Chapter 94

57 0 0
                                    

Jades POV

Linggo ng umaga walang pasok ang asawa n'yang si Ricks kaya naman abala silang mag-asawa sa munting garden nila. Nagdidilig siya ng halaman habang ito naman ay inaayos ang mga halamang nakasabit sa labas ng gate nila.

Napahinto sa ginagawa si Jade nang may makita s'yang isang lalaking naka-helmet ang huminto sa tapat ng gate nila at kinawayan ang asawa niyang si Ricks t'saka may iniabot dito.

Hindi sana papansinin ni Jade ang lalaki dahil naisip n'yang baka delivery man lang ito at nag recieved lang ng parcel ang asawa niya pero gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita n'yang nagtanggal ito ng helmet at lumingon sa gawi niya dahilan kung bakit muntik na s'yang mabuwal sa kinatatayuan mabuti na lang at nakahawak agad siya sa pader ng bahay nila.

Si Ramon kasi ang nakita niya! Isa sa mga dating tauhan na binayaran niya para ipapatay ang ex-girlfriend ng asawa niya! Biglang dinagundong ng matinding kaba ang dibdib ni Jade dahil bakit ngayon lang ito nagpakita pagkalipas ng limang taon at ang una pang nilapitan nito ay ang asawa n'yang si Ricks.

Gusto sana n'yang habulin ang lalaki pero mabilis na pinaharurot nito ang motor nito nang makita siya nito.

Matagal tagal ding nakatulala si Jade sa kawalan bago niya naalala ang iniabot ng dating tauhan niya sa asawa niyang si Ricks kaya agad n'yang nilapitan ang lalaki at mas lalo s'yang nagimbal dahil narinig niya ang boses niya sa voice recorder na hawak nito. Iyon ang mga katagang inutos niya sa mga tauhan five years ago.

"May ipapagawa ako sa'yo pero siguraduhin mong magagawa mo ng malinis ang trabaho mo. Gagawin kong triple ang ibabayad ko sa'yo basta't tanggalin mo lang sa landas ko ang Joy Fuego na iyan sa kahit na anong paraan dahil sagabal siya sa amin ng asawa ko at hangga't nabubuhay siya ay hindi ako matututunang mahalin ni Ricks. Gusto kong ipakita niyo sa akin ang pruweba na talagang napatay niyo na siya maliwanag ba?"

Iyon ang narinig n'yang nilalaman ng recorder na hawak nito at rinig na rinig ng asawa niya ang lahat ng mga sinabi niya doon.

Nakita ni Jade ang biglang pagtiim ng bagang ng asawa niya matapos nitong mapakinggan ang recorder pagkatapos ay matatalim ang mga tingin na ipinukol nito sa kan'ya.

Biglang nakaramdam ng takot si Jade sa paraan ng pagtitig sa kan'ya ng asawa. Hindi niya alam kung sino man ang taong nagpadala ng voice recorder na iyon pero isa lang ang nasa isip niya-- gusto nitong sirain ang pagsasama nila ng asawa niya.

"Hon magpapaliwanag ako--

"Enough Jade! Matagal ko ng alam na ikaw ang may kagagawan sa pagkawala ni Joy noon pero hindi ako naniwala dahil wala akong pruweba pero ngayon na rinig na rinig ko na sa mismong mga tainga ko ang ginawa mo noon sa mag-ina ko ay kinamumuhian kita! Pati ang inosente naming anak ni Joy ay dinamay mo pa." matigas at punong puno ng galit na sabi nito sa kan'ya.

"Patawarin mo ako Ricks.. nagawa ko lang naman ang bagay na iyon dahil sa sobrang pagmamahal ko sa'yo at saka hindi naman namatay si Joy hindi ba?" tila nababaliw na paghingi niya ng tawad sa asawa.

Naawang natitigan na lang ni Ricks ang asawa. Kung hindi nga lamang ito buntis ay iniwan na niya ito ngayon pa lang pero dahil anak niya ang dinadala nito ay hindi pa niya magawang iwan ang babae.

"Magpasalamat ka Jade dahil dinadala mo ang anak natin dahil kung hindi ay baka iniwan na kita." sabi niya dito bago ito tinalikuran at tuluyang lumabas ng bahay.

Magpapahangin muna siya sa labas dahil kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay baka kung ano lang ang masabi niya sa asawa at makasama lang iyon para sa baby nila.

"Saan ka pupunta hon!?" sigaw ni Jade sa asawa pero tila bingi ito at nagpatuloy lang sa paglalakad palayo sa kan'ya.

Hindi napigilan ni Jade ang maiyak sa labis na takot at galit na nadarama niya. Takot dahil baka bigla na lamang s'yang iwan ng asawa niya at muli itong bumalik sa ex-girlfriend nitong si Joy, galit dahil niloko pala siya ng mga walanghiyang tauhan niya at pumanig pa ang mga ito sa babaeng iyon.

Hindi pa man nakakabawi si Jade sa sakit na nararamdaman niya ay bigla na namang may humintong tao na nakamotor sa tapat ng gate nila at may inabot itong isang folder sa kan'ya pero bago ito tuluyang umalis ay tinanggal din nito ang suot nitong helmet at katulad ng naramdaman niya kanina ay muntik na naman s'yang mabuwal dahil ang tauhan naman n'yang si Lance na kasama ni Ramon na inutusan ny'ang ipapatay si Joy noon ang nasa harap niya.

"I'm sorry ma'am nahuli po kami ng mga tauhan ng kapatid ni ma'am Joy noon at pinarusahan, kung hindi nga lang po kay ma'am Joy ay matagal na kaming patay ni Ramon." sabi nito sa kan'ya bago umalis.

Naiwang natitigilan si Jade sa sinabi ng tauhan, kung gano'n ay mayroong kapatid ang Joy na iyon na isa ring maimpluwensiyang tao. Ang buong akala pa naman niya ay ulilang lubos at walang pamilya ang babae. Ngayon ay malinaw na sa kan'ya na si Joy ang nagpadala ng recorder sa asawa niya na kinuha nito sa mga tauhan niya.

Pero maya-maya ay naalala niya ang folder na inabot sa kan'ya ng dating tauhan at binuksan iyon. Isa na namang voice recorder ang nakita niya.

Kinakabahan man ay pinakinggan ni Jade ang voice recorder na iyon at tuluyan na s'yang nabuwal at napaupo sa semento nang marinig ang mga ungol doon at alam na alam n'yang boses iyon ng asawa at ng ex-girlfriend nitong si Joy.

Panay din ang tulo ng mga luha niya nang makita niya ang larawan ng babae at ng asawa n'yang nakahubad sa loob mismo ng library ng bahay nila at natatandaan niya kung kailan nangyari iyon, noong nakaraan lamang na nakita niya ang asawa n'yang pawisan na lumabas ng library nila.

Hindi niya matanggap na sa loob mismo ng pamamahay nila ay niloko siya ng asawa at nagdala ito ng babae doon kahit na alam nitong nandoon siya-- at hindi lang basta babae nito ang dinala nito sa pamamahay nila kun'di ang babaeng noon pa man ay kinamumuhian na niya.

"Mga walanghiya!" sigaw niya.

Samantalang tuwang tuwa naman si Joy habang tinatanaw niya sa di kalayuan ang nagimbal at umiiyak na si Jade. Naroon siya sa loob ng sasakyan niya habang pinapanuod itong umiiyak. Sinadya n'yang ipadala dito ang ni-record n'yang pagniniig nila ng asawa nito katulad ng ginawa nito sa kan'ya noon nang ipanuod nito sa kan'ya ang malaswang video nito at ng dating nobyo n'yang si Ricks.

Nasisiyahan din s'yang makita ang hindik na hindik nitong itsura nang makita nito ang dating mga tauhan nito na s'yang inutusan niya na magdala ng recorder sa mga ito. Siya ang nagligtas sa dalawang lalaki na dapat ay ipapapatay na noon ni Maximo dahil sa ginawa sa kan'ya ng mga ito pero nakiusap ang dalawang lalaki sa kan'ya para sa buhay ng mga ito dahil marami daw mga anak ang dalawa at dahil likas na malambot ang puso niya sa kabila ng pagtatangka ng mga ito sa buhay niya ay pinatawad niya ang mga ito at pinagbagong buhay.

Hindi pa siya nakontento at tinawagan pa niya ang babae. Nakita n'yang sinagot nito ang tawag.

"Hello? Who's this?" tanong nito.

Pero sa halip na sagutin niya ang tanong nito ay iba ang sinabi niya.

"Hi Jade, nagustuhan mo ba ang voice recorder na ipinadala ko o gusto mo rin ng video?" nakakalokong tanong niya dito at kitang kita ni Joy ang pagdilim ng anyo ng babae sa di kalayuan.

"Hayop ka Joy! Bakit hindi ka na lang namatay noon!" galit na bulyaw nito sa kan'ya.

Pero tinawanan lang ni Joy ang galit na galit na babae.

"Sorry ka na lang Jade dahil malakas ang kapit ko kay San Pedro at dahil binuhay niya ako ay babawiin ko na sa'yo ang mga inagaw mo sa akin noon-- si Ricks at ang buhay ng anak namin." nakangising sagot niya dito.

"Hu--wag mong idamay ang anak ko.." nauutal na pakiusap nito sa kan'ya at ramdam na ramdam ni Joy ang takot sa boses nito.

"Masyado ka namang takot Jade, 'wag kang mag-alala dahil hindi mo naman ako kasing sama, hihiramin ko lang sa'yo ang anak n'yo ni Ricks 'pag naisilang mo na siya." nakakalokong sabi pa niya dito bago ito pinatayan ng tawag.

Hindi naman niya intensyong idamay ang anak nito at ni Ricks. Ang gusto lang niya ay takutin ang babae at iparamdam dito ang parehong sakit na naramdaman niya noon sa ginawa nito sa kan'ya.









A Mistress's Revenge SPGWhere stories live. Discover now