Chapter 38

59 0 0
                                    

Nangangapdi ang mga mata ni Joy ng makauwi siya ng bahay.

Iyak siya ng iyak habang nakaupo sa sahig. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nagawang lokohin ni Ricks ng ganito.

Kaya ba siya itinago ng nobyo sa lintik na lugar na ito ay para gawing kabit?

At ang babaeng iyon na nagpakilalang asawa nito na sinadya s'yang ipahiya noon sa Mall na pinapasukan niya. Ngayon ay maliwanag na sa kan'ya kung bakit nagawa ng babaeng iyon na ipahiya siya, dahil sa selos nito sa kan'ya.

Ang sakit sakit! Bakit hindi agad niya nalaman na niloloko lang siya ng nobyo? Kailan pa siya niloloko nito? Ang daming mga katanungan sa isip niya na hindi niya masagot kaya wala s'yang nagawa kun'di iiyak na lang ang sakit na nararamdaman niya.

Walang kasing sakit ang ginawa nito sa kan'ya. Ang balak n'yang surprise para sa birthday nito ay sa kan'ya napunta. Siya ang nasurpresa sa ginawa nito. Niloko siya nito at ng buong pamilya nito.

Mahal na mahal niya ang nobyo at pakiramdam niya ay mamamatay siya sa sobrang sakit na kan'yang nararamdaman.

Tunog ng tunog ang cellphone niya pero hindi niya magawang kunin iyon. Sumsakit na din ang mga mata niya sa kaiiyak.

Hanggang sa igupo si Joy ng antok.

Hapon na ng magising siya at nangangalam na din ang kan'yang sikmura kaya kahit walang ganang kumain si Joy ay napilitan s'yang kumain para sa baby niya. Ito na lang ang mayroon siya.

Habang kumakain ay hindi na naman napigilan ni Joy na umiyak. Nakita kasi niya ang decorations na ginawa niya para sana sa kaarawan ng nobyo, sa sobrang galit at sama ng loob ay pinagpupunit niya ang mga iyon. Wala na rin namang saysay ang mga iyon.

Matapos kumain ay malungkot na nilibot ng tingin ni Joy ang buong bahay. Mapait s'yang napangiti sa isipang nagkaroon nga sila ng nobyo ng sariling bahay, ginawa naman s'yang kabit nito.

Maya-maya ay umakyat siya sa kwarto, hindi niya alam ngayon kung ano na ang mangyayari sa kan'ya. Kung aalis siya ay saan siya pupunta? Wala naman siyang ibang kamag-anak o pamilya man lang na puwede n'yang tuluyan pero inimpake pa din ni Joy ang mga gamit niya, bahala na kung ano ang mangyari sa kan'ya basta't makaalis lang siya sa bahay na ito, kahit mahal na mahal niya si Ricks ay hindi siya makapapayag na gawin lang nitong isang kabit kahit naman papaano ay may respeto siya sa sarili niya.

Isinasara na lang ni Joy ang maleta niya ng biglang bumukas ng marahas ang pinto ng kwarto at iluwa niyon ang pawis na pawis n'yang nobyo.

Hinihingal pa ito habang lumalapit sa kan'ya. Tumigas ang anyo ni Joy ng makita ito.

"Babes.. mag-usap tayo magpapaliwanag ako.." pagsusumamo nito.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Ricks, malinaw na sa akin na niloko mo lang ako!" galit na bulyaw niya dito bago nilagpasan ito at maglalakad na sana palabas pero niyakap siya nito mula sa kan'yang likuran.

"Babes please.. pakinggan mo naman ako kahit saglit lang, ipapaliwanag ko ang lahat.." umiiyak na sabi nito.

Biglang lumambot ang puso ni Joy sa pag-iyak ng nobyo, ito ang kahinaan niya. Ayaw na ayaw niya itong makitang malungkot at umiiyak.

Napapikit ng mariin si Joy habang panay din ang tulo ng mga luha niya.

"Paano mo nagawa sa akin ito Ricks? Kailan mo pa ako niloloko?" nagdaramdam na tanong niya dito habang nakatalikod at yakap nito dahil hindi niya ito kayang harapin, nasasaktan siya lalo na pag nakikita ang mukha nito.

"I'm sorry babes kung hindi ko agad nasabi sa'yo ang totoo.. wala akong lakas ng loob na aminin sa'yo na ikinasal ako sa iba, mahal na mahal kita Joy at napilitan lang akong gawin ang bagay na iyon.." paliwanag nito.

"Huwag mo akong lokohin Ricks, alam kong sagrado para sa iyo ang pagpapakasal, sinabi mo iyan sa akin noon na hinding-hindi ka magpapakasal sa ibang babae lalo at hindi mo naman ito mahal." sabi niya dito.

"No babes makinig ka muna sa akin please.." hiling nito.

Natahimik si Joy. Kahit na nagagalit at nasasaktan siya ay may parte sa puso niya na nagsasabing pakinggan niya at paniwalaan ang mga paliwanag ng nobyo.

"Naalala mo ba ng ma-ospital si inay? Walang wala akong malapitan at may isang taong nag-alok sa akin ng tulong-- si Don Julio, pumayag ako sa tulong na ini-alok niya dahil natakot akong baka mawala sa amin si inay 'pag hindi pa siya naipa-opera huli na ng malaman kong ang kapalit pala niyon ay ang pagpapakasal ko sa anak niya."

Nilingon ni Joy ang nobyo at tinitigan ang mga mata nito gusto n'yang malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo. At nababasa niya ang katotohanan sa mga mata nito.

"May problema ka pala noon bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin 'di sana ay natulungan kita pwede naman tayong lumapit sa ibang tao at humingi ng tulong noon Ricks." kat'wiran niya dito.

"Alam ko babes pero binigyan ako ng taning ng doctor noong araw na iyon na 'pag hindi pa din naipa-opera si inay ay baka hindi na niya kayanin kaya hindi na ako nakapag-isip pa." sabi nito.

"Patawarin mo ako babes.. ikaw lang ang mahal ko, maniwala ka sa akin kaya hindi ko agad nasabi sa'yo ang tungkol dito ay gumagawa ako ng paraan para hiwalayan ang babaeng iyon." dagdag pa nito.

"Paano mo siya nakilala at anong pangalan niya?" kahit nasasaktan ay nagawang itanong iyon dito ni Joy.

Bahangyang natigilan si Ricks pero sinagot niya ang tanong nito.

"Sa isang event sa trabaho ko at Jade Isavedra ang pangalan niya siya ang nag-iisang anak ni Don Julio." sagot nito.

"May gusto ba siya sa'yo?" tanong pa ni Joy na parang alam na niya sagot dahil sa biglang pananahimik ng nobyo.

Kaya inulit niya ang tanong dito.

"May gusto ba siya sa'yo?"

"O--o pero huwag kang mag-alala babes, hinding-hindi ko siya magugustuhan dahil ibang iba siya sa'yo, ikaw lang ang laman nitong puso ko.." sagot nito pagkatapos ay kinuha nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito.

Ramdam na ramdam ni Joy ang lakas ng tibok ng puso ng nobyo.

"Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko babes? Ikaw lang ang laman nito." seryosong sabi nito na nakapagpalambot sa puso ni Joy. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng nobyo.









A Mistress's Revenge SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon