Kabanata 53: Liwanag

2.7K 180 38
                                    

Di ko maiwasan ang mapatitig dito at pilit na hinuhuli kung nag sasabi ba ito ng katotohanan. Ngunit tanging lungkot na emosyon lang ang nahagilap at walang anumang senyales akong nakikita na nagbibiro lang ito sa sitwasyon namin ngayon.

Bigla akong nanlumo at wala sa sariling napasulyap sa kahon na nag lalaman ng espada na bigay nito.

Masyado na siguro akong naging comportable sa bagong mundong ito. Lubos na akong nalulungkot sa pamilyang di ko naman kadugo o ka ano-ano. Nadadala sa problema parte pamilya kahit sa totoo lang ay hindi ko na dapat pang panghimasokan.

Ngunit..

Sa kakiting na panahong iyon ay naramdaman ko sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko na isa akong anak,na isa akong kapatid at parte ako ng isang pamilya. Naranasan korin ang pagmamahal na impossible ko pang matamasa dahil sa maaga akong nawalan ng magulang at di maipagkakaila ang pagka uhaw ko para rito.

Napatingin ako muli rito at sa pagkakataong ito, ay hindi ko na napigilan ang sarili, at hinayaan na lamang ang malayang pagdaloy ng luha sa aking pisnge.

**

LENA POV.

Ilang oras naring ang nagdaan simula nung magusap silang mag-ama, tungkol sa sinapit ng senior. At ang dahilan, hindi na nakapagtataka dahil ni isa sa amin ay walang nakaka alam. Tanging matataas na opisyales lang ang maaring maka alam.

Hindi pa ito pina publika sa labas at tanging hacienda ng Grosvenor, at malalapit na tao pa lamang , ang lahat ay nagluluksa sa mabuting pinuno at amo ng tahanang ito.

Pagakatapos  ng aksidente ay nawalan ng malay ang binibini at agad na iniuwi sa mansion ng kanyang kapatid. Medyo nataranta pa ako nung mapansin kong namumutla ito at madaming bukas na sugat na mukhang dulot pa ng isang matulis na bagay.

Laking pasasalamat ko nalang at nandyan ang kapatid nito at hinayaang kagatin ang balat ng ginoo, muling lumiwanag ang katawan ng aking alaga at maya maya lang ay nanumbalik na agad kulay natural na kulay nito, wala narin ang mga sugat nito. Di ko talaga mapigilang mapahanga sa pangalawang pagkakataong nasaksihan ko ang pangyayaring ito.

Ang mga anak ng Duke, ang mga magkakapatid na Grosvenor ay may espesyal na kakayahan na minana pa sa kanilang ina na kung saan ay kaya nilang magpagaling ng sugat at magpabalik ng naubos na lakas sa papamagitan lamang ng pagpakagat sa kanilang balat. Ang tanging problema lang ay hindi nila maaring kagatin ang sarili upang gumaling..

Napangiti nalang ako at di maiwasang hindi pamulahan sa alaalang naging sanhi ng pagkabuti ng aking alaga.

Ngunit ang malaking palaisipan ay pano iyon nagawa ng binibini. Hangang ngayon ay nagugulat parin ako sa mga pagbabago ng kilos nito at nakakamanghang kayang gawin ng binibini.

Marahil ay napagtanto nito na gusto nyang sumunod sa yapak ng kanyang ama at kapatid. Ito siguro ang bunga ng kanyang matagal na pag kukulong sa sarili.

Naglalakad ako ngayon pabalik sa silid bitbit ang mainit na sopas na linuto ko para sa aking alaga. Kakagising pa lamang nito pagkatapos sa mga naganap at panibagong Karanasan na naman ang kanyang haharapin.

Napabuntong hininga ako nang marating ko ang pintuan at marahan na kumatok.

=

"Pasok" sigaw ng binibini sa loob. Nagtaka akong napatitig sa pintuan, dahil boung akala ko talaga ay di ako pag bubuksan nito gaya nung iniwan sila ng kanyang ina.

Di ko napang pinansin ito at pumasok na sa loob. Na datnan ko ang binibining inaayos ang sarili. Namumugto ang mata nito pero hindi ito luhaan. Namumula parin ang ilong at pisnge nito marahil ay dulot ng kanyang pag iyak.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now