Chapter One

716 27 4
                                    

“GOOD morning, miss

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“GOOD morning, miss.”

Tinanguan lang ni Severina ang isa sa mga maid nila nang batiin siya nito. Kaagad siyang huminto saka hinarap ito. “Where’s Dad?” tanong niya rito sabay taas ng kilay. “He’s in the veranda, miss. Actually, he’s waiting for you,” sagot naman ng maid na nakatayo sa kanang direksyon niya. Tumango lamang siya saka naglakad na papunta sa kanilang veranda. Kahit malayo siya ay nakikita niya ang kaniyang daddy na kumakain ng agahan. Ngumiti lamang si Severina saka siya naglakad palapit roon. Napansin naman ng daddy niya na paparating siya kaya huminto ito sa pagkain.

“Darling,” pagtawag nito sa kaniya nang may matamis na ngiti sa labi nito. Napangiti si Severina roon. “Morning, Dad.” Lumapit siya sa kaniyang daddy saka niya hinalikan ang pisngi nito.  “Upo ka.” Itinuro ng kaniyang ama ang isang upuan sa tabi niya kaya naman nag lakad siya palapit doon saka umupo. Kaagad naman siyang napatingin sa mga pagkain na nakalagay sa mesa. It was Severina’s usual breakfast; bread, sunny side up eggs, hotdogs, hams, and bacons.

“So, how’s your school? I heard you’re in top five?” Napangiti ang dalaga nang marinig niya ang tanong ng kaniyang daddy. “Okay lang naman po ang school, nakatayo pa naman,” pabiro niyang sagot dito dahilan para matawa ang ama niya. “What I mean is, hindi ka ba nahihirapan?” pag klaro ng daddy niya.

“Hindi naman, Dad. Ayos lang naman. I have friends there at yes, nasa top five po ako,” masaya niyang sabi habang kumukuha ng kanin. “Mabuti naman kung gano’n. Kailangan mo talagang galingan ang pag-aaral mo kasi ikaw ang papalit sa ‘kin, ikaw ang magpapatakbo ng kompanya natin.”

Lumihis ang mga mata ni Severina roon. Napatitig siya nang masama sa daddy niya.  “Dad naman,” angal niya rito. Uminom ito ng orange juice saka muli siyang tiningnan. “Bakit?”

“I just don’t like talking about business,” matamlay niyang sagot dito.

“Pero, 'kaw ang papalit sa ’ki—”

“Matagal pa po ‘yun, Dad,” sagot ni Severina rito.  “Ang bata mo pa para mag-resign,” dagdag niya pa habang kumakain ng hotdog. “We don’t know what tomorrow would bring, baka mawawala ako.” Natigilan ang dalaga sa pagnguya ng pagkain saka mas sumama pa ang tingin niya sa daddy niya.

“Dad naman, don’t say that.” Inis niya itong tiningnan.

“It’s better to be ready, Severina.”

Napabuntonghininga na lang siya roon. Tinawag siya nito sa full name niya kaya that meant he was serious. Hindi na sumagot si Severina. Ipinagpatuloy niya na lang ang kaniyang pagkain. Alam naman ng daddy niya na ayaw niya sa business, but he kept on insisting her to do it. She was his only daughter at kung mawala ito, for sure ay sa kaniya ipamamana ang company, na ayaw niya naman sanang i-handle. Severina told him na ang tito na lang niya, pero hindi sumasagot ang daddy niya. Siguro dahil hindi pa sila masyadong magkaayos ng kapatid nito.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now