Chapter Twenty Four

43.7K 1K 17
                                    

Chapter Twenty-Four

Sheine was inside Abel's car. Tahimik na nagmamaneho ang lalaki habang nakatutok ang mga mata nito sa daan. Kanina pagkatapos nito makausap ang kaibigan ni Ida ay malinaw na sinabi sa kanila na hindi nito alam kung nasaan ang kaibigan. Hindi rin naman daw nagpaparamdam sa kanya.

She felt guilty of continuing lying with Abel. Lord sorry po! She prayed na sana ay malinawan agad si Ida para matapos na ang kasinungalingan ito dahil hindi niya alam kung hanggang kalian niya mapapanindigan ang bagay na iyon.

"Saan ang punta natin?" hindi niya napigilan itanong.

Abel drove his car forward at pumasok sa skyway. "I have to talk to my mom. Kailangan kong malaman kung sa kanya ba nalaman ni Ida ang impormasyon tungkol sa biological mother niya."

Hindi pa rin siya makapaniwala na buhay ang nanay ni Ida. Wala naman nabanggit si Ida sa kanya tungkol doon pero sigurado siya na gagawa ito ng paraan para mahanap ang sagot sa mga tanong nito. "P-Pero baka naman pabalik na si Ida sa isla. Tawagan mo kaya," sabi niya.

Kanina pa din siya text ng text kay Ida. Hindi na niya natiiis na hindi sabihin dito na aksidente silang nagkita ni Abel. Pero nakiusap lang si Ida sa kanya na 'wag muna daw niyang sabihin kay Abel ang sikreto nila.

Dasal siya nga dasal kanina pa. "Siya nga pala, kumusta ka na?"

Mabilis siyang napalingon nang tanungin siya ni Abel. "I-I'm good," mabilis din niyang sagot.

"Siguro naman wala ka na din balak maglayas, ano?" na sinabayan nito ng simpleng pagtawa. God knows how much she admired that simple laugh of him.

"Wala na. My Mom and I are okay now." Not until Ida appeared in the picture. Nahati na ang atensyon ng lahat.

Nakita niya ang pagtango-tango ni Abel. "Good to hear that. At least may nangyaring maganda sa paglalayas mo. Except sa naging aksidente mo," sagot nito.

Kumunot ang noo niya. He knew? "A-Alam mo?"

Tumaas lang ang balikat nito. "I was about to visit you that day sa hospital. But I decided not when I saw your boyfriend there. Ayokong mamisinterpret ang presence ko."

Naaalala niya ang araw na iyon. Filip hurried to the hospital and her parents too.ibig sabihin ay nasa labas lang si Abel. "I-I don't think may mali doon. W-We're friends right?" sabi niya.

Ngumiti ng bahagya si Abel. Hindi mo alam kung ngiti ba iyon but if you will see it, girls will love it. It's more like a bad-boy –look. "I don't make friends with women, Sheine."

Nanigas ang batok niya sa pagkakasandal sa headrest ng passenger seat. So, hindi pala talaga sila nito magkaibigan. Akala niya lang pala. But he was nice to her. So she assumed that they're friends.

"Pag gusto ko ang isang babae, hindi ko kinakaibigan."

Mas lalong nanigas ang batok niya lalo na din ang buong likod niya dahil sa mga pinagsasabi ni Abel. "E-Ewan ko sa'yo," idinaan niya sa pagdededma sa sinabi nito. Gusto niyang buksan ang bintana para malanghap niya ang hangin sa labas dahil parang sumikip sa loob mismo ng sasakyan nito.

"You never expected this? Akala ko pa naman malakas ang pakiramdam mo," sabi ni Abel sa kanya.

"T-Tigilan mo na nga ako sa kakabiro mo," sagot naman niya. "A-And besides, I-I have a boyfriend, it's very inappropreciate to said to those things sa babaing may karelasyon na,"

She heard him laughed. At this time ay malakas na pagtawa na. "Don't make me laugh, Sheine. If you consider your boyfriend, you wouldn't ride here with me."

"Dahil ang akala ko ay friends tayo and I-I supposed to help you by finding I-Ida," apela niya. Alam niyang namumula ang pisngi niya.

Hindi niya alam kung mabubwisit ba siya dito o ano. Alam niyang nakakaramdam na siya ng asar para dito. Gusto ba nitong sabihin how unfaithful she is to Filip?

"Hey, masyado kang pikon. Inaasar lang kita. Naiistress na rin ako sa mga nangyayari lately and I think kailangan ko itawa ang mga ito."

Bigla ay nakaramdam na naman siya ng awa ng makita niya ang mabilis na pagkawala ng ngiti sa labi nito. Abel seemed so stress-out. Mukha din itong puyat at hindi nakakapagpahinga ng maayos.

"I-I'm sorry," bigla ay nasabi niya.

"Nah, it's okay. Mukhang ako nga ang nakapangpikon sa'yo. But yeah, you're right. We're friends."

Mas okay na sa kanya that he assumed that. That she apologized because of the jokes. But she was glad that they're friends. At least doon ay ayos na. bahagya siyang napahikab na agad na napuna ni Abel.

"You're sleepy?" tanong nito.

Bahagya siyang tumango. "Antukin sadya ako," sabay tawa niya.

"You can take a nap. Gigisingin na lang kita kapag nasa bahay na tayo ng parents ko." Bumisina ito sa harapang sasakyan. Then he gritted his teeth. "This is what I hate at this hour, sobrang traffic."

Hindi na niya narinig ang ibang sinasabi nito dahil kusa na siyang napapikit at nakatulog.  

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon