Kabanata 25: Maestro Adam

2.9K 156 16
                                    

"Di ka pa po ba matutulog?" biglang tanong ni lena sakin.

Sinulyapan kulang ito at binalik ang paningin sa dingding. Di kasi ako makatulog at ewan ko kung bakit, baka naninibago pa ako sa lugar at  sa higaan ko, napayakap nalang ako sa unan ng mahigpit!

Napag desisyunan kong tumayo at naghanap ng mapagkaka abalahan. Nakasimangot akong tumayo sa harap ng malaking bintana nang silid at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Ilang minuto din ang tinagal ko ng magsalita si lena.

"Unang araw mo pa nga lang binibini ay may nakaaway ka agad. Ako man ay kinakabahan sayo dahil lapitin ka ng gulo, at sa prinsesa pa ng Alabasta." Iling iling na wika nito.

"Di ko matiis e, di ko matiis na may nakikitang inaapi sa harap ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan kong kumilos. Sabi nga ni ama, ay ang pinaka malaking kasalan ay yung meron kang ngang kakayahang tumulong pero di mo ginawa." Mahabang paliwanag ko dito at tuluyan ng hinarap sya. Nakangiti naman itong nakatingin saakin.

" Pero ipangako mo sana, na hindi ka mapapahamak sa iyong prinsepyo at paniniwala, dahil merong KAMI ang mag aalala kung may mangyari man sayong masama. " Nangngaral ang boses nito. Naiintindihan ko naman iyon.

"Kaya nga, gusto ko magpalakas diba?" Pabiro kung sabi at inismiran naman ako nito.

Natutuwa ako sa ideya na may taong nagaalala sakin. Sa dati kong buhay ay di ko manlang maranasan ang pag-aalala ng pamilya at mga kaibigan na tinuturing naring pamilya. Puro kasi plastikan ang nagaganap sa mga kapulisan, maging man sa paaralan.

Di na sya nagsalita pa at tinapos ang binuburda nitong simbolo ng pamilya ko sa mga panyo at sa type B kung uniform. Napangiti naman ako.

Bukas ay maaga dapat akong gigising, nakalaad kasi sa liham ay alas singko ng umaga ay dapat nakarating na sa field upang sa gaganapin na pagtitipon. Katulad na katulad talaga sa military school na alam ko.

Kinuha ko uli ang liham at binasa ang magiging klase ko sa semestreng ito.
_______________________________________________
LUNES AT MYERKULES
~Knights Formations 5:30-7:00am
~Kasaysayan ng Brittanica 9:00 - 11:00am
~Divine Arts 1:00-4:00pm

MARTES AT HWUEBES
~Knights Formation 5:30-7:00am
~Cryptozoology 9:00-10:00
~Demonology 10:30-11:30
~Sword Art 1:00-4:00

BYERNES
~Practical 7:00-12:00 
_________________________________________________

Pagtapos kung basahin to ay binigay ko na ito kay lena. Nagtaka pa nga itong nakatingin saakin habang inaabot ang papel pero pinanlakihan ko na lang agad  sya ng mata. Kinuha naman agad nito at tinabi.

Kumuha ako ng libro tungkol sa kasaysayan at nagsimulang basahin ito.  Ilang pahina rin ang nabasa ko nang nagsimula na akong makaramdam ng antok, linapag kulang ito at nahiga.. At tuluyan nang nahulog sa pagka idlip.

KINABUKASAN

MAAGA akong nagising dahil kinulit na ako ni lena na bumangon, sa una ay ayaw kopa talaga dahil grabe yung antok ko pero naalala ko na dapat pala maaga kami ngayon kaya agad na akong bumalikwas ng bangon at nagmamadaling pumasok sa palukuran para maghilamos.

Paglabas ko ay tinanaw ko ang orasan.

"4:34" basa ko dito at hinarap si lena na ngayon ay may agahan nang naka hain sa mesa. Itinuro nito saakin ang type B uniform ko sa ibabaw ng kama kaya agad kung tinungo ito at nagbihis.

Bat kasi di agad ako makatulog kagabe! Inlalayan ako ni lena na itali ang buhok ko dahil dito talaga sya magaling. First time namin gawin to, yung kumakain ako habang inaayos nya ang buhok ko at saktong pagkatpos ko kumain ay tapos narin sya sa buhok ko.
____

______

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

______

Genius ba sya? Sobrang pasasalamat ko talaga dahil nagawa nyang paikliin ang mahaba kong buhok dahil sagabal to mamaya sa knight formations na klase ko. Di naman kasi ako mangmang para hindi maisip na isa itong physical na klase! Para kasi itong ROTC pero pakiramdam ko ay meron ding pagkakaiba.

Nang matapos ay lumabas na agad ako ng silid, ganun nalang din ang gulat ko ng makita kong marami ring nagsisitakbuhan na mga kababaihan palabas ng dormitoryo. Nakasoot rin sila ng uniporme katulad ng saakin.

Ang totoo nyan ay di ko rin alam kung saan ang tamang lokasyon ng pagtitipunan kaya sakto sakto ang ganap dito dahil paniguradong tutungo din sila doon, kaya sumabay naako.

Ilang minuto rin ang tinakbo namin at nasa tuktok ako nang isang napaka lawak na talampas, isa itong uri ng anyong lupa na mukhang bundok ngunit patag ang nasa tuktok.

Marami narin ang ngayong nakaporma dito at ang mga kamay ay nasa likod, napalingon pa sila saamin at nagbaba naman agad ako ng tingin, nakaramdam ako ng hiya dahil halatang nahule talaga kami, meron ding mga lalake na kasabayan namin.

Hingal na hingal kaming lahat habang nakayuko at hinahabol ang hininga nang biglang may pumito ng malakas kaya agad akong nag angat nang tingin at hinanap ang may gawa.

DAMIAN POV.

Napalingon kaming lahat sa mga bagong dating na mga  kapwa studyante. Kunot noo kung pinagmasdan ang bilang nito, lumampas ata sa bente ka tao ang nahuli!

Pumito na si Sir Adam, na syang tagapayo ng Octagram. Nakatayo kaming Walong membro sa harap nila at upang maging modelo sa kapwa magaaral, ang Octogrma kasi ay ang bumubalanse sa kapayapaan ng lugar, sa isang salita kami ang batas!

"Bilang isang magiging Holy Knight ay dapat lang na  hindi kayo Kukupad kupad!" Sigaw ni sir Adam dito at napatayo naman sila ng maayos.

Mula dito ay napansin ko ang pamilyar na tindig ng isang babae, sinuri ko sya mula ulo hanggang paa at nang makumperma ay di maitatanging nag mature nga ang katawan nito, kumusta naman kaya ang isip! Antagal na ng panahon iyon at di ako pinalaki ng aking magulang na magtanim ng galit sa isang tao pero bakit pagdating sa kanya ay di ko maiwasang mainis!

"Sa susunod na mahuhule kayo ay agad ko kayong ipapatanggal sa klaseng ito at UULIT gaya ng ibang nandirito!"dagdag nito na talagang may halong pagbabanta. Agad naman silang sumaludo bilang sagot.

"Ngayon bigyan nyu ako ng isang linggong Pushups!" Mula rito ay rinig namin ang angalan ng ilan ngunit naagaw ng atensyon namin lahat ang binibini na kapatid ni Cale na agad nagpauna sa kanila at mabilis na tinapos ang pitong pushups.

Sumaludo ito sa taga payo at namamanghang binigyan ito ng permiso na sumama sa bilang ng nakatayo.

Sumulyap pa ang maestro samin, kay cale, na syang katabi korin kaya liningon ko rin ito. Nagyayabang na itong nakangiti habang tinatanaw ang nakakabatang kapatid.

At dahil sa ginawa ng binibini ay biglang naging seryuso din ang ilan at sinimulan ang isang linggong pushups na binigay ng maestro at bago pa man magsimula ang klase ay natapos ito at bumilang sa mga nakatayo.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now