Chapter One

76.9K 1.6K 15
                                    

Chaper One

"Hey! Can't you see? I'm reading!"

His brother Cain crumpled the gray-newspaper he was reading. Naiinis na tinignan niya ito. Binato lang siya nito ng masamang tingin.

"Salita ako ng salita pero hindi ka nakikinig." Sabi nito.

"Nakikinig ako sayo okay?" tinignan siya nito ng masama.

Nag iisa niyang kapatid si Cain. Panganay sa kanilang dalawa. "Kabaliwan ang gusto mong gawin. You didn't prove anything, na may kinalaman talaga si Gregory Lopez sa pagkamatay ni Monica Claire years ago." Aniya saka sumandal. Hanggang ngayon kasi ay buhay pa sa alaala nito ang pagkamatay ng dati nitong nobya.

"I saw her in my dream last night."

Bunuga siya ng hangin. Obsessed na ang kapatid niya sa sinasab nitong krimen.

"And?" walang buhay na tanong niya. Kung wala lang siyang kailangan ditto ay wala sana siyang balak na magpakita sa opisina ng kapatid niya.

"Alam kong nagparamdam siya sakin dahil humihingi siya ng tulong." Sabi niya. Kailangan na ba niya na magpatawag ng mga spirit warriors para tulungan ito o kaya pari?

"It was just a dream, brother. We can't use that in court at sabihing nagparamdam sayo si Monica saying that she was asking for help. Kahit pa ang theory mo ay 'yon." Nilahad niya pa ang palad sa kapatid. This is totally crazy!

"Pero ganoon din 'yon. Hindi magpapakita sa panaginip ko si Monica kung hindi dahil sa hindi siya matahimik. Nagpakita siya dahil gusto niyang mabigyang linaw ang nangyari sa kanya." Giit pa nito sa kanya.

Umiiling iling si Abel.

"This is ridiculous! At ano ang gagawin mo? Huhukayin mo ulit ang bangkay niya just like what you did before? Dahil ang sabi mo mali ang autopsy report na binigay ng pulisya sayo?" Bumugtong hininga si Abel. "You're going so far. Obssessed kana sa kaso na 'yan! Kaya mo bang patunayan sa pulisya na si Gregory nga ang pumatay kay Monica?" Tanong niya. Natahimik ito. maya maya's nagsalita muli.

"Pabubuksan ko muli ang kaso ni Monica. Ako mismo ang hahanap ng linaw at mga matitibay na ebidensya para ituro ang dapat makulong."

"Okay! I'm outta here! Malala kana Bro!"

Tinalikuran na niya ito at lumabas nan g silid. Dumeretso siya sa elevator at saka hinugot ang cellphone sa bulsa. Saktong may message na pumasok doon.

Are you free tonight? Same place. Same time?

Ngumiti siya at saka tumipa. He immediately replied, Yes.

After a few seconds. May text na naman siyang natanggap. A reply from the message he replied.

Alright then. See you tonight.

Hindi na siya sumagot. Eloisa must be very bored kaya makikipagkita na naman muli ito sa kanya. Wala namang kaso iyon sa kanya. Nag eenjoy naman siya na kasama ito. isa pa may mga kailangan din silang pag usapan. Mga bagay na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan.

Inabutan ni Sheine ang ama sa dining area. Mag isa itong nag aagahan. This is the old routine. Kailan nga ba niya nakitang kumain ito ng may kasabay maliban sa kung kumain din siya? And her mother? Of course lumabas na naman ito ng maaga.

Marahan siyang naglakad papalapit sa ama at saka ito binati. "Good morning Dad!"

Nelson instantly wrapped his arm around her waist at saka siya hinila payukod at hinalikan siya sa noo. "Good morning, hija" iminuwestra nito ang upuan sa kanan nito. Umupo siya doon. "Si Kees ba ang naghatid sayo kagabi?" Tanong nito. Si kees ang matalik niyang kaibigan.

Tumango siya. "Tinawagan ko siya kagabi to pick me up. Iniwan ko naman sa talyer ang sasakyan ko." Aniya saka ngumuya ng hotdog. Nasiraan siya kagabi along the highway. Mabuti nalang at natawagan niya agad si kees kaya nasundo siya nito.

"Sana tinawagan mo ang Mommy mo para nasundo ka niya." Lihim nalang siyang napailing. As if susnduin nga siya. Her mother was out on a date last night. At alam niya iyon dahil halos magkasabay lang silang dumating. Hinatid ito ng isang magarang sasakyan. At hindi iyon alam ng daddy niya. Ang paalam ng mommy niya sa daddy niya ay sa restaurant ang punta nito pero tumawag ang project manager nila doon na hindi naman daw napapagawi doon ang mommy niya. Alam niyang may ginagawang iba ang Mommy niya. Pero wala pa naamn siyang pruweba para akusahan at komprontahin ito.

After her father was diagnosed with prostate cancer. Pinili nilang ibenta ang ilang shares nila sa ibang mga kompanya. Hindi na kasi kakayanin ng Daddy niya ang magtrabaho ng magtrabaho. Ang Line Media nalang ang natitira sa kanila kasama na ang ilang branch ng Resto na itinayo nila. Isa pa mas pinili nalang nila ang simpleng buhay kompara sa buhay nila noon. Seventeen siya nang magkasakit ang daddy niya. Halos siya na ang nag alaga dito. Ang Mommy naman niya ay nakaksama lang nito during chemo and check-ups. Nang magdalaga na siya nalimitahan na ang away ng mga magulang niya. Pero paminsan minsan ay naririnig pa rin niya ang mga patagong bangayan nila.

"Did you take your meds, Dad?" Biglang tanong niya.

"I did, sweetheart. Binigyan ako ng Mommy mo before she leaves." Sabi nito. Kahit naman papaano ay naiintindi pa rin ng Mommy niya ang asawa nito.

She finished nursing kasi gusto niyang siya ang mag alaga sa ama. But the mighty Nelson Garcia did not agree. Ang line Media na lamang daw ang kayamanang maiiwan nito sa kanya kaya iyon daw ang buhayin niya. He insist that she took a few units in Business Ad. So she did.

"When will you going to get married?" Halos maibuga niya ang kapeng iniinom dahil sa tanong nito.

"Dad!"

The old man chuckled. "Matanda na ako. I don't want to leave this world without seeing you happy with the life you choose to have. And besides, you are already twenty-nine. Ako naman ay malapit na sa maging senior citizen. Tatanggap na ko ng allowance at maaavail ko na ang mga 20% discount ko." Saka nito sinabayan ng tawa.

Ginapgap niya ang palad nito. "Dad, bata ka pa rin. Tignan mo nga at wala ka pang kulubot kulubot." Biro niya.

Hinawakan nito ang noo. "Don't fool this old man. Humarap ako kanina sa salamin. Nakita ko ang kulubot na sinasabi mo."

"Sus, di pa nga halata. Pwede ka pa ngang bumida sa mga action movie ngayon." Movie producer ito noon. Marami ang nais kumuha dito bilang actor lalo nang mainvolve ito sa mommy niya na noon ay sikat na sikat na aktres. Pero tumanggi ito. Ayaw daw nya ng buhay sa harap ng camera.

"Alam mong hindi ko hilig yon. Bumalik tayo sa tanong ko. Kailan ka mag aasawa?" muling tanong nito.

She stared at him. Kinabisa niya ang mukha ng ama. Pilit na inaala sa isip ang lahat ng katangian nito. Those traits she admire. "Kapag nakakita na ako ng katulad niyo. At kapag nakita ko na siya. Papakasalan ko siya agad."

Tumawa ito ng malakas. Her father was always been her idol. And he's always been her number one Fan.

GENTLEMAN Series 15:  Abel SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon