masama, hindi siya sumagot bagkus ay binilisan niya ang paglalakad para mahabol niya ako.

Napahinto ako sa harapan ng bookstore. Naka-isip ako ng magandang paraan para makatakas sa kaniya. Wawalain ko siya sa loob. So ayun, niyaya ko siyang pumasok doon sa store, kunwari may hinahanap ako na libro at ano pa.

“Just stay close to me, ayokong mawala ka.”

Natawa ako sa mga sinabi niya habang nasa romance section kami. Habang nakatingin sa mga stall ay naglakbay ang mga mata ko papunta sa kaniya.

“Stay close to you?” natatawa kong tanong. “Ano ka hilo?” dagdag ko rito habang pilit pigilan ang tawa ko.

Hmm, paano ko kaya siya mailigaw dito?

Parang biglang mag lumitaw na bombilya sa ulo ko saka tinignan siya. Napangisi naman ako doon. “Uhm, Gunner?” tanong ko dito. Busy siya sa pag tingin-tingin ng mga libro.

“Hanapin mo nga 'yung libro na fifty shades, hindi ko mahanap eh.” Utos  ko dito na todo ang pag pout ng lips ko.

“Fifty shades?”

“Oo, basta parang nandoon ata 'yon e.”Tinuro ko 'yung dulo ng stall.

“Tinatamad akong maglakad. I'll just wait you here,” sabi ko sa kaniya habang todo ang ngiti. Nag papa-cute pa ako sa kaniya. Tignan natin kung hindi siya madadala sa charm ko!

Nagsimula siyang maglakad papunta doon sa dulo. Todo na ang ngisi ko nun pero muli siyang tumigil at humarap sa akin.

“Who's the author?” tanong nito sa akin.

“A–author?”

Teka sino nga ba ang author? 'Yan kasi puro Christian Grey lang iniisip ko argh!

“Basta 'yung cover niya ay parang mask na sinusuot sa mascarade ball.” Tumango ito saka nagpatuloy na sa paglakad.

Dali-dali naman akong umalis doon sa romance section at lumabas na ako ng bookstore. Tumakbo ako nang tumakbo, para lamang maka layo sa taong 'yon.

There I found myself walking in the underground parking lot ng mall. Madalang ka lang makakita ng mga tao dito kaya napaka tahimik.

Palinga-linga ako habang naglalakad. Actually hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.

Napahinto ako sa paglakad nang may humarang sa akin na isang lalaki. Mukha siyang rapist promise. Ampanget ng mukha!

Todong ngisi pa si Gago.

“Hi miss.” Nakangisi nitong sabi sa akin.

Napaatras naman ako nang lumapit siya sa'kin ng dahan-dahan.

“Sino ka?” sabi ko dito habang patuloy paring umaatras.

Napahinto naman ako nang makaramdam ako nang may nasandalan ako sa likuran. Sa paglingon ko doon ay napasigaw ako nang makita ko kung ano o sino 'yung nasandalan ko.

“Holdap 'to.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may hawak pala ito na patalim.

Napalunok ako ng laway doon. Gosh! Sana 'di nalang ako umalis doon sa store!

Napasigaw naman ako nang hablutin nung panget ang hawak kong handbag. Nakipag-hilahan pa ako doon, ayokong ibigay 'yon kasi nandoon ang cellphone ko.

Nagpupumilit 'yong lalaki kaya nainis ako. “Sige sayo na 'yan lamunin mo!” sigaw ko rito sabay isinampal sa kaniya ang handbag ko.

“Aba loko 'to a!”

Napasigaw naman ako ulit nang akma akong saksakin nung isa ng kutsilyo pero mas nagulat ako nang bigla itong natumba sa harapan ko nang may sumuntok sa kaniya galing doon sa likuran niya.

Napatingin ako doon. Nakita ko si Gunner. Pawis na pawis ito at hingal na hingal. “Let her go!” Madiin nitong pagkasabi. Hindi ko rin napansin na hawak-hawak na pala ako nung panget na sinampal ko kanina ng handbag.

“Sige! Lumapit ka rito at papatayin ko 'tong babaeng 'to!” Pagbabanta nung panget. “Wag kang lumapit dito! Narinig mo 'yon?” Sigaw ko naman kay Gunner nang akmang maglakad ito palapit sa amin.

Napangiwi naman ako nang maamoy ko ang baho ng hininga nitong panget. Dahil sa inis ay kinagat ko ang kamay niyang naka-crossed malapit sa leeg ko. Nabitawan niya ako nang masaktan siya.

Dali-dali akong tumakbo papunta doon kay Gunner.

Sa paglingon ko ay doon ko nakita kung paano siya mabilisang nakalapit doon sa lalaki saka nakipag-suntokan.

Ngayon lang ako naka-witness ng live na action scene sa harapan. At kakaiba ang pakiramdam nun.

Mabilis niya itong napatumba. Parang wala lang kay Gunner iyon, ni hindi nagulo ang kaniyang suot na suit.

“Sa susunod pag sinabi kong 'dito ka lang sa tabi ko' dito ka lang sa tabi ko. Understand?” May pagka possessive nitong sabi sa akin. Napatingin naman ako sa kaniyang mga mata. Iba ang ekspresyon nun.

“Sory, e kasi nama—”

Hindi ako natapos sa pagsasalita nang maglakad na siya palayo sa akin.

“Iiwan mo talaga ako dito?” tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan 'yungg dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig.

“Tara na.” Bumalik ang malamig niyang boses.

Tumango ako saka pinulot ko 'yung handbag na nahulog sa sahig kanina.

“Sait lang,” sabi ko. I immediately kicked their balls.

“Now, I'm fine.”

Doon, hinabol ko si Gunner.





CHAPTER FOUR: Eyes

Tahimik lamang ako habang nasa byahe. Naka-upo ako sa passenger's seat ng kotse. Nasa malayo ang tingin ko habang tumatakbo ang kotse.

Minsan ay napapa-sulyap ako kay Gunner. Gusto kong mag pasalamat sa kaniya kaso nahihiya ako.

“Uhm, G-gunner?”

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho. Napangiwi tuloy ako dahil doon.

“M-may sasabihin lang sana ako s-sayo,” wika ko.

Nagulat ako nang may kinuha siya doon sa backseat. Ilang sandali ay ibinigay niya sa akin ang isang supot.

“Ano 'to?” tanong ko sa kaniya. Dali-dali kong tinignan kung ano ang nasa loob nito.

Doon ko nakita ang libro, ang fifty shades trilogy na pinapahanap ko sa kaniya kanina.

“Binayaran ko na 'yan, don't worry.”

Ibinalik ko naman sa loob 'yung tatlong libro.

“Gusto lang sanang sabihin na, salamat,” singhal ko rito. Napasulyap siya sa akin doon dahilan para mag-init ang mukha ko.

“Ginawa ko lang ang trabaho ko.”

Simula nung araw na iyon, parang naging mas close kami ni Gunner. Ako na mismo ang lumalapit sa kaniya para naman makabawi sa mga pag-iinsulto ko sa kaniya sa mga nakaraang araw.

“You mean, close na kayo, Sevs?”

Tumango ako. “Parang ganun na nga, sa'ka, mabait naman siya. Kaso parang man of few words,” pagkukuwento ko habang kumakain kami ng ice cream sa isang ice cream parlor. Nandoon lang sa labas si Gunner, naghihintay sa amin.

“Ah, hindi siya pala-salita?” tanong ni Mayumi. “Oo,” sagot ko naman.

Even he's little bit eccentric yet I can still sense how nice he is.

"Naku, Sevs. Baka magaya ka sa mga nababasa kong kwento na ang amo nagkagusto sa bodyguard nila." Bigla naman akong napatingin ng masama kay Alexis.

“Duh? Hindi ako magkakagusto do'n, ayoko sa weirdo,” pag react ko.

“Masyado ka naman atang defensive, Sevs.” Natatawang sabi ni Alexis. Napairap ako doon. Pag ako ang bumara sa babaeng 'to naku tignan natin pag 'di 'to masaktan.

“Awiee, lumalandi na Sevs na'tin,” sabi pa ulit nito sabay sundot-sundot sa tagiliran ko.

“Tama na nga, Alex!” away ko rito.

~

Lumipas ang ilang araw at naka-uwi na rin ang Daddy. Masaya siya nang maka-uwi dahil sa na close daw nila ang deal sa isa sa isa sa mga investments nila. Dahil din doon, nagpa-celebrate si Dad para sa success ng aming company.

About nga din pala sa nangyari noong naka-raang araw ay nagpasalamat si Dad kay Gunner dahil iniligtas niya raw ang 'kaisa-isa' niyang anak.

“I'm just doing my job, Sir.”

'Yon lang ang sagot ni Gunner kay Daddy kahit sa'kin din pag nagpapasalamat ako sa kaniya.

“Cuz!” Napangiwi naman ako nang makita kong papalapit si Diana sa akin. Bongga ang dress na suot niya, para siyang mag de-debut e, tungkol lang naman ito sa celebration ng company.

Over ka, teh!

Napaka-laki at masyadong sosyal ang dress na suot niya while me? I'm just wearing an Empire line dress, it's a high waist dress that has fitting bodice till just under the bust and then a flowy silhouette.

Nakipag biso-biso si Diana sa'kin.

Labag sa kalooban kong gawin 'yon ah!

Well, ayoko lang talaga sa kaniya, kung mean ako, mas mean ang babaeng 'to.

She's nothing but trouble. Mukha niya palang. Well, I admit that Diana is pretty, 'yung mukha na bintang-binta sa club.

Basta gano'n, 'yung pang kabit na mukha.

“Kanina pa kayo?” tanong ko sa kaniya.

“Actually kaka labas ko lang sa kotse ko.” Tumawa siya ng mahinhin.

I mentally cursed her. The fvck? I'm just asking if kanina pa sila nakarating, di'ko naman tinanong kung ano ang sinakyan niya. Gaga 'to.

“By the way, Cuz, who's that guy?” napatingin ako doon sa likuran kung saan nakatayo si Gunner.

Marami naman ang bisita, sa yard kami ng mansion nag celebrate ng party. Karamihan sa mga bisita ay hindi ko kilala, siguro mga partner lang ni Dad sa business at ano pa.

“Ah, S-siya ba?” tanong ko sabay turo kay Gunner. “Yes, he's kinda hot ha.”  Napairap ako ng mabilis. Hindi niya iyon napansin kasi busy siya kaka-tingin kay Gunner.

“Tito!” Nang makita niya si Dad ay agad siyang naglakad papunta kay Daddy, doon ay niyakap niya ito.

Lumapit din naman ako roon. Ang gara din ng ayos ni Dad, black suit paired with black ties.

“Nasaan ang Daddy mo?” Kaagad na tanong ni Daddy kay Diana. “Papinta na po,” magalang naman na sagot ni Diana.

“Tito, sino po siya?” Turo ulit ni Diana kay Gunner. Aba? Ang landi ng pinsan kong 'to!

“Ah?” sabi ni Dad. Pinalapit niya si Gunner sa amin.

“This is Gunner-” Hindi ko na pinatapos sa pagsalita si Dad. Kaagad kong hinawakan ang chest ni Gunner, tumakbo ang kamay ko papunta doon sa balikat niya.

Kaagad kong tinignan si Diana.

“He's my PERSONAL bodyguard,” sagot ko dito. Diniin ko talaga ang pagkasabi ng 'personal' para malaman ng babaeng 'to na ako ang nag mamay-ari kay Gunner.

“Wow?” manghang sabi nito. “Gosh, Tito. Saan po kayo naka-hanap ng ganiyang ka sarap-este ka-hot na guard?” Natawa ako nang makita ko kung paano ni Diana dinilaan ang kaniyang labi.

“Gusto ko rin magka-ganiyan.” Muli akong tinignan ni Diana. "Cuz, nakaka-inggit ka!" gigil nitong sabi sabay lapit kay Gunner.

Dahan-dahan kong hinila si Gunner para mapaatras ito para hindi siya malapitan ni Diana. Girl? Hindi mo alam ang trespassing?

Teka? Lupa lang? Basta, Gunner's mine.

“Sige, Tito doon muna ako.” Tumango si Dad at ganun din ako. Pinabayaan naming umalis si Diana sa harapan.

Nagpaalam na din si Dad sa amin hanggang sa naiwan kami ni Gunner doon na ganoon parin ang posisyon.

Dali-dali kong inilayo ang kamay ko sa balikat niya.

“What's that for?” tanong nito sa akin. Agad akong umiling. “N-nothing,” maikli kong sagot.

Biglang nawala ang musika kaya napahinto ang lahat ng tao. Kahit ako mismo ay ganoon rin. Nakuha ang atensiyon namin doon sa gitna kung saan nakatayo ngayon si Daddy.

May hawak siyang microphone sa kanang kamay habang sa kaliwa naman ay isang wine glass.

Marami siya sinabi. Nagpasalamat siya sa mga dumalo at kung ano-ano pa.

“For the success of the company.” Itinaas ni Daddy ang hawak niyang wine glass. Ganun din ang ginawa ng mga tao, except sakin.

There, ininom nila ang wine. “Just continue,” sabi ni Dad sa Dj doon sa kaniyang likuran. Tumango ang Dj saka nag scratch siya, ilang sandali ay nagpatugtog na ito. Napa-ngisi naman ako nang marinig ko iyon.

Electrical beat 'yon ng Last Friday Night ni Katy Perry. Tinungo ko ang mesa namin ni Dad, wala pa doon si Daddy, busy siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Until I saw Uncle Franco, na papalapit ito sa direksiyon ng Daddy ko.

Kita ko ang tuwa sa mukha ni Daddy nang makita niya ang nakakabata niyang kapatid.

“Ayaw mo bang kumain?” Kaagad kong tanong kay Gunner nang makita ko siyang naglakad palapit sa akin.

"“I'm full, ikaw? Ba't hindi ka kumain?” tanong niya naman sa akin.

Napangiti ako doon saka pasimple siyang tinignan sa mga mata. Those heterochromatic eyes are so beautiful.

Kita ko rin naman ang pagkunot ng noo niya.

“What's with that look?” malamig nitong tanong sa akin. ”W-wala.” Kaagad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

“Nagagandahan lang ako sa mga mata mo,” dagdag ko pa. “First time ko lang kasi makakita ng ganoong mga mata.”

Naramdaman kong lumapit siya sa akin saka umupo siya sa upuan na sa tabi ko lamang.

“Is that so?” Pilyo nitong pagkasabi.

“Then, look at it, again.” He Added.

Napalunok ako ng laway doon. Anong trip ng taong 'to?

So ayon, ako namang si gaga sadyang marupok kaya napatingin ulit ako sa kaniyang mga mata. Para akong hinihigop nun. Napalunok ako ulit ng laway.

“Ma'am Severina!”

Mabilis akong natigilan nang marinig ko ang boses ng isa sa mga maids namin.

“Si Sir po!”

Nataranta ako nun. Teka anong nangyari?

Kaagad akong napatingin kay Daddy doon sa unahan, pinagkakaguluhan na siya ng mga tao. Dali-dali kaming lumapit ni Gunner doon at nakita ko si Dad na nakahandusay na.

Whe the f just happened?















CHAPTER FIVE: Lost

Mabilis naming dinala si Dad sa Hospital, doon namin nalaman na meron palang lason ang wine na nainom niya.

“I hope Dad's okay,” sabi ko habang naka-upo sa isa sa mga benches ng hospital. “Magiging okay naman siya, Cuz. Don't worry.” Diana patted my shoulders.

Alas diyes na ng gabi at hindi parin kami pinapapasok ng doctor doon sa loob ng kwarto kung nasaan si Dad. Ayoko rin naman siyang ewan dito.

Napa-angat ako ng tingin ng makita ko si Gunner na nakatayo sa harapan ko.

“What's that?"” Tanong ko habang tinitignan ang hawak niyang coffee.

“Coffe.,” Obvious nitong sagot. “What I meant, what's that for?” I crossed my shoulders habang nakatingin parin sa kaniya.

“Isn't it obvious? I'm giving you coffee so you won't feel sleepy,” pilosopo nitong sagot. Napairap ako saka kaagad kong tinanggap ang kape.

Nag tanong pa ako.

“Uhm, Severina?”

“Yes, Tito?” tanong ko saka tinignan ko si Tito na nakatayo sa likuran ni Gunner. "Uuwi muna kami ni Diana, your Dad's okay naman kaya, aalis na kami, ayos lang ba?"

Mapait akong napangiti doon.

“Sure,” mahina kong sagot.

“Come on, Diana.”

Tumayo na si Diana at nilapitan si Tito. “Siige, Cuz. Bye!” Kinawayan muna ako nito at doon, sabay silang tumalikod ni Tito.

Nang maka-alis na sina Tito at Diana ay 'yon din ang oras na kung saan tinawag ako ng Doctor. Gising na raw ang Daddy.

Mabuti nga at naagapan agad si Daddy, sabi ng Doctor. Mabuti raw at mabilis naming naisugod sa Hospital ang Daddy dahil kung hindi, baka namatay na ito.

Ako lamang ang pumasok doon sa loob ng room ni Dad habang si Gunner ay naiwan doon sa labas.

“D-dad?”

Isinara ko ang pinto saka naglakad papunta sa kama kung saan naka-higa si Daddy.

“D-darling...” Ngumiti si Daddy sa akin.

“Ayos kana po ba?” tanong ko rito. Tumango si Daddy.

“Yes, pero sabi ng doctor dito raw muna ako mag stay, kukunan pa nila ako ng test.” Napangiti ako roon.

“Mabuti naman kung ganun, Dad.”

Mas lumapit pa ako sa kaniya saka niyakap siya ng mahigpit. “Nagpasalamat ako na ikaw ang naging anak ko, Severina.” Kaaagad akong kumalas sa pagkayakap kay Daddy.

Umupo ako sa isang upuan na nasa tabi lamang ng higaan niya. “Nasabi ko na bang, kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo?”

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

Hindi ko napansin 'yon, basta ang alam ko nalang ay mahina na akong humahagulgol habang nakatingin sa kaniya.

“Kamukhang-kamukha mo si Serina.”

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. “Nagpasalamat din akong ikaw ang naging Daddy ko. I know it's hard for you na magpatakbo ng company tapos andito pa ako na sakit lamang sa ulo niyo.”

“No, hindi 'yan totoo. Hindi ka sakit sa ulo, ikaw ang pinakamasarap na nangyari sa buhay ko, Severina.”

Naging masarap ang pag kukuwentohan namin ng Daddy. Natigil lang ang pag-uusap namin nang biglang bumukas ang pinto.

Nakita ko doon ang nurse.

“Uhm, miss? Kailangan na pong matulog ng pasyente?” Napatango ako saka muling napatingin kay Daddy.

“Sige anak, umuwi na kayo ni Gunner.” Ngumiti ako saka napatango. “Sige po, Dad.” Muli kong nilapitan ang Daddy saka niyakap ko siya sa huling pagkakataon.

Naglakad na ako doon saka nilampasan ko 'yung nurse bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata namin.

Ewan ko ba, basta bigla nalang akong kinabahan.

“Let's go home,” sabi ko kay Gunner nang salubongin niya ako sa labas ng room ni Daddy. Natawa naman ako nang mapansin ko na 'yung damit namin ay galing pa doon sa party.

Tumango si Gunner at naglakad na kami palabas ng hospital at umuwi.

Hindi ko naman nalaman na 'yon na pala ang huling pagkakataon na makita kong buhay ang Daddy at nakangiti.

Damn! If I had only known right away that would have been the last moment I would see him alive sana mas hinigpitan ko pa ang pagka-yakap ko sa kaniya.

Namatay ang Daddy dahil sa cardiac arrest.

Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa sementeryo habang pinapanood kong inililibing na ang Daddy. Todo ang iyak ko noon, sino ba ang hindi iiyak pag nawalan ka ng ama?

“Sevs, tahan na.” Hinagod ni Mayumi ang likuran ko pero hindi niya ako napatahan mas lalo pa tuloy lumakas ang pag-iyak ko.

“Sevs, nandito naman kami,” sabi naman ni Alexis.

“Sana hindi nalang ako umalis sa Hospital na iyon, sana—”

“Don't blame yourself, Sevs.”

“Pero, Yums, wala na ang Daddy.” Naiiyak kong sabi habang pinupunasan ko ang mga mata ko ng tissue.

“You can get over this.” They keep on comforting me pero hindi sila nag succeed na patahimikin ako.

Wala na ang Daddy, paano na ako?

Right now, I am like a castle. A castle that is slowly falling into pieces.

Hindi ko naman inakala na ganoon lang pala kabilis ang pangyayari sa buhay ko.

Mabilis na nagbago.

Kahit basang-basa ba ako sa ulan ay hindi parin ako umalis. Nakatayo parin ako sa harapan ng puntod ng Daddy. Tapos na ang ceremony at umuwi na ang lahat, maliban sa akin.

Yakap-yakap ko ang kaniyang larawan na umiiyak.

“Dad, I'm sorry, sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo.” Mas humahulgol pa ako nun.

“Hanggang kelan kaba iiyak diyan?” Natigilan ako doon. Napansin ko ring hindi na ako nababasa ng ulan, napatingala ako at doon ko nakita na pinayungan na pala ako ni Gunner.

“Iwan mo muna ako rito,” masungit kong pagkasabi sa kaniya. “Gusto ko munang samahan ang Daddy,” dagdag ko.

“But it's cold, baka magkasakit ka.” Napairap ako doon. “Wi you please, leave me?” Tinignan ko siya ng masama.

“Sev—”

”Miss, call me 'miss', boss mo'ko. Hindi tayo magkaibigan.” Pangorekta ko sa kaniya.

“Leave me, Gunner. Give me some space,” pakiusap ko rito.

Nagulat ako nang napansin kong inisout niya sa magkabila kong balikat ang suot niyang tux. Doon, tuloyan siyang umalis na suot lamang ang puting long sleeves. Pasekreto ko siyang pinagmasdan habang papabalik na siya kotse.

Doon, napangiti ako.

CHAPTER SIX: Responsibility

“What are we doing here?” Seryoso akong tinignan ni Gunner nang pumasok kami ng bar.

Pumupunta kami ng mga kaibigan ko dito minsan.

“Let's go home,” dagdag pa nito.

“Gunner?” Sumama ang pagka-titig ko sa kaniya. “Pinasama kita dito hindi para pagalitan at pauwiin ako. But to have a company.”

“Okay fine, just promise me na hindi ka maglalasing.” Alala nitong sabi kaya napangiti naman ako.

So ayon, naglakad na kami sa loob. Maraming mga tao dito ngayon, some are dancing in the dance floor habang iba ay tahimik na umiinom sa kani-kanilang mga mesa.

“Any order ma'am?” Nilapitan agad kami ng isang waiter nang umupo kami sa bakanteng mesa.

“Two Chardonnay wine, please.”

“Right away ma'am!”

Napangiti ako saka tinignan si Gunner. Kita ko ang inis sa mukha niya kaya bahagya akong natawa.

“Just calm down,” wika ko rito para hindi siya mag alala. Ang oa naman ng taong 'to.

Madilim dito sa loob ng Bar na pinasukan namin. Nakaka-bingi rin ang tugtog galing doon sa Dj.

Nakaka-rinig ako ng mga tawanan ng mga mag ba-barkada. Bahagya akong napasulyap sa tabi ko kung saan naka-upo si Gunner.

Gaya dati, gano'n pa rin ang suot niyang damit. Isang black dining suit. Hindi ba siya naiinitan sa suot na 'yan?

“Here's your order ma'am.” Napansin ko naman 'yung waiter na kumuha ng order namin na may dalang tray na kung saan nakalagay 'yung inorder naming wine.

“Hi, miss?” Napatingin ako sa gilid ko nang may lumapit na lalaki. Kumindat pa ito sa akin na bigla ko namang ikinainis.

“Want some company?” tanong nito.

“Company? Sorry, I have my boyfriend.” Pagsisinungaling ko sabay tingin kay Gunner. “I see,” sabi naman nung lalaki saka tuloyan nang umalis sa tabi ko.

“Gagong 'yon,” sabi ko sabay inom ng wine.

“That's why I don't wan't you to come here. Maraming bastos dito.” Narinig kong wika ni Gunner.

“Kaya nga sinama kita dito hindi ba? To protect me.”

Tumango siya.

~

Late akong nagising kina-umagahan. Medyo masakit din ang ulo ko, maybe because sa nangyari kagabi.

Actually, naglasing ako para makalimutan ko problema ko. Sa nangyari kay Dad. Pero sa pag-uwi namin kagabi ni Gunner ni-hindi ako naka-tulog ng maayos. My mind keeps flying, iniisip ko ang mga nangyari.

Nakarinig ako ng katok doon sa pinto kaya mabilis akong napabangon.

“Miss?”

“Yes?”

“Your uncle's here, nasa baba po siya kasama po ang pinsan niyo.” Nanlaki ang mga mata ko doon. Wait, anong ginagawa nina Tito at Diana dito sa bahay? Dali-dali akong lumabas ng kwarto kahit hindi pa ako nakapag-ayos.

“Tiyo? Diana!” Kaagad ko silang binati habang papababa ako ng hagdan.

“Nagising kaba namin, Severina?” Mabilis akong umiling-iling.

“No, kakagising ko lang po.”

Dali-dali ko silang pina-upo sa sofa saka tinanong kung ano ang ginagawa nila rito. Napansin ko rin kasing may dala silang mga gamit.

“Nandito kami para samahan ka, dito muna kami titira ng pinsan mo. I know it's hard for you to accept na wala na si Robert but—”

“Thanks for the concern, Tito but you don't need to do this,” sabi ko. ”I'm fine, I have my maids to take care of me. Nandito rin si Gunner for my security.”

“But, Severina. Mas maayos parin talagang may kasama ka dito.”

“Thank you, Tito. But—”

“Ayaw mo ba sa amin, Severina?” Nagulat ako sa mga tinuruan niya dahilan para matahimik ako. “No, it's not like that. What I meant is that, ayos lang naman ako rito. But if you insist why not? Para naman maka-bonding ko din si Diana,” sabi ko sabay ngiti. It's a plastic smile of course.

“Really, Cuz?” Masayang sabi ni Diana.

Ngumiti ako saka tumango roon.

“By the way, where's Gunner? 'Yung hot mong bodyguard?”

This b*tch!

“Oh, maybe he's in the garage or something,” sagot ko sa malandi kong pinsan. This b*tch aagawin niya pa sa akin ang bodyguard ko!

“By the way, kumain na po ba kayo?” tanong ko sa kanila. Hindi ko na sila inantay na makasagot pa.

“Samahan niyo po ako.”

So ayun, dinala ko sila sa dining room saka kumain kami. Marami kaming pinag-usapan nila Tito mostly tungkol kay Dad at sa kompanya.

“So, you'll run the business left by your father right?” Kaagad akong umiling. “No, I don't like businesses. Nakaka tanda 'yon,” natatawa kong sagot.

“Then, sino ang mag papatakbo?”

“Kayo po, Tito?”

“Me, are serious, Severina?”

Tumango ako. “Yeah, why?”

Ngumiti si Tito saka ininom ang juice niya. Dahan-dahan niya ring pinunasan ng panyo ang bibig niya. “Sure kung 'yan ang gusto mo, actually kahit hindi mo sasabihin. I'll volunteer myself. Alam kong hindi kami talaga nagkabati ng kapatid ko but I'll try me best.” Napangiti ako matapos marinig ang mga sinabi ni Tito.

“Thank you, Tito.”

Sa gabing 'yon ay tumawag ang attorney ng Daddy. Sabi niya ay pupunta raw siya dito sa bahay bukas to discuss about some stuffs at lalo na rin sa naiwan na last will and testament ng Daddy.



~

“What? You mean 70% shares of the company is mine?” Hndi ko makapaniwalang tanong kay Attorney habang binabasa niya ang naiwang testament ng Daddy. Hindi ko alam na nakagawa na pala si Dad ng testament niya. Siguro pinag-handaan na niya talaga ang araw na ito.

Well, naalala ko 'yung sinabi niya dati na.

“It's better to be ready, Severina.”

“Yes, Severina. Ikaw ang kaisa-isang anak so of course sayo ipapamana ang company. While Franco and Diana GoodMan the brother and niece of Robert has the 20% shares each.”

Tumango si Tito. “And even this mansion ay inilagay sa pangalan mo, Severina.”

“What about the Hacienda in Davao?” Narinig kong tanong ni Tito.

“Nakapangalan parin 'yon kay Severina.” Tingnan ako ni Attorney.  “Your Dad really loves you, that's why.” Dagdag niya.

Tumango ako saka ngumiti. Actually, if ako ang mag desisyon. Ibibigay ko ang shares ko kay Tito lalo na't siya naman ang makapag-palago ng company. Sabi ko nga kay Dad I have no idea about businesses at wala akong balak pumasok sa business pero parang mapipilitan ako.

Dad bakit naman ang laki ng iniwan mong responsibility sa akin?

CHAPTER SEVEN: Bad Day

“What the heck, Sevs? You mean ikaw ang mag papatakbo ng company ninyo?” Kaagad akong umiling.

“Si Tito, pero kahit ganon kailangan ko ring matutunan kung paano ang takbo ng business world,” sagot ko kay Mayumi habang naglalakad kami sa hallway.

“Naku, alam mo ba si ate? Sabi niya nakaka-stress daw talaga magpatakbo ng business,” pag kukuwento ni Alexis sa gilid ko.

“Alex, wag mo namang takutin kaibigan natin.” Saway ni Mayumi kay Alex.

“Eh, 'di naman sa pananakot 'yon. I'm just spitting facts here, lalo na noong bumisita ako sa office ni Dad, gosh there are too many things to do,” dagdag pa nito.

“Daming pipirmahan na documents. Mga kailangang i-approve na papiles mga ganun?”

“So, Sevs. Sure na ba 'yan? Magiging business woman kana?” natatawang tanong ni Mayumi. Tumango ako habang patuloy parin kami sa paglalakad sa mahabang pasilyo ng paaralan namin.

“Girls, don't worry. Tito Franco will help me.”

“Mabuti naman kung ganon, at least di'ba? Your uncle will help you, mabuti nalang talaga at may kapatid Daddy mo.”

Umupo kami sa bakanteng bench ng hallway. Free time namin ngayon kaya ang gagawin namin ay ang mag tsismisan boung mag damag.

“Ibahin mo 'tong kaibigan natin, Yums. Milyonarya na!” natatawang sabi ni Alexis.

“Hindi naman,” pa-humble kong sagot. “I don't care about the money, I care about the company baka kasi malugi kami dahil sa'kin.”

“Don't say that, Sevs— teka, di'ba pinsan mo 'yon.”

Kaagad akong napalingon sa unahan nang tinuro ni Mayumi ang pinsan kong si Diana. What is she doing here? Pinagkaka-guluhan siya ng mga lalaki doon sa harapan. Eh, sino naman ang 'di lalapit sa kaniya ang ikli ng pagka-suot ng kaniyang saya don't tell me ti-nuck-in niya 'yung saya niya?

Tas 'yung kulay puti naming uniform na suot niya ay naka-bukas ang tatlong button nun galing sa itaas tapos parang ginawa niyang ribbon. Para siyang pornstar sa sout niya. Dagdag mo pa ang naka-ponytail niyang buhok.

“Wait muna, boys.” Naglakad si Diana papunta sa amin nang mapansin niyang nakatingin kaming tatlo sa kaniya. Kaagad akong tumayo galing sa pagka-upo.

“Diana, what are you doing here?” tanong ko sa kaniya. “Well, as you can see, Cuz. I'm a transferred student,” sabi nito sa akin kaagad naman akong napangiwi nang maamoy ko ang bubblegum na nginunguya niya. Pokpok talaga!

“Transferred student? Akala ko transferred ps?” sabi ni Alexis sa tabi ko. “Ps?” Tinignan agad siya ng masama ni Diana. “What is 'ps'?” Pag tanong nito.

Tumawa si Alexis. Mahilig si Alexis gumawa ng acronyms na talaga namang nakaka-inis.

“Possessive ba 'yan? 'Yong possessive series na isinulat ni Inang C.C?”

“Hala, may mas bobo pa pala sa akin,” natatawang sabi ni Alexis.

“What?”

“What I am saying, ps is 'Pornstar' hihi.” Kita ko ang paglaki ng mata ni Diana. “Hell no! This is—" umikot siya sa harapan namin.

“Called fashion,” pagtapos niya sabay awra.

~

“I hate her!” I shouted in frustration. “Sevs, YNTCD,” wika ni Alexis habang naka sandal sa pader ng powder room. “YNTCD?” kunot noo kong tanong sa kaniya.

“You need to calm down,” natatawa nitong sabi ulit. “You're being too loud,” pagkanta naman ni Mayumi sa likuran ko. Kaagad akong humarap sa salamin ng sink. Naghilamos ako doon.

“Basta, ayoko talaga sa pinsan kong 'yon. She's devil. Pasekreto siyang demonyo,” sabi ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ng powder room.

Nakarinig kami ng katok doon sa may pinto.

“Matagal pa ba 'yan? Ihing-ihi na ako!”

Napairap ako nun. Hindi ko namalayan na isang oras na pala kaming nandito sa loob ng powder room at para hindi kami madisturbong tatlo ni-lock namin 'yung pinto.

“Come on, girls.” Pagyaya ko sa kanila papunta doon may pinto. Huminto ako sa paglalakad ganun din sila sa likuran ko.

“Pindutin mo lang 'yung lock,” pag-utos ni Alexis sa likuran ko. Hindi parin ako kumibo nun. Bigla ko kasing naalala 'yung nurse doon sa hospital.

“Just press it,” sabi ulit ni Alexis.

Siguro siya ang dahilan kung bakit namatay ang Daddy. Ewan ko lang. Nahihiwagaan ako sa nurse na 'yon lalo na noong nagtama ang mga mata namin.

“Yums, don't tell me hindi marunong magbukas si Sevs ng pinto?”

“Ampota!” asik ko dito sabay pindot nung lock.
~


“Uhm, Gunner?”

“Hmm?”

Tinignan ko siya. Naka-pokus lamang siya sa pagmamaneho. Hapon na ngayon at papauwi na kami sa bahay.

“What if hindi muna tayo umuwi doon sa bahay?” tanong ko sa kaniya.

“Saan tayo pupunta, abir?”

“We need to go to the hospital, I felt something suspicious. There's something wrong,” sabi ko sa kaniya.

“Wrong? About what?”

Nanatili parin akong naka titig sa kaniya.

Hindi na siguro maalis sa kaniya 'tong signature look niya. Waxed hair, fitted black dinner suit and his smell. Ang bango.

Actually para siyang filipino version ni Jason Statham 'yung guy na nag portray sa ‘the transporter’.

“There's something wrong about the nurse, ewan ko lang pero feel ko siya ang dahilan kung bakit namatay ang Daddy,” sabi ko rito.

Sandali siyang napatingin sa akin saka kaagad nag crossed ang kaniyang makapal na kilay.

“What?” muli siyang tumingin sa harapan.

“Basta, parang may mali. I can't determine but there's something wrong. Malay mo, sinadya na patayin si Dad?”

“At bakit naman nila gagawin 'yon?” tanong niyang muli kaya napairap ako. Pala tanong din pala 'tong animal na 'to!

“Maybe about business?” sabi ko. “Alam mo naman, isa sa pinakamayaman dito sa Pinas ay si Daddy. Kaya for sure marami siyang kalaban sa world ng business,” pagkukuwento ko.

Napatingin ako doon sa harapan. Nakaramdam naman ako ng kaba. Ewan ko basta bigla nalang tumibok ang puso ko ng abnormal na beat. Ito 'yung naramdaman ko noong mag-tama ang mga mata namin nung babaeng nurse.

“Or maybe because of money?”

Kaagad akong nakarinig ng malakas na pagsabog sa unahan dahilan 'yon para mapahinto ni Gunner ang kotse na aming sinasakyan.

“What the heck!”

“Severina, fasten your seatbelt.” Mas tumibok pa ng mabilis ang puso ko. Muling pinaandar ni Gunner ang kotse namin pero mas mabilis 'yon kesa kanina.

Nakarinig ako ng tunog ng baril doon sa likuran namin kaya napatingin ako doon.

Teka, may naka-sunod sa amin na dalawang kotse.

Napayuko naman ako at napasigaw nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril.

“Gunner, bilisan mo!” Natataranta kong sigaw sa kaniya habang mahigpit kong hinahawakan ang kaniyang sleeves.

“Get off me! Hindi ako makapag-concentrate!”

Patuloy parin kaming hinabol at pinagbabaril. Wtf is going on? Anong nangyayari?

“GUNNER PAG NAMATAY TAYO DITO PAPATAYIN TALAGA KITA!” Sigaw ko sa kaniya habang nangiyak-ngiyak na.

T*ngina ang malas ng araw ko ngayon!























CHAPTER EIGHT: Revealed

Patuloy parin akong nakakarinig ng putok ng baril galing doon sa likuran. “Gunner! Maawa kana! Ilayo mo ako sa lugar na ito! Ayoko pang mamatay!” Kulang nalang ay umiyak ako sa harapan niya. Takot na takot ako no!

Duh, ikaw kayang pag babarilin.

“F*ck!” he cussed. Mabilis naman akong napahawak ng mahigpit sa upuan nang bigla niyang pinahinto ang sasakyan.

“T*angina mo ba't mo pinahinto?” sigaw ko sa kaniya. Hindi ito nakinig at kaagad siyang bumunot ng baril na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

“Wait, don't tell me, you're going to leave me here?” Seryoso kong tanong sa kaniya nang makita ko siyang lumabas.

Hindi ito sumagot bagkus ay isinara lang nito ang pinto. Naiwan ako sa loob ng kotse nakita ko sa labas kung paano nakipag barilan si Gunner like the hell lang talaga!

Hindi ko napansin na nasa highway na pala kami ngayon, nasa labas na pala kami ng city.

“Gunner!” Tawag ko rito. Busy siya sa pakikipag-barilan. Nakita ko rin na bumaba 'yung mga lalaki galing sa kanilang kotseng sinasakyan. Para silang mga goons doon sa mga action movies na napapanood ko.

“Mag-ingat ka!” dagdag ko pa rito. Ilang sandali ay tumakbo pabalik si Gunner saka pumasok siya sa loob at ilang sandali pa nun ay ipinaharorot niya na ang kotse.

“What the f*ck is happening?” tanong ko sa kaniya. Napatingin ako doon sa likuran, may nakikita akong mga katawan na nakahandusay sa daan.

“Nagkamali lang ba sila nang pinagbabaril?”

“Actually, no. They're right after you,” sabi niya sa akin.

“Bakit naman sa akin?”

Hindi na siya sumagot at nagpatuloy sa pag-paharurot ng sasakayan. Dumaan kami sa kabilang border ng city.

“Gunner, let's go home. Kailangan malaman 'to ng Tito.” Utos ko sa kaniya.

Napatingin naman ako sa tabi niya at doon ko nakita ang baril na ginamit niya kanina.

Hindi ko alam ang model nun. Kinuha ko 'yon nagulat nalang ako kung bakit ganoon kabigat 'yon.

“Put it down, hindi ka marunong gumamit niyan,” malamig nitong sabi sa tabi ko.

Sinimangutan ko siya. As if susunod ako sa kaniya. Kahit mabigat ay kinuha ko parin 'yon saka tinignan-tignan hindi naman sa inaasahan nang bigla ko nalang nakalabit ang gatilyo dahilan para pumutok ang baril.

Nag release ito ng nakakabinging tunog. Mabuti nalang at sa labas ko ng kotse naitutok 'yong baril.

“What the f*ck!” mabilis niyang inapakan ang preno dahilan para naman huminto ang kotse. Nagbigay 'yon ng nakaka-inis na ingay.

Mabilis pa sa kidlat akong umupo doon sa likuran ng kotse. Baka kasi bigla niya akong barilin dahil sa inis.

“I told you to put it down! You're really a stubborn woman!” Nanlaki ang mga mata ko doon.

“Wow a? Malay ko bang puputok 'yon!” Pasigaw kong pabalik sa kaniya.

“Mabuti nalang talaga, Tito nandito si Gunner,"” sabi ko. Tinignan ni Tito si Gunner sa tabi ko at muli niya akong tinignan. “Mas papa-anohin pa natin ang security dito sa bahay,” sabi ni Tito. Agad akong tumango.

“Mabuti naman, Cuz at hindi ka nasaktan,” wika naman ni Diana.

“Sige, d'on ka muna sa kwarto mo.” Utos ni Tito sa akin kaya sumunod ako. Tinungo ko ang kwarto.

Tuluyang bumalik sa aking alaala ang nangyari kani-kanina lamang. Maybe Gunner's right, ako ang pakay ng mga 'yon. But why? Anong kailangan nila sa'kin?

~


“The detectives are now investigating and they're chasing new leads, babalik kami rito pag may nakuha na kaming bago.” Tinanguan ni Tito 'yung Police.

“Pero, hija, may alam ka bang puwedeng maging rason para mangyari ito?” Muli akong tinignan nung police pero kaagad akong umiling. “W–wala akong alam, ni-hindi ko nga rin alam na mangyayari ito. First time lang naman kasi sa aking mangyari ang ganito, mabuti at nandito si Gunner.” Tinignan ko si Gunner na nakatayo doon sa unahan.

Tahimik lamang itong nakatingin sa akin.

“I see.” Sumulyap  'yung Police saka tinignan si Gunner.

“He's one one the best police in their department, siguro magaling lang talaga pumili ang ama mo ng magiging bodyguard mo, Severina.”

Bahagya akong natawa doon. “Siguro nga po,” sagot ko rito. “O siya, babalitaan na namin kayo. At kung lalabas ka man make sure Gunner is in your back.” Tumango ako saka ngumiti.

Nagpaalam na ang grupo ng mga Police at lumabas na ng bahay, hinatid pa sila ni Gunner doon sa labas.

~

“Gosh, Sevs. Sunod-sunod naman ata ang kakaibang nangyayari sa'yo ngayon.” Hindi ko nalang pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglakad.

Nandito kami sa isang theme park ngayon, hindi ko alam kung bakit sumama ako sa dalawang 'to e.

“At buti nalang nandiyan si Gunner.” Tinignan ni Mayumi si Gunner na sumusunod sa amin. Nasa likuran lang namin 'yon at tahimik na nakatingin sa akin.

“Kung wala 'yan, naku baka kasama mo na Daddy mo ngayon,” dagdag pa uli ni Mayumi.

“Yums? Pumunta tayo dito to forget not to reminisce,”  singhal ko dito.

“Reminisce? Hindi naman reminisce 'yon, Sevs. Di'ba meaning niyan ay pag recollect ng happy memories?” Napatingin agad ako kay Alexis. “And it's not a happy memory, nakaka-trauma kaya.” dagdag pa niya.

“Aba, nag-aaral kana pala Alex?” Natatawang tanong ni Mayumi dito. “Duh? Hindi naman ako ganun ka bobo, Yums.”

"Malay ko ba," natatawang sabi ni Mayumi sa tabi ko. Huminto ako sa paglalakad. “Ano ba talaga ang ginagawa natin dito?”

“Magsaya?”

“That's the point, sakay tayo ng mga rides! Who's with me?” Hinarap ko silang dalawa.

“Uhm, Sevs? Di'ba kakasakay lang natin ng roller coaster?” tanong ni Yums sa akin napatango naman ako doon. “E, anong problema kung sasakay ulit?” tanong ko dito.

“Hindi kaba nahihilo? Nakakahilo kaya!” Sumimangot si Alexis sa akin dahilan para mapairap ako. “Pinasama niyo ko rito tas ang k-kj niyo,” pag rereklamo ko.

“Sorry naman kasi no? Maya na, kain kaya muna tayo?”

“Puro ka naman pagkain, Alexis e!”

~

“Mabuti naman at walang sumalubong sa atin ngayon at pagbabarilin tayo.” Natatawa kong sabi sabay sara ng pinto ng kotse.

Ibang kotse na ang ginamit namin ngayon kasi malaki din ang na-damage sa kotse ni Gunner.

Babayaran ko naman 'yon pag siningil na niya ako hihi.

“At talagang umaasa ka na may haharang sa atin?” Tinignan ako ng kaniyang malamig na mga mata.

Natawa ako doon. Naglakad ako paakyat sa sementong hagdan papunta sa mansion.

“Hindi naman sa ganun, for sure kasi may binabalak na naman ang mga 'yon lalo na't they failed to kill me last time.”

“Just forget about it, as long as you're with me, hindi ka mapapahawak.” Nagulat ako nang nginitian niya ako. It's my first time to see him smiling.

Napatingin akong muli sa mga mata niya. Though he is smiling yet his eyes didn't do the same. Gaya lang ito dati, para lang itong nakatingin sa isang walang kwentang bagay.

Ginawa niya ba 'yan para hindi ako mag-aalala?

“Sana nga,” bulong ko dito.

Hapon na nang dumating kami ng bahay kaya nakita ko si Diana galing doon sa kusina.

“What are you doing?” tanong ko sa kaniya.

“Baking?”

Tumaas ang kanang kilay ko. “At kelan ka pa natutong mag bake?”

“Ngayon lang?”

Hindi na ako nagsalita nun at umakyat na ako sa hagdan papuntang kwarto.

“You want muffins, Cuz?”

“Nah. I don't like muffins.”

“Okay—”

I shut the door.

Huminga ako ng malalim sabay pindot ng switch ng ilaw sa loob ng kwarto.

Bumungad sa akin agad ang malaki at malambot kong kama. Tinignan ko ang bou kong kwarto, pink themed wallpaper, may study table sa may tabi ng bintana, sa kanan ko naman nandoon ang isang shelf, doon nakalagay 'yung libro na mga binili ko at nandoon din 'yong Fifty Shades na pinabili ko kay Gunner.

Actually, hindi ko inaasahang bilhin niya 'yon, it's just a trap lang naman sana 'yon para makatakas ako sa kaniya.

Naglakad ako doon saka kinuha ang isa sa tatlong libro nito. Napangiti ako doon. This book reminds me of him.

“Teka? Hindi ko pa nga nababayaran ito sa kaniya,” bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang libro.

Kailangan ko siyang bayaran nito. Naglakad ako papunta doon sa drawer para kunin 'yung pera na natatago ko minsan. Kumuha ako ng isang libo doon saka lumabas na ng kwarto.

Naglakad ako pababa ng hagdan, tahimik dito sa living room ngayon kaya ang ginawa ko ay napasilip ako doon sa kusina para tignan si Diana na nag b-bake ng muffins.

“Umalis po si Ma'am Diana, Miss.”

Tinanguan ko ang maid namin. Lumabas na ako ng kusina. “Nasaan kaya ang babaeng 'yon? Akala ko ba mag b-bake siya?”

Bahagya akong napahinto sa paglalakad ko nang marinig ko ang boses ni Diana at Tito na nag-uusap sa sulok.

Actually lalabas na talaga ako sana pero hindi ko naman sinasadyang mapakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

“Daddy naman e.” Narinig kong sabi ni Diana doon sa unahan. Nakikita ko sila pero sila hindi nila ako nakikita. Napansin ko na kaka-rating lang ni Tito kasi suot-suot niya pa 'yung damit pang opisina.

“Diana, kailangan mong gawin 'to,” sagot naman ni Tito kay Diana habang hawak-hawak ang magkabilang-balikat ng kaniyang anak

“Pero Dad, nakakapagod nang makipag-plastikan sa babaeng 'yon. Alam mo naman since bata pa ayaw na ayaw ko talaga kay Severina.”

Nanlaki ang mga mata ko doon. What the f*ck?

“Alam mo naman na malaki ang share niya sa company,” sabi muli ni Uncle. “But Dad, diba naka-usap mo na si Attorney na puwede pa mapabago ang testament ni Tito?”

Nabitawan ni Tito ang magkabilang balikat ni Diana nun. “Yes, but I failed to kill her. Kahit ang mga bata ko.” Para akong nawalan ng energy nang marinig ko ang mga 'yon. Is this real? Si Tito ang nag-utos na ipapatay ako?

"Before we kill Severina, papatayin muna natin ang hadlang sa mga plano natin. And that's Gunner, her bodyguard." Napaatras ako.

Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. My heart's pounding furiously.

"And if mamatay ang pinsan ko, mapapasakin na rin ba ang mga minana niya?" ngumisi si Diana kay Tito. "Yes, baby. Kaya ngayon, deal with her. Kung kailangan mong makipag-plastikan, gawin mo. And I'll do the rest. I'll get rid of Gunner first before Severina."

Napaatras ako nang napaatras hanggang sa diko naman sinasadyang nabangga ang isa sa mga vase namin na naka-patong sa mesa at tuluyan itong nahulog.

Umalingawngaw naman ang ingay sa boung living room.

“Sino nandiyan?”

Nagulat nalang ako nang may humila sa akin muntik na akong mapasigaw nun pero kaagad niyang tinakpan ang aking bibig.

“Shh.” Tinignan ko si Gunner.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko.

“G-gunner?” Nangiyak-ngiyak kong sabi rito. Hindi ko na siya inantay na magsalita, kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit. “I'm scared.”




















CHAPTER NINE: Protected

Ramdam ang takot sa boung katawan ni Sevy habang naka-upo siya sa kama niya. “Don't tell me, sina Tito rin ang naglason kay Daddy?” Malungkot na tinignan ni Sevy si Gunner na nakatayo sa may pintuan ng kaniyang kwarto.

Pinapasok niya ito dahil hindi niya alam kung ano ang sunod na mangyayari sa gabing 'to. Maari kasing patayin ang isa sa kanila ng kaniyang Tito.

No'ng una hindi makapaniwala si Sevy sa kaniyang mga narinig. Pilit niyang inisip na sana isang masamang panaginip nalang ito pero hindi, totoo ang nangyayari at totoo 'yung mga narinig niya kanina.

“What if tawagan natin si Chief Tyson?” Hindi sumagot ang binata roon bagkus ay naglakad ito papunta sa may bintana ng kwarto ng dalaga.

Sumilip si Gunner doon at tinignan ang labas. Napaka-dilim na ngayon sa labas at tanging nakikita niya nalang ay ibang mga guard na palakad-lakad sa bakuran.

“Gunner? Uy!”

“No, wala tayong tatawagan,” malamig na sagot ni Gunner habang nakatingin parin sa labas.

Dahan-dahan nilingon ng binata si Sevy na stress na stress na sa nangyayari.

“Pero—”

“Pag tatawagan natin si Chief Tyson sa tingin mo hindi makaka-alam ang Tito mo dito? Sa tingin mo may maniwala sa atin?”

“Kung sa bagay, e ano ang gagawin natin? Hindi naman puwedeng wala tayong gagawin?” Tumayo si Sevy saka naglakad palapit kay Gunner.

“Kailangan nating makakuha ng ebedinsya,” sagot ni Gunner dito. Napa angat ng tingin ang dalaga kasi sadyang mas matangkad sa kaniya si Gunner. Mga six footer din kasi ito.

“Pero kung mag antay pa tayo, baka mamamatay tay-” Hindi natapos sa pagsalita ang dalaga nang tignan siya ng masama ni Gunner.

“What's with that look?” tanong ng dalaga sa kaniyang sarili. Minsan niya lang kasing makita na ganoon ang eskpresyon ni Gunner lalo na't parang wala naman itong pake sa mga nakapaligid sa kaniya.

“Just trust me, Severina.”

Bahagyang napangiti ang dalaga doon.

Sa tuwing naririnig niya ang mga encouraging words ni Gunner para siyang nabubuhayan, para siyang nakakakita ng isang maliwanag na ilaw sa isang napaka-dilim na kwarto ng buhay.

Tumango si Severina dito. As if she had a choice. Kailangan niyang pagkatiwalaan si Gunner, marami na silang pinagdaanang dalawa, muntikan na siyang mamatay pero nandiyan ang binata para sagipin siya.

“Gunner, dito ka muna matulog sa kwarto a? Nakakatakot ako.” She pouted her lips.

Bumuntong hininga ang binata bago siya sagutin nito.

“Sige.”

ALAS DIYES na ng gabi at hindi parin nakaka-tulog si Gunner. Para hindi naman siya mabagot ay ang ginawa niya nalang ay pagmasdan ang mahimbing na natutulog na si Severina.

Nakahiga ito sa malambot na kama habang siya naman ay nasa sahig ng kwarto, naka-upo.

Nakasandal ang kaniyang likuran sa dingding ng kwarto habang deritso lamang ang tingin kay Severina.

Ang gaan ng loob ni Gunner habang pinagmamasdan ang dalaga. Wala itong kaide-ideya kung ano ang epekto nito sa katawan niya.

Muli siyang sumulyap doon sa orasan na naka-dikit sa dingding ng kwarto ni Severina.

Malapit nang mag alas onse pero hindi parin siya dinadalaw ng antok siguro dahil ito sa mga iniisip niya. Naapektohan ata ang utak niya dito, hindi siya mapakali habang pilit niyang isipin kung ano talaga ang nangyayari sa pamilya ni Severina.

No'ng una lang ay napaka-ayos ng lahat hanggang sa para itong salamin na bigla nalang nabasag.

Nakita niya nalang ang sarili niyang pinoprotektahan si Severina.

Kaagad siyang napatingin doon sa may pinto nang makarinig ng ng mga yapak ng paa papunta sa kwarto kung saan sila ngayon.

Nararamdaman niyang marami ito, at kung hindi rin siya nagkakamali. Mga tauhan ito ng Tito ni Severina, siguro nalaman nito na magkasama silang dalawa ni Severina sa iisang kwarto kaya baka sabay na silang ipapatay nito.

Dali-dali siyang bumangon saka kaagad na lumapit kay Severina, alam niya ang pakiramdam na ginigising sa gitna ng pagtulog, at nakaka-inis iyon, pero wala siyang ibang choice kundi gawin ito.

“SEVERINA, wake up.”

Severina groaned and pulled the blanket over her head. Bigla naman siyang napasigaw nang pitikin ni Gunner ang kaniyang noo kaya kaagad niya itong binigyan ng nakaka-inis na tingin.

“Bakit ba?” Inis na sabi ng dalaga habang hinihimas ang kaniyang noo dahil sa sakit na naramdaman niya.

“Shh.” Nag silent sign si Gunner sa kaniya kaya bahagya siyang napatingin doon sa may pinto.

Nanlaki naman ang kaniyang mga mata na biglang gumalaw-galaw ang doorknob doon sa may pinto. Parang may marahas na pilit buksan ang pinto ng kaniyang kwarto doon sa kabila.

Kaagad siyang napabangon dahil sa takot, tinungo niya ang likuran ng binata.

“Stay close to me.” Bulong ni Gunner sa kaniya. Nakita niya na kinuha ni Gunner 'yung isang baril na nakapatong sa side table ng kaniyang kama.

Tuluyang bumukas ang pinto at bumagsak ito sa harapan nila. Sinipa kasi ito ng isa sa mga armadong lalaki.

Kasabay nang pagbukas ng pinto ay nagpakawala agad si Gunner ng putok ng baril dahilan para tumilapon ang isa sa mga lalaki doon sa dingding ng hallway.

“Run!”

Awtomatiko na tumakbo si Severina papunta doon sa balcony ng kwarto niya. Napatingin siya doon sa ibaba at bigla siyang nalula dahil sa taas nun.

Nakarinig siya ng ilang pag putok ng baril doon sa loob ng kwarto niya at parang dahil sa pagkataranta niya ay wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan lamang si Gunner na makipag-laban doon sa loob.

MABILIS na hinawakan ng isa sa mga lalaki ang kamay ni Gunner kung saan nandoon ang hawak niyang baril. Kaagad niyang siniko ang mukha nito dahilan para mabitawan ang kaniyang kamay.

Napatingin naman siya doon, sumisigaw ito sa sakit, kita niya rin ang pagdugo ng ilong nito sa lakas ng pagkasiko niya.

Tinignan niya 'yung tatlo pang lalaki na nakahandusay na sa sahig ng kwarto ni Severina.

Tinungo niya agad ang balcony at nakita niya si Severina doon, lutang ito at parang tulala. “They're coming,” sabi ng binata nang makita niyang maglakad ang ibang mga armadong lalaki papasok sa loob ng mansion para puntahan sila sa kwarto.

“Paano tayo makaka-alis dito?” anong ni Severina na takot na takot sa nangyayari.

“Kailangan nating tumalon,” sagot ng binata.

“Ano? Ayoko no! Ang taas kaya!”

Ito nalang ang tanging naiisip ni Gunner. Kasi kung doon sila dadaan sa hagdan para makalabas dito baka hindi na sila mabuhay, lalo na't kasama niya si Severina.

Ayaw niya namang mapahamak ito.

“Gusto mong mamatay?” Pinandilatan niya ng tingin ang dalaga. Umakyat na siya ng handrail ng balcony at tuluyang tumalon doon sa ibaba, kaagad siyang gumulong nang bumagsak siya sa lupa.

Tiningala niya si Severina na ngayon ay nagdadawalang isip na tumalon.

“Jump!” tos niya sa dalaga.

KINAKABAHAN si Severina habang tinitignan ang nasa ibaba niy. Nandoon na si Gunner na nag-aantay sa kaniya na tumalon. Mas humigpit ang pagkahawak niya sa handrail ng balcony upang hindi siya mahulog.

"Jump!"

Huminga siya ng malalim saka muling sumulyap doon sa ibaba.

“I'll catch you, don't worry!”

Kahit sa isang mahirap na sitwasyon ay di niya mapigilang matawa.

'Sana ol sinasalo,' bulong niya sa sarili.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sevs nang makarinig siya ng mga paa ng mga tauhan ng tito niya na tumatakbo papunta sa direksiyon ng kwarto niya.

Kahit napakataas ay binuwis niya ang buhay niya at tuluyan na siyang tumalon. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang nasa ere siya.

Napangiti siya nang maramdaman niyang hindi siya bumagsak sa lupa kundi sa braso ni Gunner. Minulat niya ang kaniyang mga mata at una niya agad nakita ang nakaka-akit na mukha ng binata.

“Let's go.” Kaagad siyang napasimangot nang binitawan siya ng lalaki kaya tumama ang pwet niya sa lupa.

“Aray!”

Tinulungan siya ni Gunner para makatayo at muli silang tumakbo nang pagbabarilin na sila ng armadong lalaki na nakatayo na ngayon sa balcony ng kwarto ng dalaga.

Mabilis silang nakarating sa garahe at pumasok na siya doon sa isa sa mga kotseng naka-park.

Umupo siya sa passenger's seat saka isinuot niya ang seatbelt.

Pumasok na rin doon si Gunner sa loob ng kotse at tuluyang pinaandar ang makina nito.

“Saan tayo pupunta?” Natatarantang tanong ng dalaga.

“Malayo rito,” sagot sa kaniya ni Gunner at tuluyan nang pinatakbo ang kotse.

CHAPTER TEN: His Family

“Saan ba talaga tayo pupunta?” Pang isang libong beses kong tanong sa kaniya.

Napatingin ako doon sa likuran, baka kasi may sumusunod sa amin pero mabuti nalang at wala. Bahagya akong napabuntong hininga doon.

“Nakalabas na tayo sa city, saan ba talaga tayo pupunta?” muli kong tanong. Hindi sumagot si Gunner at pinag patuloy niya lamang ang pag mamaneho ng sasakyan.

Isa ito sa mga rason bakit ayaw ko siya kasama e, ayaw niya akong kausapin at ang mas malala pa dito para akong invisible, parang wala siyang naririnig na nagsasalita man lang.

“Will you please, shut up?”

Bigla akong natahimik nang bigla niya akong tignan. His heterochromatic eyes are looking at me. Kakaiba talaga ang matang 'yon.

“Ito na, tatahimik na. Just calm down.” Bahagya kong tinakpan ang bibig ko saka tinignan siyang muli. His jaw clenched at ilang sandali pa ay muli siyang tumingin sa harapan.

“Sleep.” Pag-utos niya sa'kin habang naka-pokus lamang sa pag mamaneho. Napatingin din ako sa kaniyang kamay na pinindot ang radio button ng kotse. Napangiti ako ng marinig ko ang kanta.

Sa tuwing naririnig ko din ang kantang 'yon ay parang nawawala ang stress ko, kumbaga 'yan ang kantang nag papakalma sa akin.

“'Cause baby I'm so mystified by how this city screams your name.”

Isinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan dahil kung sa bagay antok na antok na rin naman talaga ako.

Kung hindi lang ito nangyari for sure ang ganda ng tulog ko ngayon.

Habang nakasandal ang ulo ko ay minsan ay napapasulyap ako kay Gunner. Hindi ba siya inaantok? Hindi ba siya napapagod?

“Thank you,” sabi ko habang nakatingin sa kaniya. “Thank you for what?” tanong naman nito sa normal niyang boses. 'Yung boses na nakaka-inis dahil sa sobrang baba.

“Thank you for being here? Thank you for saving me?” sagot ko sa kaniya.

“It's no big deal, Severina. Matulog ka na, medyo malayo pa ang pupuntahan natin." Napangiti ako doon.

“Salamat Gunner, sige. Night.”

Ipinikit ko na ang aking mga mata ng tuluyan.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa labas ng kotse, tumatakbo pa rin ito at parang hindi na pamilyar sa mga mata ko ang lugar na aming nadadaanan. For sure malayo na ito sa city. Hindi na rin kasi buildings ang nakikita ko kundi, kakahoyan.

Mga nagtataasang punong kahoy lamang ang nakikita ko sa paligid.

“G–gunner?”

Tinignan ko si Gunner na tahimik na nag mamaneho. “Nandito na tayo ngayon sa probinsya namin,” sagot niya sa akin. Kumunot ang noo ko, probinsya?

Nilampasan namin ang isang napakalaking signage.

“MALIGAYANG PAG DATING SA SAN JOSE”

Sa pagpasok namin sa kanilang bayan ay marami agad akong nakikitang mga magsasaka sa daanan. Parang wala kang makikitang kabahayan dito, kung meron man ay hindi ito malalaki tulad doon sa city. 'Yung mga bahay na maliliit lang, saka hindi dikit-dikit kundi medyo malayo ito sa isa't-isa.

Dumaan kami sa medyo malubak na daan.

Literal talagang highway kasi sa sobrang haba road na dinadaanan namin. Ilang sandali pa ay ang nakikita ko naman ay mga nakalinyang puno ng saging. May nakakasalubong din kaming magsasaka na nakasakay sa kanilang kalabaw.

Kakaiba ang atmosphere ng lugar na ito. Ilang sandali pa ay huminto ang sinasakyan naming kotse sa isang bahay.

Hindi gaya ng ibang bahay, ang bahay na hinintuan namin ay may garden na puno ng iba't-ibang bumalaklak. Bumaba na si Gunner kaya sumunod na din ako.

Napatingin naman ako sa damit ko, hindi ko namalayan na sa sobrang pag mamadali namin kagabi ay hindi na pala ako nakabihis kaya ang tanging pantulog lang ang suot ko. While Gunner? He's wearing white t-shirt at isang kulay black na long pants.

“Nay! Nandito si Kuya!”

Kaagad akong napatingin doon sa isang babae na nakatayo sa harapan namin. Hindi ko alam na may tao pala doon. Teka, kuya?

Naglakad na kami ni Gunner palapit doon sa babae at kaagad siyang nilapitan nito saka mahigpit na niyakap.

“Kuya!”

Kaagad kumalas ng pagkayakap ang babae saka tinignan ako. Magkasing-tangkad lamang kami, mahaba ang buhok nito saka maganda siya. Magkamukha sila ni Gunner kaya siguro ito 'yung baby sister niya.

Hindi ko alam na may kapatid pala ang mokong na 'to, tas babae pa a? Pero kung maka-asta sa akin parang wala siyang kapatid na babae. Ang harsh. Napaka-aggressive.

“Gunner, naku!” Nakita ko ang isang matandang babae na lumabas doon sa loob ng bahay saka nagmamadaling lumapit sa amin saka niyakap din si Gunner. Siya ata ang Mama ni Gunner.

Kahit matanda ay masasabi mong may hitsura ito, tinignan ko silang tatlo. Ang ganda ng lahi nila.

“Sino siya, anak?” Tinignan ako nung Mama ni Gunner.

“She's Severina.” Ngumiti ako sa dalawa nang ipakilala ako ni Gunner.

“Girlfriend mo siya, Kuya?” tanong nung kapatid niya. Agad naman akong nakarinig ng mahinang tawa galing kay Gunner.

Mabilis niyang ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid niyang babae dahilan para mainis ito.

“Si Severina, siya ang amo ko, dito muna kami titira pansa-mantala, kakaiba kasi ang nangyayari doon sa kanila.” Tinignan ako ni Gunner.

“Talaga? Hi Severina!” Kumaway sa akin ang kapatid niyang babae. “Ako nga pala si Lily ang baby sister ni kuya Gunner.” Mahinhin na ngumiti sa akin si Lily.

“Hi, Lily. Pleased to meet you.” Sagot ko naman.

“Hello, hija, ako nga pala ang ina ni Gunner.” Nilapitan ako ng Mama ni Gunner nagulat nalang ako nang yakapin din ako nito.

Ang bait ng Mama ni Gunner saka kapatid niya. Pinatuloy kami nito saka pinakain.

“Ate, puwede mong hiramin ang damit ko,” Lily suggested. Napangiti ako doon habang kumakain.

“Naku, salamat talaga sa inyo.”






CHAPTER ELEVEN: Learn

“Naku, Lily salamat sa pag papahiram sa akin ng damit mo.” Kaagad kong tinignan ang sarili ko sa salamin habang suot-suot 'yung damit na pinahiram sa akin ng kapatid ni Gunner.

“Bagay sa'yo ate, di'ba kuya?”

Napatingin ako kay Gunner na naka-upo doon sa likuran. Tahimik lamang akong pinagmamasdan nito.

“Anyways, ate may boyfriend ka na ba?” Natawa ako roon. “W–wala b–bakit?” I gave her a puzzled look.

Kita ko ang biglaang pag ngisi sa mukha ni Lily. “Si kuya din wala!” matapos nun ay kaagad siyang tumawa ng malakas na para bang tinotukso niya ang kapatid niyang si Gunner.

Natawa nalang din ako doon. Marami kaming pinag-usapan ni Lily, actually ang sarap niyang kasama, hindi ko tuloy maiwasang maalala 'yung mga kaibigan ko doon sa city. Hindi nila alam na nanganganib na ang buhay ko.

Hindi ko rin naman ito puwedeng sabihin sa kanila baka mag shake rattle and roll pa ang mga 'yon, lalo na si Alexis na medyo oa.

“May problema ba, ate?”

Muli kong nginitian si Lily. “Wala, naalala ko lang mga kaibigan ko doon sa city,” sagot ko naman dito.

“Maganda  ba doon ate? Hindi pa kasi ako nakapunta doon e, si Kuya kasi medyo oa hindi ako pinasama do'n.” Sinimangutan ni Lily si Gunner at kaagad naman akong nakarinig ng buntong hininga galing doon sa kuya niya.

Mukhang magkakasundo kami ni Lily patungkol kay Gunner a?

“Ate, swerte niyo kasi ngayong paparating na byernes ay fiesta dito sa aming lugar, maraming mga palaro dito.”

“Talaga?”

“Oo ate, bibisita nga ata dito 'yung mga kaibigan ko.”

“Bakit taga saan ba sila?” tanong ko rito.

“Taga Maynila po, pumupunta lang sila dito once a month, magkakasama din kasi kami sa isang organization.” Napatango ako.

“Anong organization ba?”

“Para siyang foundation ate, kami 'yung tumutulong sa mga batang hindi makapag-aral dahil na rin sa kahirapan. Layunin po ng organization namin na kahit papano ay matulungan namin sila para matuto sa pag bilang at pag basa.”

“Mabuti 'yan, Lily,” sabi ko dito. “Kaso maliit lang funds namin.” Biglang humina ang kaniyang boses kaya kaagad ko namang hinagod ang kaniyang likuran.

Ang nakangiti niyang mukha ay kaagad napalitan ng lungkot. “Alam mo, may alam akong paraan para magkaroon kayo ng funds,” sabi ko rito.

Nabuhayan naman ang loob ni Lily sa mga sinabi ko. “Talaga? Paano, ate?” pasimple kong tinignan si Gunner doon sa unahan na paminsan-minsan ay sumusulyap sa gawi namin.

Nagtama naman ang aming mga mata. Nakaramdam ako ng kaba doon na hindi ko alam kung bakit.

“Pag naka-uwi na ako at naayos na ang problema ko ay tutulungan ko kayo sa funds, ako ang may ari ng isa sa pinaka-sikat ng corporation doon sa Maynila. Matutulongan ko kayong mag raise ng funds.”

~

Maaga akong nagising, hindi pa nga sumisikat ang araw pero nakita ko nalang ang sarili kong naka-upo sa isang upuan sa labas ng bahay nila Gunner.

Gawa sa bato at kahoy ang bahay nila hindi ito masyadong malaki, normal lang. Halos lahat naman ng bahay ng mga tao dito sa kanilang probinsya ay ganon din ang mga estraktura ng bahay.

“Ang aga mo atang nagising?”

Hindi na ako lumingon doon at pinabayaan ko nalang siyang malapitan ako. “Na miss ko lang ang mga kaibigan ko, tas absent pa ako ngayon.” Natatawa kong sabi habang nakatingin doon sa kalangitan.

Naghahalo ang kulay nito, golden yellow na may pagka reddish ang kalangitan siguro dahil papasikat palang ang araw.

“Hindi naman tayo mag tatagal dito.” Naramdaman ko ang kaniyang presensya na nasa tabi ko na pala siya. Gaya ko ay naka-upo na din siya sa inuupuan ko.

“No, ayos lang sa akin. Gusto ko ring mapasyal 'tong lugar nin'yo.” Nilingon ko siya saka nginitian. Ganun parin ang mukha niya, walang ka emo-emosyon, lalo na ang kaniyang heterochromatic na mga mata.

Actually, mas nakaka-attract pa lalo 'yang kakaiba niyang mga mata.

Parang ang sexy lang kasi.

“Mamaya, sumama ka kina Lily, mamalengke sila.” Kaagad akong napangisi doon.

“Really?”

Hindi na siya sumagot non saka iniwasan na niya ako ng tingin kaya kaagad akong napansinangot.

Nakakainis talaga ang taong 'to!

So ayun nga, dumating ang alas syete ng umaga. Matapos kaming kumain ay sumama ako kina Lily at sa Mama nina Gunner papuntang palengke.

Kakaiba ang palenke nila dito, hindi masyadong crowded siguro dahil probinsya.

Marami silang piniling gulay na hindi ko pa na try since bata pa ako.

“Singkwenta pero dahil may kasama po kayong dalawang magaganda, trenta nalang,” sabi nung lalaki sabay balot ng mga gulay. Napangiti ako doon, nanatili lamang akong nakatayo sa likuran habang pinagmamasdan sina Lily na pumipili ng gulay.

Hindi naman kasi ako marunong mamalengke, doon kasi sa bahay. Ang mga katulong ang namamalengke at nag go-grocery.

“Ngayon, tururuan kitang mag luto ng adobong manok.” Napangiti ako nun nang mag-ayos na ng mesa ang Mama ni Gunner.

“Po?” tanong ko rito. “Tuturuan kita, alam ko namang hindi ka marunong, hija, katulong niyo lang naman kasi ang gumagawa ng gawain doon sa inyo.”

Natawa ako doon habang pinagmamasdan ang Mama ni Gunner na mag hihiwa ng mga pampalasa.

“Ito, ikaw ang mag hiwa nito." Inabot ng Mama ni Gunner sa akin ang ilang piraso ng bawang.

Tumango ako saka kinuha ko ang isang malinis na chopping board para sana hiwain na 'yong bawang pero mabilis akong pinigilan ni Lily.

“Ate, babalatan muna 'yan, tas kailangan mo munang i crash bago hiwain.” Tinignan ko si Lily saka nginitian.

“A, ganun ba?”

“Oo, tulungan na kita, ate.”

Mabuti nalang at nandito si Lily, marami siyang itinuro sa akin na technique ng pag hiwa para raw hindi ako masugatan at ano pa. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay naka-upo na ako sa upuan habang pinagmamasdan 'yung apoy doon sa kalan.

“Pasensya na, hindi kasi talaga ako marunong gumawa ng mga ganito. Nasanay na kasi akong pag gising palang ay may pagkain na sa mesa,” sabi ko.

“Naku, hija. Kung doon magagawa mo ang mga ganiyan. Dito, tururuan kita kung paano mag luto,” tumango ako.

“Talaga po?”

“Oo naman para sa susunod mapapag-silbihan mo na anak ko.”

Bahagya akong natigilan doon. What the? Kita ko ang pag ngisi ng mga mag-ina habang nakatingin sila sa akin. Are they teasing me?

“Ate, may gusto ka kay kuya?” kaagad ngumisi si Lily sa akin dahilan para mapakunot noo ako.

“Ano ba 'yang pinagsasabi mo?” sabi ko.

“Kelan po ba 'yan maluluto?” Pilit kong ibahin ang usapan pero palagi paring nag e end ang usapan tungkol kay Gunner at sa akin.

“Alam mo, hija. Wala pang naging girlfriend 'yang si Gunner.” Napataas ako ng kilay doon saka napatingin ako doon sa may sana nila. May kung ginagawa ang loko.

“Talaga po? Bakit naman?”

“Masyado kasi 'yang pihikan sa babae.”

Wow a?

“Saka simula kasi noong namatay ang aking asawa, naging ganiyan na 'yang si Gunner. Trabaho nalang palagi ang nasa isipan." Napatango ako.

“Nakikita ko nga po e,” sagot ko.

“Oo, papa's boy kasi 'yan. Kung saan pupunta ang asawa ko dapat kasama rin 'yan, mukhang hindi nga mapag-hiwalay e.”

Naalala ko tuloy ang sarili ko kay Gunner.

“Yeah, I know what's the feeling of losing a father. Lately lang po kasi, namatay ang Daddy,” pag kukuwento ko rin naman.

“Bakit anong sakit? Bakit siya namatay?”

“Hindi po sakit ang ikinamatay niya, may lumason po sa Daddy ko. At parang alam ko na kung sino ang may gawa nun,” sabi ko ulit.

“E, sino?”

“Ang kapatid niya, si Tito Franco.”





UMALINGAW-NGAW ang mahinang tawa doon sa loob ng opisina ng namayapang ama ni Severina.

Iba na ang naka-upo sa swivel chair doon.

Hindi na ang ama ni Sevy, kundi ang kaniyang Tito.

Napahinto siya sa pagtawa saka dahan-dahan nitong inilapag ang kaniyang hawak-hawak na wine glass. Nakarinig kasi siya ng katok mula doon sa pinto.

Pinapasok niya ito at nakita niya agad ang kaniyang tauhan na may dalang inpormasyon.

“Boss, hindi na po namin ma track sina Miss Severina kasama ang kaniyang bodyguard, siguro wala na sila dito sa city.”

Dahan-dahan siyang tumango. “Don't worry, mahahanap at mahahanap din natin ang mga 'yan, ang gusto ko munang gawin ninyo. Bantayan niyo ang dalawang kaibigan ni Severina. Hindi 'yon makakatiis na hindi tawagan ang kaniyang mga kaibigan." Ininom niya muna ang wine bago muling nagsalita.

“At pag may alam na ang dalawang 'yon dakpin niyo at ipaturo kung saan nagtatago ang dalawa.”

Ayos na sana ang plano niya, kaso dahil sa Bodyguard ni Severina nasira ang lahat ng 'yon.

“Make sure na nakabantay din ang mga mata niyo kay Attorney, hindi niya dapat malalaman ang mga pinaplano natin.”

Tumango ang lalaking naka-suot ng full black na damit saka muli na itong lumabas ng opisina.

Napatingin siya sa isang picture frame na naka-lagay sa desk ng kaniyang kapatid.

Larawan 'yon ni Severina at ng kaniyang namayapang kapatid.

Kinuha niya 'yon saka tinignan.

Nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang pinagmamasdan ang mga nakakingiting mag-ama sa litrato.

“Kung ibinigay mo lang sa akin ng kusa ang kompanya, hindi na sana ito mangyayari sayo. Sana ngayon, magkasama pa sana kayo ng unica hija mo.”

Muli niyang ibinaba ang picture frame.

“But you made a wrong choice, brother.”











CHAPTER TWELVE: Siblings

Sean September's POV

Mas lalo akong napangisi habang nakikita ko siyang nasasarapan sa mga ginagawa ko. I kissed her neck passionately, naglakbay ang mga halik ko pababa.

“B–baka may makakita s–a'tin dito.”

“No, honey,” sabi ko rito sabay hubad ng suot kung black suit. Dahan-dahan ko ring inalis ang necktie ko, nakatingin parin ako sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang kamay nang hilahin ko ang swivel chair kung saan siya naka-upo. Itinulak ko 'yon hanggang sa bumangga ito sa wall ng opisina.

Mas nag-init pa ang katawan ko habang pinagmamasdan ko ang sekretarya kong inaakit ako.

“Come here,” she said while biting her lower lips, dahilan 'yon para mas lumawak pa ang ngiti ko. Papunta na sana ako sa kaniya nang mapahinto ako. Someone's knocking on the door.

Binaliwala ko 'yon at tuluyan na akong nakalapit sa kaniya. Dali-dali kong hinalikan muli ang kaniyang malambot na labi. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umungol nalang.

Parang hindi ko nararamdaman ang lamig ng aircon ngayon, all I can feel is heat. A body heat.

“Bwesit naman,” bulalas ko nang makarinig muli ako ng katok doon sa may pinto. Inis akong naglakad papunta doon saka binuksan 'yon.

“What now, Colby? Make sure na maganda 'yang mga sasabihin mo.” Tinignan ko siya ng masama nang bahagya siyang natawa.

“Tell me, Sean. Are you up to something?” Akma siyang papasok sa loob ng opisina pero pinigilan ko siya.

“Wala kana don, what now?” muli kong tanong sa kaniya. “In any minute right now, Mr. Baldemore is coming.” Napataas ako ng kilay.

“At bakit siya pupunta dito?”

“You've set an appointment to him right? Don't tell me nakalimutan mo?”

Napabuntong hininga ako roon. “Cancel it,” maikli kong sagot rito sabay sara ng pinto. Muli siyang kumatok kaya binuksan ko ito ulit.

“What?”

“Too late, Sean. He's here. So I guess mabibitin ka ngayon.” Humalakhak si Colby dahilan para mainis ako. Muli kong sinara ang pinto saka tumalikod.

“We'll continue this later, I have something to do.” Mabilis akong naglakad papunta doon sa desk para kunin 'yung hinubad kong suit. Kita ko ang inis sa mga mata niya nang marinig niya ang mga sinabi ko. Sino rin kaya ang hindi maiinis do'n?

Nag-ayos na kami ng aming sarili saka sabay kaming dalawang lumabas ng sekretarya ko sa opisina.

We separate ways, pumunta agad ako doon sa conference room para salubungin si Mr. Baldemore.

“Mga secretary talaga target mo a?” pilyong sabi ni Colby habang sinasalubong ako.

“F*ck you!” malutong kong mura sa kaniya sabay pasok na sa loob.

Mabilis kong nginitian si Mr. Baldemore.

“Mr. Sean, you're late.”

“I'm sorry Mr. Baldemore may ginawa lang ako. Take a seat.” Itinuro ko ang isang upuan sa likuran niya.

Umupo din naman ako sa isa sa mga upuan ng conference room.

“Now, pinapunta ko kayo rito, because of some reason—”

~

“So, casino?”

Umiling agad ako. “Uuwi na ako, I'm tired,” sagot ko kay Colby habang nasa byahe kami.

“Wow? At anong rason naman bakit ka napagod? Dahil basa secretary mo, magaling ba—”

Mabilis kong inapakan ang preno. “Just get out,” malamig kong sabi rito.

“Okay?” Binuksan niya ang pinto ng kotse. “Ayaw mo talaga?” tanong sa akin ni Colby habang papalabas sa kotse ko.

Huminga ako ng malalim. “I made up my mind. I'm going home.” Hindi ko na siya inantay na sumagot pa at tuluyan ko nang pinaandar ang kotse at iniwan na siya doon sa labas ng casino.

Sa pag-uwi ko ay binati agad ako ng mga maids namin. Lahat sila ay bata, wala kang makikitang 22 years old pataas ang edad.

“Hi, sir. Good evening,” sabi pa nung isa sa akin sabay kindat kaya naman napangiti ako doon.

“Eleven sharp,” sagot ko rito.

“Yes sir!”

Mabilis kong tinungo ang dining room at nakita ko doon si Dad, kumakain na ito.

“Good evening, Dad,” pagbati ko rito sabay upo sa upuan ko.

“Ba't ang aga mo atang umuwi ngayon, Sean?” Tinignan ko si Daddy. “Bawal po bang umuwi ng maaga?” pilosopo kong pag tanong rito.

“Nagtataka lang ako,” sabi nito habang patuloy sa pagkain.

Kumain na rin ako. Kami nalang ni Daddy ang nakatira dito sa bahay along with our ten beautiful maids.

“By the way Dad, namatay na po 'yung si Mr. GoodMan diba? 'Yung ka partner niyo?” tanong ko rito dahilan para mapahinto si Daddy sa kaniyang pagkain saka mabilis akong tinignan.

“Oo,” malungkot nitong sagot sa akin.

“Kawawa naman po, di'ba may anak 'yon na babae? Ibig sabihin pa nun na siya na ang magiging ka business partner natin?” tanong ko sa kay Daddy. Tumango ng dahan-dahan si Daddy.

“Maganda ba 'yon Dad?” pilyong tanong ko sa ama ko. “Na kidnap si Severina,” mahinang sabi ni Daddy.

Kumunot noo naman ako roon. “Po? Nakidnap? Ang malas naman pala ng pamilya nila. Sino raw ang kumuha?”

“Her bodyguard, 'yon ang sabi sa akin ng kaniyang Tito, si Franco GoodMan, siya na muna ngayon ang nag papatakbo ng kompanya nila.”

Kawawa naman pala ng pamilyang 'yon.

“Ang malas naman pala,” sabi ko rito.

“Uhm, Sean, Anak?”

“Hmm?”

“May sasabihin sana ako sayo, tungkol ito sa tunay mong pagkatao,” mabilis kong nabitawan ang hawak kong kutsara saka mabilis na napatingin kay Daddy.

Ito ba ang rason kung bakit parang kanina pa siya hindi mapakali?

Attorney's POV

Dali-dali akong naglakad sa hallway. Dala-dala ko 'yung briefcase ko.

“Sorry po attorney!”

“Ayos lang,” sabi ko rito. May bigla kasing bumangga sa akin kaya nabitawan ko 'yung breifcase, mabilis namang nagkalat lahat ng documents sa sahig ng hallway.

Isa-isa ko 'yung pinulot pero bigla naman akong napahinto. Bigla akong nakaramdam ng kaba doon.

Mabilis kong pinulot lahat ng dokumento saka pumasok ako sa opisina ko. Umupo ako sa upuan ko habang tinitignan parin 'yung hawak-hawak kong papel na napulot ko kanina.

Nagkamali ako nang binasang testament, hindi 'yon ang totoo. Naalala ko na bumalik pala si Mr. GoodMan sa opisina para ipa-iba sa akin ang kaniyang testamento.

“I give, devise and bequeath all of the remaining and residual property I have owned in at the time of my death, whether real property, personal property or both, of whatever kind and wherever situated to my Daughter, Severina GoodMan and to my son, Sean September GoodMan. Upon my death, I direct that my remains: the company, the mansion and my other properties to my children. But in one condition, Severina and Sean must be reunited first before attorney Pete Davidson give their shares. If this won't happen, I'll give my properties to my brother, Franco GoodMan and to my niece, Diana GoodMan.”

Matapos kong mabasa 'yon ay dali-dali kong tinawagan si Franco.

“Franco, may kailangan kang malaman....”























CHAPTER THIRTEEN: Mud

Inayos ko ang sarili ko nang matapos ako sa pagluto. “Good morning,” masigla kong pagbati sa kanila nang maglakad sila papasok sa kusina.

“Ang aga mo naman atang nagising, ate Sevs.” Ngumiti ako roon. “Sinadya ko talaga para naman mapag silbihan ko kayo,” sagot ko dito habang abot tenga ang ngiti.

Maaga akong nagising ngayong araw kasi ipinagluto ko sila, yes tama, ako ang nagluto ng mga ito.

“Kelan ka pa natutong magluto?” Umupo si Gunner sa isa sa mga upuan. Kaagad akong ngumisi. “Bakit ano ang tingin mo sa akin hindi madaling matuto? Thanks to Lily and your Mom sila ang nagturo sa akin.”

Umupo na rin ako upuan katabi si Gunner. Ang saya ko ngayon, kasi naman di'ba? Naging productive na ako, siguro kung buhay pa ang Daddy for sure proud na proud sa akin 'yon lalo na't natuto na ako sa mga gawaing bahay. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating kami ni Gunner sa kanilang probisya at hindi ko ito pinagsisihan.

Sa loob ng dalawang araw na 'yon marami akong natutunan. Sa pagluluto, sa paglilinis at paglalaba. Actually, hindi ko alam na ganito pala kahirap ang mga ginagawa ng mga maids doon sa bahay. Nakakapagod pala.

“In fairness, ate Sevs. Ang sarap mong magluto,” sabi ni Lily habang kumakain. Ngumiti ako roon. “Mabuti naman at nagustuhan mo.”

“Oo naman, ikaw kuya? Nasarapan ka?”

Kaagad akong napatingin kay Gunner. Tanging tango lang ang isinagot nito. “Hindi na ata 'to makapagsalita sa sobrang sarap ng niluto ko,” biro ko kay Gunner sabay tawa ng malakas.

“By the way, pupunta tayo doon sa bukid,” naningkit ang mga mata ko. “Ha? Anong gagawin natin don sa bukid?” tanong ko kay Lily.

“Ate, tutulungan natin si Inay do'n.”

Naalala ko na nagpaalam pala ang Inay nila Gunner kahapon para pumunta doon sa kanilang bukid. Sabi sa akin ni Lily ang bukid na 'yon ay pamana pa sa Lolo't Lola nila Gunner.

“Sige, gusto ko ring makita ang bukid ninyo.”



HUMINGA ako ng malalim sabay ngiti nang makita ko ang ganda ng scenery sa harapan ko ngayon.

Boung paligid ay kulay green na damo, napakalawak nito at doon sa dulo ay may makikita kang maraming burol para siya 'yung scenery na makikita mo lang doon sa ibang bansa.

Hindi ko alam na ganito pala kainit dito kaya naman pala ang suot ni Lily ay doble-doble. Habang ako? Sinuot ko 'yung damit na pinahiram sa akin ni Lily. Manipis lang ito at napaka-presko.

“This place is beautiful,” manghang wika ko habang naglalakad kami sa gitna ng malawak na patag na tanging nakikita mo lang sa paligid ay ang mga kulay berdeng damo, may nakikita rin akong mga kabayo, mga kambing na tahimik na kumakain ng damo sa paligid.

“Nay!” Napatingin ako doon sa unahan at nakita ko ang Ina nina Gunner. Naka-suot ito ng damit na pang mag sasaka. May suot-suot din siyang sumbrero na gawa sa dayame.

Ganito din ang nakikita ko doon sa Hacienda namin sa Davao.

Naglakad kami palapit doon sa Ina nila Gunner. “Salamat at dumating na kayo, natapos na rin kami sa pag-aararo kaya ang gagawin natin ngayon ay mag tanim na.” Naglakad na ang Inay nila Gunner saka sumunod kami.

Hindi ko alam kung ano ang pinasok ko. Mag tatanim pala kami ng palay dito at hindi ako marunong. “Ate ilalagay mo lang 'yan sa putik,” Lily instructed.

“You mean, kailanan kong bumaba?” sabi ko sabay turo sa mahabang taniman. Maputik 'yon. Hindi lang naman pala kami ang nandito, marami ring ibang magsasaka ang tahimik na nag tatanim sa paligid.

Mag nakikita rin akong scarecrows sa paligid scarecrows is a human figure, it is set up to scare birds away from a field.

“Pero hindi ba malalim 'yan?” natatawa kong tanong rito. “Hindi ate mga hanggang tuhod mo lang 'yan, kaya nga nagsuot tayo ng boots para hindi madumihan paa natin.”

“Ganito, ako na ang mauuna.” Nakita kong bumaba si Gunner at naglakad-lakad siya doon sa basang lupa. Dahil doon ay na encourage din akong bumaba.

Hindi naman sa inaasahan ay nadulas ako mabuti nalang at nasalo ako ni Gunner. 'Yon 'yung posisyon namin nung tumalon ako galing sa balcony ng bahay pababa.

“Mag-ingat ka sa susunod,” sabi nito.

Dahan-dahan niya akong ibinaba, napangiti ako roon saka inipit ko 'yung ilang hibla kong buhok sa tenga ko.

“Thanks,” mahina kong sabi nito.

“Ate wag kang humarang!”

Nanlaki naman ang mga mata ko nang itulak ako ni Lily actually hindi naman 'yon malakas pero sapat na 'yon para ma-out of balance ako.

Mabilis akong bumagsak sa dibdib ni Gunner at dahil din sa bilis na pangyayari ay nakita ko ang sarili kong madumi na dahil nakahiga na pala kaming dalawa sa basang lupa ng field.

Nakarinig agad ako ng malakas na tawa galing kay Lily.

“Sorry.” Mabilis akong tumayo para sana makalayo kay Gunner pero muli akong natumba dahil sa pakiramdam ko nagkamali ako sa pag-apak doon sa putik.

“Take it easy,” natatawang sabi ni Gunner habang inaalalayan ako. “Sorry ah? Ang dumi mo na tuloy,” sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya. “It's okay,” sabi nito.

Nagulat nalang ako nang lamasan ako ni Gunner ng putik sa mukha kaya napasigaw ako sa inis.

“What the f*ck?” sigaw ko rito. Mabilis na tumawa si Gunner ganun din ang ginawa ni Lily tawang-tawa sila kaya dahil sa inis ay kumuha ko ng ilang putik sa lupa saka ibinato sa kanila. Sapol na sapol 'yon sa pag tama sa kanilang mga mukha.

“Argh!” Gunner groaned saka kuha pa ng putik hangang sa nagbatohan kaming tatlo.

“Akala niyo a?” sabi ko pa rito.

Tawanan lamang namin ang maririnig sa field, sadyang napakatahimik kasi kaya umaalingaw-ngaw talaga ang mga boses namin.

Bahagyang nawala ang ingay sa paligid ko, parang huminto din ang oras.

Napatingin ako kay Gunner sa harapan na napaka-dumi ang mukha dahil sa pagbato ko ng putik kanina and wait....he's laughing.

Tumatawa siya, this is unusual to me kasi first time ko lang makita siyang ganito. Parang nawala 'yung Gunner na hindi nagsasalita. Ibang Gunner kasi ang nakikita ko ngayon sa harapan ko. Ang cute niyang tignan habang tumatawa.

Sana ganito nalang palagi.








CHAPTER FOURTEEN: Sleuth

Mayumi's POV

“Alam mo, Yums? Alalang-alala na talaga ako kay Sevy. It's been two days since nawala siya.” Kaagad akong napasimangot sa mga sinabi ni Alexis.

“Kaya nga, saan na kaya 'yon?” sabi ko naman dito habang patuloy parin kami sa paglalakad sa student's lounge ng school.

“Aba malay ko ba? Ako tinatanong mo, kung alam ko lang sana, sana sinabihan na kita.”

Mabilis kong tinignan ng masama si Alexis. Kahit kelan antanga talaga ng babaeng 'to.

“Anyways, natanong mo na ba si Diana kung may lead na ang mga pulis kay Sevs?” Napahinto si Alex sa paglalakad kaya huminto rin ako.

“Actually pag tinatanong ko siya parang wala siyang maisagot na matino eh,” sagot sa akin ni Alexis.

“Bakit naman?” muli kong tanong.

“Ewan basta! Parang may tinatago ang babaeng 'yon.” Muli kaming naglakad saka nilampasan namin ang student's lounge para pumunta doon sa canteen ng school.

“Alam mo, Yums. Hindi ako makapaniwala na nagawang kidnapin ni Gunner si Sevy.” Umupo kaming dalawa sa isang bakanteng mesa. “Kaya nga, sabi ko na nga ba hindi puwedeng mapag-katiwalaan ang taong 'yon.” Inilapag ko ang mga gamit ko sa mesa.

“Pero sa tingin mo ba't nagawa ni Gunner 'yon?” tanong ni Alexis sa akin. I shrugged.

“Actually, I don't know. Maybe because of money? Ganun naman diba?”

“Naniniwala ka talaga na magagawa 'yon ni Gunner? At kung pera ang habol niya kay Sevy, ba't hangang ngayon di parin siya tumatawag para sa ransom money?”

Mukhang tama si Alexis kung kinidnap ni Gunner si Sevy for sure dapat nanghingi na ito ng pera sa Tito ni Sevy.

“Ewan, basta naguguluhan ako sa nangyayari,” naiirita kong sagot dito. Naawa ako kay Sevy ano kaya ang nangyari sa babaeng 'yon? We tried to contact her pero naiwan niya pala phone niya sa bahay nila.

“Basta ako, hindi ako naniniwala na kinidnap siya ni Gunner at kung magkasama man silang dalawa ngayon, for sure kusang sumama si Sevym” Napakunot noo naman ako roon.

“At bakit naman gagawin ni Sevy 'yon, abir?” tanong ko agad.

“Mabait si Gunner, alam ko 'yon. At kung masama siya remember naka-ilang ligtas na siya kay Sevy—” Natigilan si Alexis doon kaya mabilis ko siyang inuga-uga. “Para kang muntanga diyan!” natatawa kong sabi.

“Yums, remember mo 'yung ikinuwento ni Sevy sa atin na may gustong pumatay sa kaniya?” Tumango ako roon. Minsan na naming napag-usapan sa group call 'yon nangyaring 'yun kay Sevy. “Bakit anong connect don?” tanong ko.

“Baka 'yon talaga ang may gawa sa nangyayari ngayon tapos parang na framed up lang si Gunner, dahil ang totoo they're escaping, may tinatakasan sila kaya umalis sila.”

Napahinto ako roon. “Ewan, kung totoo man 'yang sinasabi mo, kailangang malaman ng uncle ni Sevy ang mga nangyayari. Para mas naimbestigahan pa ng mga pulis ang kaso ni Sevs,” sagot ko rito. “Mamaya, bibisita tayo doon sa bahay nila,” dagdag ko pa rito. Kaagad namang tumango si Alexis.

TINIGNAN ko ang orasan ko habang nakatayo sa labas ng bahay nila Alexis. Mga sampung minuto na akong nakatayo sa labas nila, nag aantay sa kaniya pero hanggang ngayon ni anino ng babaeng 'yon hindi ko makita-kita.

“Mabuti naman at naisipan mo pang lumabas, Alex?” sarkastiko kong sabi sa kaniya nang makita ko siyang papalapit sa akin.

“Sorry naman kasi.” Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng sasakyan ko. Sumunod naman ako doon saka tinungo namin ang bahay nina Sevy.

Kaagad na tumunog ang doorbell nang pindotin ko ito.

“Sino po sila?” napatingin ako sa isang katulong na bigla nalang sumulpot kung saan. “Kami nga pala ang kaibigan ni Sevy—”

“Naku, hindi pa po naka-uwi si Miss. Severina nag-aalala na nga po—”

“I know,” mabilisan kong pag-putol rito para hindi na ito matapos sa pagsasalita.

“Sinadya talaga naming pumunta dito, kakausapin namin ang Tito ni Sevy, Franco tama ba?” dagdag ko pa.

“Sige po, pasok po kayo.”

Habang naglalakad kami sa pathway ng mansion nila Sevy ay may mga sinabi ang katulong sa amin.

“Simula noong na kidnap si Miss Severina, kakaiba na ang nangyayari dito sa mansion. May mga armadong lalaki na ang nagpupunta dito at— M–miss Diana?” napatingin kaming lahat sa unahan. Nakatayo doon si Diana habang nakataas ang kanang kilay, naka-kabit balikat din ito habang taas noo kaming tinignan.

“Sige po.” Mabilis na nagpaalam 'yung katulong sa amin kaya kami nalang ni Alexis ang naiwan.

“I told you, Severina is not here,” sabi nung Diana. “Nasaan ang Daddy mo? Kailangan namin siyang makausap,” sabi ni Alexis sa tabi ko.

“At bakit naman?”

“Tungkol sa pagkawala ni Sevy, parang alam na namin kung sino ang kumuha sa kaniya—” Nakarinig ako ng mahinang pagtawa galing kay Diana nang marinig niya ang mga sinabi ko.

“Are you nuts? Di'ba si Gunner nga ang nag kidnap kay Severina?” halos pasigaw na nitong sabi. Ngumisi ako,

“I don't think so.”

“Dad's not here, nasa opisina pa siya,” kaagad na iniba ni Diana ang usapan. “Kung gusto niyo pumasok tayo doon sa loob at antayin niyo siya—”

“No thanks, aalis din naman kami eh, diba Alex?”

“O–oo.”

Mas tumaas ang kilay ni Diana. “Okay, you can go now.”

So ayun, nagpaalam na kami. Habang lumalabas ng bahay ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kabahan. There's something wrong talaga, lalo na kay Diana.

Parang tumaray na siya at parang wala man lang siyang pake sa pagkawala ng pinsan niya, hindi na siya kagaya nung una naming pagkikita na napaka-clingy kulang nalang ay sumabit siya kay Sevy para kung saan ito ay nandoon din siya.

Nakikipag-plastikan lang din pala ang loka!



“KAHIT anong gawin niyo ay hindi niyo na makikita ang kaibigan niyo,” bulong ni Diana sa sarili habang pinagmamasdan 'yung dalawa na papalabas sa kanilang bahay—oo, bahay na nila 'cause any moment right now maaring namatay na si Severina at kung namatay man ang babaeng 'yon isa lang ang ibig sabihin, sa kanila na ang kayamanan na naiwan ng kaniyang Tito, ang ama ni Severina.

KAAGAD itinapon ni Franco ang hawak niyang wine glass nang ma tanggap niya ang isang mensahe galing kay Attorney Pete Davidson.

Doon niya nalaman na may kapatid pala si Severina. “Kailangan ko munang hanapin ang isa ko pang pamangkin, kailangan din 'yung mamatay,” bulong niya sa sarili niya.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at may idinial siyang numero doon.

“Hello, Chester, may ipapahanap akong tao sayo...”

CHAPTER FIFTEEN: In Love

SIMULA nung dumating si Severina sa probinsya nila Gunner ay nag-iba ang pananaw niya sa buhay niya. Napagtanto niyang, hindi pala gano'n kadali 'yung mga ginagawa ng mga katulong nila doon sa mansiyon at ang pinaka-magandang natutunan niya habang nanatili siya sa probinsya ay ang kahalagahan ng pagiging masaya.

Hindi pala nasusukat ang kasiyahan sa pera, dati para sa kaniya ‘money can buy everything’ pero hindi pala kasi; ‘money can't buy true happiness’.

Gaya ng dati, simula no'ng nakatira siya sa bahay nina Gunner ay maaga nang nagigising si Severina. Ang saya-saya niya pa sa tuwing nagigising siya, 'yung pag gising palang ay todo na agad ang ngiti sa mga labi niya.

Bumangon siya sa kama, hindi lang siya ang naroon. Nandoon din ang kapatid ni Gunner na si Lily, magkatabi sila sa kama. Nahihiya na nga si Severina eh, kwarto 'to ni Lily at nagawa pa nitong mag adjust para lang sa kaniya.

Hindi niya alam kung paano siya magpasalamat sa pamilyang ito. Gunner's mother is so kind to her isali mo na rin ang kapatid nito. At si Gunner naman, siguro kung wala ang taong 'yon, matagal na niya sigurong nakakasama ang Daddy niya sa langit—kung sa langit nga siya mapupunta.

Lumabas si Sevy sa kwarto ni Lily, kakaiba ang araw na ito ngayon. Maaga palang ay marami na siyang nakikitang mga tao na busy sa labas. Naglakad siya sa munting sala ng bahay at bahagya siyang napatingin doon sa kalendaryo na nakasabit sa dingding.

“Byernes,” bulong niya sa sarili niya.

Ang araw nga palang ito ay espesyal sa mga taong naka-tira sa bayang ito, dahil fiesta at kung may fiesta ibig sabihin no'n maraming kasiyahan.

“Good morning po,” kaagad binati ni Severina ang ina ni Gunner na busy ngayon doon sa kusina. Nagluluto ito ngayon kaya napangiti siya nang maamoy niya ang aroma ng niluluto nitong kaldereta.

“Good morning din sayo, Severina.” Hindi na ito nakalingon sa kaniya dahil sa sobrang busy sa pagluluto. “Tulungan ko na po kayo.” Naglakad palapit si Severina doon sa gawing likuran ng ina ni Gunner para sana tumulong pero ayaw siya nitong patulungin kesyo bisita raw siya kaya ang dapat niya lang gawin ay mag-antay nalang.

“Si Gunner po?” tanong ni Severina habang umuupo sa isa sa mga silya doon sa kusina. “Maaga 'yung umalis, inutusan kong bumili ng mga gulay at kung ano-ano pa doon sa palengke,” sagot naman nito habang busy ngayun sa pag hihiwa ng mga gulay.

“A gano'n po ba?”

WALA kang ibang naririnig dito sa plaza ngayon kundi ang ingay ng mga tao. Nagkakatuwaan ito, dagdag mo pa ang tugtog doon sa parade na pinangungunahan ng mga estudyante.

Maraming tao ngayon, kahit saan ka lumingon ay may mga palaro. Kung ano-ano ang mga ito, 'yon 'yung mga palaro dati pa, since ancestor pa ata nila gaya nang; Paunahan sa pag-akyat sa puno ng kawayan na puno ng langis para kunin 'yung kulay puting flag doon sa itaas nito.

Hindi mapigilan ni Severina ang pamangiti habang naglalakad sila sa Plaza ngayon. Kasama niya sina Gunner at Lily.

“Ang ganda naman pala dito,” manghang wika ni Sevy habang palingon-lingon sa paligid. Marami siyang nakikitang mga tao, siguro nga pag nag tatanga-tanga ka ay for sure mawawala ka sa sobrang dami ng tao.

Iba ang nararamdaman ni Sevy ngayon, ito kasi ang pinaka-una niyang maka-witness ng mga ganito. 'Yung fiesta, mga palaro at kahit 'yung parade ay hindi niya pa talaga naranasang maging parte non, nabuhay kasi siyang naka-kulong at napapaligiran lang ng napakataas na bakod.

“Sino pa ang gustong sumubok?” napatingin sila doon sa unahan kung saan pinagkakaguluhan ito ng mga tao. Lumapit silang tatlo kasama si Lily at nakita nila ang parang isang maliit na bakod at sa loob noon ay putikan at meron din itong isang maliit na baboy.

“Ano po 'yan?” tanong ni Severina doon sa lalaki na kanina pa nagsasalita. “Ang gagawin mo lang, hija ay hulihin mo 'yung biik at pag nadakip mo 'yon sa loob ng limang minuto meron kang makukuhang premyo galing sa akin.” Kaagad namang napangisi si Severina.

“Parang 'yon lang pala,” sagot ni Severina sa lalaki. “Ano? Sasali ka?” Ngumisi si Sevy dito at ngumiti.

Napatingin siya kina Gunner at Lily sa likuran niya. Napansin niyang kakaiba ang reaksiyon ni Gunner ngayon, parang gusto nitong matawa pero pinipigilan lang.

“Ano bang masama pag susubukan?” sabi ng dalaga sa kaniyang isipan.

After a couple of minutes for giving Severina an instruction ay kaagad na siyang pinapasok doon sa loob.

“Teka, kuya kailangan po ba talagang mag paa?” tanong ni Severina dito. “Depende sa'yo, hija,” sagot nung lalaki sa kaniya.

Kaagad namang pumwesto si Severina sa harapan kung saan 'yung baboy. “Ang dali lang naman nito, for sure hindi na mag five minutes nadakip ko na ang baboy na 'to,” bulong ni Severina habang seryosong nakatingin sa baboy.

Nang tumunog ang bell na nangangahulugang simula na ang pag takbo ng timer, at  doon dali-daling tumakbo si Severina doon sa baboy para sana dakpin 'yon pero nagulat nalang siya nang ganoon kabilis tumakbo ang baboy at nag pa-ikot-ikot ito sa loob ng bakod.

Nagsimula nang magsihiyawan ang mga tao habang pinapanood si Sevy. Muling tumakbo palapit si Sevy doon sa baboy pero mabilis siyang nadulas dahil sa sobrang dulas ng kaniyang inaapakan. Hindi niya alam na ganito pala kahirap na dakpin ang baboy na 'yon.

Naka-ilang habol siya sa baboy pero sadyang napaka-iksi talaga ito at napakalakas tumakbo kaya palagi si Sevy nadulas at duming-dumi na ang kaniyang damit at mukha ngayon dahil sa putik kung saan siya napapasubsob pag akma niyang hulihin 'yung baboy.

KANINA niya pang pinipigilan ang sarili niyang matawa nang mag representa si Severina para hulihin 'yung maliit na baboy. Hindi kasi alam nito kung gaano kahirap gawin 'yon.

Habang pinagmamasdan niya ang dalaga mula sa malayo ay di niya mapigilang matawa nalang.

Hindi niya inaasahan na ang babaeng 'yon na sobrang maldita, brat, super mayaman ay may tinatago palang ganoon na ugali.

'Yung ugaling gustong-gusto niya.

'Yung inosente, naive at ignorante sa ibang mga bagay.

Kung siya ang papipiliin ngayon, mas gusto niyang dito nalang tumira si Severina at kalimutan nalang 'yung nangyari doon sa City. Dito kasi, kakaibang Sevy ang nakikita niya. At gusto niya 'yon.  Hindi lang ang ugali nito kundi ang nagmamay-ari na mismo ng ugali, si Severina. Hindi niya alam kung bakit, basta nagising nalang siyang isang araw nasanay na siya sa presensya nito.

Nasanay na siyang makita ito mula paggising hanggang sa pagtulog. Hindi naman mahirap mahalin si Severina, kahit kakaiba ang ugali nito ay nagustuhan ito ng binata. Siguro, nagustuhan niya ito sa kakaibang ugali mismo ng dalaga.

Bihira ka lang kasing makakita ng babaeng fully packaged na kumbaga. Maganda, matalino, mayaman, mabait, medyo isip bata, madaldal at medyo clingy.

Dumating ang gabi at nandoon siya sa kusina, nagliligpit ng mga pinagkainan kasama ang kapatid niyang si Lily.

“Alam mo, kuya? Sana hindi nalang umalis si ate Sevs dito, mas gusto kong dito nalang siya tumira,” sabi ng kapatid niya habang naghugugas ng mga pinggan.

“Hindi naman puwede 'yon, Lily. May sariling buhay din siya,” mahinang sagot ng binata habang umuupo sa silya.

“Pero kuya, mas gusto kong dito lang si ate Sevy, ayos namang kalimutan niya nalang ang buhay niya roon sa city at dito na siya tumira.”

Ganoon din ang naiisip ng binata dati pero parang napaka-selfish niya naman ata pag gano'n.

“We can't force her, kung ayaw niya dito at mas gusto niya doon. Wala tayong magagawa,” sagot ni Gunner habang pinapanood ang kapatid nitong babae.

“Pero kuya, hindi mo ba gusto si ate Severina?” Huminto si Lily sa paghugas ng mga pinggan at bahagyang tinignan ang kuya niyang naka-upo sa silya. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.

Napabuntong hininga ang binata doon. “I don't know,” sagot nito. “Anong I don't know?” natatawang tanong naman ni Lily.

“Maybe? I don't really know,” sagot pa ng kuya niya.

“Naku, kuya kahit hindi mo sabihin, mata mo na mismo nagsasalita.” Muling ibinaling ni Lily ang atensiyon niya sa mga plato.

“Ano ba sinasabi ng mga mata ko?” tanong ng kapatid niya sa likuran.

Bahagyang napangiti ang dalaga doon habang naririnig ang kuya niya doon sa likuran. Parang seryoso itong malaman kung ano ang sinasabi ng heterochromatic niyang mga mata.

“You are in love,” pasimpleng sagot ni Lily.













CHAPTER SIXTEEN: BLOW

Sean September's POV

“Sean, where you going?”

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Daddy sa likuran. Kaagad ko siyang nilingon. “Mukhang may pupuntahan ka ata ngayon?” dagdag pa ni Daddy.

Ngumiti ako sa kaniya saka inayos ko ang sarili ko. “Aalis lang po ako, Dad. Hahanapin ko lang kapatid ko, I'll try to ask her un—I mean, our uncle if ever may bagong lead na ang pag iimbestiga sa pagkawala niya.” Ngumiti ako kay Daddy.

“Gano'n ba?” biglang humina ang boses nito saka dahan-dahang napayuko. Nawala ang ngiti ko doon, naglakad ako palapit sa kaniya.

“Dad, I told you. Ikaw parin ang Daddy ko, kailangan ko lang talagang matulungan si Severina.” I patted Dad's shoulder kaya bahagya itong napangiti. “Sige, mag-ingat ka, Sean—anak.”

Nang makalabas ako ng bahay ay tinawagan ko agad si Colby para magpatulong sa kaniya.

“Saan tayo pupunta ngayon?” mabilis akong pumasok doon sa loob ng kotse niya at pinaandar niya agad ito.

“Punta tayo sa bahay,” kaagad kong sabi.

“Bro, alam kong kapatid mo 'yung Severina at bahay niyo 'yon pero hindi naman ata puwedeng pumunta ka agad doon and you'll claim yourself as a lost son of—” hindi ko na pinatapos si Colby alam ko naman kung saan ito aabot e. “What I mean is kailangan nating pumunta doon para makapag-tanong if ever may bago ng lead, kung natagpuan na nila si Severina.”

Bata pa ako ay aware na akong ampon ako, sinabi sa akin agad 'yon ng Daddy noong nag twelve ako. Hindi kasi ito mahilig magtago ng sekreto kaya sinabi niya sa akin na ampon lang nila ako. I asked Dad if sino ang real parents ko at ang sinagot niya lang sa akin is kailangan ko pa raw mag-antay at malalaman ko rin sa tamang panahon.

At ngayong alam ko na, desidido akong puntahan ang kapatid kong babae. Kinidnap raw kasi ito ng kaniyang bodyguard pero ang nakakapagtataka hanggang ngayon ay hindi parin ito humihingi ng ransom money. Something's not right—baka naman kasi hindi siya kinidnap kundi sumama talaga siya dito.

Pero ano namang rason bakit sasama 'yung Severina sa bodyguard niya? siguro para mag tanan?

Kilala ang mga GoodMan sa business industry, ang Daddy niya—namin kasi ang isa sa pinakamayaman dito sa Pilipinas.

“SERYOSO kaba sa gagawin natin, Sean?” tanong ni Colby sa tabi ko habang nakatingin kami sa harapan ng mansion ng mga GoodMan.

“Oo naman, ngayon pa tayo aatras e nandito na tayo," sagot ko naman dito. Naglakad ako palapit saka pinindot ko 'yung doorbell.

Walang response kaya pinindot ko itong muli.

“Uhm, hi?” Napalingon ako nang may isang babaeng nagsalita sa likuran namin ni Colby. Kaagad akong napatingin dito, dalawa silang babae. Naka-suot sila ng uniform pang-eskwela.

“Hello?” tanong ko sa naman dito. “Bibisita rin kayo?” tanong nung babae.

Medyo maikli ang buhok nito, maganda pero mukhang maldita. 'Yung kasamahan niya naman ay maganda rin. Mataas ang buhok nito at mukhang bata kung mag-ayos, naka-ponytail kasi ang buhok nito tapos ang kapal ng kulay pulang lipstick sa kaniyang labi.

“Ah oo.” Ngumiti ako rito. “Kayo?” tanong ko rin naman. “Ako si Mayumi, ito si Alexis kaibigan kami ni Sevy, kayo?” tanong nung Mayumi.

“Ako ang—”

“Kaibigan din.” Si Colby ang sumagot dahilan para tignan ko siya ng masama.

“Kaibigan? Hindi ko alam na may kaibigan palang lalaki si Sevy maliban kay Gunner.” Natatawang sabi ng Alexis doon sa likuran. Siya 'yung babaeng parang bata kung makapag-ayos. Well, maganda siya.

“Gunner?” tanong ko naman dito. “Oo, siya 'yung bodyguard ni Sevs,” sagot muli nung Alexis.

“Kaibigan? Pero ba't kinidnap nung Gunner si Sev—”

“Hindi kami naniniwala roon, may kakaibang nangyayari sa bahay nila Sevy, pakiramdam namin ni Alex ang tito nito ang may pakana.” Napatingin ako kay Mayumi.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa aking narinig. “Tito? You mean 'yung Franco?” Curious kong tanong rito.

Bakit naman gagawin ng Tito namin 'yon?

“Matapos kasing mamatay ang Daddy ni Sevy ay pinamana sa kaniya ang mga shares nito, at sabi pa ni Sevs kaonti lang ang matatanggap na share ng Tito niya at pinsan niyang demonyita kaya siguro ito ang nangyayari.”

Napalunok laway ako roon. Bakit ganito ang nangyayari sa pamilyang ito?

“Pero, theories lang namin 'yon, baka naman isumbong niyo kami?” natatawang sabi nung Mayumi. Ngumiti ako rito. “Don't worry, your secret is safe with us.”

“Miss Mayumi!” Napatingin kami doon sa may gate nang makita namin ang isang katulong.

“May kasama po pala kayo, pasok po.”

Pinapasok kami nito. Naglakad na kami papunta doon sa mansion hindi ko namang mapigilang mapahangha nalang.

Ganito pala kalaki ang bahay namin.

Napakalaki rin ng yard. May makikita kang garden doon sa dulo at meron ding swimming pool.

Huminto kami sa tapat ng veranda nang makita namin ang isang lalaki. May kasama itong dalawa pang lalaki sa kaniyang likuran, may hawak-hawak ang mga ito na baril.

“Sino kayo?” Kaagad na tanong nung lalaki. Naka-suot siya ng business suit. Nagpaalam agad 'yung maid kaya kami nalang apat ang naiwan. Hindi naman siya ganoon katanda kung titignan, parang mga nasa mid early 40's pa ata ito.

“Kaibigan po kami ni Severina—”

“She's not here. Nawawala nga siya diba?” sabi agad nung lalaki kaya natahimik ang mga girls.

Napatingin naman 'yung lalaki sa akin saka kaagad na kumunot ang kaniyang noo.

“Ikaw, sino ka?” tanong nito. Nakaramdam naman ako ng kaba doon.

“Ako si Sean September,” sagot ko rito. Kita ko ang paglaki ng mga mata nito na para bang nakakita ng multo.

“Sean September, ikaw nga.”

Kumunot ang noo ko doon. “W–what do you mean?” tanong ko rito na bahagyang natatawa. Anong ibig niyang sabihin?

Napatingin naman ako sa kasamahan ko. Tahimik lamang sila habang pinagmamasdan din ako.

Tumayo 'yung lalaki galing sa pagka-upo niya. “Ako si Franco, ang Tito mo.” Nanlaki ang mga mata ko roon. Teka, alam niya?

“Tito?” narinig kong tanong ni Mayumi sa likuran.

“My lost nephew's back.” Natatawang sabi nito sa akin habang dahan-dahang naglakad palapit sa akin.

Mas matangkad pa ito sa akin dahilan para mapa-angat ako ng tingin sa kaniya.

“Tell me, ba't bumalik ka pa?” Natatawang tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot habang pinagmamasdan ko lang siya.

“Gusto mo rin atang magaya sa kapatid mo,” pasimpleng sabi pa nito sabay talikod. Muli siyang naglakad pabalik doon sa kaniyang kinaupuan kanina. Nakaramdam naman ako ng kaba.

My heart is pounding so hard. Anong nangyayari? Something's not right.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang harapin ako nito, kaagad akong napatingin sa kaniyang kamay na may hawak-hawak na itong baril. “Dapa!” kaagad kong sigaw sa lahat. Dali-dali akong dumapa bago pumutok 'yung baril.

Kaagad kaming apat na tumakbo papunta sa mag gate pero muli kaming pinaulanan ng bala galing doon sa likuran mabuti nalang din ay hindi kami natamaan.

Kaagad kaming nakalabas sa mansion.

“What the f*ck, abno ata 'yung Tito ni Sevy!” sigaw nung Alexis. “Pasok kayo sa loob!” utos ko sa lahat habang tinuturo ang kotse.

Kaagad naman silang lahat pumasok sa loob habang ako naman ang nagmamaneho ng sasakyan.

“Bakit tayo pinagbabaril?” tanong ni Mayumi sa akin pero hindi ako sumagot. Napatingin ako sa salamin at nakita kong may nakasunod sa amin na isang truck.

May sakay itong mga armadong lalaki.

Mas binilisan ko pa ang pagpatakbo ng kotse.

“Bro! Baka matamaan 'tong kotse patay ako ni Dad!”

“Tumigil nga kayo!” asik ko rito.

“Kailangan nating makalayo dito,” dagdag ko pa.

“Mommy ayoko pang mamatay!”

“Alex ang oa na!”

“Sorry naman Yums!”













CHAPTER SEVENTEEN: Cross

Lunes na ngayon, at ito na ang araw na magpapaalam kami ni Gunner sa pamilya niya at sa kanilang probinsya. Sa gabi kasi ng sabado ay napag-desisyonan namin ni Gunner na bumalik na kami sa city at harapin ang Tito ko.

Nagplano na rin kaming pumunta doon kay Attorney Pete Davidson para masabihan namin siya at lalo na rin kay Chief Tyson para maipakulong ko ang Tito ko.

“Sure na ba talaga kayong aalis?” tanong ni Lily sa akin habang nag-aayos ako ng sarili sa harapan ng salamin. “Aba, oo naman. Inaantay ko talaga ang araw na ito, don't worry babalik naman kami ng Kuya mo pag natapos na ang problemang ito.” Nginitian ko si Lily para mapawi ang lungkot niya. Nag tagumpay naman ako doon, binigyan naman ako nito ng isang napakagandang ngiti.

“Basta ate, promise me babalik ka dito.” She pouted her lips that made me smile. Hinawakan ko ang kamay ni Lily. “Promise,” wika ko rito.

Nakarinig naman ako ng pagtawag ni Gunner galing doon sa labas. Mga alas sais pa ata ng umaga at sabi niya kailangan raw naming mag madali para maaga kaming makaka-rating doon.

Sabay kami ni Lily na lumabas ng bahay at kaagad kong tinungo ang kotse. Napatingin naman ako sa suot ni Gunner, 'yon 'yung suot na nakasanayan ng mga mata kong makita siya.

Fitted dinner suit, slacks, black shoes, waxed hair.

Nginitian ko siya bago ako pumasok doon sa backseat ng kotse. Galing sa loob ay pinanood ko si Gunner na nagpaalam sa kaniyang Ina at kapatid. Nang matapos siya ay tinungo na niya ang driver's seat saka dahan-dahan nang pinaandar ang engine nito.

Huminga ako ng malalim saka ilang sandali ay dahan-dahan nang gumalaw ang kotse. Umatras muna ito saka muling umabante. Kinawayan ko naman sina Lily sa huling pagkakataon.

Nang makalayo na kami ay inayos ko muli ang aking upo.

Dali-dali ko namang pinindot ang stereo saka nagpatugtog. Hindi niya ako pinansin at naka-tuon lang siya doon sa harapan. Napangisi naman ako at kaagad na napatingin sa kaniya nang marinig ko 'yung kanta.

Parang bumagay kasi 'yung kanta sa sitwasyon namin kaso ang pinag-kaiba we're not lovers.

Kaagad namang bumalik sa isipan ko 'yung aking nasaksihan last friday night.

Matapos kasi kaming kumain ay tinungo ko ang kwarto namin ni Lily para makapag-ayos, iniwan ko naman sina Gunner at Lily doon sa kusina.

Nang bumalik ako doon ay napahinto ako nang marinig kong nag-uusap 'yung dalawa. Parang seryoso ang kanilang usapan. Hindi ko namang sinasadyang marinig 'yon.

“Pero kuya, hindi mo ba gusto si ate Severina?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yung sinabi ni Lily. Tinignan ko si Gunner, naka-talikod ito sa akin ngayon, inantay ko ang sagot niya. Gusto niya rin ba ako?

Matagal siya bago sumagot.

“I don't know,” aniya dahilan para manghina ang mga tuhod ko. Parang bigla akong nawalan ng enerhiya sa mga sinabi ni Gunner. Nawala ang ngiti sa labi ko nun at dahil ayoko nang marinig ang mga susunod niyang sasabihin ay kaagad akong bumalik doon sa loob ng kwarto.

Ni-hindi ko nga siya pinansin kinabukasan pero dahil sa sadyang marupok ako, ginawa ko nalang, bakit nga naman ako masasaktan diba?

Ang trato lang sa akin ng taong 'to ay wala nang iba kundi amo niya. 'Yun lang 'yon.

Ilang oras ang itinakbo ng kotse hanggang sa dumaan na kami sa highway, sa dulo nun ay ang city na pero hindi pa sa kalayuan ay nakakarinig na kami ni Gunner ng sunod-sunod na putok ng baril. At dahil sa kami lang ang taong dumadaan sa highway ay di naming mapigilang kabahan.

Hindi ko namang sinasadyang hawakan ang kamay niya. “What's wrong?” tanong nito hindi ko siya tinignan dahil doon lang sa harapan naka-tuon ang atensiyon ko.

“Alam ba nila na papabalik na tayo?” tanong ko.

Naningkit ang mga mata ko nang ilang sandali ay doon sa unahan ay may sumulpot na isang kotse, matulin ang takbo nito na papalapit sa amin kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nasa likuran nito.

May sumusunod sa kanila, isang truck na may mga armadong lalaki?




HALOS mura lang ang maririnig mo sa kotse nina Sean ngayon. Napa-hawak naman ang mga babae ng kanilang tainga nang maramdaman nilang binabaril ang likurang parte ng kotse.

“T*ngina naman bakit ngayon pa tayo naubusan ng gas?” Mabilis na inapakan ni Sean ang preno dahilan para halos mapasubsob sa unahan ang mga kasamahan niya.

Kaagad silang apat na lumabas ng kotse at mabilis na tumakbo doon sa harapang parte ng sasakyan para magtago. Wala naman sigurong may gusto sa kanila na matamaan ng baril, hindi ba?

Napansin naman ni Alexis na may paparating na kotse. Huminto ito sa harapan nila at nagulat silang dalawa ni Mayumi nang makita nila kung sino ang naka-sakay roon.

“What's happening here?” kaagad na tanong ni Gunner nang makalabas sila ni Severina sa kotse. “Pinagbabaril kami ng tauhan ng Tito ni Sevy,” pagsagot naman ni Alexis dito.

Mabuti nalang at may dala si Gunner na mga baril doon sa loob kaya sinabihan niya ang dalawang lalaki na kunin 'yon, habang si Severina naman ay pinalayo 'yung mga kaibigan niya.

Huminto 'yung truck na kung saan naka-sakay 'yung mga lalaki na humahabol sa kanilang apat. Kaagad sila nitong pinag paputukan ng baril pero sadyang maiksi naman si Gunner at ang dalawa para maiwasan 'yon.

Dali-daling lumapit si Gunner doon sa kotse na nakaharang sa harapan at kaagad na umupo sa sementong parte ng kalsada.

Tatlo din ang lalaking humahabol sa kanila kaya parang alam niya na kahit papano ay patas lang ang laban.

Nagpakawala si Sean ng ilang putok ng baril pero naka-ilag lang 'yung tatlong kalaban nila, madali rin kasi itong nakapag-tago sa bakal na parte ng truck kaya nagmarka lang sa bakal 'yung tama ng baril.

PINAPANOOD lamang nina Mayumi, Alexis at Severina ang tatlo na nakipag-barilan doon sa harapan. Hindi naman nila mapigilang manginig nalang sa takot. Gusto ni Severina tumulong pero hindi niya alam kung paano, hindi rin naman siya marunong humawak ng baril.

“Tilungan natin sila,” sabi ni Alexis saka akmang lalapit pa sana.

“Wag na, baka mapahamak pa sila dahil sa atin,” sagot ni Severina rito habang pinipigilan na maka-lapit si Alexis roon

















.

CHAPTER EIGHTEEN: United

PALITAN lamang ng putok ng baril ang maririnig sa boung paligid sa labas ng borderline ng siyudad.

Nagpakawala ng putok si Gunner dahilan para matamaan ang isa sa mga lalaki. Kaagad itong natumba sa harapan ng kaniyang kasamahan na dahilan para mabigyan pa ito ng motibasyon na patayin sila.

“T*angina! Tulungan mo'ko rito!” sigaw nung lalaking naka-suot ng kulay itim na damit sa kasamahan nitong nasa loob ng truck. “T*angina mo rin! Hindi ako marunong humawak ng baril!” pasigaw pabalik nung lalaking nasa driver's seat. Kaagad siyang bumaba saka lumapit sa kasamahan niya. Ibinigay ng lalaki ang extra pang baril sa kanilang driver.

“Anong gagawin ko rito?” tinignan nung driver ang kasamahan niya. Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga ganitong sitwasyon. “Barilin mo lang sila,” aniya ng kasamahan nito saka muling nagpakawala ng putok doon sa kabila.

“Nanggigil na talaga ako do'n!” inis na sabi ni Sean habang nakasandal ang kaniyang likuran sa harapan ng kotse. Nakatago sila ngayong tatlo para hindi sila matamaan habang 'yung mga babae naman ay nasa kotse nila Severina.

Ilang sandali pa ay muling nagpakita si Gunner doon sa mga goons dahilan para pagbabarilin muli siya ng mga ito pero sadyang napakagaling niya., hindi naman siguro siya bibigyan ng mataas na parangal sa kanilang department kung hindi siya ganito kagaling.

Kaagad natamaan ni Gunner ang isa sa dalawang lalaki na nagtatago doon sa kulay itim na truck, natamaan niya ito sa ulo kaya kaagad itong bumagsak. Mas bumilis naman ang tibok ng puso nung driver, mas humigpit ang pagkahawak niya doon sa baril pero kaagad niya itong nabitawan.

“Wag po!” kaagad nitong itinaas ang dalawa niyang kamay sa ere nang tutukan siya ni Gunner ng baril. “Gunner! Don't kill him! Maawa ka naman!” saway ni Severina doon sa likuran.

Kaagad na tumayo 'yung lalaki habang nakataas parin ang kaniyang mga kamay. Tinignan niya ang malamig na mga mata ni Gunner nagulat naman siya kung bakit ganun 'yon, iba-iba kasi ang kulay nito.

“Sino nag-utos sa inyo para gawin niyo 'to?” Mas inilapit ni Gunner ang baril sa mukha nung lalaki kaya kaagad siyang sumagot. “Si boss Franco po.” Nanginginig ang boses nito habang nakatingin kay Gunner.

“Inutusan niya lang po kaming gawin 'to pero h–hindi po ako m–masama n–napasama lang ako sa dalawa kanina,” pagpapaliwanag nito. Biglang tumaas naman ang kilay ni Gunner doon.

“Bakit niya kayo inutusang pagbabarilin kami?” Naglakad palapit si Sean doon sa direksiyon kung nasaan si Gunner at 'yung lalaki.

Lumihis ang mga mata nito saka tinignan si Sean. “Nalaman po kasi ni Boss na mali 'yung testamentong binasa ni Attorney—”

“Mali?” Si Severina naman ngayon ang naglakad palapit doon. “Nalaman po kasi ni Attorney at ng tito niyo na may kapatid kayo,” sagot nung lalaki kay Severina na ikinagulat naman ng dalaga. Totoo ba 'tong narinig niya? May kapatid siya?

Napatingin si Sean sa tabi niya kung saan nakatayo si Severina. Gusto niyang magsalita pero pinabayaan niya nalang muna itong matanggap ang nangyayari.

“Kailangan na nating bumalik doon sa bahay—”

“No!” napatingin ang lahat kay Sean nang bigla itong sumigaw. “At bakit hindi?” tinaasan ni Severina ng kilay si Sean.

“I mean, baka mapapahamak lang kayo, gaya ng sinabi ng taong 'yan desidido ang tito mo na ipapatay ka,” sagot ni Sean kay Severina. “Mabuti pa't doon nalang muna kayo sa bahay tumuloy,” dagdag pa ni Sean dito.

Napaisip si Severina doon. Kung sabagay, parang hindi naman nila Gunner kakayaning kalabanin ang napakaraming goons ng Tito niya kung mag mamatigas pa silang tumuloy doon kaya pumayag nalang siya na doon muna kina Sean sila tutuloy—pansamantala.

“Sige, tara na, Gunner. Wag mo nang patayin 'yan, pabayaan mo nalang,” sabi ni Severina kay Gunner. Tumango naman ang binata saka kaagad ibinaba ang baril. Tumalikod na ito at iniwan 'yung lalaki. Ngumisi-ngisi pa ito dahil sa saya na hindi siya papatayin.

Naglakad na ang tatlo papunta doon sana sa kotse nila pero bigla namang kinuha nong lalaki ang baril na nabitawan niya kanina at dali-dali siyang  nagpakawala ng ilang putok dahilan para matamaan si Gunner kaagad itong natumba kaya napalingon si Sean at Severina doon, dahil naman sa galit ay kaagad ni Sean binaril 'yung lalaki gamit 'yung nabitawang baril ni Gunner.

Kaagad namang bumulagta ang katawan ng lalaki doon sa tabi ng mga kasamahan nito.

“Gunner?” Kaagad na niyugyog ni Severina si Gunner na ngayon ay naghihingalo na.

“Dalhin na'tin siya sa hospital,” halos maiyak-iyak na si Severina habang pinagmamasdan si Gunner na nahihirapan ng huminga sa kanilang harapan.

Dalawa ang tama nito sa likuran, marami ng dugo ang nawawala kay Gunner kaya dali-dali nina Sean at Colby na pagtulungang buhatin si Gunner para isakay sa kotse para idala sa bahay nila Sean.

Severina's POV

“He's okay now, kailangan niya munang magpahinga,” wika nung doctor na gumamot kay Gunner. Akala ko doon namin dadalhin si Gunner sa hospital pero nagulat nalang ako nang dalhin nung Sean dito sa bahay nila.

Kaagad na kaming lumabas sa kwarto para maiwan si Gunner doon. “Salamat nga pala.” Nginitian ko si Sean. “That's nothing, sis,” naningkit ang mga mata ko roon.

Sis? Bakla ba siya?

“Sean?” Napatingin kami doon sa lalaki na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Kilala ko ang taong 'yon siya si Rolando Primstar, isa siya sa mga ka-partner ng Daddy sa business.

Nakikita ko kasi ito minsan doon sa opisina ng Daddy pag bumibisita ako. So does this mean na si Sean ay anak ng taong 'to?

“Ikaw si Severina?” tanong nito sabay tingin sa akin. Ngumiti ako saka tumango. “Hija, nakikiramay ako sa pagkawala ng Dad mo.” Ngumiti ako doon saka sumagot. “Salamat po. Salamat din na pinatuloy niyo kami dito sa bahay ninyo.”

“Oo nga po, akala ko nga last hour ko na 'yon kanina,” sagot ni Alexis sa likuran ko kasama si Mayumi.

“Hali kayong lahat, may pag-uusapan tayo,.”Tumalikod na sa amin 'yung lalaki saka naglakad sa mahabang pasilyo ng kanilang bahay.

Nagkatinginan kaming lahat. Ano naman kaya ang dapat naming pag-usapan?

Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang sumunod nalang hanggang sa naka-rating kami sa living room ng kanilang bahay.

Umupo kami sa couch, magkatabi kami nina Alex at Yums habang si Sean naman ay katabi 'yung isa pang lalaki, Colby ata ang pangalan nun kung hindi ako nagkakamali.

“Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa kapatid mo, Severina.” Naningkit ang mga mata ko roon.

Naalala ko 'yong sinabi ng lalaki kanina na may kapatid raw ako. “Po?” tanong ko rito.

“November 2002 nang magka-usap kami ng Daddy mo, sinabi niya sa akin na ako muna ang mag-aalaga sa kapatid mong lalaki—” kaagad na sumulyap 'yung lalaki doon sa direksiyon kung saan naka-upo si Sean.

“Sabi niya kasi, may isang organisasyon ang naghahanap sa kaniya, ayaw niya raw namang madamay ang bata. Habang ikaw naman ay dinala ng Mommy mo sa States para magtago rin doon.” Naningkit ang mga mata ko.

“I didn't get it. Bakit hindi nalang sinama ang kapatid ko sa States?” tanong ko agad dito. “Hindi alam ng mama mo na may kakambal ka pala, tama ang narinig mo, hindi lang basta kapatid na lalaki, kundi may kakambal kang lalaki.”

Kaagad akong nakaramdam ng kaba at kung ano sa tiyan ko. “Po?”

“Dumating ang ilang taon, kinausap ko ulit ang Daddy mo na kung sana, ako nalang ang aako sa responsibilidad ng kapatid mong lalaki kasi, dahil sa tagal rin ng panahon ay napamahal na ito sa akin lalo na sa namayapa kong asawa, hindi kami magka-anak kaya nahanap ng asawa ko sa kapatid mo ang pag mamahal ng isang anak.”

Hindi ko mapigilang mapaiyak nalang sa aking naririnig.

“Sino po ang kapatid ko?” tanong ko rito. Kaagad ko namang nakitang tumayo si Sean na basang-basa na ang mukha ngayon dahil sa kaniyang luhang umaagos galing sa kaniyang mga mata.

“Ikaw ang kapatid ko?” Biglang nanginig ang mga labi ko. Kaagad rin akong napatayo.

“Gosh?” natatawang sabi ni Mayumi sa tabi ko.

Naglakad palapit si Sean sa akin saka kaagad akong niyakap ng napakahigpit.

Niyakap ko rin siya.

Agad naman itong humagugol dahilan para hagudin ko ang kaniyang likuran. “Shh, tahan na.”











CHAPTER NINETEEN: Body Heat

“Bakit ito tinawag na brownies kung black naman?” tanong ni Alexis habang kinakain 'yung isang piraso ng brownies.

“Alex may mas malala pang problema kesa diyan,” pagsagot naman ni Mayumi kay Alexis. Tinignan ko silang dalawa. “Well, sabagay ang lemon square nga, hindi square,” natawa naman kami nang marinig ulit namin si Alexis.

“'Yung fire truck nga tubig ang dala,” napairap naman ako nang sinabayan ni Sean si Alexis sa kalokohan.

“Kaya nga, bakit ganun?” tanong ulit ni Alexis. “Bagay talaga kayong mag-sama para kayong may sira sa utak,” sabi ulit ni Mayumi sabay inom ng juice.

“Totoo naman, Yums. 'Yung pure gold nga, kulay green,” halos mabilaokan naman si Colby nang marinig niya 'yon.

“Ewan ko sa inyo.” Kaagad tumayo si Mayumi galing sa pagka-upo. “Saan ka pupunta Yums? Mag reresearch ka ba kung bakit hindi apoy ang lumalabas sa fire exit?” Hindi sumagot si Mayumi bagkus ay umalis na ito saka tinungo ang living room.

Humagalpak naman si Colby ng tawa. Tinignan ko siya na ngayon na hawak-hawak ang kaniyang tiyan habang humahalakhak parin.

“T*ngina! HAHAHA,” sabi pa nito sabay turo kay Alexis na ngayon ay takang-taka kung bakit siya pinag-tatawanan ni Colby.

“Severina saan ka nakahanap ng ganitong kaibigan?” tanong ni Colby sa akin na maluha-luha na dahil sa kakatawa.

Nag pout naman si Alexis sabay tingin sa akin. “Saan kaba noong umulan ng katangahan?” tanong pa muli ni Colby kay Alexis.

“Siguro nalunod siya,” natatawang sagot ni Sean dito.

Wala kang ibang maririnig sa loob ng kusina kundi ang tawanan lamang ng dalawa. Habang nagkakasiyahan sila ay ang ginawa ko naman ay nagpaalam sa kanilang tatlo, gusto kong tignan si Gunner doon sa itaas, simula kahapon ay hindi ko pa siya nakaka-usap.

Tinungo ko ang itaas ng bahay, naglakad ako sa pasilyo ng bahay nila Sean. Malaki ito, marami kang nakikitang paintings na naka-dikit sa dingding ng hallway, meron din mga lampshade sa magkabilang dingding na nag sisilbing ilaw habang naglalakad ako.

Tinungo ko ang pinaka-dulo ng hallway kung saan matatagpuan ang kwarto kung nasaan si Gunner ngayon. Sabi naman nung doktora ay maayos na si Gunner ngayon, kailangan niya nalang magpahinga. Gusto ko siyang kamustahin at gusto ko ring magpasalamat sa kaniya.

Kumatok ako sa pinto pero walang sumagot. Dahan-dahan ko namang pinihit ang doorknob saka ilang sandali pa ay hindi ko alam na nasa loob na pala ako ng kwarto, medyo madilim dito at tanging lampshade lamang doon sa side table ng kama ang nag bibigay liwanag sa boung kwarto.

Medyo malamig rin dito dahil sa aircon, napansin ko ring naka-sara ang mga bintana sa boung kwarto.

Dahan-dahan akong naglakad papunta doon sa kama kung saan naka-higa si Gunner. Natutulog siya ngayon, natatakpan ang bou niyang katawan ng napaka-kapal na kulay puting kumot.

Lumapit ako doon saka umupo ako sa kama niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, para siyang anghel na natutulog.

I slowly caress his cheeks.

Tumayo na ako para iwan siya, tatalikod na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko roon, lilingon pa sana ako nang marahas niya akong hilahin dahilan para bumagsak ako sa dibdib niya.

“G–gunner?”

Nakadagan ako ngayon sa dibdib niya. Kaagad ko siyang tinignan at doon ko nakita si Gunner na nakangiti sa akin ngayon.

Dali-dali akong tumayo pero muli niya akong hinila dahilan para mapasubsob ako muli sa kaniyang maskuladong dibdib.

“W–what are you doing?” sabi ko rito. Dahan-dahan siyang bumangon saka isinandal niya ang kaniyang likuran sa headboard ng kama. Nakakapit naman ang mga kamay ko sa kaniyang balikat.

“I like you, Severina.” Natigilan ako sa mga sinabi ni Gunner. “A–ano ba 'yang pinagsasabi mo?” natatawa kong tanong sa kaniya. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa balikat niya saka ko inayos ang sarili ko.

“I f*cking like you, Severina. Don't tell me you don't like me?”

Nakaramdam ako ng init sa bou kong katawan nang marinig ko ang boses niya. I just found it sexy.

Nanlaki naman ang mga mata ko at parang bigla akong naging statwa nang halikan niya ako sa labi.

Tinignan ko siya, nakapikit ang mga mata niya habang magka-dikit ang aming mga labi. His lips is so soft, I–i kinda like it.

Napapikit nalang din ako habang hinahalik-halikan niya ako.

He kissed me torridly. Mas uminit pa ang bou kong katawan parang wala na sa akin ang epekto ng aircon, namamawis na aking mga kamay.

Hindi ko alam na hinayaan ko nalang siyang halik-halikan ako. Hindi siya nakuntento sa labi ko, bumaba ang mga halik niya papunta doon sa aking leeg.

I slowly bit my lower lip, pumikit ako saka mas inangat ko pa ang aking ulo para malayang makakagalaw ang kaniyang mga labi.

He bit my neck using his lips dahilan para mapa-impit ako ng ungol.

“I badly want you, Severina,” narinig kong sabi niya.

Sa oras na 'yon, ibinigay ko lahat sa kaniya. We both shared the same heat, sweat and even our body collided. Kakaiba ang pakiramdam na 'yon, pakiramdam ko napuno niya ang pagkababae ko.

Nagising ako na katabi si Gunner, kaagad naman akong napabangon pero bigla nalang akong napatingin sa bou kong katawan, hindi ko alam na wala pala akong suot. I'm fully naked!

Dali-dali akong bumalik sa kama saka tinakpan ko ang sarili ko ng kumot.

“You're awake.” Napatingin ako kay Gunner na ngayon ay nakatitig sa akin. Kinusot niya ang mga mata niya saka ilang sandali pa ay ngumiti siya sa akin.

Bigla kong naalala na may nangyari pala sa amin. Bigla naman akong napahawak sa masilan kong bahagi, mahapdi ito ngayon. F*ck!

“You look so pretty.” Narinig kong sabi pa ni Gunner sa akin. Doon ko rin nakita na wala din siyang suot pang-itaas. Nakita ko ang kaniyang maskuladong katawan, his chest, ang kaniyang braso, d*mn it!

Hindi na ako sumagot saka dali-dali akong nagbihis sa harapan niya. Inayos ko ang aking sarili. “Hindi ko alam kahit may sugat ka ang galing mo paring—uhm, never mind,” sabi ko sa kaniya.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. “Sevs?” nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko si Alexis. “Akala ko umalis ka, it's almost two hours since nagpaalam ka sa amin doon sa ibaba, nandito ka lang pala,” wika nito.

Ngumiti lang ako sa kaniya, pinilit kong hindi magpahalata.

“Sige, Alex,” nagpaalam ako sa kaniya. I took a single step pero diko mapigilang mapangiwi nang makaramdam ako ng hapdi sa aking hiwa. F*ck you Gunner!

“Teka, Sevs?” napahinto ako roon. Pumihit ako saka tinignan siya. “Baliktad 'yang damit mo,” sabi ni Alex sabay turo sa damit ko. Kaagad naman akong napatingin sa aking damit, hindi ko alam na baliktad pala ito, siguro dahil sa pagmamadali ko.

“Ang tanda mo na, hindi ka parin marunong mag-suot ng damit?”

Inirapan ko nalang si Alexis at hindi na ako sumagot sa kaniya.

Kung alam mo lang ang ginawa namin tignan ko lang kung maayos ka pang makapag-palit ng damit.

























CHAPTER TWENTY: Ready For Abduction

MAAGANG nagising si Severina. Importante sa kaniya ang araw na ito, ito ang araw na kung saan pupunta sila ni Sean doon sa opisina ni Attorney Pete Davidson, marami silang dapat pag-usapan pa, kailangan din nilang puntahan si Chief Tyson.

Matapos silang kumain ay nagpaalam na ang dalawa, sina Alexis at Mayumi. Siguro kailangan na raw nilang umuwi lalo na't ito nalang din ang huling palugit na ibinigay ng parents nila para mag stay sila rito.

Sa dalawang araw na pagsasama ni Severina at Sean ay naging malapit na sila sa isa't-isa pero meron din talaga 'yung mga oras na tinatawag na "awkward moments" pag sila ang nag-uusap, hindi naman kasi sanay si Severina na may tatawag sa kaniya na ate. Kahit kambal sila ay 'ate' ang tawag ni Sean sa kaniya siguro dahil ay mas matured pa naman siya kesa rito.

Noong una ay pakiramdam niya ang pangit pakinggan pero hanggang sa nasanay na rin siya.

“Sasama ako sa inyo,” sabi ni Rolando Primstar, ang nagsilbing ama ni Sean sa loob ng nineteen years.

“Pero, Dad, mas mabuti kung kami nalang dalawa ni ate ang pupunta doon,” pagsagot naman ni Sean sa kaniyang ama habang sila ay kumakain sa veranda. Dito nila naisipang kumain kasi napaka-presko.

“Opo, saka kasama naman po namin si Gunner,” pagsang-ayon naman ni Severina. Kaagad na kumunot ang noo ni Rolando. “Mas ma-komportable parin ako pag kasama niyo ako,” sabi nito sabay inom ng isang basong tubig.

“Sige, kung 'yan ang gusto niyo,” Sean shrugged his shoulders. Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa natapos na si Severina. Nagpaalam siya sa dalawa dahil kailangan niya pang puntahan si Gunner doon sa itaas, nauna na itong kumain sa kanila kasabay nitong kumain sina Mayumi at Alexis.

Kumatok si Severina sa pinto ng kwarto kung nasaan si Gunner ngayon, kaagad naman siya nitong pinapasok.

“Ayos kana ba talaga?” tanong ni Severina dito kay Gunner habang naglalakad ito palapit doon sa kama kung saan naka-upo ang binata.

“I'm okay.” Ngumiti si Gunner kay Severina. “Ayos kana ba talaga? Ayos lang sa akin, kung hindi ka muna sasama.” Ngumiti ang dalaga kay Gunner. “No, I'm okay,” muling sagot ni Gunner kay Severina kaya wala nalang itong ibang ginawa kundi ang tumango nalang.

Gamit ang kulay pulang hatchback ni Sean ay tinungo nila ang building kung saan nandoon si Attorney Pete.

Lumabas na sila ng kotse, “Sasama ka pa ba sa amin, Gunner?” tanong ni Sean kay Gunner na ngayon ay nasa harapan.

Ngumiti si Gunner. “No, I'm fine. Kayo na ang pumunta,” sagot nito.

Tumango si Sean at Severina. “Hali na kayo mga bata,” aniya ni Rolando sabay pasok na ng building. Sumunod naman ang magkapatid hanggang sa si Gunner nalang ang naiwan sa parking lot.

Maraming mga kotseng naka-park ngayon pero bigla naman siyang nakaramdam ng kakaiba nang may dumating na isang kulay itim na van na nag park sa unahan.

Medyo kumunot ang noo niya doon nang magsilabasan ang mga naka-sakay. Men, they're all men.

Binaliwala nalang 'yon ni Gunner, inayos niya ang suot niyang kulay puting long sleeves. Sanay siya sa mga ganitong kasuotan, bukod sa pagiging pormal ay para siyang karespeto-respetong tignan.

Binuksan niya ang pinto ng kotse saka pumasok siya roon.


KINAKABAHAN si Severina habang naglalakad sa hallway. Sinusundan lang nila si Rolando, matapos kasing maka pasok kanina ay kaagad nilang tinanong 'yung receptionist, mabilis naman nitong itinuro ang office ni Attorney Pete.

Tinungo nila ang elevator saka kaagad na pinindot ang up button, nang bumukas ito ay muling pinindot ni Rolando ang 10th floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Attorney.


HINDI mapakali si Attorney habang tinitignan ang orasan na naka-dikit sa dingding ng kaniyang opisina.

Kanina pa siya nakaramdam ng ganitong kaba, hindi niya alam kung bakit pero kabang-kaba talaga siya. Siguro dahil ito sa mga sinabi ni Franco sa kaniya noong pinapunta niya ito sa opisina para ipaalam ang tungkol sa testamento.

“I need to kill my niece and nephew.”

Parang sirang plaka.

Paulit-ulit niyang naririnig ang boses ni Franco sa kaniyang ulo. Nagsisisi siya kung bakit niya pinaalam kay Franco ang kaniyang napag-alaman. Pero kailangan, ito ang trabaho niya.

Hindi naman siya ganoon ka-manhid na hindi siya makaramdam ng awa kay Severina—sa pamilya ng GoodMan.

“Kamusta na kaya ang batang 'yon?” tanong niya sa kaniyang sarili. Nag-aalala siya kasi kahit papaano ay naging malapit sa kaniyang ang dalaga.

Nalilito si Pete kung saan siya galit ngayon. Sa sarili niya ba, kay Franco o sa bodyguard na nag kidnap dito?

Kaagad naman siyang napabangon sa kaniyang kinaupuan nang makarinig siya ng katok doon sa may pinto.

“Pasok,” sabi niya sa normal na boses.

Kaagad na bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at nagulat naman siya sa kaniyang nakita.

“Severina?”

Dali-daling lumapit si Severina kay Attorney saka kaagad niya itong niyakap. “Kamusta ka na? Mabuti't naka-ligtas ka sa bodyguard mo.” Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Severina saka mabilis siyang kumalas sa pagkayakap dito.

“Bakit anong meron?” pagtatakang tanong ng dalaga. Pina-upo silang tatlo nito sa visitor's seat.

Inayos muli ni Pete ang kaniyang damit saka muling nagsalita.

“Diba na kidnap ka?” tanong ni Pete dito. Mabilis namang natawa ang dalaga. “Hindi, mali po kayo ng akusasyon niyo kay Gunner, who's evil here is my uncle—our uncle,” sabi ng dalaga sabay tingin sa kaniyang kakambal.

“Siya ba si Sean?”

Tinignan ni Attorney ang isang binata na katabi ni Severina. “Opo, siya nga,” si Severina ang sumagot.

Marami pa silang pinag-usapan noon. Hanggang sa naikuwento na din ni Attorney ang mga plano ni Franco sa kaniyang mga pamangkin.

“Kailangan natin siyang maipakulong,” sabi ni Rolando dito. “Kailangan nating tawagan si Chief Tyson dahil for sure may ala—”

Hindi natapos sa pagsalita si Severina nang makarinig siya ng mga yapak ng paa doon sa labas ng opisina. Kaagad siyang nakaramdam ng kaba dito.

Nang bumukas ang pinto ay nagulat nalang sila nang makita nila ang mga armadong lalaki. Kaagad tumayo si Sean pero mabilis siyang tinutukan ng isa sa mga ito ng baril.

“Sino kayo? Anong kailangan nin'yo?” tanong ni Attorney dito. “Kailangan niyong sumama sa amin,” wika nung leader ng grupo habang naka-tingin kay Severina.

“No! I won't let—argh!”

Mabilis na natumba si Rolando nang paluin ang kaniyang likuran gamit 'yung baril dahilan para mapasigaw si Severina.

“Sumama kayo sa amin.” Tinuro muli nung lalaki si Severina at si Sean. Wala naman itong nagawa nang marahas silang kunin ng mga kalalakihan habang naiwan naman si Attorney sa opisina.

Hindi sila napansin ng ibang nagtatrabaho dahil doon sila dumaan sa fire exit ng building.

“Let go off me!”

Pilit ng dalawang kumawala sa pagka-gapos ng mga lalaki pero sadyang malakas ito sa kanila.


HINDI mapakali si Gunner kaya ang ginawa niya ay hinabol niya ang tatlo doon sa building. Nang maka-rating siya sa 10th floor ay dali-dali niyang tinungo ang opisina ni Attorney pero huli na siya.

Natagpuan niya si Attorney na pilit ginigising si Rolando.

“Nasaan sina Severina at Sean?” kaagad na tanong ng binata. “Kinuha sila ng mga tauhan ni Franco, dumaan sila sa fire exit dalian mo!”

Mabilis na tumakbo si Gunner papunta ng fire exit kaagad niyang nakita ang mga lalaki na pababa sa hagdan. Medyo malayo na ito pero hinabol niya parin, may nakapansin sa kaniya kaya mabilis siyang nagtago sa semento nang pagbabarilin siya ng mga ito.

Napamura naman si Gunner nang mapagtanto niyang wala siyang dalang baril, hindi niya naman inaasahan na ito ang mangyayari.

Mabilis silang nakarating doon sa underground parking lot ng building, tumakbo siya palapit doon, nakita niya si Severina na pasan-pasan na ngayon ng isa sa mga goons. Sinisigaw nito ang pangalan niya pero wala siyang magawa.

“Kayo na bahala diyan,” wika nung leader ng grupo sa dalawang lalaki.

Tumango ang mga ito. “Sige boss.” Nag paiwan ang dalawa para harapin si Gunner habang 'yung iba naman ay sumakay na sa van.

Napahinto si Gunner nang makita niya ang dalawang lalaki na palalapit sa kaniya.

“Pakialamero ka ah?” wika nung isa sabay sugod sa kaniya. Akma sana siya nitong suntukin pero mabilis siyang napailag dito.

Kaagad na pinatid ni Gunner ang lalaki dahilan para matumba ito, doon naman sa likuran ay patakbong lumapit sa kaniya ang isa pang lalaki.

Naramdaman 'yon ni Gunner kaya dali-dali siyang humarap dito, kasabay naman doon ang pagsuntok sa kaniya ng lalaki, nasangga niya ito ilang sandali pa ay pinilipit niya ang braso ng lalaki dahilan para mapasigaw ito dahil sa sakit.

Napansin ni Gunner na wala na 'yung van, kailangan niyang dalian ang pakikipaglaban sa dalawang ito dahil baka hindi na niya maabotan 'yung sinasakyan ng mga kalaban.

Hindi pa nakuntento si Gunner sa pag pilitpit ng braso ng lalaki kaagad niya ring tinadyakan ang likuran nito dahilan para maka-subsob ito sa semento.

Muli niyang tinignan 'yung lalaking pinatid niya kanina na ngayon ay nakatayo na pala. Bigla namang kumunot ang noo ni Gunner, nakita niya kasi itong may hawak ng baseball bat.

Teka, saan 'yung nanggaling?

Tumakbo palapit sa kaniya 'yung lalaki na akmang ihampas na sana 'yung bat pero mabilis niya itong nasangga. Nakita niya kung gaano nagulat ang lalaki dahilan para mapangisi si Gunner. Mabilis niyang tinadyakan ang tiyan nito dahilan para mapaluwag ang paghawak nito sa baseball bat.

Nabitawan ng lalaki 'yung baseball bat kaya kinuha 'yon ni Gunner at doon ay mabilis niya ipinalo sa ulo ng lalaki.

Nang makita niyang naka-handusay na ang dalawa ay kaagad siyang tumakbo papunta sa kung saan naka park 'yung hatchback.

Pumasok siya sa loob nito and then he immediately starts the engine. Nang umandar na ito ay pinaharurot niya ang sasakyan para habulin 'yung kulay itim na van kung saan nandoon sina Sean at Severina.

Ayaw na niya muling mawala ang taong mahal niya, minsan na siyang nagmahal at hindi naging maganda 'yon, kaya sa pagkakataong ito ayaw na niyang mawala si Severina.

Ayaw na niyang mawala ang babaeng pinaka-mamahal niya. Ayaw na niyang maranasan kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay.










CHAPTER TWENTY-ONE: Is This The End?

“PATAHIMIKIN niyo nga 'yan!” Naiiritang sambit ng leader ng mga kalalakihan habang nakatingin ng masama kay Severina na ngayon ay puro sigaw.

Halos mamaos na ito kakasigaw pero hindi parin siya tumitigil. Nagulat naman si Sean nang suntukin ng isa sa mga lalaki ang tiyan ni Severina dahilan para maka-tulog ito.

“What the f*ck!” Sigaw naman ni Sean.

“How dare you to hurt my sister!”

Sinunod naman siya nitong sinikmuraan kaya nawalan din ito ng ulirat.

“Bilisan mo ang pagmamaneho, hinihintay na tayo ni boss Franco doon sa building,” utos nung leader nila sa nagmamaneho.

“Opo.”

Nang makarating ang mga kalalakihan sa nasabing building ay kaagad nilang binuksan ang pinto ng van para kunin sina Sean at Severina, may sumalubong din na mga kasamahan nila para tulungan sila sa pagbuhat sa magkapatid na ngayon ay nawalan ng malay.

Sa kabilang dako naman ay busy si Colby sa pag-contact kay Sean. Kanina pa siya nakaramdam ng kaba, ni-hindi siya mapakali sa kanilang bahay kaya ang ginawa niya lang din ay lumabas at sumakay sa kaniyang kotse. Balak niyang puntahan ang kaibigan ngayon.

Kanina pa siya dial nang dial sa number ni Sean pero puro ring lang ang cellphone, walang sumasagot.

Nagmaneho na siya, kailangan niyang puntahan ang kaibigan pero nagulat nalang siya nang madaanan niya ang kulay pulang hatchback ni Sean, kumunot ang noo niya roon. Iba kasi ang nakita niyang nag maneho, si Gunner.

Sinundan niya ito. “Saan kaya balak pumunta ang taong 'yon?” tanong niya sa sarili niya habang pinapaharurot ng takbo ang sasakyan.

Habang sinusundan si Gunner ay tinawagan niya naman sina Mayumi at Alexis. Sinabihan niya ito na papuntahin sa address na ibibigay niya may kakaiba kasi siyang nararamdaman ngayon.

Napansin niyang nasa labas na sila ng city ngayon, ilang sandali pa ay huminto na 'yung sasakyan na sinusundan niya sa tapat ng isang lumang building. Abandonado na ang building at wala nang pumupunta rito.

Lumabas agad si Colby ng kaniyang sasakyan para lapitan si Gunner. “Anong nangyayari?" kaagad niyang tanong dito. "Kinuha ang magkapatid, dinala sila dito,” sagot ni Gunner habang tinitignan ang malaking building sa harapan.

Doon din sa unahan kung saan naka-park 'yung kotse nila ay makikita 'yung van na sinakyan ng mga lalaki kanina para kunin sina Severina at Sean.

“Papasokin na ba natin?” tanong ni Colby kay Gunner kaagad itong umiling. “Kailangan nating tumawag ng police para may back-up tayo,” sabi ni Gunner dito. Tumango si Colby saka ngumiti.

“Don't worry, pinapunta ko na sina Mayumi at Alexis dito, sinabihan ko na rin na magsama ng police.” Napatango si Gunner doon. “Good,” saad ni Gunner dito.

Nag-antay sila ng ilang sandali sa labas hanggang sa dumating na rin 'yung mga police.


NAGISING si Severina na naka-upo sa isang silya habang naka-gapos ang kaniyang kamay at paa.

“Okay ka lang, ate?” Napatingin siya kay Sean na nasa tabi niya. Gaya niya ay naka-tali rin ang mga kamay at paa nito sa isang silya.

Napatingin silang dalawa doon sa harapan at doon niya nakita si Franco, ang tito nila.

“Mabuti naman at nagising ka na, Severina,” sabi ni Franco dito sa kaniyang pamangkin. Napatingin si Severina sa tabi ng uncle niya at doon niya nakita si Diana na naka kibit-balikat habang deritso ang tingin sa kaniya.

“Tito, pakawalan mo kami dito!” pasigaw na utos ni Severina. Tumawa naman si Franco. “Gagawin ko 'yan sa isang kondisyon,” sabi ni Franco na ikina-kunot ng noo ni Severina.

“Vakit mo ba 'to ginagawa sa amin?” Pagtatakang tanong ni Severina sa kaniyang Tito na puro ngisi lang. Napansin niya rin na marami itong mga kasamahang armadong lalaki na naka-paligid sa silid kung nasaan sila ngayon.

“Kukunin ko lang kung ano ang sa 'akin', Severina,” pagsagot naman ng kaniyang Tito.

“Dahil ba 'to sa mana?”

“Let me tell you a story,” sabi ni Franco saka umupo ito sa isa sa mga upuan sa harapan ng dalawa.

“Your father is stupid!”

“Bawiin mo 'yan! How dare you na pagsasalitaan ang Dad ko!” Halos mangiyak-ngiyak na si Severina ngayon dahil sa sinabi ng uncle niya.

“Akala ko kung mapapatay ko na ang Dad namin, ipapamana na sa akin ang perang pinaghirapan ko pero hindi pala, gaya ng Dad mo, my Dad is also stupid. Pare-pareha lang sila!”

“Hindi 'yan totoo!”

“Palagi nalang ako ang number two, kahit ako na ang naghirap sa kompanyang 'yon, pinamana pa rin ni Dad ito kay Harry na wala namang ibang ginawa kundi ang mag bulakbol!”

Nangingilid na ang luha ngayon sa mga mata ni Severina. “At nang mabigyan ulit ako nag pagkakataon, I killed Harry, nilason ko siya,” natatawa pa nitong sabi.

“F*ck you!” sigaw ni Severina dahilan para magalit si Diana rito. Dali-daling lumapit si Diana kay Severina saka hinawakan ang bibig nito ng mahigpit.

“Wala kang karapatang pagsabihan si Dad nang ganiyan!” Nagulat nalang si Severina nang bigla siyang sampalin ng pinsan niya.

Pilit namang kumawala ni Sean para sana ipagtanggol ang kapatid niya pero wala siyang nagawa dahil sadyang napaka-higpit ng pagkatali sa kaniya.

“Pero sa 'di ko inaasahan, naka-survive ang Daddy mo, pero buti nalang I have my second plan, binayaran ko ang isa sa mga nurse para patayin ang Daddy niyo sa hospital,” natatawang pagsasalaysay nito sa harapan ng magkapatid na wala namang magawa kundi ang umiyak nalang.

“Walang hiya ka talaga! Demonyo ka!” Sigaw ni Severina dito.

“Demonyo na kung demonyo. Ngayon, sisiguradohin kong makakasama na ninyo ang ama niyo.”

Doon, nanlaki ang mga mata ni Severina.


“MAGHIWA-HIWALAY tayo,” sabi ni Gunner sa kasamahan niya. May kasama na silang police ngayon na pasekreto nang pumasok sa building.

“Basta, dapat tayo mag kasama,” sabi ni Alexis kay Mayumi sabay kapit sa braso nito. Tumango naman si Mayumi at ilang sandali pa ay pumasok na sila sa loob.

Malaki ang abandonadong building, maraming pasikot-sikot.

Dali-dali silang naglakad ni Alexis pero napahinto sila nang makita nilang may lalaking naka-bantay doon sa harapan.

Dali-daling nagtago ang dalawa sa pader. May nakita naman silang mga kahoy doon na puwedeng ipamalo kaya agad silang kumuha ng tig-iisang kahoy.

“Sure ba talaga tayo sa gagawin natin?” Kabadong tanong ni Alexis kay Mayumi. Tumango naman ito.

“Oo, kailangan 'to. Kailangan nating tulungan si Severina.”

“Pero natatakot ako,” mahinang sambit ni Alexis na ngayon ay nakasandal sa pader. Tinignan ni Mayumi ang mukha ng kaibigan niya, puno ito ng takot at kaba.

“'Wag kang matakot, kasama mo'ko,” sabi naman ni Mayumi sabay tapik sa balikat ni Alexis para kumalma ito.

Habang nag-uusap ang dalawa ay nakarinig naman ng nahinang ingay 'yung lalaking nagbabantay doon sa unahan. Inayos niya ang tindig niya saka luminga-linga siya para hanapin kung sino 'yung nagbibigay ng ingay.

Naglakad siya palapit doon sa isang pader, sa likod nun ay doon nagtatago 'yung dalawa. Napatigil naman sa pag-uusap 'yung dalawa nang mapansin nilang may papalapit sa lugar kung nasaan sila nagtatago.

Mas hinigpitan pa ni Mayumi ng pagkahawak sa malaking kahoy na kanina ay dinampot nila.

Nang makalapit sa kanila 'yung lalaki ay mabilisan na pinalo ni Mayumi ang kamay nito dahilan para mabitawan ng lalaking 'yung hawak niyang baril.

Napasigaw ang lalaki dahil sa sakit, mabilis siyang napatingin sa dalawa ngayon. Akma niyang susuntukin si Mayumi na nasa harapan niya pero kaagad naman siyang pinalo ni Alexis hindi pa ito nakuntento muli niya pang pinalo ang likuran nito dahilan para matumba 'yung lalaki at mangisay sa sakit na nararamdaman.

Dali-daling binitawan ni Mayumi 'yung hawak niyang kahoy saka pinulot 'yung baril.

Kaagad silang dalawa ni Alexi na lumayo doon. “Dito ka lang wag kang lalayo—” Hindi natuloy sa pagsasalita sa Mayumi nang makita niya ang dalawa pang lalaki sa harapan, mabilis silang napansin ng isa sa mga ito kaya nagpakawala ito ng putok ng baril mabuti nalang ay mabilis silang nakapagtago doon sa sementong poste.



“PIRMAHAN MO NA 'YAN!” sigaw ni Franco sa pamangkin niya na ngayon ay nakaharap sa mesa kung saan naka-lagay 'yung isang papel na may naka-saad na kasunduan na ibinibigay na nilang dalawa ang mana nila sa kanilang tito.

Mabilis na binitawan naman ni Severina ang hawak niyang ballpen. "Ayoko!" matapang nitong pagkasabi dahilan na bigla siyang sampalin ng uncle niya. Hindi naman maka-palag si Sean na ngayon ay naka-gapos pa rin sa silya.

“T*ngina mo! Pipirma ka diyan o papatayin ko itong kapatid mo?” Mabilis na lumapit si Franco doon kay Sean sabay tutok sa may bunbunan nito ng isang pistol gun.

Muling pinulot ni Severina 'yung ballpen saka tinignan niya ang uncle niya. Nakaramdam siya ng hapdi sa kaniyang puso habang nakikita ang nangyayari ngayon.

Dahil lang sa mana, nagkakaganito na ang pamilya niya. “Ayan na!” Umiiyak siya habang pinipirmahan 'yung papel na agad naman na kinuha ng pinsan niyang si Diana sabay abot sa Daddy nito.

Napangisi si Franco sa kaniyang nakita. Sa wakas napirmahan na rin ang papel na 'yon, sa kaniya na ngayon ang pera ng kaniyang kapatid dagdag mo pa dito ang mga businesses.

~

Napahinto si Gunner sa paglalakad nang makita niya ang isang lalaking papalapit sa kaniya, 'yon 'yung lalaking leader na kumuha kina Severina kanina.

Malaki ang katawan nito, mas matangkad pa kay Gunner at mukhang magaling din sa pakikipag-laban pero hindi siya natitinag. Desidedo siyang kalabanin kung sino man ang humarang sa daanan niya para lang kay Severina, ngayon pa na handa na siyang mag confess dito.

Itinapon ng lalaki 'yung baril na hawak niya, napansin niya kasing walang baril na dala si Gunner at dahil mukhang lalaki ito kausap, makikipag-laban nalang siya dito.

Dahan-dahan na niluwagan ni Gunner 'yung tie na suot niya saka 'yung button sa kaniyang sleeves. He rolled his sleeves up hanggang sa umabot ito sa kaniyang siko.

Ngayon na komportable na siya ay handa na siyang makipag-laban dito.

Kaagad lumapit ang lalaki sa kaniya sabay pakawala ng malakas na suntok, hindi niya ito naiwasan kaya mabilis na natamaan ang kaniyang mukha.

Dahil sa sakit nun ay nagpakawala rin si Gunner ng ilang suntok sa katawan ng lalaki. The guy tried to punch him again pero naka-iwas na siya rito, mabilisan niya ring hinawakan ang kamay nito saka pinilipit niya ang braso ng lalaki sanhi para mapasigaw 'yon ng todo.

Naka-ilang mura pa ito bago ni Gunner binitawan ang kamay.

Napa-atras 'yung lalaki saka kaagad niyang minasahe ang braso niya na todo ang kirot ngayon.

Habang nagkatinginan sa isa't-isa ay napahawak si Gunner sa kaniyang labi na ngayon pala ay pumutok na.

Tinignan niya ang kaniyang kamay na may dugo. Napangiwi nalang siya doon saka muling sumugod.

Tumakbo siya palapit saka kaagad niyang tinadyakan 'yung lalaki dahilan para bumulusok ito doon sa pader. The guy groaned in pain.

“F*ck.” Kaagad itong napahawak sa kaniyang magkabilang tuhod nang sumuka siya bigla ng dugo.

“T*ngina,” pa nitong mura saka inayos ang sarili niya.

Tinignan niya ulit si Gunner saka binigyan ng isang mapang-asar na ngiti.

Ilang sandali ay muli itong sumugod kay Gunner, mabilis ang pagtakbo nito. Akma sana nitong suntukin si Gunner pero kaagad na naka-iwas muli ang binata, mabilis siyang nakarating sa likuran ng lalaki, gamit ang siko ay siniko niya pababa ang bumbunan nito dahilan na mapaluhod bigla ang lalaki.

Hinawakan ni Gunner ang ulo nito ng magkabila niyang kamay saka agad niya itong binalian ng leeg sanhi na matumba 'yung malaking lalaki.












CHAPTER TWENTY-TWO: So, This Is Goodbye?

NANG makarinig ng ilang putok ng baril, inutusan agad ni Franco ang mga goons niya na magsikalat. Mukhang may naka-sunod sa kanila ngayon.

Kinuha niya agad sina Sean at Severina, may kasama siyang isa pang tauhan para mag-dala kay Sean.

“Nakuha mo na ang gusto mo! Pakawalan mo na kami rito!” Pilit na kumalas ni Severina sa kaniyahg Tito pero sadyang mas malakas ito sa kaniya.

“Diana, mauna ka nang lumabas.” Inutusan ni Franco si Diana na mauna nang lumabas at baka matamaan siya ng mga bala. Kaagad naman nitong sinunod ang kaniyang ama saka umalis na.

Bumaba sila sa isang hagdan pero bigla silang napahinto nang makita nila si Gunner at Colby na paparating din sa kanilang direksiyon.

“Gunner!” Pagtawag ni Severina dito.

“Pakawalan mo sila!” si Colby.

Bumurda ang ngiti sa labi ni Franco.

“Sa tingin niyo makakalabas kayo ng buhay dito?” tanong ni Franco sa lahat. "You'll die," dagdag pa nito.

Tinignan ni Severina ang kanang kamay ni Franco na nakahawak sa kaniyang bandang leeg. Doon, dali-dali niya ito kinagat dahilan para mabitawan siya.

Mabilis na kumaripas ng takbo si Severina papunta sa likuran ni Gunner. “P*ta!” Kaagad na itinutok ni Franco ang baril sa kanila pero mabilis 'yon na sinipa ni Sean dahilan para tumapon 'yon doon sa unahan.

Inapakan ni Sean ang paa ng lalaking nakagapos sa kaniya. Nabitawan siya nito kaya agad din siyang tumakbo palapit doon kina Severina.

Binaril agad ni Colby 'yung lalaki na akma sanang susugurin sila. Napatakip ng tainga si Severina sa lakas ng tunog ng baril, halo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman ngayon.

Hinarap siya ni Gunner saka pilit na pinakalma.

Hinawakan ni Gunner ang mukha ni Severina. “Severina, look at me.”  Tinignan ni Severina si Gunner.  Doon napansin ni Severina na duguan ang labi nito saka meron ding pasa sa mukha ang binata. “Umalis na kayong tatlo dito, ako na ang bahala,” bulong ni Gunner kaya tumango si Severina saka umalis na silang tatlo, naiwan naman si Gunner doon na mag-isa kasama si Franco.

Nakarinig naman si Gunner ng malakas na palakpak doon sa unahan. Doon niya napagtanto na nandoon pa pala ang uncle nina Severina, ang may pakana nitong lahat.

“Sinabi ko na nga ba, no'ng una palang kitang nakita doon sa mansion maging isa ka sa sakit ng ulo.” Naglakad-lakad si Franco. Ganon din si Gunner, paikot-ikot ang lakad nila habang nagkatinginan sa isa't-isa.

“Kung hindi ka lang sana paki-alamero, tagumpay sana ang plano ko.”

Napangiti si Gunner doon.

“This means, hindi naging matagumpay?”


DALI-DALI silang tatlong tumakbo pababa sa mahabang hagdan. Kahit saan ka lumingon ay nagka-putukan na lalo na't nagpasama nga sina Gunner at Colby ng mga police.

“Sevs!” Kaagad naman silang sinalubong nina Mayumi at Alexis doon sa ibaba. Lumapit sila kay Severina saka niyakap ito ng mahigpit. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Mayumi rito. Ngumiti at tumango naman si Severina. “Mabuti nalang at hindi ka napahamak, Sevs.” Nginitian niya si Alexis.  “Salamat sa inyo.”

“Hindi ko sana puputulin 'yang kwentohan niyo pero kailangan na talaga nating umalis dito,” pamumutol ni Colby.

Napagdesisyonan nilang lima na lumabas na ng building para lumayo pero natigilan sila nang may humarang sa kanilang daanan.

Dalawang lalaki 'yon na may hawak-hawak na baril dahilan naman para magtakbohan silang lima.

Pinagbabaril sila nito. Hindi naman sa inaasahan na nagkahiwa-hiwalay ang magkakaibigan.


HINDI ni Severina alam kung nasaan na 'yung mga kasamahan niya.

Tinignan niya ang paligid kung nasaan siya ngayon, maraming naka-tambak na mga gulong sa paligid.

Naglakad siya nang naglakad hanggang sa makita niya si Diana doon sa unahan. Mukhang gaya niya, nawawala rin ito. Alam niya naman kasi na pinaalis na ito ng Tito Franco niya kanina.

Napansin agad ni Diana ang presensya ni Severina kaya lumapit siya dito. Tinaasan ni Diana ng kilay si Severina.

“Walang hiya ka!” Dali-daling lumapit si Severina dito, gano'n din ang ginawa ni Diana, kaagad silang dalawa nagsabunutan.

Hanggang sa gumulong-gulong na sila sa maduming lupa.

Nabigyan ng pagkakataon si Severina na makapatong kay Diana kaya dali-dali niya itong sinampal. “Ito para sa akin! Ito para kay Sean!” sigaw niya habang paulit-ulit na sinampal ang mukha ni Diana.

Mangiyak-ngiyak naman si Diana sa sakit na kaniyang nararamdaman.

“Tama na Severina!” Pilit hawakan ni Diana ang kamay ni Severina pero hindi parin ito tumitigil. “Tama na!” Umiiyak na ito sa harapan ni Severina ngayon kaya itinigil niya ang pagsampal sa mukha nito.

Agad umalis si Severina sa pagka-dagan kay Diana. Umiiyak pa rin si Diana.

“Sorry, sorry talaga!”

Nawala ang galit at inis sa mukha ni Severina kundi napalitan ito ng lungkot at awa. Kahit ganito ang ginawa ng pinsan niya, kahit ayaw niya rito, hindi niya parin ito kayang saktan, pag babaliktarin man ang mundo, pinsan niya parin ang babaeng 'to.

“Sevs!”

Kaagad na lumapit ang apat sa lugar kung nasaan sila ni Diana ngayon.

“Ikaw!” Akmang susugod na sana si Sean kay Diana pero mabilis na pinigilan ito ni Severina.

Napansin din ni Sean na umiiyak ito. “Ganon na ba talaga 'yon, pababayaan niyo nalang?” inis na tanong ni Mayumi sabay tingin sa lahat.

“Severina, marami 'yang masamang ginawa sayo, she didn't even care no'ng nawala ka!” dagdag pa nito.

“Pabayaan mo na, Yums.” Lumapit si Severina sa kanilang apat. “Pabayaan muna natin siya.” Naglakad silang lima palabas ng building, iniwan nila si Diana doon sa loob.



GUNNER groaned in pain nang biglang apakan ni Franco ang likuran nito. Kanina pa sila naglalaban at mukhang wala ng pag-asa si Gunner. Hindi nito inaasahan na ganito pala kalakas si Franco.

“Wala ka pala e! Puro ka porma!” Mas binigatan pa ni Franco ang sarili niya para masaktan ng todo si Gunner sa kaniyang pag-apak sa likuran nito.

Muli siyang pinabangon ni Franco saka muling pinagsusuntok. “Ang tibay mo ah!” Sigaw pa nito sabay pakawala ng suntok sa mukha nito.

Nang mapansin ni Franco na hinang-hina si Gunner sa kanilang labanan ay iniwan na niya ito saka kinuha niya 'yung papel kung saan napirmahan na ng magkapatid 'yung isang agreement. Na kusa nang ibinibigay ng magkapatid ang kanilang mana.



MADALI lang na napatumba ni Franco ang mga pulis na humarang sa kaniya, ngayon na nakuha na niya ang pakay niya it's time to go.

Pumasok siya sa kaniyang kotse saka agad na itong umalis doon sa building. Kinuha niya ang cellphone niya saka tinawagan ang kaniyang anak na si Diana, pero hindi ito sumagot.

Napangiwi nalang siya roon saka itinapon sa gilid ang kaniyang cellphone dahil sa inis.

Napakunot noo naman si Franco nang mapansin niyang may kulay pulang sasakyan ang sumusunod sa kaniya.

Napamura naman siya at napasuntok sa manobela nang mapagtanto niyang naiwan niya ang baril niya doon sa building.

Kailangan niya munang patayin 'tong sumusunod sa kaniya.

Muli siyang napamura nang banggain nung sasakyan na sumusunod sa kaniya ang bumper  ng kaniyang kotse.

Humarurot ang kulay pula na kotse saka tumabi ito sa kaniya. Mas kumunot ang noo ni Franco nang makita niya kung sino ang nag mamaneho ng sasakyan at kung sino ang sumusunod sa kaniya, it's Gunner.



“KAILANGAN natin silang sundan,” pagyayaya ni Severina sa lahat. “Sige, sumakay na tayo sa kotse ko,” sabi naman ni Mayumi. Kaagad silang lima na tumakbo papunta doon sa direksiyon kung saan naka-park 'yung sedan ni Mayumi, mabuti na lang at nagkasya sila sa loob ng kotse.

Kaagad na pinaharurot ni Mayumi ang sasakyan saka sinundan sina Gunner at Franco.

Hindi ito papunta sa city kundi palayo mismo.


NAPAKAGAT ng labi si Gunner saka muling binangga 'yung kotse na kung saan naka-sakay si Franco mabilis naman itong bumangga sa poste ng kuryente.

Kaagad niyang inapakan ang preno saka lumabas na siya ng kotse.

Napansin niya sa kaniyang likuran na huminto 'yung sedan na kung saan naka-sakay 'yung lima.

Muling ibinaling ni Gunner ang kaniyang atensiyon doon sa unahan kung saan lumabas din si Franco ng kotseng naka-bangga na ngayon sa poste ng kuryente.

Duguan ang ulo nito pero kahit ganun ay nakuha parin nitong matawa.

“Ang tatag niyo talaga, pero kahit anong gawin niyo, nasa-akin na 'to,” kaagad niyang ipinakita sa lahat ang hawak niyang papel.

Franco took a step forward pero nagulat nalang ang lahat nang umalingawngaw ang napaka-lakas na putok ng baril.

Napalingon ang lahat doon sa kanilang likuran kung saan nandoon si Diana, siya ang may hawak-hawak ngayon ng baril na naka-tutok doon kina Gunner.

Mabilis na kinapa ni Gunner ang kaniyang katawan kung may tama siya pero salamat sa diyos at wala.

Nagulat nalang siya nang biglang sumuka ng dugo si Franco doon sa unahan. Napamura naman si Gunner dahil doon.

Akma siyang lalapit doon kay Franco na ngayon ay may tama sa may kaliwang dibdib.

Naka-luhod na ito sa kalsada habang hawak-hawak parin 'yung papel.

Tumakbo ang lahat palapit doon para sana tulungan sana si Franco pero, wala na ito.

Bigla nalang itong natumba sa gitna nila at kaagad na nalagutan ng hininga.

“D-diana,” bulong ni Severina sa hangin habang tinitignan ang kaniyang pinsan sa pinaka-likuran. Hindi ito umiimik, naka-tingin lang ito sa kanila ng deritso.

“Pinatay niya ang Dad niya,” hindi makapaniwalang wika ni Alexis.


Severina's POV

One Week Later...

Inayos ko ang damit ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

Kaagad akong napa-buntong hininga habang tinitignan ko ang boung mukha ko.

It's been a week simula nang mangyari 'yung trahedya na 'yon pero kahit anong pilit kong kalimutan 'yon ay hindi ko kaya.

It keeps on haunting me even when I'm sleeping.

“Ate.” Kaagad akong napalingon sa likuran ko at doon ko nakita si Sean.

“Bakit?” Pilit kong ngumiti sa kaniya pero hindi ko talaga kaya.

“Si Diana.” Tinignan niya ako sa mga mata. Tumango ako doon. Nauna na akong lumabas ng kwarto ko saka kaagad akong bumaba ng hagdan.

“Cuz?” kaagad kong tawag kay Diana. Mabilis ko siyang nilapitan saka niyakap siya ng mahigpit.

“Mabuti naman at napag-isipan mong dito ka na titira,” sbi ko pa sa kaniya habang kumakalas sa pagka-yakap niya.

“Yeah, I guess I made the right choice,” sagot naman nito habang natatawa.

Simula nang mangyari ang araw na 'yon, nagpaalam siya sa amin na aalis muna siya. Gusto niyang magpagkalayo-layo, sabi ko sa kaniya na kung maayos na siya ay open siyang bumalik dito sa bahay.

“Tama lang talaga,” pagsagot ko rito.

“Uhm, Severina?”

Napatingin ako sa may living room. Doon ko nakita si Gunner, as usual he's wearing he's best suit. Hindi na ako surprise sa ganiyan niyang purmahan.

“Gun—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Mas lumapit pa ako sa kaniya. “B-bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Siguro dahil sa wala kang problema sa buhay mo, at nagawa ko na ang trabaho ko. Siguro it's time to say goodbye?”

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko.

“Ha? A-ano ba 'yang p-pinagsasabi mo G-gunner?” Halos hindi ko masabi ng maayos ang mga salita dahil sa aking narinig. Ano ba ang pinagsasabi niya?

“You heard it right, Severina. I'm saying goodbye-”

“B–but, what about me?” Nakaramdam ako ng hapdi sa may ilong ko. Kaagad akong tumingala para hindi ako maiyak. Pilit kong inayos ang sarili ko pero hindi ko kaya. Naiiyak ako.

“Tapos na ang trabaho ko dito,” muli niya pang sabi.

Trabaho lang ba talaga ang lahat, Gunner?

“Iiwan mo'ko?”

“You know it's hard for me—uhm..” Hindi natuloy sa pagsasalita si Gunner nang bigla ko siyang sinunggaban ng halik.

Napapikit ako roon habang magkadampi ang aming mga labi.

Naimulat ko naman ang aking mga mata nang dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabila kong balikat saka inalayo 'yon sa kaniya.

“Goodbye, Severina...”

Doon, tuluyan nang umalis si Gunner. Habang ako? Naiwan.














CHAPTER TWENTY-THREE: The End

Nagpalakpakan ang lahat matapos akong magsalita sa harapan, ibinaba ko ang microphone saka muling umatras palayo sa podium.

The teachers congratulate me. “Thank you, ma'am!” Nakipag-kamay ako sa mga teachers bago bumalik sa kina-upuan ko.

Kumaway sina Mayumi at Alexis sa akin. Nginsihan ko naman silang dalawa doon sa kabilang row.

“Cuz, ang galing mo sa speech mo!”  Niyakap ako ni Diana na ngayon ay katabi ko ng upuan.

“Yeah, that's awesome.” Narinig kong komento ni Sean sa gilid.

“Thanks,” tugon ko naman dito.

~

“Sure ka ba sa gagawin natin?” Narinig kong tanong ng kakambal ko sa akin. Tinignan ko siya sa rear mirror ng kotse saka tumango. “Oo, sure ako,” sagot ko kay Sean.

“Malayo pa ba?” si Diana.

Papunta kaming tatlo ngayon sa probinsya nina Gunner, I know he's there. Alam kong nandoon siya, malakas ang kutob ko.

“Malapit na,” sagot ko kay Diana. Inutusan ko naman si Sean na magpatugtog doon sa stereo.

Habang nasa byahe ay todo ang ngiti ko dahil sa kantang pinapatugtog ngayon.

“I fancy you,” pagsisipol ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nang makarating kami doon sa probinsya nila Gunner ay kaagad kaming huminto sa tapat ng kanilang bahay.

“Ate Severina!”

Sinalubong ako ni Lily ng mahigpit na yakap. Lumabas din ang Mama ni Gunner galing doon sa loob ng bahay saka sinalubong din ako.

“Si Gunner?” tanong ko kay Lily.

“Ewan ko nga e, kanina ko pa 'yon hindi makita, ate.” Kinamot ni Lily ang kaniyang ulo. “Sino po sila?” Tinignan ni Lily sina Diana at Sean doon likuran. Nakasandal lamang ang dalawa sa hood ng kotse habang nakatingin sa amin.

“Si Diana, pinsan ko,” sabi ko naman sabay turo kay Diana na naka kibit-balikat doon sa may kotse. “At siya naman si Sean, kakambal ko,” nakangiti kong sabi.

“Talaga? May kakambal ka ate?” medyo may pagkagulat na tanong ni Lily sa akin. Tumango ako saka nginitian siya. "Mahabang kwento pero, oo. Sean is my twin brother."

“Severina?”

Natigilan ako ng bahagya nang marinig ko ang boses niya. Dali-dali akong lumingon kung saan nanggaling 'yong boses na 'yon saka mabilis akong napangiti.

“Gunner,” nakangiti kong pag tawag sa pangalan niya. Ilang buwan na rin no'ng huli kong nabanggit ang pangalan na 'yan. At na miss ko ito.

“What are you doing here?”  tanong niya. Naglakad ako palapit sa kaniya. "Gunner," muli kong sabi hanggang sa nakarating na ako sa harapan niya. Huminto ako saka huminga ng malalim bago siya muling tinignan.
“Maybe you'll say that I'm a stubborn woman but...” angtatakam ko. Tinignan ko ang mga mata niyang magkakaiba ang kulay.

“I want you to know that, I love you. Mahal kita, Gunner,” sabi ko rito.

Mabilis na nawala ang kunot sa noo niya.

Ngumiti naman si Gunner doon. “I love you too, hon.” Napangiti ako roon. Hon?

I stand on my tiptoes to level his lips and I immediately kissed him.

~

“Wow, Sevs!” Manghang wika ni Alexis habang nililibot ng kaniyang mga mata ang boung lugar.

“This is the party I've been waiting for!” dagdag pa nito. Napangisi ako roon. “This is a party for my brother, ito ang gabi na ipapakilala ko siya sa boung GoodMan's Group bilang isa rin sa tagapag mana,” pagpapaliwanag ko.

“I see!”

Matapos kong ipinakilala si Sean sa boung guest ay lumabas ako ng bahay. Gusto kong magpahangin.

“Nandito ka lang pala.” Sinalubong ako si Gunner. “Medyo nainitan lang kasi ako sa suot kong 'to,” ko naman sa kaniya. Sumandal ako sa railing ng terrace.

“Ano ba kasi ang pag-suot-suot mo sa ganiyang klaseng damit?” tanong niya naman. Napairap nalang ako roon.

“It''s Diana's idea,” sagot ko naman.

Hindi na siya sumagot saka tumango nalang.

“Uhm, Miss?”

Napatingin kaming dalawa ni Gunner sa isang maid namin na bigla nalang lumapit sa akin.

“May nagpapabigay po ng regalo.”

“Ha? Anong regalo?” I gave her a puzzled look. Sino naman ang magbibigay ng regalo?

“Sige akin na.”

Inabot niya sa akin 'yung isang maliit na kulay black na box. Nang matanggap ko na 'yon ay pinaalis ko na 'yung maid.

Tinignan lang naman ako ni Gunner habang binubuksan ko 'yung box. May kulay pink na ribbon na nakatali doon. Nang mabuksan ko 'yon ay nagulat nalang ako sa aking nakita.

"Isang note?” sabi ko rito sabay buklat ng naka-tuping papel. Bigla naman akong kinabahan sa aking nabasa.

“What's that?” Kaagad kong ibinaba 'yungg papel saka tinignan si Gunner.

“Wala, g-greetings lang,” pagsasagot ko naman. Tumango si Gunner. “Mauna na ako doon sa loob.”

“Sige,” sagot ko naman. Muli kong binasa ang naka-sulat doon sa note dahil baka namalik-mata lang ako pero hindi, hindi ako nagkamali sa pagbasa.

“I'm back, prepare yourself.”

Teka? Baka nagkakamali lang 'yong nagbigay ng note. Saka sino ba ang sumulat nito?

END



🎉 You've finished reading Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing) 🎉
Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now