Chapter Nine

52.7K 1.3K 39
                                    

Chapter Nine

Sheine just looking around the living room matapos sila makapaghapunan. Hindi nila nakasabay sa hapunan si Abel dahil hindi pa rin ito nakakabalik magbuhat ng umalis ito pero siya naman ay tila hindi pa rin makapag isip ng tama. Kanina sinabi ni Ida sa kanya na hindi nito tatay si Abel na ang ama nito ay ang lolo ng binata. Pasado alas onse na ng gabi at hindi naamn siya dalawin ng antok kaya nagpasya siyang lumabas ng kwarto na inookupa niya. Inisa isa niya ang mga litrato na nakadisplay sa paligid ng malaking living room. Walang bakas doon na sinasabing may bastardang anak ang yumaong matandang Sandoval.

Pinilig na lamang niya ang ulo. Bakit nga ba niya iniintindi ang buhay ng mga ito na kung tutuusin naman ay hindi naman niya lubusang kilala ang mga taong tumulong sa kanya. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagkutingting ng cellphone niya. Malakas pa rin ang ulan sa labas at pawala-wala ang signal ng cellphone niya.

Filip is here. He was asking about you.

Rumehistro ang gulat kay Sheine nang mabasa niya ang text message na iyon ni Kees four hours ago. Filip is her boyfriend. Kung boyfriend nga ba matatawag ang short term relationship nila sa Bulgaria ng magbakasyon siya doon. Isang thirty-four years old widowed na Art Historian sa nasabing bansa. Kapag tinatanong siya ng ama kung kailan sya mag aasawa ay palagi niyang iniisip si Filip. He's a perfect candidate. Pero hindi niya alam kung seryoso nga ba sa kanya ang lalaki. Filip is a nice and gentleman.

She typed a reply. I'll call him as soon as I get back. Thank you, sissy.

Hindi na niya hinintay na magreply si Kees sa kanya. Hindi niya inaasahan ang pagpunta ni Filip sa pilipinas. Ito ang isa sa naging problema nilang dalawa kaya hindi niya masabi sa ama ang tungkol sa lalaki. Filip doesn't want to live here. Gusto niyang magkasama sila sa Bulgaria. At hindi niya kayang desisyunan agad ang ganoon. Her father was sick at hindi niya kayang iwan ang ama ng ganoon kalagayan. Na para bang kayang alagaan ng kanayng ina ang asawa nito.

Bumugtong hininga siya. Masyado na siyang maraming iniintindi para problemahin niya ang relasyon nilang dalawa ngayon. ang natatandaan lang niyang malinaw sa kanilang dalawa bago siya bumalik ng pilipinas pagkatapos ng bakasyon ay, space. Kailangan nilang dalawa ng space.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo." Napakislot pa si Sheine ng marinig niya ang tinig na iyon.

Agad niyang nilingon ang pinaggalingan ng tinig. "A-Andyan ka pala."

Nasa entrada ng pintuan si Abel. Kakatawang hindi man lamang niya naramdaman ang pagdating nito. "Kadarating ko lang. bakit gising ka pa?"

Ipinatong nito ang hinubad na jacket sa isang upuan. Halatang nabasa ito ng ulan. Nag aalala siya nab aka magkasakit ito pero hindi nalang niya isinatinig. "N-Namamahay siguro ako." Iyon lang ang nasabi niya.

Tumango lang ito at saka sinundan niya ng tingin papasok sa kusina. Mukhang dapat na nga yata siyang matulog na. maya-maya ay nakita niya muli ang paglabas niito ng kusina na may hawak nang tasa na may mainit na kape.

"Wag kang mag alala. Bukas maganda na ang panahon. Ang sabi ni Manang gusto mo na raw umuwi." Tumango siya.

Nag aalala na rin kasi siya sa ama niya. Baka kasi mamaya ay may nangyayari na ditong masama. "Nasabi na pala niya sayo."

Tumango ito habang sumisimsim ng kape. "Why don't you stay for another day?"

"H-Ha?" iniimbita ba siya nito muli?

"I mean to stay for another day para naman Makita mo ang buong isla. Para naman masulit mo. There are so many things to do here. Isipin mo nalang na nagbakasyon ka." It's really an invitation.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon