Chapter Five

200 13 0
                                    

MABILIS nilang dinala ang daddy ni Severina sa hospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MABILIS nilang dinala ang daddy ni Severina sa hospital. Doon nila nalaman na mayroon palang lason ang wine na nainom nito. “I hope Dad’s okay,” bulong ni Severina habang nakaupo sa isa sa mga bench ng hospital.

“Magiging okay naman siya, ’cuz. Don’t worry.” Diana patted her shoulders.

Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin sila pinapapasok ng doctor sa loob ng kwarto kung nasaan ang daddy niya. Ayaw niya rin naman itong iwan dito. Napaangat siya ng tingin nang makita niya si Gunner na nakatayo sa harapan niya. “What’s that?” tanong ni Severina habang tinitingnan ang hawak nitong coffee.

“Coffee,” obvious nitong sagot.

“I mean, what’s that for?” She crossed her shoulders habang nakatingin pa rin dito. “Isn’t it obvious? I’m giving you coffee so you won’t feel sleepy,” pilosopo nitong sagot. Napairap si Severina saka kaagad na tinanggap ang kape.

“Nagtanong pa ako.”

“Uhm, Severina?”

“Yes, Tito?” tanong niya saka tiningnan ang Tito Franco niyang nakatayo sa bandang likuran ni Gunner.

“Uuwi muna kami ni Diana. Your dad’s okay naman kaya aalis na kami. Ayos lang ba?”

Mapait siyang napangiti. “Sure,” mahina niyang sagot.

“Come on, Diana.”

Tumayo na si Diana at nilapitan ang Tito Franco niya. “Sige, ’cuz. Bye!” Kinawayan muna siya nito at doon, sabay ang mga itong tumalikod.

Nang makaalis na ang Tito Franco niya at Diana ay iyon din ang oras na tinawag si Severina ng doctor. Gising na raw ang daddy niya. Mabuti nga at naagapan agad ang daddy niya, sabi ng doctor. Mabuti raw at mabilis nilang naisugod sa hospital ang daddy dahil kung hindi, baka namatay na ito.

Si Severina lamang ang pumasok sa loob ng room ng daddy niya habang si Gunner ay naiwan sa labas.

“D-Dad?”

Isinara niya ang pinto saka naglakad papunta sa kama kung saan nakahiga ang daddy niya.

“D-Darling . . .” Ngumiti ito sa kaniya. “Ayos ka na po ba?” alalang tanong niya rito.

Tumango ito saka nginitian siya. “Yes, pero sabi ng doctor, dito raw muna ako pansamantala. Kukuhanan pa nila ako ng test.”

Napangiti si Severina roon. “Mabuti naman kung ganoon, Dad.” Mas lumapit pa siya sa ama saka niyakap ito nang mahigpit.

“Nagpasalamat ako na ikaw ang naging anak ko, Severina.” Kaaagad siyang kumalas sa pagkayakap niya sa daddy niya. Umupo siya sa isang upuan na nasa tabi lamang ng higaan nito. “Nasabi ko na bang kamukhang-kamukha mo ang mommy mo?”

Hindi niya alam na umiiyak na pala siya. Hindi niya napansin iyon, basta ang alam niya na lang ay mahina na siyang humahagulhol habang nakatingin sa daddy niya.

“Kamukhang-kamukha mo si Serina.”

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. “I’m thankful, too, that you’re my dad. I know it’s hard for you to run the company, tapos nandito pa ako na sakit  sa ulo mo.”

“No, hindi ‘yan totoo. Hindi ka sakit sa ulo, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Severina.”

Naging masarap ang pagkukuwentuhan nila ng daddy niya. Natigil lang ang pag-uusap nila nang biglang bumukas ang pinto. Nakita naman ni Severina ang nurse na nakatayo roon at nakatingin sa kanila.

“Uhm, miss? Kailangan na pong matulog ng pasyente?” Napatango siya saka muling napatingin sa ama.

“Sige, Anak, umuwi na kayo ni Gunner.”

Ngumiti si Severina saka napatango. “Sige po, Dad.” Muli niyang nilapitan ang daddy niya saka niyakap ito sa huling pagkakataon. Naglakad na siya saka nilampasan ang nurse. Bigla naman siyang nakaramdam ng kaba nang magtama ang mga mata nila.

Ewan niya ba, basta bigla na lang siyang kinabahan.

“Let’s go home,” sabi ni Severina kay Gunner nang salubungin siya nito sa labas ng room ng daddy niya. Natawa naman siya nang mapansin niya na ang damit nila ay iyong suot pa nila kanina sa party. Tumango si Gunner at naglakad na sila palabas ng hospital at umuwi.

Hindi alam ni Severina na iyon na pala ang huling pagkakataon na makikita niyang buhay ang daddy niya na nakangiti.

Damn! If she had only known right away that it would be the last moment that she would see him alive, sana mas hinigpitan niya pa ang pagkayakap dito.

Namatay ang daddy niya dahil sa cardiac arrest.

Natagpuan ni Severina ang sarili na nakatayo sa sementeryo habang pinanonood niyang inililibing na ang daddy niya. Todo ang iyak niya noon, sino ba ang hindi iiyak kapag nawalan ka ng ama?

“Sevs, tahan na.” Hinagod ni Mayumi ang likuran niya, pero hindi siya nito napatahan, mas lalo pa tuloy lumakas ang pag-iyak niya. “Sevs, nandito naman kami,” sabi naman ni Alexis.

“Sana hindi na lang ako umalis sa hospital na ‘yun, sana—”

“Don’t blame yourself, Sevs.”

“Pero, Yums, wala na si Daddy,” naiiyak niyang sabi habang pinupunasan ang mga mata niya ng tissue.

“You can get over this.”

They kept on comforting her, pero hindi sila nag-succeed na patahanin siya. Wala na ang kaniyang daddy, paano na siya ngayon? Right now, Severina felt like she was a castle slowly falling into pieces. Hindi niya naman inakala na ganoon lang pala kabilis ang pangyayari sa buhay niya. Mabilis na magbabago.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan pero kahit basang-basa na si Severina ay hindi pa rin siya umalis. Nakatayo pa rin siya sa harapan ng puntod ng daddy niya. Tapos na ang ceremony at umuwi na ang lahat maliban sa kaniya. Yakap-yakap niya pa rin ang larawan ng ama habang umiiyak.

“Dad, I’m sorry . . . sorry kung hindi ako naging mabuting anak sa inyo.” Mas humahulhol pa si Severina.

“Hanggang kailan ka ba iiyak diyan?”

Natigilan si Severina. Napansin niya ring hindi na siya nababasa ng ulan, napatingala siya at nakita na pinayungan na pala siya ni Gunner. “Iwanan mo muna ako rito,” masungit niyang sabi kay Gunner. “Gusto ko munang samahan si Daddy,” dagdag niya pa.

“But it’s cold, baka magkasakit ka.”

Napairap si Severina roon. “Can you please leave me?” Tiningnan niya ito nang masama.

“Sev—”

”Miss, call me miss, boss mo ‘ko. Hindi tayo magkaibigan,” pagtatama niya. “Leave me, Gunner. Give me some space.”

Nagulat si Severina nang isuot ni Gunner sa magkabila niyang balikat ang suot nitong tux, bago ito umalis na suot lamang ang puting long-sleeved polo. Pasikreto niya itong pinagmasdan habang pabalik na ito kotse.

Dahan-dahan naman siyang napangiti.

Bullets and Justice [complete] (Soon To Be Published under TPD Publishing)Where stories live. Discover now