Chapter 7 (Reunited)

6 3 0
                                    


Kinausap ni Kade si Carla hindi niya nagustuhan ang pagsugod nito kay Grizedale.

"Huwag mong sabihin na kinakampihan mo siya kaysa sa akin? So may namamagitan nga talaga sa inyo ng babaeng 'yon?"

"Walang namamagitan sa amin. She is Grizedale, she is my student at hindi ang babaeng nasa picture at kasama ko ng gabing 'yon" paliwanag niya.

"Pinagloloko mo ba ako?"

"I'm telling you the truth. Noong una pinagkamalan ko rin siya but I was wrong."

"Kung hindi siya eh 'di sino? Kamukhang kamukha niya ito."

"She is Grizedale's twin sister, Gresilda."

"At naniwala ka naman? Paano kung gawa-gawa niya lang ito? My God Kade you are a teacher gamitin mo naman ang utak mo, huwag ka magpauto sa babaeng 'yon."

"I'm doing everything, Carla. At hindi naman na maibabalik ang pagsasama natin sa oras na makita ko ang kakambal ni Grizedale because you left me, right?"

"Kade..."

"Kaya anong ginagawa mo rito? Para sugurin ang estuyante ko at pahiyain sa kaklase niya? Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan, Carla."

"Kade please listen to me kaya ako nandito ay para ayusin ang relasyon natin."

"Para saan pa? Hindi ba ikaw ang unang bumitaw sa atin? Ikaw ang hindi naniwala nang sabihin ko sayo ang nangyari ng gabing 'yon."

"That's why I'm here."

"Just leave."

"But Kade..."

"Umalis ka na lang please..."

Nang bumalik siya sa silid-aralan ay nakaalis na si Grizedale. Kaya minabuti niyang puntahan ito sa bahay.

"Matino naman siguro si Eda sa klase mo Mr. Ardiente?" tanong ng ama ng dalaga.

"Yes sir."

"It's okay to be honest, kilala ko 'yang anak ko."

"Dad, why are you like that?" saway dito ni Grizedale.

"If you don't mind sir pwede ko bang malaman kung bakit hindi ninyo kasama si Gresilda?" hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at nagtanong na.

"Ang mommy nila ang nagpalaki kay Gresilda habang nasa akin naman si Eda. Itinago siya ni Lorylei sa akin. Ni hindi ko alam na kambal ang naging anak ko sa kanya. Napunta sa akin si Grizedale dahil binigay siya sa akin ni Lorylei nang magkasakit si Eda at kailangan maospital. Mula noon hindi ko na sila nakita. Nalaman ko lang ang tungkol kay Gresilda nang pinahanap ko sila sa isang investigator."

Grizedale excuse herself, nang bumalik ito ay may kasama na ito. Nagulat siya nang makita ang kasama ng dalaga.

=================================

Nagulat si Eda nang makatanggap ng text mula sa kapatid.

'I'm outside' she said.

Dali-dali siyang lumabas ng bahay. Naabutan niya ang isang babaeng nakatalikod.

"Gresilda?" tawag niya rito.

Lumingon ito nang tawagin niya. Natutop niya ang bibig nang makita ito, para talaga siyang nananalamin.

"You really look like me" saad niya.

"That's because we are twin."

Niyakap niya ito.

"It feels weird na kayakap ko ang kamukha ko but I'm so happy to finally meet you."

"Same here."

Bumitaw siya ng yakap dito.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin? Dad is looking for you all this time."

"Alam ko kaya nga ako umaalis sa mga tinitirhan ko dahil lagi akong nahahanap ni daddy."

"Then why are you still running away?"

"Dahil nahihiya ako sa mga ginawa ko lalo na sayo."

"So ikaw nga ang nasa picture?"

Marahan itong tumango.

"So ginamit mo rin ang pangalan at signature ko?"

"Anong pangalan?"

"Hindi ba ikaw ang nagsulat ng pangalan at ginamit mo pa ang signature ko sa logbook ng hotel?"

"No. Nandoon ako as a sub dancer dahil nakiusap ako kay Zoey na tulungan ako dahil kinapos ako ng pera para sa tuition ko."

"Wait, did I heard it right you said Zoey? Kilala mo si Zoey?"

"Oo, hindi ba kaibigan mo siya? Sa kanya ako lumapit dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya."

"Teka naguguluhan ako. So alam ni Zoey na ikaw si Gresilda?"

"Oo dahil sinabi ko na kakambal kita."

"I-kwento mo sa akin ang nangyari ng gabing iyon but before that pumasok na muna tayo sa loob I want you to meet someone."

"Is dad here?"

"Yes."

Halatang nagulat ang ama at si Mr. Ardiente nang bumalik siya sa dining area nang dalawa na siya.

"Gresilda? Is that really you?" saad ng ama.

"Hi dad."

Tumulo ang luha niya nang magyakap ang ama at kapatid.

"Are you crying?" untag ni Kade.

"Hindi ah. Imbento kayo sir."

Inabutan siya ng lalake ng panyo.

"Salamat."

"Punasan mo ang uhog mo. Tsk."

Sumimangot siya sa sinabi nito. Nang mahimasmasan na ang lahat ipinakilala naman niya ang lalake.

"You know him don't you?" saad niya sa kapatid.

"Hindi ko maaaring limutin ang mukha ni Kade lalo na malaki ang kasalanan ko sa kanya. I'm really sorry Kade sadyang napilitan lang ako ng gabing 'yon dahil kailangan ko ng pera para bayaran ang tuition ko. Hindi ko gustong sirain ang kasal mo. Wala akong choice dahil pinagbantaan ako ni Nick."

"Wait. Nick?"

"Oo plinano ni Nick ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan mo sa kanya pero siya ang may gawa kung bakit nawalan ka ng malay ng gabing 'yon."

Kitang kita ni Eda ang pagkuyom ng kamao ni Kade.

Hindi rin nila inaasahan ang mga sumunod na isinawalat ni Gresilda lalo na nang banggitin nito si Zoey at ang ginawa nito.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now