Chapter Thirty One

839 51 10
                                    

Chapter Thirty One

N-No... nagsisinungaling lang siya. Paano niya magiging kapatid si Ida? With seven years gap? Ibig ang sabihin ipinagbuntis ng nanay niya si Ida noong pitong taong gulang pa lang siya? Impossible!

Iyon ang pinaulit-ulit ni Sheine sa utak niya. That Eloisa wouldn't destroyed their family. Na hindi ito gagawa ng isang bagay na ikakasira ng lahat.

"Ngayon na alam mo na ang totoo, sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko. For twenty two years, nakatago lang ang lihim na 'yon not until today," matiim na sabi ni Abel.

Her eyes are clouded with tears. Dahan-dahan siyang tumayo at sinikap na ituwid ang mga binti. Pero tila mabubuwal siya ano man sandali.

"W-What if ni-raped talaga ng lolo mo ang m-mommy ko?" garalgal niyan tanong.

Naramdaman niya ang pagkilos ni Abel sa likuran niya. Napansin niya ang pagtayo din nito. "Hindi ni-rape ni lolo si Eloisa. Your mother seduced him at nang magbunga ang ginawa niya, gusto niyang iligtas ang sarili sa kahihiyan. Dahil kumalat ang balitang may relasyon siya sa isang matanda ay hindi naging magandang imahe iyon para sa career niya. And when she got a chance to announced it in public that she was pregnant with my lolo's child. Doon niya din sinabi na nagahasa daw siya. At dahil marami siyang taga hanga ay madali niyang nakumbinsi ang publiko sa kasinungalingan niya. If wasn't because of our connections. Ay baka sa kulungan tuluyan namatay si Lolo."

Gusto niyang kumbinsihin pa rin ang sarili na iniimbento lang ni Abel ang lahat ng iyon. But why he would do that? Bakit nito sisirain ang relasyon nilang mag-ina?

"D-Does my dad knew about it?" wala na sa sariling naitanong niya.

"I heard before na gustong makipaghiwalay ni Mr. Garcia kay Eloisa dahil sa kataksilan nito. Many news appeared on different networks about your mother infidelity. Siguro, your Dad considered you that time kaya hindi niya magawang hiwalayan ng tuluyan si Eloisa." Pagpapatuloy ni Abel.

She remembered when she was seven. Her mom doesn't wear slim dresses, jeans, and shorts. Madalas ang mga suot nito ay maluluwag na damit kung nasa loob siya ng bahay. At kung lalabas naman ay mga bestida na may malalapad na belt. Was it because she's hiding her belly? Noong araw na mahuli siya nito sa private room nito dahil gusto niyang makita ang mga movie tapes and magazines nito ay naalala niya na buong araw mainit ang ulo nito.

Dahil ba buntis na ito? Pero bakit hindi niya nabalitaan na nanganak ang mommy niya? But she remembered something.

"Yaya nasaan si Daddy?" Sheine asked while doing her homeworks. Nasa veranda sila and her yaya served her a merienda.

Hinaplos nito ang buhok niya. She do her braids na palagi niyang nagugustuhan. "Ay naku, baby wala sila eh. Kanina pang umaga umalis."

"But why?" tanong pa niya. Her other yaya na tinanggal ng mommy niya sa trabaho ay nakaalis na kahapon pa. napatingin muli siya sa mga pantal at pasa niya sa braso dulot ng pamamalo ng mommy niya sa kanya kahapon.

Kanina ay nagtataka ang teacher niya maging ang mga classmate niya dahil hindi siya nagsuot ng school uniform. Imbes ay suot niya ang isang sweater na pasalubong ng Daddy niya sa kanya mula Singapore kahapon.

Nang mabalitaan kasi ng ama niya ang pagpapalayas ng mommy niya sa kanyang yaya ay mabilis na umuwi ang daddy niya. At doon nalaman ng ama niya ang ginawa sa kanya ng kanyang ina. And as usual, muli niyang narinig ang pagtatalo ng mga ito.

"H-Hindi ko alam, baby. Basta ang sabi ni Manang eh sumasakit daw ang tiyan ng mommy mo kaya dinala sa ospital," sabi ng yaya niya.

Nagulat siya at nanlaki ang mga mata. "W-What? Nasa hospital ang mommy ko?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Hinaplos haplos naman ng yaya niya ang kanyang balikat. "Naku 'wag mo na isipin 'yon. Baka may nakain lang na di maganda ang mommy mo kaya sumakit ang tiyan." She can felt that she's lying pero hinayaan niya ito.

Maybe she will call her dad to ask about her mom.

Eloisa got so stressed that day kaya ba napaanak ito agad? Iyon ang huli niyang natatandaan twenty two years ago. And after that, naging iba na lalo sa loob ng pamamahay nila. Hindi na niya lalo makita ang ina niya sa bahay. Mas madalas ay nakikita niya itong balita sa Tv o sa diyaryo. Pero hindi magagandang balita kung di samo't saring balita lalo na nang mabalitang laos na ito. Madalas din itong gawing blind item sa mga talk shows at labis na kinaiirita nito. She was fifteen when she discovered her habit of partying. Na halos gabi gabi nitong ginagawa.

And iyon din ang simula ng walang katahimikan nilang pamamahay.

"I-I'm sorry..."

Narinig niya ang tinig ni Abel. "H-Hindi ko alam ang sasabihin ko," tangi niyang naitugon.

Pinili niyang lumakad at iwan ito. Gusto niyang tumakbo at magsisigaw. Gusto niyang isigaw ng malakas ang lahat ng sakit na naipon na sa dibdib niya nang maraming taon.

Hinabol siya ni Abel. "Sheine wait!"

Kasabay nang pagtakbo niya ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya. "Leave me alone, please."

"N-No. hindi kita pwedeng iwan. Baka kung ano na naman ang mangyari sa 'yo." Hindi niya alam kung para saan pa ba ang pag-aalala nito sa kanya.

Ngayon na nalaman niya ang totoo. Sana ay hindi na lang siya nito iniligtas. Sana ay hinayaan na lang siya nito na mamatay.

"S-Sana hinayaan mo na lang akong malunod. Para hindi ko na kailangan maramdaman ang lahat ng sakit na ito."

Kusa siyang napahinto at napatingala sa kalangitan. Hanggang sa naramdaman niya ang paglapit ni Abel sa likuran niya at ang pagyakap nito mula sa likod.

"I wouldn't let you get hurt again. Nandito ako," he said.

Para siyang nalulusaw. Kusa siyang napadausdos at bumagsak sa buhanginan. And Abel still holding her. "N-Nakakapagod na pala mabuhay..."

"Sshh... don't say that." Pilit na ipinaparamdam ni abel sa kanya ang presensya nito pero pakiramdam niya mag isa niyang tinatahak ang madilim niyang daan.

"Iwan mo muna ako please. Gusto ko lang mapag-isa."

Gusto lang niyang isigaw ang lahat ng hinanaing niya sa mundo. Gusto niyangmakapag-isip isip na hindi kailangan ng presensya ng iba. Gusto niyang magingmatapang kahit ngayon lang. Na hanggang ngayon ay hindi maproseso ng isip niya ang lahat. Kung paano na naging kapatid niya si Ida. At dahil doon ay naalala niya rin ang mga oras na magkasama ang mommy niya at si Ida.

Now, I understand the affection and treatment she gave to Ida. Kasi mas espesyal pala siya. Wala sa sariling naibulong niya.

May kapatid nga siya. But she's still alone. 

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon