Chapter Eighteen

42.9K 1.1K 13
                                    

A/N: Ipinapanalangin ko na sana ay araw araw ako makapag UD para matapos na ito. Hahaha

-------

CHAPTER EIGHTEEN

"Sino ang kausap mo?"

Bumaling si Sheine kay Eloisa nang puno ng pagtataka ang mga mata nito matapos ang pakikipag usap niya kay Ida.

"Just a friend, Mom. And she needs help." Tugon niya.

Kinabakasan ng pag aalala ang mukha nito. "W-Why? May nangyari ba?"

Hinawakan niya ang sentido nang kumirot iyon. Mahigpit ang pakiusap ni Ida sa kanya na hindi niya sasabihin kay Abel ang kinaroroonan ng dalaga. Pero parang hindi naman kaya ng konsensya niya na manatiling nasa ganoon sitwasyon ito. Isipin pa lang yung mga taong naghahanap dito ay nakakabaliw na.

"Naglayas. Naghahanap ng matutuluyan." Simpleng tugon niya.

She texted her dad na kung maaari ay isabay nito si Ida pauwi sa bahay nila. At binigyan din niya ng instruction ang dalaga kung ano ang gagawin.

"So, where is she right now?" Usisa pa ni Eloisa.

"I asked for dad's help. Sabi ko isama niya dito sa bahay."

"Mabuti naman. Delikado ang panahon ngayon. Baka mamaya saan pa mapunta ang kaibigan mo." Tumango tango siya.

Bumuga siya ng hangin. Tama ang kanyang ina. Kaya mabuting makita muna niya si Ida at makausap bago siya gumawa ng panibagong hakbang. Kung dapat ba niyang tawagan si Abel o hindi.

"Mommy, tungkol sa paglalayas ko noong nakaraan. I'm sorry." Hinawakan niya sa kamay si Eloisa.

Agad na yumuko ito sa kanya at hinalikan ang noo niya. "It's okay, anak."

Marami pa silang hindi napapag usapan. Sa ngayon ang importante ay okay na sila at unti unti nilang inaayos ang relasyon nilang mag ina.

"Gusto ko rin humingi ng tawad sayo. Believe me anak. Wala akong karelasyon o anuman. Yes, I hang out with my friends. Pero hindi para maghanap ng iba. I know this is unbelievable. Pero nag sasabi ako ng totoo. It's just, I don't know how will I explain it to you." Paliwanag ni Eloisa sa kanya.

Naalala niya ang mga araw na tumibay ang hinala niyang may karelasyon ito. Mga panahong nalilito na siya ano bang papaniwalaan niya. Mga panahong hindi na niya maintindihan bakit nagkakaganoon ang pamilya nila. Pero saka na niya iisipin ang mga iyon. Sa ngayon, aayusin muna nila ang pamilya nila.

"It's alright, mom. Naniniwala ako sa inyo."

When the maid knocked on the door and told them that Kees is already there. Saka nagpasya ang kanyang ina na lumabas na ng silid niya. Binilinan siya nito na tapusin ang pagkain niya at ayusin na ang kanyang sarili.





"I'm happy for you, sis. At least ngayon nakikita ko na kung gaano na kayo ka-okay ng mommy mo." Pahayag ni Kees sa kanya.

Nasa pool area sila. Her mom were busy preparing for lunch. Filip texted her that he is on his way while her dad called na parating na rin ito.

Sumimsim siya ng fresh orange juice na inihanda ni Eloisa. "I can say na may magandang nangyari ang lahat." Sabi ulit ng kaibigan niya.

Nakatanaw lang siya sa pool at tinitigan ang sinag ng araw na tumatama doon dahilan para kuminang ang tubig. Mataas na ang sikat ng araw.

Tinapik siya ni Kees sa balikat. "Anong iniisip mo?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know."

"Then, why the long face? Aren't you happy that you are getting along with your mom finally. Ang tagal mong hinintay ang pagkakataon na ito."

Humarap siya kay Kees. "Sis, what if harapin ko yung lalaking kasama ni mommy sa bar noon bago nangyari yung shooting incident sa labas ng club?"

Puno ng kalituhan ang mukha ni Kees. Tumaas ang kilay nito. "And? Di ka pa rin ba convince na walang lalaki ang mommy mo?"

"I still wanna know. Di pa rin ako matahimik. Bumabawi si mommy sa lahat ng pagkukulang niya. Pero iba ang mga nakita natin noong gabing iyon." Hindi pa rin kasi niya maiwasang isipin ang bagay na 'yon. Kung bakit naaalaa pa rin niya.

The fact that she can directly asked her mother about that night pero hindi niya kaya. Hindi niya kayang masira muli ang gumaganda nilang samahan.

"Alam mo sis. What you don't know won't hurt you. Mas mabuting isara mo na ang isyu na 'yan. You see? Sobra na ang effort na ginagawa ng mommy mo para maging maayos na kayo. Might as well forget about it and move on." Payo ni Kees sa kanya.

Pilit niyang iwinaksi sa isip ang bagay na iyon. Nakarinig sila ni Kees ng tunog ng sasakyan kaya sabay silang napalingon sa entrada ng bahay.

"Filip?" Tanong ni Kees. Tinutukoy ang sasakyang pumasok sa bakuran nila.

"It's dad's. Dumating na sila."

"Sila?" Nalilitong tanong ng kaibigan.

"Si Ida. The girl I met in the Island." Simpleng tugon niya.

Natuptop ni Kees ng bibig. Halata ang gulat sa mga mata nito. "Oh my God! You mean the island guy? What is his name again?" Pumitik pitik pa si Kees sa ere habang iniisip ang pangalan.

"It's Abel." Sagot na niya.

"Right! Abel nga!" Bulaslas ni Kees.

Nirolyohan niya ito ng mga mata.

"Abel who?"

Sabay silang napalingon nang marinig nila ang tinig ni Eloisa na nasa likuran na pala nila. Wearing her summer dress habang may naka taling apron sa katawan nito.

And behind her was Filip. Holding a bunch of roses while standing there. So the car that arrived was not her dad's. But Filip's.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon