Chapter 16

83 0 0
                                    

Matamang tinitigan ni Ricks ang napakalaking gusali sa kan'yang harapan. Naroon siya ngayon at pupunta sa opisina ng lalaking tumawag sa kan'ya kahapon.

Susugal na siya at magtitiwala sa sinabi nitong matutulungan siya nito.

Tinapat na kasi siya ng doktor kaninang umaga na kung hindi pa maipapa-opera ang kan'yang ina ay baka hindi na kayanin ng katawan nito kaya wala na s'yang ibang choice kung hindi ang magbakasakali sa inaalok ng lalaking tumawag sa kan'ya.

Pagpasok pa lang niya sa loob ng gusali ay namangha na siya sa laki at ganda niyon at ang mga taong nasa loob noon ay mukhang mga kagalang-galang at talagang may mga sinabi sa buhay.

Bigla ay nakaramdam siya ng panliliit sa sarili pero ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng biglang mahagip ng paningin niya si Jade!

Naka-corporate attire ito habang naglalakad sa hall ng gusali, napakubli pa siya ng biglang lumingon ito sa gawi niya.

"Bakit narito ang babae?" Tanong niya sa sarili. Bigla ang dating ng reyalisasyon sa kan'ya. Ito marahil ang nag-utos sa lalaking tumawag sa kan'ya kahapon! Hindi niya matatanggap ang tulong at kadesperadahan nito.

Aalis na sana siya ng biglang may tumawag sa kan'ya mula sa kan'yang likuran.

"Ricks Gregorio?" Tanong nito.

Dahan-dahan n'yang nilingon ang kung sino mang tumawag sa kan'ya.

Si Don Julio! Ang mayamang may-ari ng lupa ng restaurant na pinapasukan niya. Isang beses lang niya itong nakita noong nagbukas ang restaurant na pinapasukan niya.
Ito ang nanguna sa ribbon cutting ceremony noon.

Ang ipinagtataka nya ay kung bakit naroon ito at kung bakit kilala siya nito.

"You must be Ricks Gregorio?" Pagkukumpirma nito sa kan'ya ng makaharap siya dito.

"Good afternoon sir, yes ako nga po si Ricks Gregorio." Magalang na sagot niya dito.

"I see, come on and let's talk in my office." Sabi nito bago nagpatiuna ng maglakad sa kan'ya.

Napatanga siya. Ito ang tumawag sa kan'ya kahapon! Pero paano siya nito nakilala? At ano ang kaugnayan nito kay Jade? Gulong-gulo man ang isip ay nagawa pa din n'ya itong sundan.

Samantalang hindi na nagtaka pa si Don Julio kung bakit nagustuhan ng anak niya ang lalaking ito na ngayon ay nagtatakang nakatayo sa kan'yang harapan.

Napakakisig ng tindig nito at hindi mo mahahalatang mahirap lang ito, mas mukha pa nga itong mayaman kaysa sa mga anak ng mga kakumpetensya niya sa negosyo.

Kahit na simple lang ang kasuotan nito ay dalang-dala nito.
Isang bagay na ikinatutuwa niya dahil magaling din pumili ang kan'yang anak, 'yon nga lang ay kung bakit kasi naging mahirap pa ang lalaking ito.

"Hindi na ako magpapaligoy pa." Prangkang sabi ni Don Julio sa natutulalang binata.

Napatitig tuloy si Ricks sa napakaseryosong mukha nito.

"I will help your mother with her surgery, chemotherapy and everything she needs para gumaling siya in one condition." Marahan ang mga salitang bigkas ni Don Julio.

Napakunot-noo naman si Ricks sa sinabi nito o mas tamang sabihin ay inaalok nito.

"Sige po sir, ano po ba ang kondisyon ninyo?" Tanong niya dito.

Sa isip niya ay nakahanda s'yang tanggapin ang ano mang kondisyon nito maipagamot lang ang kan'yang ina. Ayaw na din n'yang magtanong pa kung paano siya nito nakilala. Ang mahalaga lang sa kan'ya ngayon ay madugtungan ang buhay ng pinakamamahal n'yang ina.

A Mistress's Revenge SPGWhere stories live. Discover now