Kabanata 44: Estranghero

2.5K 154 15
                                    

Nang makahanap ako ng pagkakataon para makatakas ay mabilis akong tumakbo palayo at tumalon sa isang mababang puno at inakyat ito. Sa pagkakataong ito ay gumawa ako ng maliit na barier para protectahan ang sarili sa patuloy na paglalabas nila ng kapangyarihan.

Pano ba kasi ako naging threat para sa kanila? Hanggang ngyaon ay di parin ako makapaniwala na nagawa nila akong pagtulungan.

Tinalon ko ang sanga sa kalapit na puno habang pinoprotektahan ang sarili at aga na nagtago dito.

Naramdam kong umakyat din sila at hinahagilap na ako sa taas ng mga puno. Totoong napaka dilikado na ng posisyon ko, dahil mula rito ay wala na akong makitang sanga dahil katubigan na ang nasa ibaba.

Nagulat ako ng bigla akong makaramdaman  ng panganib at di nga ako nagkakamali dahil may isang espadang kahoy na nag aapoy nang sasalubong saakin.

Agad akong  tumi-ad para maiwasan ito at nag flip patalikod. Patalon akong umatras palayo sa kanya, isa itong lalaki  at nakangisi na ito saakin habang hinahanda ang sarili sa pag atake..

Wala akong dalang pansalag dito kaya agad kong pinaliwanag ang kamay at lumabas dito isang Rod na gawa sa kuryente.

Malaya ko itong nahahawakan dahil ang katawan naming mga grosvenor ay immune sa ganitong kapangyarihan. Nalaman ko ito mismo kay lena.

Nagulat  ito ng makita ang rod na hawak ko ngunit agad din namang inayos ang sarili at sumugod saakin.

Nagpalitan kami ng hampas at maayos ko naman itong nasasalag. Aaminin kong magaling din ito humawak ng espada pero dapat lang na hindi ako matinag!

Agad ko syang binigyan ng sunod sunod na pag atake habang pinapaikot sa kamay ang rod. Mukhang nasindak naman ito at patuloy ang pag atras. Huminto kami at lumayo sa isat isa.

Halos maukit na sa mukha nito ang pagkagulat habang nakatingin saakin. Nandun ang paghanga pero imposible na atang mawala pa ang pagka inis.

Kahit Hindi ako makapaniwala na ganun ito pala ito kadilikado, ang pagaya ko sa God step ni Cale ay natutuwa parin ako dahil sa wakas ay nagawa ko rin kahit na hindi pa perpekto.

Pinaikot ko sa mga dalari ko ang rod habang linilnibot ito sa katawan at umwestra sa harap nito na naghahanda sa pag atake. Nagulat pa ito sa ginawa kong paninidak kaya di ko mapigilan mapangisi.

Napansin kong malapit narin maka akyat ang ilan kaya agad na akong umatake at pinatamaan ito sa magkabilang braso at balikat. At dahil kinompress ko ang mahika ko at bomou ng stun sa bawat dulo ng rod ay agad na natumba ito at di na nakagalaw pa.

Pinagmasdan ko itong wlaang malay ngunit mahigpit parin ang hawak sa espadang patpat .

Napangiti ako ng may naisip akong kalokohan.

Napansin kong malapit na silang lahat maka akyat at talagang galing pa sa ibang deriksyon. May plano pa ata silang e corner ako dito.

Dahan dahan kong binuhat ang lalaki at tumayo sa harap ng mga taong nagaakytan.

Nakita kong napahinto sila sa pag akyat at nagtatakang nakatingin saakin, ngunit agad din naman kinabahan dahil mukhang nahubulaan nila ang gagawin ko.

Ngumisi ako dito ng malaki.

Inangat ko ang lalaking hawak ko sa ere at pabagsak na  hinulog ito sa harap nila dahilan para magsigawan ito at sabay sabay na bumagsak sa lupa. Mula rito ay dinig ko ang pagdaing nila.

Magsosorry talaga ako sa kanila pag di ko makalimutan.

Dahan dahan akong nagpadausdos pababa sa kabilang parti ng puno at parang pusang maayos na lumundag pababa.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now