Part Five

1K 44 1
                                    

Lumipas ang ilang buwan at masyado na akong napalapit kay Charles. Hindi natatapos ang isang buong araw ko ng hindi siya nakakausap sa text o sa tawag.

"Shai?"

"Bakit?"
Sent.

"Can I ask a favor?"

Ito ang unang pagkakataon na humingi siya ng pabor.

"What is it?"
Sent.

"You can say no if you don't want to. Hindi naman kita pipilitin."

I'm too curious sa favor na hihingin niya. Naramdaman kong siryoso siya this time.

"I will. Spill it."
Sent.

"This is so unusual lalo na sa sitwasyon natin but I'll still grab this chance to ask if pwede bang magpanggap kang girlfriend ko?"

What?! Girlfriend? Natulala lang ako sa sinabi niya? This is the first time na may nagtanong sa akin kung pwede ba niya akong maging girlfriend, though pretend lang naman, but I think the feelings are the same.

Nagising ako sa katotohanan ng biglang nagring ang phone ko.

As expected tumatawag si Charles, I really don't know what to say. Paano kung itanong niya ulit sa akin? Ano ang sasabihin ko papayag ba ako o sasabihin kong ayoko dahil hindi ako sanay sa mga ganung bagay. First time at never pa akong nagkabf kaya pag nagkataon ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakanobyo ako. And he's going to be my first boyfriend!

I absentmindedly answer the call. Sa palagay ko ay nakalimang tawag siya sa pangalan ko bago ako nagsalita.

"Galit ka ba?" Tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Hinahanap ko pa ang magandang maidadahilan para hindi niya mahalatang wala akong alam sa mga ganyang bagay.

"Shai? Sorry na. Hindi naman kita pinipilit. Kung gusto mo lang naman."

"Bakit ako? Baka makasira lang ako sa plano ko. Hanap ka na lang ng iba." Siya naman ngayon ang tumahimik. Nagiguilty ako, pero hindi ko alam kung bakit. Ayoko lang kasi mapurnada yung plano niya kasi wala nga akong alam sa ganung bagay.

"Ganun ba? Sige salamat na lang." Malungkot ang boses niya. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Sorry, natatakot kasi ako na baka masira ko ang plan mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya pero parang hindi naman nito napawi yung lungkot sa boses ni Charles.

"No, don't be sorry. Okay lang yun." Tumawa siya pero bakas pa din ang pait sa boses niya. Paano ko ba kasi pagagaanin yung loob niya? Huminga ako ng malalim at nagsimula ulit magpaliwanag.

"Charles?"

"Bakit?"

"Hindi pa kasi ako nagkaboyfriend kaya wala akong alam sa mga ganyang bagay." Sandaling natahimik ang kabilang linya. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Siguro sa mga oras na to nagpipigil siya ng tawa. Kaya ayokong pinapaalam sa iba na NBSB ako e.
I was about to end the call ng bigla siyang nagsalita.

"Talaga?"

"Hindi ba kapanipaniwala?" Nakarinig ako ng tawa sa kabilang linya. Sabi na nga ba e. Pagtatawanan talaga ako ni Charles pag nalaman niya yun!

"E di kung sasagutin mo ako, ako ang unang boyfriend mo?" Sasagutin? Wait lang, hindi ka pa nga nanliligaw tapos sagot agad? At tsaka pretend lang lahat ng to kaya hindi pa din siya counted.

"Hindi ka naman kasama sa listahan kung nagkataon." Napawi ang pagtawa ni Charles. Siguro narealize niya na, oo nga pala pagpapanggap lang lahat kaya hindi pa din siya kasama sa bilang.

"Oo nga naman. Pero ayaw mo nun, mapagaaralan mo na rin kung paano ba ang pakiramdam ng may boyfriend? Atleast kapag nagkaron ka alam mo na." May point siya dun. Baka mamaya kapag nagkaboyfriend ako mukha naman akong tanga. Siguro nga may mabebenefit din ako sa pagpapanggap namin.

"You have a point. Fine, payag na ko." Nakarinig ako ng malakas na sigaw sa kabilang linya.

"Thanks honey. I love you!"

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now