Chapter 16 (His Version Of Truth)

10 2 0
                                    


Nagulat siya nang makilala ang kasama ni Kyle. Hindi niya inaasahan na makikita doon si Nick.

"What is he doing here?" asik niya.

"Calm down, Eda. Personal akong kinausap ni Nick to handle this investigation."

"Bakit? Alam mo naman ang ginawa niyan sa kapatid ko at kay Kade. Hindi siya magpakakatiwalaan, Kyle. No, hindi ako makakapayag na siya ang magtatrabaho nito."

"Ang bitter mo naman Eda, you should be thankful na willing kong gawin ang trabaho na pinapagawa mo" ani Nick.

"Well, I would be thankful if you stay out of this."

"Eda, si Nick lang ang makakatulong sayo ngayon. He knows something you don't know. Hindi ba Nick?" lingon ni Kyle sa lalake.

"Yes. Pero pwede mamaya na, nagugutom na kasi ako. Manlibre ka naman dyan, Eda."

"Libre mo mukha mo. Wala ka bang sariling pera?"

"Ang sungit mo talaga. Ano kaya ang nagustuhan sayo ni Kade dahil ang layo-layo mo kay Carla."

Tinignan niya ito ng matalim.

"Can we just go to the point. Ano ba ang nalalaman mo?"

"Okay. Foremost, si Gresilda ang kasama ni Kade nang gabing 'yon."

"Yes because you make her do that" may diin niyang sagot.

"Nope. Ang totoo niyan siya ang naglagay ng pampatulog sa inumin ni Kade."

"At talaga nag-imbento ka pa ng kwento? Pwede ka ng scriptwriter niyan ang husay kasi ng pagkagawa mo."

"Just listen first Eda" ani Kyle.

"Okay, you continue" saad niya kay Nick.

"Pagbalik ko sa Room 12, wala ng malay si Kade and your twin asked me to take him to a hospital. Akala ko nga noong una, ikaw 'yon. Hinanap ko ang susi ng sasakyan ko tapos si Gresilda lang pala ang may hawak. Doon na siya umamin na siya nga ang kakambal mo. Inutusan niya akong kunan sila ng litrato ni Kade."

"Imbento ka talaga, si Gresilda pa ngayon ang binabaligtad mo."

"Ano? Bawat kwento ko ba magkokomento ka?"

"Paano ako hindi sisingit eh sinungaling ka."

"Just let him talk Eda, I know this is hard to believe but please just let Nick finish" ani Kyle.

Huminahon siya ulit.

"Pangalawa, hindi si Zoey ang naglagay ng pangalan at pirma mo sa logbook kundi ang kakambal mong si Gresilda. Iyan lang ang nalalaman ko."

"Kyle, ano 'to? Gusto mo makinig ako sa lalakeng ito?"

"Kahit ako Eda, hindi rin naniniwala but he had a evidence."

"Evidence?"

"Yes, Kyle is right. May video ako ng gabing 'yon. Before the party begin ay sinet-up ko na ang camera sa bookshelf. I really did that for the party but I never know I will be using that as an evidence now."

Pinakita nito ang video sa kanya at dinig na dinig niya ang naging plano ng kapatid.

"So you're saying she just acted na ikaw ang may plano ng lahat when infact siya lahat nagplano? I mean why? Bakit pumayag ka?"

Tumahimik ito.

"Tinatanong kita Nick why would you agreed to do that at magmukhang masama ka? Because a normal person won't do that, eh mukhang hindi naman dahil sa pera ang dahilan kaya mo iyon ginawa. Then what is it?"

"That's because of Zoey."

"Si Zoey?"

"Gresilda had a video of us together. A s*x video. Binantaan niya kami na ikakalat iyon sa oras na hindi kami pumayag sa gusto niya."

Napapikit at napahawak siya sa kanyang sintido.

"Totoo ba ang lahat ng ito? I mean did Gresilda lied to me? Pero bakit?"

"That's why you're hiring me."

"Bakit mo ito ginagawa?"

"Gusto kong magkaayos kami ni Kade na hindi ko ginusto na sirain sila ni Carla. Oo may gusto ako kay Carla but it doesn't mean na aagawin ko siya mula sa pinsan ko."

"What else?"

"Wala na."

"Are you sure?"

"Okay, gusto kong gumanti dyan sa kakambal mo kaya nga tutulungan kita. So pwede ka na bang umorder ng pagkain, nagugutom na ako."

"Tsk."

Umorder siya ng pagkain nila. Umalis din si Kyle dahil may aasikasuhin pa raw ito.

=================================

Hindi akalain ni Kade na makikita si Grizedale ng hapon na iyon. Niyaya siya ni Janelle magcoffee dahil may sasabihin daw ito.

"What do you want to eat?" tanong ni Janelle.

"Anything. Ikaw na lang ang pumili. So ano pala ang sasabihin mo at kailangan mo pa akong dalhin dito?"

"Chill. Kumain na muna tayo."

Napansin niya si Eda sa kabilang mesa at may kasama itong lalake.

"Is that Grizedale?"

"Si Eda? Saan?"

Itinuro niya ang dulong table.

"Yes, nandito rin pala siya. Sino ang kasama niya?"

"I don't know."

Tumayo siya.

"Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko lang si Eda, I'll be quick."

Halatang nabigla si Grizedale nang makita siya.

"Kade? Ano ang ginagawa mo rito?"

"I'm with Janelle."

"Hi there Kade" bati sa kanya ni Nick.

Nagsalubong ang kanyang kilay.

"Bakit kasama mo ang lalakeng ito? Baka nakakalimutan mo Eda ang ginawa niya sa akin."

"Alam ko, nag-uusap lang naman kami."

"At bakit kayo nag-uusap?"

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo Kade. Pero maniwala ka it's purely business."

"Napakaseloso mo naman Kade, hindi ka naman dating ganyan kay Carla" ani Nick.

"Natuto lang ako ng dahil sayo."

Ngumisi ito halatang nang-aasar. Nilingon niya si Grizedale.

"You join us" he said firmly to her.

"Fine. Nick, I will call you."

"I'll be waiting, Eda."

Hinila niya na ang dalaga nang hindi pa ito kumikilos. Pinaupo niya ito sa upuan nila ni Janelle.

"Oh? Nandito ka pala sis? Hindi ko akalain na makikita ka namin dito" ani Janelle.

Pakiramdam niya na plinano iyon ng kakambal dahil alam nitong magkaaway sina Nick at Kade.

"Talaga sis? At sa rami naman ng pwedeng puntahan na cafe ay dito mo pa talaga dinala si Kade ah."

"Hindi kasalanan ni Janelle kung dito niya gustong makipagkita. Nagpapasalamat nga ako dahil kung hindi niya pa ako dinala rito, hindi ko malalaman na nagkikita na pala kayo ni Nick."

"Ngayon lang naman kami nagkita and besides kasama namin si Kyle kanina he just left us dahil may tatapusin pa siyang trabaho. And you know Kyle naman 'di ba? He is one of my circle of friends."

"Basta. Ayaw kong nakikipagkita ka dyan kay Nick."

Wala siyang ginawa nang sirain ng lalake ang pagsasama nila ni Carla. Now, Grizedale is his girlfriend hindi na siya makakapayag na may gawin na naman ito.

Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now