Chapter 6 (The Attack)

7 3 0
                                    


Dahil alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawa ay pumasok parin siya sa klase.

"Ang kapal naman ng mukha niyang pumasok pa" rinig niyang sabi ng isang kaklase.

"Talaga? Eh nagbabayad ako ng tuition dito bakit hindi ako papasok?" supalpal niya sa mukha nito.

"Grizedale, so sinasabi mo na hindi ikaw ang babaeng nasa post kahit may mukha mo doon?"

"Ewan ko kung sinong inggetera ang nagpost ng ganoon but to tell you the truth hindi ako 'yon. Don't worry my lawyer is doing everything to clear my name. At kayo kung ayaw ninyong pumasok ng kulungan kasama ng palakang ito make sure to shut your mouth."

Natameme ang lahat sa sinabi niya.

Dumating si Mr. Ardiente. The class started when a woman entered the room.

"Where is she? Nasaan ang babaeng sumira ng kasal natin, Kade?" saad nito.

"Carla, stop it. I'm in the middle of my class show some respect."

"Eh ang babaeng 'yon nirespeto niya ba tayo? Where is she? Iharap mo siya sa akin!"

Eskandalosa. Hmp.

Tumingin ito sa kanya. The woman rushed at her and pulled her hair. Halos mahubaran na nga siya ng dahil dito. Kung hindi lang ito hinila ni Mr. Ardiente ay tuluyan na siyang mahuhubaran. And everyone is taking pictures on her.

She was too surprised she couldn't get up. Tinakpan niya ang mukha niya so they can't take a picture of her face.

Inilahad ni Mr. Ardiente ang kamay niya to help her.

"Kaya kong tumayo mag-isa" matigas na saad niya. Pinipilit niyang hindi maiyak sa harap ng lahat kahit napakamiserable niyang tingnan.

Inayos niya ang damit.

"Oh what are you looking at? Go ahead and post what I look today on social media, so I take you all to jail. You think I can't do that? My dad has all the money to send you all to jail. So don't try me."

After nang mangyari iyon hindi na siya pumasok ng klase.

"Eda, hindi ka ba papasok?"

"Hindi na ako mag-aaral dad."

Alam niyang siya ang topic ng bawat corridors ng campus nila dahil sa nangyari. Gusto niya na lang talaga bumalik ng London when she was there her life was peaceful ang problema niya lang eh paano umuwi kapag nalalasing siya sa party na pinupuntahan niya.

She just lay in bed all day. She doesn't even want to open her social media.

She heard another knock on the door.

"Dad, I'm sleeping."

"You just talk to me, Eda."

Akala niya makakalusot na siya. She open the door.

"What is it dad? May kailangan po kayo?"

"Your art teacher is here. Did something happened at school kaya ba ayaw mo ng pumasok?"

"No dad, everything is fine."

Hindi niya sinabi sa ama na sinugod siya ng ex ni Mr. Ardiente. Tamad na binaba niya ang guro sa sala.

"What are you doing here sir?"

"I wanted to talk to you."

Napansin niya ang flowers at chocolate sa tabi nito. Kung hindi niya alam ang sadya nito iisipin niyang aakyat ito ng ligaw.

"Para sayo."

"Hindi ka naman siguro aakyat ng ligaw sir ano? Baka sabunutan na naman ako ng ex mo nyan" she was just trying to lighten the mood.

Hindi ito kumibo.

"Sorry about what Carla did. Hindi ko akalain na pupunta siya ng school."

"Why are you apologising for what she did? At isa pa hindi naman kita sinisisi sir dahil sa ex mo ang nanakit sa akin not you. Let's just say I'm so open minded."

"Salamat. May balita ka na ba regarding your sister?"

Umiling siya.

"Umalis na siya sa tinutuluyan niyang bahay. Ayaw niya sigurong magpakita sa amin."

"Just give her time."

"Wait, hindi ka na ba galit sa kapatid ko?"

"Like I said I just wanted to know the truth."

"Eh bakit noong ako halos gusto mo na akong patayin?"

"Hey that's not true."

"Oo kaya."

"Galit pa ako ng time na 'yon na makita kita at lalo na nang i-deny mo ang nangyari sa atin?"

"Dahil wala ngang nangyari sa atin. Teka nga, kayo ng sister ko ang dapat na mag-usap. Kaloka. Ang dami ko ng iniisip baka mabaliw na ako."

"Sorry."

"Eda, yayain mo si Mr. Ardiente mo na sumalo na sa atin ng dinner."

"Hindi na po sir, aalis na po ako."

"Come on Mr. Ardiente, please join us. Gusto rin sana kitang makausap pagkatapos ng dinner."

"Pagbigyan mo na si daddy sir, kukulitin ng kukulitin ka niyan hangga't pumayag ka."

Sa huli ay pumayag din ito.

Mistaken IdentityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora