Chapter 9 (Curse)

8 2 0
                                    


Maraming natuklasan si Kade nang madalas na silang magkwentuhan ni Grizedale. Mas pilya ito kumpara kay Gresilda na prim and proper.

"Ang layo mo talaga sa kambal mo ano?"

"Oo naman noh hindi porket kambal kami eh magkatulad na kami sa lahat ng bagay."

"Kaya nga mas gusto ko si Gresilda na kasama."

"Ganoon? Eh sino bang may sabi na gusto rin kitang kasama? Hahaha"

"Naisahan mo ako doon ah."

"Alam niyo naman sir na hindi ako payag na nilalamangan niyo ako."

Naputol ang pag-uusap nila nang dumating si Carla. Biglang nagtago si Eda sa likuran niya.

"Ay sir nandyan na ang girlfriend ninyong eskandalosa."

"Ex" pagtatama niya.

Nilingon niya si Carla.

"What are you doing here?"

"Hindi ako pumarito para manggulo. Hindi ko alam na magagawa iyon ni Nick sayo. I should have believe you. And Grizedale right?"

"Ano na naman ako? Susugurin mo na naman ako?"

"No, I'm here to say sorry."

"Ayos na, kahit ako ang tumanggap ng sabunot na dapat kay Gresilda."

"Kade, I'll flying to LA tomorrow and start my new life there. I'm just here to say goodbye."

"Maraming nangyari sa atin Carla maybe we really not meant to be pero hindi ako nagsisisi na naging parte ka ng buhay ko."

"Same here. Sana makahanap ka na rin ng babaeng para sayo. Ahm, pwede ba kitang mayakap kahit huling beses?"

Tumango siya. Pinagbigyan niya na ito since may maganda rin naman silang pinagsamahan ni Carla.

Nang makaalis si Carla ay inihatid niya ito ng tingin.

"Hindi mo ba siya pipigilan umalis?"

"For what?"

"I thought you still love her sir."

"Marami ng nangyari, nasaktan na namin ang isa't-isa so I think it's better for us to let go."

"Ang complicated naman magmahal buti na lang wala pa akong boyfriend."

"Hindi ka pa ba nagkakaboyfriend?"

"I think twice pero hindi naman iyon long term relationship. We only lasted for a week or a month not sure though."

"Playgirl."

"Hindi naman. I think we just have our own priorities that time."

"I see. By the way, sigurado ka na ba na hindi mo na itutuloy ang pag-aaral mo ng architecture? I mean you still not halfway marami ka pang mai-experience."

"Ayos na ako. And I don't want it to be awkward with Zoey and me. At isa pa dad let me handle our family restaurant I think magpofocus na lang siguro ako doon for now. Mas maganda na rin siguro iyon since I can practice my previous course which is Business Management."

"Mawawalan na pala ako ng pasaway na estudyante."

"Pasaway? Excuse me? Hindi ako pasaway sadyang mainit lang talaga ang dugo mo sa akin. At isa pa may pumalit naman sa akin na mas pasaway pa sa akin si Gresilda. She is in your class."

"Di hamak naman na mas matino ang kapatid mo kaysa sayo."

"Favoritism" bulong nito.

He smiled.

The bell rings indicating his next class.

"I'll go now, may klase pa ako."

"Sige sir."

When she waved him goodbye he smiled back at wala na iyong halong galit para sa dalaga since it was just MISTAKEN IDENTITY.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang akala niya ay magiging tahimik na ngayon ang lahat hindi niya alam na hindi pa pala nag-uumpisa ang kalbaryo ng buhay niya. Lahat ng iyon ay dahil may kakambal siya. Hindi niya lubos akalain na magiging sumpa para sa kanya ang pagkakaroon ng kambal.

Maagang pumasok si Eda sa restaurant na pag-aari nila nang bigla na lang may babaeng pumasok sa restaurant.

"Hoy babae ka ang sarap ng buhay mo rito ng dahil ito sa pera ng asawa ko! Hindi ka na nakonsensya sa perang ninakaw mo!" asik nito sa kanya.

"Excuse me? Huwag po kayo mambintang ma'am pwede ko po kayong kasuhan ng false accusations nyan. At isa pa hindi ko ho kayo kilala at 'yang mister ninyo. Huwag po kayo mag-eskandalo rito sa restaurant ko."

"Sinungaling ka! At ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na kasuhan ako ah. Hindi mo ako maloloko Grizedale!"

Nagulat siya nang tawagin siya nito sa pangalan niya eh hindi niya naman ito kilala.

"Wala po akong maintindihan sa sinasabi ninyo kung gusto niyo po mag-usap po tayo sa opisina ko. Sasagutin ko po lahat ng issue ninyo. Huwag lang po tayo rito dahil nakakahiya sa mga tao."

"Dapat lang na mahiya ka!"

Napapayag naman niya ang ginang na mag-usap sila sa opisina.

"May gusto po ba kayong inumin ma'am? Ipapahanda ko po sa secretary ko."

"Hindi na, baka lasunin mo pa ako."

"Okay. Are you sure ma'am na ako po ang kausap ng mister ninyo?"

"Of course tandang-tanda ko 'yang pagmumukha mo dahil pumunta ka pa nga sa bahay namin."

"Excuse me? Baka nagkakamali po kayo ma'am. If sinabi ninyong limang taon na itong nangyari imposible po na ako ang pumunta sa bahay ninyo since I was in London."

"London? Sige, mag-imbento ka pa."

"No ma'am I was telling the truth. Here, take a look at this."

Ipinakita niya rito ang mga pictures niya noong nasa London siya.

"Malay ko ba kung pinaedit mo lang 'yan. Huwag mo ng bilugin pa ang ulo ko Grizedale."

"Nagsasabi po ako ng totoo ma'am. Actually, may kakambal po ako si Gresilda baka siya po ang pumunta sa bahay ninyo."

"May kakambal ka?"

"Yes ma'am."

Ipinakita niya rito ang picture ng kakambal niya.

"Teka nalilito na ako. Kung nasa London ka bakit sinabi niya na siya si Grizedale? Patingin nga sandali ng pirma mo."

Ipinakita niya rito ang kanyang pirma.

"Iyan nga! Hindi ako pwedeng magkamali ganyan na ganyan ang pirma sa papel ng asawa ko. Ikaw nga iyon!"

"Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo na hindi nga ako ang sinasabi ninyo. Pero kung ipagpipilitan niyo parin na ako iyon then just talk to my lawyer haharapin ko po ang complain ninyo at patutunayan ko po na mali kayo sa pambibintang niyo ma'am."

Imbes na magtrabaho ay umuwi siya para kausapin ang kapatid. Nadatnan niya ito kasama si Mr. Ardiente.

"Hi sis. Ang aga mo yatang umuwi" ani Gresilda nang makita siya.

"It's nice to see you again, Grizedale" ani Kade.

"Hello sir."

"Sir? Just called me Kade hindi na kita estudyante."

"Okay. Gresilda pwede ba tayo mag-usap?" lingon niya sa kapatid.

"Pwede mamaya na sis nagpapaturo pa kasi ako kay Sir Kade."

"I want to talk to you now, Gresilda" medyo tumaas ang tono ng pagkakasabi niya.

"Fine."

Tiningnan niya ang kapatid kailan lang sila nagkasama ayaw niya sanang magkalamat ang pagsasama nila pero siya naman ang mapapahamak kapag hindi niya ito hinarap.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now