Part Twenty-Four

832 36 0
                                    

Nasa gate palang kami ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog mula sa loob. Halata mong mayaman ang may ari ng bahay dahil sa tayog ng pader na nakatayo sa paligid nito. By just looking at Wax, hindi mo aakalaing ganito ito kayaman. Napakasimple niya kasi.

"Invitations po." Inabot namin sa guard yung invitation na binigay sa amin ni Wax. Pagka-check sa invitation ay agad din kaming pinapasok. Mukhang madamjng bisita si Wax dahil ang daming sasakyang nakaparada. Naghanap sandali si Ash ng mapagpaparadahan at tsaka kami bumaba ng sasakyan.

Hinawakan ni Ayi ang braso ko. Halatang na-excite siya dahil sa ganda ng venue. Si Ash naman ay nasa kabilang gilid ko.

"Mam, this way po sa rest room para makapagpalit na po kyo ng damit. Sir doon naman po yung inyo." Tinanguan lang namin yung nag-assist sa amin at pumunta na sa CR.

"Infairness, ang bongga ng party ni Wax." Natawa na lang ako sa tono ng boses ni Ayi. Parang di siya makapaniwala na kayabg mag organize ni Wax ng ganitong party. Well, ako din naman ay hindi ganito ang inexpect. Narinig kong nag-click ang door lock ni Ayi.

"Hindi pa naman ako masyadong nagready." Natatawa pa niyang sabi. Konting ayos pa sa suot ko at ready na ako. Lumabas na rin ako. Natigilan pa ako sandali ng makita si Ayi.

"Yan ba ang hindi ready?" Nakangiti kong tanong sa kanya. She looks gorgeous! Kung hindi pa siya ready niyan ano pa ang tawag sa akin?

Pagkatapos naming magpalit ay lumabas na kami. Nakatayo na doon si Ashton. He changed his blue polo shirt into blue tank top that matches his white shorts.

"Wow!" Nakangiting papuri sa amin ni Ash. Halos itago ko ang katawan ko kay Ayi. Hindi nga kasi ako sanay na nagsusuot ng ganitong damit. This is my first time!

Dumeretso na kami sa pool area. Medyo madami ng tao.

"Ayi, Shai, Ash!" Masiglang bati sa amin ni Wax. He's wearing red tank top and a black shorts. Nagmukha pa siyang cool dahil sa cap na suot niya. "Good to see you all! Akala ko di na kayo pupunta."

Sinamahan niya kami papunta sa vacant seats malapit sa pool.

"Enjoy the party!" Sigaw ni Wax at sabay sabay namang sumigaw pabalik ang mga bisita niya. Mukhang enjoy na enjoy ang lahat dahil wala kang makikitang nakaupo lang sa isang tabi. Kami nga ni Ayi ay nagsisimula ng kumuha ng pagkain. Si Ash naman ay na-corner agad ng mga babaeng halatang gustong makipag-flirt sa kanya.

"This is the best part of the party!" Sigaw ni Ayi para marinig ko ito. Kumuha siya ng nachos at kinain ito. Ako naman ay juice ang kinuha. Bumalik kami sa inuupuan namin at nakita naming sk Ashton ay kasalukuyan ng nagtatampisaw sa pool kasama yung mga babaeng kanina pa siya pinagnanasahan.

"Iba talaga si Ash." I absentmindedly said. Napatingin sa akin si Ayi tapos ay ibinaling naman kay Ash ang paningin. Nakita ko pa siyang umirap bagi harapin ulit ang kinakain niya.

"Hay Shai. Masanay ka na. Mukha lang hindi gagawa ng masama yang si Ashton pero nagtatago ang kalokohan niyan dun sa mukha niyang makapal." Natawa naman ako sa sinabi ni Ayi. Sa sobrang tagal na nilang magkakilala mapapansin ko talagang madami na silang alam sa isa't isa.

"Yang mga babaeng yan, sandali lang kay Ash yan. Sa sobrang playboy ng lalaking yan walang tumatagal dyan." Napailing na lang ako sa mga sinabi ni Ayi. Minsan napapaisip ako kung vakit hindi na lang sila ang magkatuluyan. Pero sa mga sinabi ni Ayi parang malabong maging sila kasi naman alam niya na lahat ng kalokohan ni Ash.

"Kuha lang ako ng inumin." Tumayo si Ayi at bumalik sa buffet table. Hindi ako kumakain dahil busog pa ako kaya nagsettle na lang ako sa juice. Tinignan ko lang ang ibang tao na nagbababad na sa pool.

"Alone?" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil hindi din naman pamilyar ang mukha niya. Siguro ay kaibigan ito ni Wax from another course or school.

"Actually, I'm not. I'm with him..." Turo ko kay Ashton na mukhang ligayang ligaya sa mga sexy na babaeng nakapaligid sa kanya sa pool. "...and with her." Turo ko naman kay Ayi na ang buong akala ko ay kumukuha ng inumin yun pala ay nakaupo na doon sa kabilang table. Nakikipagbulungan pa sa lalaking kasama niya.

Natawa naman yung lalaki sa sinabi ko. Umupo siya sa tabi ko at lumapit ng bahagya.

"I guess your friends are having fun." Napaatras pa ako ng bahagya dahil sa biglang paglapit niya. I stiffened for a sec pero inayos ko din ang sarili ko. Lumapit siyang muli pero this time ay hindi na ako umatras.

"Vinz nga pala." Inilahad niya ang kamay niya para makipagkilala. "Shaira." Malugod ko itong tinanggap.

"Tara swimming tayo." Turo niya sa pool. Tumayo siya ang he offered his hand. Kinuha ko ito at sumama sa kanyang pumunta sa pool. Sayang naman kasi ang damit ko kung hindi ko gagamitin. Mukhang masaya pa sa pool.

Paa ko pa lang ang nabababad sa tubig pero giniginaw na ako. Ang lamig ng tubig! Mukhang naramdaman ni Vinz na nalalamigan ako kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang inaalalayang maglakad pababa sa pool.

Marunong akong lumangoy. Salamat sa mga pinsan ko sa side ni daddy, dahil madalas ay sila ang kasama ko noon na magswimming.

"Dun tayo." Tinuro niya ang isang side doon na hindi gaanong matao. Wala naman akong nagawa dahil hinila na niya ako papunta doon sa area na yun. Hindi kk na maramdaman ang tiles sa ilalim ng mga paa ko. Ibig sabihin lang nun ay lumalalim na ang pinupuntahan namin.

"Hawak ka lang sa akin." Bulong ni Vinz. Ayaw ko man gawin yun pero wala akong choice. Hinawakan ko lang ang kamay niya at panay pa rin ang hila niya sa akin doon sa tinuro niya.

"Hindi ba masyado ng malalim dito?" Nginitian niya lang ako. May tumalon sa gilid namin kaya napalapit ako kay Vinz. Linunasan kk ang mukha ko dahil nabasa ito ng tubig.

"Bro, konting ingat. May kasama akong babae." Sigaw niya sa nagdive malapit sa amin.

"Sorry dude." Lumangoy palayo yung lalaki.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Vinz. Tumango naman ako. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Nabasa na tuloy yung mukha mo." Tinulungan niya akong punasan ang mukha ko.

"Hindi naman maiiwasan yun. Nandito nga tayo para magswimming di ba." Tumawa siya at patuloy pa rin sa pagpunas sa mukha ko kahit hindi naman talaga nakakatulong dahil basa din ang kamay niya.

"Tara." Aya niya ulit sa akin. Tumango lang ako at hinila na niya ulit ako.

Nagtaka ako ng tumigil si Vinz. Malapit na kami doon sa gusto niyang puntahan pero hindi na siya tumuloy.

"What's the matter?" Tanong ko dito pero hindi siya kumibo. Bahagya akong lumangoy palapit sa kanya at nakita kong may kausap na pala siya. Binitawan niya ang aking kamay at nilingon ako.

"I'll just talk to her." Nagulat na lang ako ng may humawak na ulit sa aking kamay. Hinahatak ako palayo kay Vinz. Nilingon ko kung sino ang humahatak sa akin.

Hindi ko siya maaninag dahil madilim at patay bukas pa ang party lights. Nauna siyang umahon bago siya lumingon at hatakin ako paahon sa pool.

"Miguel?!" Gulat na sabi ko habang siya naman ay abala sa pagbalot ng towel sa akin.

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now