Part Thirty-Nine

707 31 0
                                    

"Are you ready baby?" Buhat ko ngayon si Andrei. Nakangiti siya pero halatang kinakabahan. Hindi pa siya mapakali dahil panay ang lingon nito. Sumama kaming lahat. Kahit ayaw ni Vinz na magsisama ang barkada hindi pa din kami pumayag. Ang sabi na lang namin ay magtatago kami, gusto lang talaga naming suportahan ang mag-ama.

"What if my mom will get angry at me?" Pag-aalala ni Andrei. Wax patted Andrei's head at lumapit pa sa amin ang iba. Si Paul at Jack naman ay tinabihan si Vinz sa upuan dahil isa pa yong kinakabahan.

"Sa cute mong yan baby boy, imposibleng hindi ka niya magustuhan." Pagpapagaan ng loob ni Ayi. Si Ashton ay abala sa telepono dahil hindi sumama si Coreen. Inabot ni Ashton ang phone kay Andrei.

"Your Tita Coreen wants to talk to you." Kinuha ni Ashton si Andrei sa akin. Nakita kong kausap na ni Andrei si Coreen at kasalukuyan itong tumatawa.

"Kinakabahan din ako e." Sabi ko sa kanila.

"Wag ka na mag-alala. Everything will be fine." Inakbayan ako ni Wax. Huminga na lang ako ng malalim.

"Guys nandito na daw siya." Sabi ni Vinz. Tumango kami at naghanda ng umalis. Ibinaba na ni Ashton ang telepono at ibinaba si Andrei. Isa isa na kaming nagkiss kay Andrei bago umalis.

Pumwesto kami sa isang restaurant sa di kalayuan.

"Don't worry magiging okay din ang lahat after." Tumango ako sa sinabi ni Charles. Mahinahon kaming naghintay sa progress ng unang meeting ni Andrei at ng mom niya. Nagawa pa ngang umorder ni Ayi dahil na-i-stress siya sa tuwing tinitignan namin sila Andrei.

"Look, Andrei's smiling!" Naagaw ni Jack ang atensyon namin at sabay sabay kaming lumingon para tignan si Andrei. Nakita naming nakaupo na ito sa tabi ng mom niya. Ang bilis niyang nakagaanan ng loob ang nanay niya.

"Sabi sayo e, magugustuhan siya ng mom niya." Sabi ni Wax. Naglalakad na kami papunta sa parking lot ng mall. Nagdecide na kaming umuwi since nagtext na si Vinz na pwede na namin silang iwan dahil gusto pang magbonding ng mag-ina.

"Maganda pala yung nanay kaya gwapo si Andrei." Binatukan ni Ayi si Wax. Nagtawanan naman kami sa reaksyon ni Wax dahil sa gulat niya.

"Lahat kami nag-aalala kay Andrei tapos yung nanay pala ang sinisipat mo." Lahat ay natawa dahil nasampolan na naman ni Ayi si Wax. Totoo naman ang sinabi niya, maganda ang first impression ko sa kanya. Kahit di ko pa siya nakakausap ang gaan na ng loob ko dito. Siguro dahil na rin sa maganda ang pakikitungo niya sa mag-ama.

"Wax tara na. Kanina pa text ng text misis ko." Aya ni Paul kay Wax.

"Sus ito namang si lover boy. Under na under kay misis." Asar ni Wax kay Paul. Siniko naman niya ito. Lumapit na si Paul sa amin at isa isa kaming bineso.

"Sabay na ko sa kanila." Paalam din ni Jack.

"Kami din mauna na may pupuntahan pa kami ni Ayi. Medyo malayo tapos traffic pa." Paalam ni Ashton. Lumapit na din sila sa amin at nagbeso.

"Friend may dala ka namang kotse di ba?" Tanong ni Ayi sa akin. Lahat sila ay inaabangan ang sagot ko.

"Sumabay lang ako kay Vinz papunta dito kaya wala akong dalang kotse."

"Wax isabay niyo na si Shaira." Sabi ni Ayi. Tumango naman sila. Sumakay na si Paul at Jack sa sasakyan. Ibinaba nila ang bintana para hintayin ang desisyon namin. Si Wax naman ay inihahagis hagis ang susi niya palakad sa driver's seat.

"Ako na lang maghahatid sa kanya. Maluwag naman sa auto ko." Pagbobolontaryo ni Charles. Natigilan naman silang lahat sa sinabi ni Charles. Pati si Wax na naglalakad ay huminto, hindi pa niya nasapo ang susi niya kaya napakamot na lang habang pinupulot ito.

"Okay naman kela Wax. Di ba Wax?!" Pinanlakihan pa ng mata ni Ayi si Wax.

"Oo pare. Dito na lang si Shaira." Halatang iniiwasan nilang mangyari ang gusto ni Charles. Nakita ko pang bumaba si Paul at Jack sa sasakyan.

"Okay lang naman sa akin. Kung gusto lang naman ni Shaira." Sagot ni Charles. Lahat ngayon ay sa akin na nakatingin. Napaka-awkward dahil sobrang tahimik.

Hindi naman ako ubrang sumabay kela Ash dahil may pupuntahan pa sila. Ayoko namang maging abala. Kung kay Wax naman ako sasabay, out of the way ang bahay namin. Syempre ako ang uunahin ng mga yun. Kahit naman medyo bahog tong mga to mga gentlemen naman sila. Iniisip ko si Paul na kanina pa hinihintay ng misis niya. Sa halip na mapabilis siya magiging sagabal pa ko.

"Kay Charles na ko sasabay." Napanganga pa si Ayi sa sagot ko.

"You sure?" Tanonb pa nito dahil hindi makapaniwala sa desisyon ko. Tama naman ang desisyon ko di ba? Ayokong maging burden sa kanila. Tutal nag-volunteer naman yung tao.

"Tara na Ayi, okay na naman si Shai." Hinila na ni Ash si Ayi papasok sa sasakyan. Hindi na nakaoagsalita si Ayi dahil bago pa mangyari yun ay isinarado na ni Ash ang pinto.

"Una na din kami." Paalam nika Wax. Isa isa silang sumakay at kumaway na lang kami dahil halos magkasunod lang na humarurot palabas ng parking lot ang sasakyan nila.

"Tara?" Narinig kong nag-beep ang kotse ni Charles senyales na nakabukas na ito. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto at nginitian ko na lang siya. Patakbo siyang bumaling papunta sa driver's seat. Pagkasakay niya ay agad niyang ikinabit ang seat belt.

Tahimik lang kami buong byahe. Nang biglang nagpula ang ilaw ng stop light ay narinig ko pa siyang bumuntong hininga.

"Can we talk?" Tanong sa akin ni Charles. Nilingon ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ayoko ng ganitong awkward moment.

"Okay lang kahit hindi pwede, I understand." Jniwas na niya ang tingin niya at sinimulan na ulit patakbuhin ang sasakyan. Tahimik lang ulit kami habang binabaybay ang daan.

Ako naman any napapaisip kung ano ba dapat ang gawin. Oras na din siguro para magusap kami. Yung huli naming pagkikita ay hindi naging maganda. Hindi ko siya hinayaang magpaliwanag.

Naalala ko nung nagkausap kami ni Coreen. Ang sabi niya bigyan ko daw ng chance si Charles na magexplain. Hindi kasi malinaw ang lahat kaya mas gumugulo. Hindi naman daw siya kumakampi kay Charles pero sa tingin niya ay kailangan ko din pagbigyan itong si Charles.

"Ayoko pa umuwi." Yan lamang ang sinabi ko. Nakita ko siyang ngumiti, hindi ko din mapigilang hindi ngumiti. His effect, heto na naman. Nag-U turn siya sa pinakamalapit na U-turn slot.

Step Into My Arms (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora