Part Twenty-One

859 36 0
                                    

Hours, days and months have passed. Imposibleng hindi niya alam na ako yung katext niya. Hindi ko na tinanong pa kay ate kung alam ni Charles na ako si Shaira dahil wala na ring saysay. Nasaktan na niya ako dati at ngayon, nasasaktan na naman niya ako.

Kaya pala ganun na lang niya ako tignan. Kaya pala pakiramdam ko ay may problema siya sa akin. Pero kung siya talaga si Charles, bakit pinagbibintangan niya akong may lalaki gayung wala naman. Nakikita niya ako sa school kaya dapat alam niya na wala akong iba. Sabi na nga ba gumagawa lang yun ng dahilan para makipaghiwalay!

Natapos ang sem break ng iyon lang ang iniisip ko.

"Shai may nagkakagulo daw doon o!" Hinatak ako ni Ayessa palabas ng room namin. Hindi na ako nakatanggi dahil nahatak na niya ako. Dumami na ng dumami ang mga estudyanteng nakakalat sa corridor dahil daw sa nag-aaway. Halos hindi ko na nga makita kung sino ba yung mga yun dahil sa kapal ng mga taong nakiki-osyoso dito.

"Pinagtatanggol mo pa yang malandi na yan?!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Nakikipagsiksikan pa rin kami. Halos magtulakan na nga ang ibang estudyante makasingit lang.

"Inaaway na naman nung Grace na yun si Valeen." Narinig kong usapan ng mga tao. Si Ayessa naman ay panay ang tingkayad para makita niya yung nagkakagulo.

"Hay. Si Valeen pa talaga ang kinakawawa. Dapat ang ginagawa dyan sa babae na yan kini-kick out." Bulungan pa rin nila habang nagkakagulo pa rin sa paguusyoso. Na-curious naman ako kung sino ba yung mga tinutukoy nila. Mukhang kilala ng lahat yung nagkakagulo dahil sa lahat sila ay may nasasabi sa nangyayari. Tumingkayad ako para makita ang eksena pero sa halip na yung mga nag-aaway ang makita ko ay si Miguel pa!

Nagkahulihan kami ng tingin ngunit di ko pinahalatang nagulat ako. Kasama niya si Paul sa pagpigil sa isa sa mga babaeng involve sa gulo. Siguro ay dahil SC officer sila kaya nandun siya para umaksyon. Pero wala pa rin akong pakialam sa kanya kaya inirapan ko na lang siya at umalis na sa kinatatayuan ko.

"Bakit bigla kang nawala dun?" Pangungilit sa akin ni Ayessa. Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom. Dito ako pumunta matapos akong mabadtrip pagkakita ko pa lang sa mukha niya. Naiintindihan ko lahat ng ikinikilos ko, tama lang na umiwas ako. Ayoko siyang kausapin sa ngayon. Hindi pa ako handang komprontahin siya.

Isipin ko pa lang na alam niyang ako si Shaira nag-iinit na ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ba ang magagawa ko sa kanya kapag nagkausap kami kaya dapat lang ay paghandaan ko ito. Ayokong magmukhang dehado. Hindi ako papayag na magmukhang apektado. Kung siya ganun kabilis lang niyang maitatapon yung pinagsamahan namin, pwes mas ipapakita ko sa kanya na walang kwenta sa akin yung relasyon namin. I'm in pain, but I won't let him see that. I want him to be hurt more than I am.

"Huy Shai? Tulala ka dyan? Tsaka bakit magkasalubong yang kilay mo?" Natigil ako sa pag-iisip kay Charles dahil sa malakas na tulak sa akin ni Ayi. Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya at umiling.

"The last time na nakita kong wala ka sa sarili ay nung hindi nagparamdam sayo yung ex mo. So what is it now?" I was impressed dahil sa observation ni Ayi, but this is not the right time para doon. I just couldn't help myself from acting like this dahil sa tuwing nakikita ko si Miguel, or should I say Charles, nag-iinit ang dugo ko.

"Don't tell me siya na namam ang rason?" I wasn't sure kung dapat ko pa bang sabihin kay Ayi but since she's a friend, and I trust her kaya kinwento ko sa kanya ang nangyari from the very first day na nakilala ko sa Miguel hanggang sa nalaman ko na si Miguel at Charles ay iisa.

Hindi pa siya makapaniwala noong una. Ako man ay hindi makapaniwala! Is this purely co-incidental or everything was just put into place to set me up. I know ang pangit ng iniisip ko. Why would he waste his time para lang pagtripan ako? Am I a big deal?

"He's an asshole!" Yan lang ang nabulalas ni Ayi. Actually he's more than that. He's heartless for fooling me and making me believe that he truly love me and I'm an idiot for believing that his love is real and unconditional. I was fooled at masakit yun! I took the risk for letting him in to my life but I guess he didn't deserve that. I should've used my mind instead of my heart! Ito ngayon ako, naloko!

Step Into My Arms (Completed)Where stories live. Discover now