Part Twenty-Five

840 34 4
                                    

Hinila niya ako papasok sa bahay nila Wax. Ano bang problema nito? Nilingon ko si Ash at Ayi pero pareho pa rin silang busy sa kasama nila. Sa sobrang enjoy ko hindi ko na naalala ang plamo ko. Kaya nga pala gusto kong pumunta dito ay para kay Miguel.

Bumalik lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Malakas kong hinatak ang kamay ko, sa lakas ay napalingon si Miguel sa akin. Kunot noo niya akong tinignan.

"Ano bang sasabihin mo? Hindi ba pwedeng dun mo nalang sabihin?" Iritadong sabi ko. Naglakad na ako pabalik pero hinatak na naman niya ako papasok sa bahay.

"Please Shaira, dun muna tayo sandali." Kahit ayokong sumama sa kanya ay pinilit ko pa rin. Baka isipin niyang may galit ako sa kanya dahil sa pag-iwas ko. Totoo namang galit ako sa kanya pero ayoko munang malaman niya.

Nandito kami ngayon sa balkonahe kung saan tanaw na tanaw ang mga taong halatang nageenjoy sa party.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ko kay Miguel. Gusto ko na lang matapos ang sasabihin niya para makabalik na ulit ako dun. Naalala kong kasama ko nga pala si Vinz bago niya ako hatakin papunta dito. Hinanap ko siya mula sa mga taong nagsisiya. Nakita ko siyang nakaupo at umiinom mag-isa. Nag-guilty tuloy ako kasi iniwan ko siya.

"Naisip ko kasi na pinagkatiwalaan mo ako nang nagkwento ka tungkol sa ex mo. Gusto ko din sanang magkwento tungkol sa babaeng mahal ko." Napatingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa railings ng balkonahe habang nakatingin sa mga tao sa baba.

"Ano naman ang tungkol sa kanya?" Nanginginig ako habang hinihintay na sumagot siya.

"Natatakot akong mawala siya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Natatakot na mawala? Wala na nga ako di ba? Don't tell me may iba siyang tinutukoy?

"Bakit naman siya mawawala?" Tumuwid siya ng tayo at tinignan ako. Saglit kaming natahimik. Nahihirapan akong basahin ang ikinikilos niya dahil sa dilim ng kinalalagyan namin.

"Natatakot akong malaman niyang may ibang babaeng involved." Napahawak ako sa batok ko! Anong ibang babae? Hindi na lang niya sabihin ng deretso!

"Don't get me wrong. Wala akong ibang babae. Wala na kami nung babaeng yun. She's my ex. Ayokong malaman ng babaeng mahal ko ang tungkol sa kanya." So may girlfriend na siyang iba?! At ayaw niya pang ipaalam ang tungkol sa amin? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to!

"Bakit naman ayaw mong malaman nung mahal mo yung tungkol sa BABAENG yun?" Ipinagdiinan ko pa yung babae. Ganun na lang niya ako tawagin? Parang wala kaming pinagdaanan!

Nasaktan ako! Nasaktan na nga, nasaktan pa ulit! Palagi bang yun ang mararamdaman ko kapag kasama ko siya? Akala ko ako ang may plano. Bakit parang pinagplanuhan niyang saktan ako ng paulit ulit.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mga mata. Hindi ko na siya iiyakan! Ayoko na!

"Ayokong masaktan siya. Ayokong isipin niya na magagawa ko siyang ipagpalit. Kasi handang handa akong ipaglaban siya sa kahit anong paraan. Kung kailangan kong lumayo sa kanya para ayusin muna ang problema ko, gagawin ko. Ayoko lang na madamay siya, kasi...mahal na mahal ko siya." Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nag-unahan ng lumandas sa aking pisngi. Salamat dahil madilim dito kaya alam kong hindi niya ito gaanong mahahalata.

Bakit yung bago niyang girlfriend magagawa niyang ipaglaban? Bakit ako ganun ganun na lang niyang iniwan? Sabi niya sa akin mahal niya ko. Anong nangyari sa pagmamahal na yun? Bakit ngayon, parang ikinakahiya niya pa ako? Hindi ba ako worth it ipaglaban? Nanawa na ba siya kaya siya naghanap ng iba?

Ang dami dami kong tanong pero alam kong malabo naman itong masagot. Siya lang naman ang makakasagot ng lahat ng to. Pero wala na akong balak pang itanong sa kanya to. Ayoko lang na malaman niyang alam ko ng siya si Charles.

"Kung mahal ka rin nang babaeng mahal mo, handa siyang masaktan para sayo. Lahat naman ng umiibig nasasaktan. Iba iba nga lang ng intensity. May nasaktan at may mas nasasaktan. Kung ako sayo, wag mong hayaang mawala yung babaeng mahal mo. Kasi kung ako yun at iiwan mo ko para ayusin ang problema mo, masasaktan pa din ako. Kasi kung mahal kita handa akong masaktan kasama ka. Handa akong masaktan Miguel, wag mo lang akong iwan." Sobrang sakit ng dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga dahil pinipigilan kong himikbi habang sinasabi ang mga ito.

Napakaswerte ng babaeng yun sayo Charles. Kahit nagawa mo akong saktan, naramdaman ko naman kung gaano ka magmahal. Siguro nga hindi ko deserve ang pag-ibig mo, at siguro din hindi mo deserve ang pagmamahal ko.

Tama nga lahat ng inisip ko noon. May nahanap na siyang ipapalit sa akin. Masakit man tanggapin, wala na akong magagawa. Bakit pa ko magtatanim ng sama ng loob? Wala na ding rason. Mukhang nakamove on na siya.

"Salamat Shaira. Ipaglalaban ko siya, pangako ko yan sayo. Hintayin mo lang. Susundin ko ang pinayo mo. Thank you." Patago kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko at nilingon ko siya ng nakangiti.

"You're welcome." Naglakad na ako palayo sa kanya.

I love him so much to the point na kaya ko siyang patawarin ng ganoon kabilis. Lahat ng sama ng loob ko nawala. Siguro nga kailangan ko lang siyang intindihin. Wag lang sana niyang saktan yung babaeng ipinalit niya sa akin. I'm doing this kasi nakita ko sa mga mata niya na sincere siya. Kahit ang dilim dun, sa tuwing nababanggit niya yung babaeng mahal niya nagniningning ang mga mata nito.

He left me broken. He broke my heart, and I hate him... I hate him because I still love him.

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now