Part Forty-Four

636 32 0
                                    

Maaga ang flight ko kaya madaling araw pa lang ang bumabyahe na ako papunta sa airport. Sinabi ng mga kaibigan ko na sasama sila sa paghatid sa akin. Sinabi ko na ngang wag na dahil baka hindi pa ako makaalis pero nag-insist pa rin sila.

Ngayon ang kasama ko ay sina papa at mama, pati na ang iba sa mga pinsan ko. Medyo mahaba pa ang byahe namin kaya nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe.

"Shai nabalitaan ko kay Ayi na okay na daw kayo ni Charles. Totoo ba?" Pag-open ni Ate Phoem. Nabingi pa nga ako kaya pinaulit ko yung tanong niya. Nakita kong nilingon kami ni mama tapos si papa naman ay panay ang tingin sa salamin mula sa driver's seat.

"Oo ate. Okay naman na kami. Sobrang tagal na nun kaya napaglipasan na din ng panahon yung issue." Paliwanag ko. Tumango lang si ate. Nginitian lang ako ni mama at umayos na siya sa pagkakaupo.

Si mama, matagal niya ng sinasabi sa aking patawarin na yung tao. Naalala ko pa yung kinwento niya sa akin yung ginawa ni Charles noon. Kasi di pa niya alam na umalis kami ni Vinz. Pursigido daw na bumabalik sa bahay. Tapos noong nalaman ni Charles na nagabroad na ako, umiyak lang daw ng umiyak si Charles sa harap ng gate namin.

Nasaktan ako ng sobra. Nasaktan ako sa nangyari sa akin, pati na rin sa nangyari sa kanya. Na-realize ko na hindi din siguro tama na hindi ko muna siya kinausap. Parang may un-finished business na nakapending sa pagitan naming dalawa.

Dahil maaga kaming nakarating sa airport ay mahaba pa ang oras ko para makasama sila sa huling pagkakataon. Dumating na din ang mga kaibigan ko kaya mas umingay kami sa loob.

Sila mama at papa ay giliw na giliw sa mga kaibigan ko lalo na sa kakulitan ni Ayi at Wax. Si Coreen naman ay di na nakasama dahil delikado na sa kanyang bumyahe ng malayo lalo na't malapit na ang due niya. Si Vinz, karga karga si Andrei na kasalukuyang natutulog. Si Ashton, Jack at Paul naman ay nakikisabay sa tawanan nila mama at papa.

"Ayun pala si Charles e." Tinawag ni Ate Phoem si Charles na kakapasok lang sa airport. Magkakilala sila kasi syempre si Ate nga yung nagbigay nung number ni Charles. Nakita kong medyo nagulat si Charles dahil tinawag siya ni Ate Phoem, pero lumapit pa din ito.

"Uy Charles kamusta?" Tanong ni Ate Phoem kay Charles. Nagusap sandali si Ate at Charles kaya umalis muna ako sandali. Nagkwentuhan pa kami ng mga kaibigan ko hanggang sa dumating na ang takdang oras para umalis ako.

"Ingat ka dun anak." Niyakap ako ni mama. Si Papa din ay nakigulo na sa amin. Binilinan pa ako ng kung anu ano. Ayaw pa nga akong pakawalan ni mama buti na lamang ay napikit siya ni papa. Ngayon pa naging clingy si mama kung kelan malaki na ko.

"Babe." Tawag sa akin ni Vinz. Ganyan niya ako tawagin sa tuwing gusto niyang mang-inis or what. Noong nasa states kasi kami ay lagi niya akong niloloko na tumataba na daw ako. Sa tuwing magkasabay kaming kumain nakekwento ko sa kanya kung gaano ako ka-stress sa trabaho at ibinubuhos ko yun sa pagkain. Stress eating kumbaga.

"Ayan ka na naman." Suway ko sa kanya. Nasanay na din ako pero noong umuwi kami sa Pinas nag-li low na siya sa pang-aasar. Siguro kasi na overpowered ni Wax at Ayi.

"Ingat ka dun. Okay lang na kumain ka ng kumain basta wag kang masyadong magpabundat. Hope to see you there soon." Tumango ako at niyakap na si Vinz. Ngayon ay nagising na si Andrei. Ipinasa ito sa akin ni Vinz kaya ngayon ay buhat buhat ko na ito. Pinaliguan ko ito ng halik. Tuwang tuwa naman siya sa ginagawa ko.

"Are you already leaving mami?" Tanong sa akin ni Andrei.

"Yes baby. I need to go na." Tumango ito at niyakap ako. Ako naman ngayon ang pinaliguan niya ng halik. Pagkatapos nito ay kinuha na ulit siya ni Vinz.

"Promise me baby, the next time we meet dapat you already know how to speak in Filipino."

"Yes mami!" Tumawa siya sa sinabi ko. He raised his little finger. Itinaas ko din ang akin at nag-pinky promise kami. Pagkatapos ko kay Andrei ay lumapit na ako sa iba kong kasama. Si Ash na hawak ang phone niya dahil ka-skype niya si Coreen.

Kinawayan ko si Coreen at Dex mula sa screen ng phone ni Ash. Nakipagyakapan na rin ako kela Wax at Paul na panay pa rin ang pigil sa akin. Si Ayi naman as usual puro remindrrs ang baon sa akin. Dinaig pa ang nanay ko. Si Jack heto kayakap ko ngayon. Panay pa rin ang bulong niya sa akin tungkol kay Therese. Pinapasabi daw ni Therese na ingat ako at nagpapasalamat siya dahil nakilala niya ako bago ako umalis.

Lumipat naman ako ngayon sa mga pinsan ko. Niyakap nila ako at nagbilin din. Hindi ako nagawang bisitahin ng mga pinsan ko sa side ni papa dahil sobrang busy rin sila. Pero dito naman sa side ni mama present kahit papaano.

Ang huli kong nilapitan ay si Charles. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Medyo dumistansya pa ang iba kong kaibigan pati na sila mama para bigyan kami ng pagkakataong mag-usap.

"Gusto sana kitang yakapin pero hindi pwede, madaming nakatingin sa atin. Baka di pa ako makalabas sa airport ng buhay." Natawa ako sa sinabi niya. Nilingon ko pa yung iba naming kasama at nakita ko ngang siryosong nakatingin si papa, Vinz, Ash, Wax, Jack at Ayi. Yung iba saktuhan lang.

"Ingat ka dun. Sayang di tayo gaanong nagkasama. Sorry pala ulit sa mga nagawa ko. Siguro kung di mo ko nakilala nandito ka pa rin sa Pinas. Di mo na kailangang umalis." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salitang binibigkas niya. Lagi niyang sinasarili ang lahat ng sisi. Ito ang kamalian sa nagawa ko. Hindi ko man lang siya hinayaang magpaliwanag at umalis na lang ako ng may puot na nararamdaman.

"Kalimutan na natin yun, okay? Basta ang importante maayos na tayong dalawa ngayon. Tsaka sayang ang friendship natin kung magtatanim lang tayo ng sama ng loob. So good na tayo ha. Wag ka ng masyadong mag-isip ng kung anu ano." Sa wakas nasabi ko na rin sa kanya na okay na lahat. Sana kahit papaano mabawasan na ang mga iniisip niya. Okay na ko. Masaya na ko ngayon.

Kahit ayaw niyang gawin sa harap nila papa ay niyakap ko pa rin siya. Kaibigan ko rin siya kaya kung paano ko ituring ang iba, ganun ko din siya tatratuhin.

Naglakad na ako pabalik sa iba pa naming mga kasama na ngayon ay nanlalaki ang mata sa ginawa ko. Si Ayi naman ay halatang nagulat talaga dahil nakanganga pa. Buti na lamang ay isinara ito ni Ashton.

Sa huling nagkakataon ay nagpaalam na ako sa kanila. Hinila ko na ang mga bagahe ko. Iniabot ang ticket para i-check at kumaway na. Nginitian ko sila at tsaka ako pumasok sa entrance patungo sa loob ng eroplano.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon