Part Nineteen

882 38 0
                                    

Hanggang sa pagkain ay hindi pa din makaget over si Ayi sa picture namin ni Ashton. Habang ako hindi pa din makaget over sa dami ng pinabili nila. Abuso! Porket libre ang daming pinagoorder!

"Grabe Ash! Nun lang ako natuwa sayo!" Napapailing na lang si Ahi habang kinakalma ang sarili sa sobrang tuwa. Si Ashton naman ay panay lang ang subo habang nangingiti pa din sa ginawa niya.

Hindi pa din mawala sa usapan yung picture dahil epic naman talaga yung itsura ko dun. Hindi ko sila masisi dahil nakakatawa naman talaga. Maging ako nga ay nangingiti kapag nakikita ko yun.

"Ayessa! Shaira! Ashton!" Napatingin kaming tatlo sa tumawag sa amin. Nakita kong naglalakad papalapit sa mesa namin si Wax. Natigil sa pagtawa si Ayi at Ash pero bakas pa din sa mukha nila na galing sila sa tawa.

"Sabi na kayo yan e! Mukhang nagkakasiyahan tayo dito a. Ano ba balita?" Hinila ni Wax yung silya sa kabilang mesa at umupo sa pagitan namin ni Ash. Noon ko lang napansin na kasama niya pala si Paul at si Miguel. Kumuha din sila ng upuan at itinabi sa amin. Pwesto si Paul sa pagitan namin ni Ayi habang si Miguel naman ay sa pagitan ni Ash at Ayi.

"Chismoso to!" Batok ni Ayi sa kanya. Ganyan talaga si Ayi kahit sa kaninong lalaki. Kung sinasaktan ka niya ibig sabihin good ka sa kanya pero kung di ka niya pinapansin, ibig sabihin lang ay wala siyang paki sayo.

"Ang lakas kasi ng tawa mo kaya narinig ko sa labas. Alam na alam ko na kaagad na ikaw yun." Okay naman si Ayi sa mga lalaking hindi nagpapakita ng kahit na anong motibo sa kanya. Kaya ayos lang si Wax dahil malabo daw na magkagusto siya kay Ayi.

"Tignan mo kasi to, sino ba naman ang di matatawa." Pinakita ni Ayi yung picture namin ni Ash kay Wax. Sinubukan ko pang agawin pero agad na nakaiwas si Wax dito. Pagkakita niya kaagad sa pangatlo at pang-apat na pose at natawa na rin siya.

"Tignan niyo pare!" Ipinasa ni Wax kay Paul yung pictures kaya napatakip na lang ako ng mukha. Inakbayan ako ni Ashton habang tinatapik ang balikat ko. Rinig na rinig ko pang tumatawa din siya kasabay ni Wax. Baliw talaga to!

"Pare ano ba yang mukha ko? Ginagaya mo ba yung pose ni Shaira?" Mas lumakas pa ang tawanan kaya napa-angat ako ng tingin. Nakita ko si Miguel na gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Kita ko rin na hawak niya yung picture namin ni Ash.

"Gayang gaya ni Miguel!" Malakas na saad ni Paul habang napapapalo pa sa mesa sa sobrang saya. Ilang saglit pa bago tumawa ng malakas si Miguel. Loko to a! Talagang ginaya pa yung expression ko sa litrato!

"Kuha mo! Promise!" Sabi ni Ayessa kay Miguel. Natigil na sa pagtawa si Miguel kaya nginitian na lamang niya si Ayi.

Napagdecide sila Wax na sumabay na sa pagkain kaya umorder na din sila. Ganun pa din ang pwesto ni Paul at Miguel habang si Wax naman ay lumipat sa tabi ni Paul, kaya nagkatabi ulit kami ni Ash.

"Alam niyo hindi na ako magtataka kung magiging si Ashton at Shaira." Sabi ni Wax ng hindi man lang natitinag sa pagsubo. Patuloy lang siya sa pagkain habang nagsasalita. Napatingin lang ako sa kanya at ganun din yung iba.

Natawa naman si Ayi. Tinignan ko si Ash at nakita kong nangingiti din siya habang kumakain. Sumakay na lang din ako sa asaran tutal naman ay wala namang masama doon.

"Noong una akala namin kay Ayessa ka talaga may gusto. Pero naisip ko na bakit magkakagusto yung kagaya mo kay Ayessa, malabo yun." Umiling pa siya habang sinasabi ito. Kumunot naman ang noo ni Ayi.

"Bakit naman imposible ha!" Tanong ni Ayi. Ibinaba ni Wax ang kubyertos niya at tumingin kay Ayi.

"Masungit ka kasi. Tsaka mabigat ang kamay mo." Natawa kami ng malakas.

"Totoo yan! Kaya dapat kapag kasama mo yang si Ayi, handa kang masaktan." Sagot ni Ash.

"Boom! Hugot!" Sigaw ni Wax at nagtawanan na naman kami. Halatang nakakaagaw na kami ng atensyon dahil sobrang lakas ng tawanan namin. Nilingon ko pa yung ibang kumakain at nakita kong yung iba ay tinitignan na kami.

"Pero seriously, bagay talaga kayo." Baling sa akin ni Wax. Nangiti na lang ako habang inaasar kami nito.

"Wala namang masama dun. Tutal pareho naman ata silang...single!" Singit ni Miguel. Napatingin kami sa kanya. Tumawa na naman ng malakas si Wax.

"Oo nga naman. Pareho naman kayong single di ba?" Ngiting ngiting tanong sa amin ni Wax.

"Ako, single na single. Ikaw ba Shai?" Natatawang sagot ni Ash. Inakbayan niya ako habang hinihintay ang sagot ko. Nakita ko pang tumaas taas ang kilay ni Wax habang hinihintay ang sagot ko. Si Paul naman ay tahimik na naghihintay habang si Miguel ay matalim na nakatingin sa akin. Tumikhim si Ayi. Mukhang nahahalata niyang na-pe-pressure ako. Nginitian ko lang siya para malaman niyang ayos lang ako.

"Single din. Ano ba kayo!" Tumawa kami ng malakas. Totoo naman ang sagot ko kaya walang dahilan para ma-guilty ako. Wala na naman akong boyfriend di ba? Iniwan na nga ako ni Charles e. Kaya siguro naman ayos lang na ipagsigawan kong single ako dahil yun naman ang totoo.

"Ayun naman pala e. So pwedeng pwede kayo! Ang ganda niyo ngang tignan! Pati doon sa picture niyo!" Tumawa na lang kami. Tinignan ko si Ash at naniningkit na ang mata niya sa kakatawa. Nahawa tuloy ako kaya hindi ko na talaga mapigilan ang tumawa.

Sa kalagitnaan ng pagtawa ko ay nahagip ng aking mata si Miguel. Hindi pa din siya natitinag sa pagtitig sa akin. Hindi lang basta titig, para siyang galit dahil sa tali ng mga ito. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay umiwas ito at nakitawa na lang sa mga kasama namin.

Ano'ng problema nun? Bipolar ata?

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now