Chapter Seven

192 14 0
                                    

INAYOS ni Severina ang sarili nang matapos siya sa pagluluto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

INAYOS ni Severina ang sarili nang matapos siya sa pagluluto. “Good morning!” masigla niyang bati sa mga ito nang maglakad sila papasok sa kusina.

“Ang aga mo naman yatang nagising, Ate Sevs.”

Ngumiti siya. “Sinadya ko talaga para naman mapagsilbihan ko kayo,” sagot niya rito nang may abot-taingang ngiti .Maaga siyang nagising ngayong araw dahil ipinagluto niya ang mga ito. Yes, tama, si Severina ang nagluto ng mga nakahain.

“Kailan ka pa natutong magluto?” Umupo si Gunner sa isa sa mga upuan. Ngumisi si Severina “Bakit, ano’ng tingin mo sa akin, hindi madaling matuto? Thanks to Lily and your mom, sila ang nagturo sa akin.”

Umupo na rin siya upuan katabi si Gunner. Masaya siya  ngayon, kasi naging productive siya. Siguro kung buhay pa ang daddy niya, for sure ay proud na proud sa kaniya iyon lalo  na at natuto na siya sa mga gawaing bahay. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating sila ni Gunner sa probinsya nito, at hindi niya ito pinagsisihan.

Sa loob ng dalawang araw na iyon marami siyang natutuhan. Mula pagluluto, paglilinis, hanggang sa paglalaba. Actually, hindi niya alam na ganito pala kahirap ang mga ginagawa ng mga maid nila sa bahay. Nakapapagod pala.

“In fairness, Ate Sevs, ang sarap mong magluto,” sabi ni Lily habang kumakain.

Napangiti si Severina roon. “Mabuti naman at nagustuhan mo.”

“Oo naman. Ikaw, Kuya? Nasarapan ka?”

Napatingin siya kay Gunner. Tanging tango lang ang isinagot nito. “Hindi na yata ‘to makapagsalita sa sobrang sarap ng niluto ko,” biro niya kay Gunner sabay tawa nang malakas.

“By the way, pupunta tayo sa bukid.”

Naningkit ang mga mata ni Severina. “Ha? Ano’ng gagawin natin sa bukid?” tanong ni Severina kay Lily.

“Ate, tutulungan natin si Inay ro’n.”

Naalala ni Severina na nagpaalam pala ang nanay nina Gunner kahapon para pumunta roon sa bukid nila. Sinabi sa kaniya ni Lily na ang bukid na iyon ay pamana pa ng lolo’t lola nina Gunner.

“Sige, gusto ko ring makita ’yung bukid ninyo.”

HUMINGA si Severina nang malalim sabay ngiti nang makita ang ganda ng tanawim sa harapan niya ngayon. Buong paligid ay kulay green na damo, napakalawak nito at sa dulo ay may makikita kang maraming burol, parang iyong tanawin na makikita mo lang sa ibang bansa.

Hindi niya alam na ganito pala kainit dito. Kaya naman pala ang suot ni Lily ay doble-doble. Habang siya? Isinuot niya ang damit na ipinahiram sa kaniya ni Lily. Manipis lang ito at napakapresko.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon