Chapter 8 (Losing It)

6 3 0
                                    


He never have thought that Nick would do something like that and betrayed him, foremost he is his cousin. He even joined him for a drink when he was depressed about Carla's leaving him and pulling back on their marriage.

"I will kill him. Sa lahat ng taong gagawa nito eh hindi ko inisip na siya pa. He was not just my cousin he is also my bestfriend!"

"I'm sorry for everything, Kade" saad ni Gresilda.

"I understand. Now you are here, I just want  to make it clear, may nangyari ba sa atin ng gabing 'yon?"

"No, Nick just took a picture of us making it look like something happened between us."

Nakahinga siya ng maluwag.

Ngayon alam niya na ang lahat wala ng dahilan pa para manatili siya doon. Inihatid siya ni Grizedale sa may gate.

"Ano ng plano mo ngayon Kade? Kade? Ay sorry po sir nakiKade na rin tuloy ako, ito naman kasing si Gresilda" sabay kamot nito ng ulo.

"It's okay. Wala rin naman tayo sa eskwela. Now, everything is clear siguro naman papasok ka na bukas sa klase ko?"

"Pag-iisipan ko muna. Kayo naman sir namiss niyo agad ako."

He chuckled.

"Pilya ka talaga. Sige na pumasok ka na sa loob, aalis na ako."

"Sige, ingat ka sir."

Imbes na umuwi ay pinuntahan niya si Nick sa bahay nito.

"Oh Kade? Gabing gabi na ah bakit pumarito ka pa?" saad ni Nick.

Mabilis na sinuntok niya ito dahilan upang matumba ito sa sahig.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ano ang problema mo sa akin at nagawa mo akong traydorin hayop ka!"

"Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Umamin na si Gresilda ng lahat ng ginawa ninyo ng gabing 'yon. I'm talking about bachelors party you moron!"

"Teka nga, sino ba itong si Gresilda? Hindi ko kilala 'yan. Baka nga gumagawa gawa lang 'yan ng kwento para siraan tayong dalawa."

"I already know na alam mong hindi si Grizedale ang kasama mo ng gabing 'yon right?"

"Paano mo?"

"Like I said nakausap ko na si Gresilda. She confess everything to me."

Bigla itong tumawa.

"You deserve it, Kade."

"Bakit? Ano ang ginawa ko sayo?"

"You know I like Carla. Hindi ba ako ang manliligaw dapat sa kanya pero anong ginawa mo Kade? Niligawan mo parin siya."

"Dahil akala ko nagbibiro ka lang. Hindi mo naman kasi nilinaw sa akin. Kung alam ko lang na magkakasiraan tayo ng dahil lang sa isang babae hindi ko na niligawan si Carla."

"So nagsisisi ka na niligawan mo si Carla? Siraulo ka pala eh. Wala kang paninindigan!"

"Hindi ako nagsisisi pero pinagsisihan ko ang mga desisyon ko lalo na ang pagkatiwalaan ka. Magpinsan tayo, Nick! You even comforted me that time yet ikaw lang pala ang nagplano ng lahat."

"Hahaha tanga ka eh. Nakita mo naman kung paano kita nalusutan."

He punched him, he retaliated until the two of them wrestled only to be separated when the guards came and separated them.

"Pinagsisihan ko na naging kaibigan kita!" sigaw niya rito.

"Mas lalo naman ako. Umalis ka na rito Kade bago pa ako tumawag ng pulis sa lahat ng panggugulong ginawa mo rito."

"At ikaw pa talaga ang may ganang tumawag ng pulis? Nakalimutan mo na yata ang ginawa mo sa akin? With all that evidence I can clearly send you to jail."

"Bakit hindi mo gawin?"

"Hinahamon mo ba ako? Pasalamat ka ayaw ko ng gulo, Nick. Tinatapos ko na ang ugnayan natin."

"Eh 'di tapos, ang dami mo pang sinabi. Alis na" pangtataboy nito.

Hindi siya umuwi sa kanila dahil alam niyang mag-aalala lang ang ina sa kanya. He stay in the hotel that night.

_________________________________________

Nalaman ni Eda na si Zoey ang gumawa ng cryptic post at maging ang pagkopya ng penmanship at signature niya na nakalagay sa logbook.

"Hindi ako magagalit Zoey pero gusto ko lang malaman kung bakit nagawa mo ang lahat ng 'yon?"

"Pasensya ka na Eda, nagawa ko lang ang lahat ng iyon para kay Nick."

Nalaman niya na nagkaroon pala ng relasyon sina Zoey at Nick. At plinano ng mga ito ang lahat.

"Matagal na tayong magkaibigan Zoey."

"I know and I'm really sorry."

"Wala ng magagawa ang sorry mo sinira mo na ang pagkakaibigan natin. Mabuti na lang napakiusapan ko si daddy na huwag ng ituloy na kasuhan ka dahil kahit papaano eh naging mahalaga ka sa akin."

Nakita niyang lumuhod sa harapan niya ang kaibigan.

"Hindi mo kailangan gawin pa ito Zoey. Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo. At kahit lumuhod ka pa sa harapan ko hindi na kita mapapatawad pa."

"Ang tigas naman ng puso mo Eda! Oo nagkamali ako inaamin ko 'yon pero itatapon mo na lang ba ang pagkakaibigan natin ng ganoon na lang?"

"Pwede ba Zoey alam mong ikaw ang hindi nagpahalaga sa pagkakaibigan natin kaya huwag mo akong babaliktarin. Sinira mo na ang pangalan ko magsinungaling ka pa tungkol kay Gresilda. Sa tingin mo kaya pa kitang pagkatiwalaan sa lahat ng ginawa mo?"

She did not say a word. She turned her back on Zoey. She went near the flower garden and cried. Part of her wanted to give Zoey another chance but she already broken her trust.

A handkerchief was handed to her.

"Salamat" nang lingunin niya nakita niya si Mr. Ardiente.

"Anong iniiyak-iyak mo rito? You're spreading bad vibes to the flowers here" komento nito.

"Eh ikaw nga nakasunglass at face mask. I'm sure nakipagsuntukan ka kay Nick kagabi. Tama ako hindi ba sir?"

His lips curved a smile.

Inalis nito ang sunglass at face mask.

"Pareho lang pala tayong masama ang araw."

"Gaya-gaya ka naman sir."

"Ako pa?"

"Alangan naman ako."

She laughed and sighed.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now