Epilogue

229 12 0
                                    

NGUMITI si Severina nang makita niya ang mukha niya sa salamin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NGUMITI si Severina nang makita niya ang mukha niya sa salamin. Naka-braid ang kaniyang mga buhok habang may isang bulaklak naman ang naka-ipit sa pagitan ng kaniyang tainga. “Ayos lang ba hitsura ko?” pagtanong niya kay Alexis na ngayon ay tumutulong sa pag-aayos niya.

“Oo, ang ganda mo, Sevs,” sagot nito sa kaniya. Ngumiti lang doon si Severina saka niya tinignan si Alexis doon sa repleksiyon ng salamin. Tahimik lamang itong nag lalagay ng make up sa mukha niya. “Alex?” tawag niya sa pangalan nito. “Bakit, Sevy?” malambing nitong pag sagot sa kaniya. Bahagyang ngumiti si Severina saka niya pinatigil si Alexis sa ginagawa nito.

“Bakit ang bait mo?” pag tanong niya rito kaya kita niya ang pag kunot ng noo ng kaibigan.

“Ha? Hindi ba ako mabait dati?”

Hindi mapigilan ng dalaga na matawa sa naging reaksiyon ng kaibigan, it’s the usual look of Alexis. ‘Yung nagugulohan.

“I mean, why are you so kind? Kahit inaaway kita minsan, ang bait-bait mo pa rin?” paliwanag niya. “May kailangan ka ba?” natatawa naman nitong tanong kay Severina. Umiling lamang si Severina saka muling tinignan ang sarili sa salamin. “Ang ganda mo na, tiyak pag nakita ka ni Gunner mas magugustohan ka nun,” sabi naman ng kaibigan. “Talaga? Sure ka diyan?” pag tawang tanong ni Severina.

“Oo naman! Sige mauna na ako roon sa labas, bilisan mo. Bawal mainip ang mga guests, bawal ring pag hintayin ang groom!”

Tumawa lamang si Severina habang pinapanood si Alexis na lumabas ng kwarto. Bahagya siyang tumayo galing sa pagka-upo at tinignan niya ang kaniyang sarili doon sa salamin.

She’s wearing this A-line white dress with a sweetheart neckline. Sobrang ganda ng dress na suot niya na bumagay naman sa kaniyang kutis.
She checked herself kung ayos na siya, mapulang mga labi, light make up, braided hair and of course her Ranunculus flower.
Lumabas na siya ng kwarto niya at saka na siya sumakay sa bridal car na si manong Louie mismo ang nag mamaneho, ang kaniyang personal driver dati.

NAGSIMULANG tumugtog ‘yung piano kasabay rin nang pag bukas ng malaking pinto ng simbahan kaya naman mas lumakas pa ang tibok ng puso niya sa kaniyang dibdib.

“Just calm down, Severina,” bulong niya sa kaniyang sarili habang dahan-dahan siyang naglalakad sa pasilyo ng simbahan. Nandito lahat ng mga taong importante sa kaniya, her friends, Alexis, Mayumi, Diana and Colby. Her twin brother, Sean and of course ang magiging manugang niya.
Napangiti naman si Severina nang kawayan siya ni Lily. “Hello,” bulong niya rito habang nilampasan niya si Lily. “Ang ganda mo ate,” sabi nito sa kaniya.

Bahagyang lumawak ang kaniyang ngiti nang makita niya sa dulo kung sino ang naka-tayo, it’s Gunner, her soon to be husband.

Nakatayo ito sa tapat ng altar kasama ‘yung pari habang sa bandang likuran nito ang best man niya, ang mismong kakambal ni Severina, si Sean.
Gunner is wearing a blue tuxedo and on his chest is a trumpet-like shape, calla lilies.

Nang makalapit siya roon ay doon na rin nagsalita ang pari. Ngumiti si Severina habang sumusulyap siya kay Gunner

They exchanged rings and vows, at hanggang sa dumating na sa parte kung saan inaabangan ng lahat.

“You may now kiss the bride.”

Doon, pumikit ang dalaga saka siya hinalikan ni Gunner sa labi, kasabay nang kanilang halikan ay ang hiyawan ng lahat kaya naman bahagya nalang din silang natawa.
Matapos nilang mag halikan ay unang niya agad na ginawa ay sinulyapan ang mga kaibigan saka ipinakita ‘yung singsing niya.

MULING tumunog ang mga baso kaya naman mabilis na napatingin si Severina sa kaniyang mga kainigan na  ang mga pakana ngayon.

“Kiss!” pasigaw na sabi ni Sean kaya naman muli silang naghalikan ni Gunner.

Habang tinitignan si Severina ang mga tao na sobrang saya ay hindi na niya lang din mapigilan ang sariling matuwa. Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito.

“You’re so beautiful,” bulong ni Gunner sa tabi niya. Naka-upo sila sa pinaka-gitna ng kwarto habang ‘yung iba naman ay nasa bawat mesa nila, kumakain. “Ang gwapo rin ng asawa ko,” sabi ni Severina kay Gunner.
Bahagya naman silang natigilan sa pag-uusap nang lumapit ang isa sa mga maids nila sa kanila.

“Pinapabigay po ng isang tao sa labas, regalo po raw sa inyo,” pag sabi nito sabay abot kay Severina ng isang itim na kahon, maliit lamang ‘yon kaya ay nginitian niya lang ‘yung maid.

“Let’s see,” sabi ng dalaga habang hinuhubad ‘yung kulay pink na ribbon na bumabalot sa kahon. Matapos mabuksan ay nakita niya ang isang kulay puting papel doon sa loob, naka-tupi ito kaya hindi niya agad mabasa kung ano ang naka-sulat.
“Siguro greetings lang ‘to,” sabi ni Severina kay Gunner na ngayon ay nakatingin lang din sa hawak niya. Binuklat ni Severina ‘yung papel saka binasa ang nakasulat pero kaagad rin namang nanginig ang kaniyang mga labi matapos basahin ang salitang naka-sulat.

“Who the hell wrote this?” Narinig niyang sabi ni Gunner. Mabilis niya itong tinignan na may pag aalala sa mga mata.

“I’m back, prepare yourselves.”

END.


Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now