Chapter 1 (Disguise)

19 3 0
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, business, places and events are product of authors imagination.
Any resemblance of actual person living or dead and actual events are coincidental.
Never published without the authors permission.
Thank you.

-----------------------------------------------------------

She asked Zoey for help because she knew she was the only one who could help her at that time.

"Hindi ba nakakahiya itong gagawin ko Zoey?"

"Ano bang nakakahiya? Sasayaw ka lang naman. At isa pa, hindi ba sinabi ko naman sayo na hindi naman nila makikita ang mukha mo."

"Kahit na."

"Ikaw din ano papayag ka ba or hihinto ka ng isang sem dahil dyan sa kaartehan mo."

Kung hindi lang siya sanay sa bibig ni Zoey na walang filter ay masasaktan siya sa sinabi nito.

"Sige, I have no choice."

"Bueno. Heto ang location na ibinigay sa akin ng kakilala ko. Pumunta ka na lang dyan ng maaga para magprepare."

"Hindi mo ba ako sasamahan?"

"Magpapasama pa sakin ni mama eh. Kaya mo na 'yan. Tawagan mo na lang ako kapag may mga tanong ka pa. Ang about the custome i-pick up mo na lang din mamaya. Malapit lang din naman iyon sa hotel."

"Okay."

"Best of luck girl."

Napangiwi siya.

"Nga pala siguro naman marunong ka gumiling? Well, kasali ka nga pala sa isang cultural dance muntik ko ng makalimutan kaya alam ko sisiw lang sayo 'to."

"Cultural dance? Eh panay tinikling ang sinasayaw ko at pandanggo sa ilaw. Sa tingin mo may background ako sa pagsayaw ng sexy dance?"

"Manood ka online for resources. Sige na, kailangan ko na rin umalis naghihintay na sa akin si mama."

"Sige, ingat ka."

She gave her friend a look and she grinned.

When the night comes, she passed the dressmaker for the clothes to wear just a few meters away from the hotel.

"Ito na po ba talaga ang iniwan ni Ms. Zoey?" tanong niya sa babaeng naroon.

"Iyan na. Bakit may problema ba?"

Umiling siya.

Kakarampot na tela lang ang damit na iyon. Baka nga kapag yumuko siya makitaan na siya ng panty.

May isang oras din niyang tinitigan ang damit na susuotin. Nagtatalo ang kalooban niya kung itutuloy ba ang binabalak niya.

When suddenly her cellphone ring.

"Hello?"

"Nasaan ka na? Tinatawagan na ako ng kakilala ko kung tutuloy ka ba raw?"

"Nandito naman na ako sa hotel kaya lang...."

"Kaya lang ano? May problema ba? Naghihintay sayo ang Room 12. Kapag lumagpas ka ng fifteen minutes ay hindi na nila tatanggapin ang serbisyo mo."

"Ha? Bakit naman?"

"Syempre binabayaran nila ang oras mo girl. Sige na bilisan mo na dyan bago ka pa maligwak at hindi mo mabayaran ang tuition mo."

"Oo na. Pero ganito ba talaga ang kailangan kong suotin?"

"Mas okay na iyan. Iyong iba nga na surprise girls eh see through ang sinusuot pasalamat ka at may tela iyang pinili ko sayo."

"Ang iksi naman" she whispered.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now