Chapter 20 (Eda's Surprise)

8 3 0
                                    


Naiinis parin si Gresilda sa mga nangyari. Hindi siya makakapayag na ganoon lang mauuwi ang lahat.

"Ano na ang binabalak mo ngayon?"

"Tatapusin ko silang lahat. Uunahin ko 'yang si Eda."

"Malaki talaga ang galit mo dyan sa kakambal mo ano?"

"Of course. Inagaw niya lang naman sa akin ang pinsan mo, Nick. Akala nila nanalo na sila dahil sa mga nalaman nila. Hindi nila alam na nagsisimula pa lang ako."

She orders Nick to confess everything so that Kade and Eda can trust him again.

"Paniwalang-paniwala sila na may s*x video talaga kami ni Zoey when infact gawa-gawa ko lang ang lahat."

"I like your brilliant mind, Nick. Iyan ang pinagkaiba mo sa pinsan mo."

"But why are you choosing him instead of me?" saad nito sabay halik sa balikat niya.

"Because I like him."

"And you're just using me?"

"Kapalit ang katawan ko. Nakukuha mo naman ang gusto mo sa akin 'di ba? I make you happy in bed in return you need to make me happy too and that is by doing everything I want."

"Alam mong mahal kita Gresilda kaya ako pumayag sa lintek na sitwasyong ito dahil sa pagmamahal ko sayo."

"Just give up. I tell you Nick, si Kade lang ang tanging lalake para sa akin. Tandaan mo 'yan!"

"So anong gusto mong gawin ko dyan sa kakambal mo?"

"Dispatsahin mo."

"What? Gusto mong patayin ko si Eda? Gumagawa ako ng masama Gresilda pero hindi mamamatay tao."

"Tanga! Hindi ko sinabing papatayin mo. Ang gusto ko lang dispatsahin mo ibig sabihin alisin mo siya sa paningin ni Kade."

"Paano ko naman 'yon gagawin eh mukhang hindi na ako makakadiskarte sa kanya."

"Eh 'di kidnappin mo tapos dalhin mo sa bundok. Ikaw na ang bahala basta dalhin mo siya sa lugar na hindi niya makikita si Kade."

"Paano kung pumalpak ako?"

"Eh 'di huwag ka na magpakita sa akin gago ka. Tsk. Makikita nila kung sino ang kinakalaban nila."

"Paano ang daddy mo?"

"Well, wala siyang magagawa dahil mawawala sa kanya ang paborito niyang anak."

Napangisi siya sa kanyang mga binabalak.

≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

His new school welcomes him warmly. He has been planning to teach at his alma mater for a long time and this is a big opportunity for Kade.

He entered his first class. As usual he teaches arts. As he introduced himself he noticed a sleeping student. He hates it when someone sleeps in class.

He approached her.

"Excuse me" sabay mahinang tapik sa balikat nito.

"Hmmm? Sir? Sorry po nakatulog po ako."

He was surprise to see, Grizedale. Anong ginagawa niya rito? Bumalik siya sa table para tingnan ang kanyang class record and Eda's name was there.
Maraming katanungan tuloy ang gumugulo sa isip niya.

After class, he texted her to follow him to his office.

She close the door.

"You shouldn't text your student Mr. Ardiente to come into your office" nakangusong wika nito.

"What is this? Why are you here? Ito ba ang sinasabi mo kanina na may sorpresa ka sa akin?"

"Yeah. Surprise!"

"Did you really enrolled in my class?"

"Oo. Eh kasi naman tuwing weekends lang tayo pwedeng magkita because you have class. Kaya naisip ko na mag-enroll na lang sa klase mo."

"Paano ang restaurant?"

"Si Zoey. Ginawa ko siyang manager mg restaurant since itutuloy ko ang pag-aaral ko."

Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa nito.

"Alam ba ito ni Tito Zig?"

"Honestly, hindi. Kaya huwag mo ng sabihin please."

"Gosh Eda. You're creating troubles."

"Hayaan mo na gusto lang naman kita makita. Ayaw mo ba na naririto ako?" nakalabing saad nito.

"I like it but isn't it too––"

"Okay, ayaw mo naman yata na nandito ako aalis na lang ako."

Akmang aalis ito nang pigilan niya.

"Sige na, pumapayag na ako na nandito ka."

"Great."

Minsan talaga namamangha siya the way his girlfriend thinks. Pero wala siyang magagawa, mahal niya eh.

_________________________________________

Nakalumbaba si Grizedale habang nakikinig sa lecture ni Kade. She realize na ang swerte niya na magkaroon ng boyfriend na teacher.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang magtanong ang isang kaklase niya.

"Sir Kade, may girlfriend ka na ba?"

"Yes."

Narinig niya ang panghihinayang ng lahat pero nagdiriwang naman ang puso niya.

"Is she a teacher too?"

"Nope. She is a restaurant owner."

Nagtaas siya ng kamay.

"Sir, I think your girlfriend is beautiful."

"She is" saad nito sabay tingin sa kanya.

Halos mabaliw na siya sa kanyang upuan. Gusto niya tuloy ito sugurin ng yakap at pugpugin ng halik. This dude really know how to make her heart crazy.

Matapos ang klase gusto niya sana itong habulin pero nahila na siya ng mga kaklase.

"Eda, please be our muse" saad ni Tintin ang class president nila.

"Ha? Ako? Bakit ako?"

"Syempre maganda ka."

"Marami naman ibang magaganda dyan sila na lang. Wala talaga akong kahilig-hilig sa muse na 'yan."

Dahil alam niya na kapag may pageant ang muse talaga ang ilalaban.

"Sayang naman. Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?"

"Sorry, wala talaga akong hilig sa pageantry. Mas mahal ko parin ang pagpipinta."

"Sige."

Architecture is her TOTGA (the one that got away) course kaya pinipilit niya parin matapos iyon.

She went to the parking lot. She now drives her own car after finally getting a license. Napansin niya ang sasakyan na sumusunod sa kanya.

Ganoon din ang nangyari the following day. Sinabi niya ito kay Kade kaya kinabukasan ay sinundo siya nito sa kanila.

Mistaken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon