Chapter 35

68 0 0
                                    

Hinihingal na biglang napabalikwas ng bangon si Joy.

Napanaginipan na naman kasi niya ang nobyong si Ricks at sa pagkakataong ito ay may kasama daw itong ibang babae--magkayakap at masayang masaya ang mga ito habang siya ay nasa isang sulok at tahimik lang na umiiyak habang pinagmamasdan ang mga ito.

Napahid ni Joy ang luhang kusang pumatak sa mga mata niya.

"Ano ba ito? Bakit ganito na lang palagi ang laman ng panaginip ko sa'yo Ricks? Bakit iba ang pakiramdam ko sa tuwing napanaginipan kita? Ang sakit-sakit sa dibdib." hindi na naman napigilan ni Joy ang pagluha.

Nang nahimasmasan siya ay napatingin siya sa wall clock. Alas cuatro pa lang pala ng madaling araw.

Nahimas ni Joy ang t'yan niya.
"Pasensiya ka na baby kung palaging umiiyak si mommy, huwag kang mag-alala mahal na mahal tayo ng daddy mo.. panaginip lang iyon." kausap niya sa sanggol na nasa kan'yang sinapupunan.

Maya-maya ay napatayo siya at napagpasyahang tumungo sa garden para magpahangin hindi na kasi niya makuhang matulog ulit. Pakiramdam niya ay init na init siya at nasasakal siya sa mga panaginip niya.

Napapikit pa si Joy habang dinadama ang sariwang hangin na dumadampi sa balat niya.

Miss na miss lang siguro talaga niya ang nobyo kaya pati sa panaginip niya ay naroon ito, ang hindi lang niya matanggap ay bakit sa bawat panaginip niya ay may babae ito?

Napabuntong hininga siya ng maalala ang panaginip.

"Hindi ka rin pala makatulog." Boses ni Simone na nagpalingon kay Joy. Nakatayo ito sa tapat ng bahay at nakatanaw sa kan'ya. Mukhang nag jogging ito dahil pawis na pawis pa ito at may nakasalpak na heatset sa tainga nito.

Ka'agad n'ya itong nilapitan at pinagbuksan ng gate.

"Good morning Joy, naistorbo ba kita?" nakangiting bati nito sa kan'ya.

"Hindi naman.. naalimpungatan lang ako kaya naisipan ko munang magpahangin." sagot niya.

"Care to share your thoughts?" tanong ni Simone ng makita n'yang tila nababahala ang mukha ni Joy.

"Ha?" sagot nito at napalingon sa kan'ya.

"Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo eh." puna niya.

"Ang weird lang kasi ng mga panaginip ko--

"Like what?" putol niya dito.

"Madalas ko kasing mapanaginipan na may ibang babae si Ricks." malungkot n'yang hayag na bahagyang ikinagulat ni Simone.

Kung alam lang nito ang totoo pero wala s'yang lakas ng loob para sabihin iyon dito.

Naalala pa ni Simone ang huling pag-uusap nila ng nobyo nito..

"Layuan mo ang girlfriend ko!" sabi nito, sinadya pa talaga s'yang puntahan nito sa Mall na pag-aari niya para lang sabihin ang bagay na iyon sa kan'ya.

Tiim bagang na napalingon siya dito.

"At sino ka para pagbawalan ako?" sagot niya.

"Boyfriend niya ako at alam kong matagal ka ng may gusto kay Joy kaya layuan mo siya kung ayaw mo ng gulo." pagbabanta pa nito.

Natawa siya ng pagak sa sinabi nito.

"Girlfriend huh? Hindi nga ba't may asawa ka na?" nang-uuyam na tanong niya dito.

Bigla naman itong nanigas sa kinatatayuan nito. Nawalan din ng kulay ang mukha nito.

"I know your dirty secret kaya wala kang karapatang pagbawalan ako kung ayaw mong sabihin ko kay Joy na ginagago mo lang siya." dagdag pa niya.

Pero biglang dumilim ang mukha nito at ilang hakbang lang ay mabilis s'yang nalapitan nito at kinuwelyuhan siya nito.

"Wala kang pakialam sa buhay namin, hindi mo alam ang pinagdadaanan ko maprotektahan lang ang babaeng mahal ko kaya layuan mo si Joy dahil magkakamatayan tayo!" mariin ang bawat salitang bigkas nito at nag-aapoy sa galit ang mga mata nito bago siya binitawan nito at nagmamadaling umalis.

Nasundan na lang ng tingin ni Simone ang papalayong lalaki. Naging pala-isipan sa kan'ya ang mga huling sinabi nito.

Pero ano pa man ang pinagdadaanan nito ay hindi dapat nito niloloko ang nobya nito.

"Naririnig mo ba ako?" boses ni Joy na nagpabalik kay Simone sa kasalukuyan.

"Yes, I'm sorry to hear that but don't take it seriously because it was just a dream." sagot niya.

Napangiti si Joy dito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa presensiya ni Simone.

Maya-maya ay nagulat si Joy ng biglang gumalaw ang baby niya kaya napahawak siya sa t'yan niya na hindi nakaligtas sa paningin ni Simone.

"What happened?" tanong nito.

"Gumalaw kasi ang baby ko, gising din pala siya Simone." natutuwang sagot niya.

"Really? Can I touch her?" namamanghang tanong nito.

"Sige."

Agad na dinama ni Simone ang t'yan ni Joy at laking tuwa niya ng maramdamang gumagalaw nga ang baby doon.

"Wow! Your baby is so hyper." natutuwang sabi niya dito na ikinatuwa din ni Joy.

Naisip ni Joy na siguradong mas matutuwa si Ricks 'pag ito ang humawak sa baby nila.

Salubong ang mga kilay na pinapanuod ni Rhiya ang ate Joy niya at si Simone. Parang ito ang ama ng ipinagbubuntis ng nobya ng kuya niya dahil sa itsura nito ngayon na tuwang tuwa habang nakahawak sa t'yan ng ate Joy niya.

Naalimpungatan siya dahil tumawag sa kan'ya ang kuya niya at sinabing hindi daw sinasagot ng nobya nito ang tawag nito kaya pinuntahan niya ito sa kwarto pero wala ito doon.

Hinanap niya ito sa buong bahay at dito nga niya ito nakita sa labas habang may kasamang ibang lalaki at mukhang masayang masaya ang mga ito.

Nakokonsensiya pa naman siya dahil sa ginagawang panloloko ng kuya niya dito pero mukhang ito din pala ay niloloko ang kuya niya.

"Hello kuya? Tulog na tulog pa si ate Joy eh mukhang pagod na pagod kaya hindi ko na ginising." pagsisinungaling niya dito, hawak pa din kasi niya ang cellphone at hindi pa niya pinuputol ang tawag ng kuya niya.

"Ganoon ba.. sige Rhiya hayaan mo na lang munang magpahinga ang ate Joy mo, tatawag na lang ako ulit mamaya huwag mo s'yang pababayaan d'yan ha." bilin pa nito bago pinutol ang tawag.

Napabuntong hininga na lang si Rhiya matapos ibaba ang cellphone.

Bakit hindi agad niya napansin na may itinatago din pala ang nobya ng kuya niya? Dahil ba mukha itong inosente?
Nanlumo siya sa kaisipang baka hindi sa kuya niya ang ipinagbubuntis nito. Wala din naman palang magiging problema sakaling malaman nito ang totoo dahil pareho lang ito at ang kuya niya na may itinatagong sikreto.















A Mistress's Revenge SPGWhere stories live. Discover now