Chapter 29

71 0 0
                                    

Galit na inihagis ni Jade ang nakita niyang figurine ng makarating siya sa kwarto dahil inis na inis siya sa asawa, ang buong akala pa naman niya ay okay na sila dahil hinahayaan na siya nitong makapasok sa buhay nito, iyon pala ay ang pesteng ex pa din nito ang mahal nito hanggang ngayon.

Mag-iisang linggo na niyang sinusubukang akitin ang asawa pero wala iyong epekto rito. Hindi niya alam kung talaga bang malakas lang ang pagpipigil nito sa sarili o wala talaga siyang dating dito dahil palagi s'yang ipinagtatabuyan nito pag dating sa bagay na iyon at sobrang insulto niyon para sa kan'ya dahil siya pa ang nagpipilit dito na angkinin nito.

Lalo s'yang nainis ng maalala niya ang sinabi ng asawa, na mahal pa din nito ang ex nito at nagsisisi itong pinakasalan siya nito.

Gusto n'yang kausapin ang daddy niya kung ano ba talaga ang ginawa nito kay Ricks para mapapayag niya ito na pakasalan siya.

Kapag may pagkakataon ay tatanungin niya ang daddy niya, ayaw n'yang maka istorbo dito sa ngayon dahil marami itong inasikaso at kaya lamang ito sumama sa kanila sa Malaysia ay dahil may importante itong dinaluhang meeting doon at bukas ay pabalik na ito sa Pinas, sila ng asawa niya ay sa susunod na linggo pa uuwi dahil marami pa s'yang kailangang asikasuhin sa proyektong inumpisahan nila dito.

Inis na nagsindi si Jade ng mamahalin n'yang sigarilyo at nag isip ng plano kung paano niya makakasiping ang asawa. Sabik na sabik na s'yang maangkin nito lalo na ng madama niya sa palad niya kanina ang malaki at mataba nitong alaga. Agad s'yang nag-init ng maalala iyon. Ilang buwan na nga ba s'yang walang sex life? Buhat ng ikasal siya dito? At naiinis siya dahil nakukuha n'yang magtiis para dito.

Maya-maya ay biglang napangisi si Jade sa naisip. Kung hindi niya makukuha ang asawa sa santong dasalan ay idadaan niya ito sa santong paspasan.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone at idinayal ang numero ng kan'yang ama.

"Yes, iha?" bungad nito sa kan'ya.

"I'm sorry dad pero baka hindi na po ako makasama sa inyo ng asawa ko mamaya para mag celebrate, sinusumpong po kasi ako ng migraine ko at saka medyo masama din ang pakiramdam ko." kunwari ay dahilan niya dito.

"I'm sorry to hear that iha, gusto mo bang puntahan kita d'yan? Alam na ba iyan ng asawa mo?" sunud-sunod na tanong nito.

"Hindi pa nga dad eh." At pinatamlay pa niya ang boses para talagang maniwala ito na masama nga ang pakiramdam niya.

"Okay, I will tell him na sa ibang araw na lang tayo mag celebrate at--

"No dad!"  putol niya sa iba pang sasabihin ng ama.

"I mean okay lang po sa akin na kayong dalawa na lang muna ang mag celebrate besides siya naman po ang may achievements at nasabi ko na din kasi sa asawa ko na you want a celebration today bago kayo umuwi bukas." paliwanag niya dito.

"Okay hija but are you sure you're really alright? Baka kailangan mong magpadala sa hospital?" nag-aalalang tanong nito.

"It's not serious dad, just a simple migraine, itutulog ko lang po ito mamaya at mawawala din ito." sagot niya.

"Okay then, I will call Ricks, magpahinga ka na lang muna hija baka masyado ka lamang napagod sa kakatrabaho mo." bilin nito sa kan'ya bago nito ibinaba ang telepono.

Abot tenga ang ngisi ni Jade ng maibaba niya ang cellphone. Alam n'yang hindi makaka tanggi si Ricks kapag niyaya ito ng daddy n'yang mag-inom at alam n'yang hindi papayag ang daddy niya na hindi ito uuwing lasing, drunk master kaya ang kan'yang ama.

"Sa gagawin ko ngayon ay hindi ka na makakatanggi pa Ricks, I will make you mine at susulitin ko ang gabing ito." bulong niya sa sarili.

Agad na sinagot ni Ricks ang kan'yang cellphone ng makita n'yang si Don Julio ang tumatawag.

"Yes, Don-- dad?" hanggang ngayon ay hindi pa din talaga sanay si Ricks na tawaging daddy si Don Julio kahit na palagi nito iyong ipinapaalala sa kan'ya.

"Meet me at JG Bar tonight, at ise-celebrate natin ang pagiging mahusay mo sa mga itinuro ko sa'yo." sabi nito bago siya binabaan ng telepono.

Napabuntong hininga na lang si Ricks matapos niyang sagutin ang tawag. Napaka pormal pa din talaga sa kan'ya ni Don Julio. Sabagay ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang manipulator na katulad nito na ang bawat salita at sabihin ay isang batas para dito.

Mabigat ang mga paa'ng bumalik si Ricks sa hotel na tinutuluyan nila ni Jade, kailangan niyang magmadali dahil ayaw na ayaw ng daddy ng asawa niya na pinaghihintay ito.

Pag pasok niya sa kwarto ay nakita n'yang nakahiga pa ang asawa at alam n'yang gising ito kaya agad na tinanong niya ito.

"Ano pang ginagawa mo? Hindi ka ba sasama sa akin?" nagtatakang tanong niya dito.

"Hindi na, masakit ang ulo ko eh, magpapahinga na lang ako dito." matamlay na sagot nito.

"Okay." tanging nasabi ni Ricks at saka tumungo na sa banyo para maligo, ayaw n'yang magpakita ng concern dito dahil baka bigyan pa nito ng kahulugan sakali mang magpakita siya ng pag-aalala dito.

Nagngingitngit si Jade dahil wala man lang pakialam ang asawa niya kahit na sabihin n'yang masama ang pakiramdam niya.

Nawala lang ang ngitngit niya nang makita niya ang asawang lumabas ng banyo dahil naka topless lang ito at nababalutan lang ng maliit na tuwalya ang pang ibabang katawan nito. Napangangang tinitigan niya ito habang tumutulo pa ang tubig sa katawan nito.

Ngayon lang niya nakita ang halos hubad na katawan ng asawa at napaka sexy nito sa kan'yang paningin.

Kitang kita niya ang maskulado at halos perpektong katawan nito-- at ang umbok sa baba nito ang lalo n'yang pinagnanasaan, nagtagal ang paningin niya doon.
Ano kaya ang pakiramdam na mapasukan nito? naitanong niya sa sarili.

"Ehem!" Malakas na tikim ni Ricks ng makita niya ang matinding pagnanasa sa mukha ng asawa ng makita siya nito.

Nagmamadali s'yang lumabas ng banyo para sana kumuha ng mga damit dahil nakalimutan n'yang magdala noon pero agad s'yang nakita ng asawa at heto na nga at pinagnanasaan na naman siya nito.

"Nakalimutan ko lang kumuha ng mga damit ko." sabi niya dito saka tinalikuran ito at nagmamadaling kumuha ng mga damit sa cabinet na naroon at saka muling bumalik ng cr para doon magbihis dahil hindi niya matagalan ang nakikitang pagnanasa sa mga mata ng asawa, baka kung ano na naman ang masabi niya dito.

Samantalang napakagat labi na lang si Jade ng makadama siya ng matinding init habang hinahagod niya ng tingin ang kabuuan ng asawa.

Nasasabik na s'yang madama ang kabuuan nito ngayong gabi.





















A Mistress's Revenge SPGWhere stories live. Discover now