Chapter Sixteen

48.9K 1.2K 71
                                    

A/N: I'll set a schedule sa pag a-update ko dito. Every Saturday po. It's either ito ang may update or ang kay Job medina. Kung alin po muna sa dalawa. Pero sisikapin ko na tuwing sabado ay may aasahan kayong update na mababas niyo. Also, excited na rin ako na matapos ito. 

Enjoy reading!

Ai:)

------------

Chapter Sixteen

Nakatingin lang si Abel sa pinto ng elevator and waited when will it open. Ang sabi ng kasambahay sa bahay ni Sheine ay nasa eighth floor ang silid ng babae. Ibinigay din nito sa kanya ang room number at ilan pang detlaye kung saang ospital ito naroroon. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa but something is pulling him para puntahan ang babae at alamin ang kondisyon nito. Tila may magnet na kinabit ang babae sa kanya kaya gusto niyang puntahan ito.

He waited for another second before the elevator door opened. May mga lulan niyon ang sunod sunod na lumabas bago siya sumunod papasok. He pressed the number eight at the elevator panel button at hinintay umakyat iyon. Sumandal siya sa dingding habang nakatitig sa pintuan at hinihintay na bumukas muli iyon para lumabas siya.

He guess what he is doing right now isn't right at all. Pero nag aalala lamang siya sa babae at gutso niya malaman ang totoong nangyari dito. Hindi niya kayang isipin nab aka kasalanan niya na naaksidente iyon. Wala siya dapat dito pero heto siya at kahit gabi na ay susubukan pa ring alamin ang kalagayan ng dalaga. Hindi niya kayang itanggi sa sarili na sa ilang araw na pagkakasama nila sa isla ay may napukaw na ito sa damdamin niya na hindi niya kayang ipaliwanag kung ano. Humalukipkip siya at nang huminto ang elevator sa sixth floor ay napatuwid siya ng tayo nang lumabas na ang dalawa sa kasabay niya sa loob. Tiningala niya ang pagtaas ng arrow at ang pagsunod ng numero doon hanggang muli niyang narinig ang tunog niyo hudyat na lalabas na siya.

When he reached the eighth floor ay muli niyang iginala ang mga mata sa paligid hinahanap ang numero na binigay ng kasambahay sa kanya. Mula sa maluwag na pasilyo ay binaybay niya ang pakanan. Papaliko na muli siya nang napahinto siya dahil sa sunod sunod na pagtunong ng cellphone na nasa bulsa niya.

Agad niyang nakita ang pangalan ni Nato sa screen niyon. "Nato? May problema ba?" iyon agad ang bungad niyang tanong dahil kilala naman niya ang lalaki hindi ito tatawag sa kanya kung hinid rin lamang importante.

"Bossing kanina pa kasi ako text ng text sa inyo eh hindi naman kayo sumasagot kaya naisip ko na tawagan nalang kayo." Narinig niyang sabi nito mula sa kabilang linya. Sinilip niya ang cellphone. Oo nga at may mga messages nga ito sa kanya na hindi niya na naman agad napansin.

"Ano ba ang nangyari at hindi makakapaghintay ng kinabukasan ang sasabihin mo?" tanong niya. He was still looking at the hallway. Trying to eye kung saan nga ba ang silid ni Sheine. "May importante akong gagawin. Can we talk later?"

Narinig niya ang pagbuga ng hangin ni Nato. "Eh bossing tungkol kay Ida ang sasabihin ko eh."

Naalarma bigla si Abel. Sa tuwing malalaman niya sa isla na ang problema ay laging tungkol kay Ida ay inaabot lagi ng kaba ang dibdib niya. "What about Ida? Where is she?" magkasunod na tanong agad niya.

"Eh bossing iyon nga sana ang sasabihin ko. Nawawala si Ida?" halata niya sa tinig ni Nato ang takot at pangamba.

"What?" hindi niya napigilang galit na tanong. Ida never leave the island. Dahil iyon ang palagi niyang sinasabi dito.

How come that Ida escape on the island? Buong buhay nito ay lucena lamang ang naabot ng dalaga. She can't go somewhere dahil wala naman itong alam sa ibang lugar. "Nagpunta na ako ng Lucena bossing pero wala talaga. Pupunta na ba ako sa pulis?"

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon