Chapter 92

64 0 0
                                    

Pag uwi ni Ricks ng bahay nila ng asawa ay nakita niya itong naghahanda na ng hapunan, sa loob ng limang taon ay natuto na din itong magluto ng mga pagkaing gusto niya.

Pinagmasdan niya ito at kinapa ang sariling damdamin, alam n'yang kahit papaano ay minahal na niya ito pero hindi katulad ng pagmamahal niya kay Joy noon. Ngayon ay bigla s'yang nakaramdam ng pag aalinlangan sa sariling damdamin para sa asawa. Naalala niya kung paano sila nagsimula nito, kung paano nito ipinagpilitan ang sarili nito sa kan'ya at ang pagmamakaawa nitong mahalin niya ito.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang biglang mapansin siya ng asawa.

"Hon nand'yan ka na pala, halika na at kumain na tayo." nakangiting baling nito sa kan'ya.

"Ha? S--ige hon.." nautal na sagot niya dito baka kasi mabasa nito ang nasa isip niya.

Paglapit niya dito ay bigla itong natigilan at inamoy amoy pa siya.

"Bakit hon?" takang tanong niya dito.

"Ah para kasing may naamoy lang akong iba sa'yo hon." nanghihinang sagot nito.

Doon lang parang nanigas si Ricks sa kinatatayuan at bigla n'yang naalala ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila ni Joy kanina, marahil ay naiwan sa katawan niya ang amoy nito.

"Ha? Oo nga pala hon may nagbenta kasi sa akin ng pabangon kanina kaya sinubukan ko lang hindi ba mabango? Saglit lang at maliligo lang ako." nagmamadaling paalam niya dito sabay tinungo niya ang banyo at nagmadaling maligo. Pagtapos n'yang maligo ay lalabas na sana siya ng nakatapis lang na tuwalya pero bigla s'yang napatingin sa salamin ng cr at biglang nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya doon na puro kissmark ang buo niyang katawan.

"Damn.." nausal niya sa sarili. Hindi niya alam kung sinadya ba ni Joy na gawin iyon o hindi pero isa lang ang nasisiguro niya, hindi iyon pwedeng makita ng asawa niya dahil paniguradong pagdududahan siya nito at magdaramdam ito baka makasama iyon para sa baby nila. Kung bakit kasi sa cr pa malapit sa kitchen siya naligo at hindi sa cr sa kwarto nila.

Sinilip muna ni Ricks ang asawa sa kusina at nang makita n'yang nakatalikod ito sa gawi niya ay nagmadali syang lumabas ng banyo at nagpunta sa kwarto t'saka siya naghanap doon ng turtle neck long sleeve. Mabuti na lang at mayroon siya noon kaya nagmadali niyang isinuot iyon.

Nang masiguro n'yang hindi na makikita ng asawa niya ang mga kissmark sa katawan niya ay muli s'yang lumabas para magtungo sa kusina.

Kunot noo naman ang asawa niya nang makita siya nito sa ganoong ayos dahil hindi naman siya nagsusuot ng gano'ng damit sa loob ng bahay.

"Hon bakit gan'yan ang suot mo?" takang tanong nito.

Alam na ni Ricks na itatanong iyon ng asawa kaya naman may naisip na s'yang isasagot dito.

"Ah medyo masama kasi ang pakiramdam ko hon t'saka nilalamig ako." palusot niya sa asawa.

"Gano'n ba.. sige kumain ka na at uminom na ng gamot pagkatapos ay magpahinga ka na dahil alam kong napagod ka sa trabaho." nag-aalalang sabi nito.

Bahagyang nakonsensiya si Ricks sa pagsisinungaling niya sa asawa pero hindi niya pinagsisisihan ang nangyari sa kanila ni Joy.

Jade's POV

Kanina pa tulog sa tabi ni Jade ang asawa n'yang si Ricks pero hanggang ngayon ay hindi pa siya dalawin ng antok pakiramdam kasi niya ay may itinatago sa kan'ya ang asawa niya dahil kakaiba ang mga ikinikilos nito kanina.

Gano'n na gano'n ang asawa niya five years ago. Ayaw man n'yang isipin ay baka muling magulo ang utak nito dahil sa pagbabalik ng dating nobya nito pero hindi siya makapapayag na mangyari iyon dahil katulad ng ginawa niya dati ay ipaglalaban niya ang asawa at hindi ito hahayaang mapunta sa iba lalong lalo na sa Joy na iyon.

A Mistress's Revenge SPGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz