Kabanata 42: Practical.

2.5K 140 19
                                    

NARATING ko na ang lugar kung saan gaganapin ang practical na pagsusulit na ginaganap bawat buwan. Para lang itong isang laro kung saan tatakbo kayo sa isang gubat at kakalabanin ang isat isa hanggang sa mawalan ng malay at ang tanging sandata mo  lamang ay ang iyong lakas  at ang sariling kapangyarihan. 

Survival game kumbaga, pero hindi yung puntong dapat kayong magpatayan!

Nabasa ko na 'to dati sa libro, pero parang bagong kaalaman parin sa akin dahil kinakabahan ako habang nagagalak! Siguro dahil ay personal ko na itong nakikita at masusubukan.

Ang lugar ay isang napakalaking Glass Dome, na naglalaman ng Wild na gubat.

Nakahilira na kaming lahat sa harap ng mga membro ng Octagram at nang maestro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakahilira na kaming lahat sa harap ng mga membro ng Octagram at nang maestro. Seryoso lang silang nakatayo  sa harapan habang linilibot ang paningin sa boung lugar, biglang naman nagtama ang paningin namin ni damian pero sya na ang naunang nag iwas, nagkibit balikat nalang ako at di ito pinansin.

Pinahintulutan narin nila kaming tanggalin ang mg pabigat sa katawan namin. Nang matanggal ay Bigla akong nakaramdam ng paggaan sa sarili. Ilang kilo rin ang binubuhat ko araw araw dun! Nakakatuwang isipin na nasanay kami sa ganung kaliit na panahon!

"Bibigyan lamang namin kayo ng Dalawang oras para matapos ang pagsusulit na 'to. Sa loob ng oras na iyon ay dapat manatili kayong may malay hanggat maari. Kung magdadala man ng sandata  ay tanging  espadang patpat at iyong kapangyarihan lamang ang pwedeng gamitin para maiwasan ang malalang pwedeng mangyari kung meron man. Ang mga membro ng octagram at ang pangkat pangligtas  ay mananatiling na ka bantay sa boung paligid." Mahabang pahayag nito habang iniikot ang paningin saamin.
"Tandaan nyo.. na tanging Tatlumpu(30) lamang ang maaring makapasa sa bilang nyung Limang daan at agad na hihiranging kabilang sa Top 30 na apprentice Knight ng paaralang ito!" Dagdag pa nito.

Mula rito ay agad na namutawi ang bulungan ng isat isa, May ibang kinakabahan at meron din namang ginaganahan. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko. Alam kong kinakabahan ako pero nandun parin yung galak!

Sa wakas ay magagamit ko narin ang inaaral kong  mahika na tinatawag na Creation magic! Katulad ito ng ginawa kong sibat sa pakikipagtous ko sa mga alagad ng baron na nakalaban ko Na kung saan ay maari kang gumawa ng bagay gamit ang sariling attribute ng kapangyarihan!

Nakatayo kaming lahat sa harap ng isang napakalaki at malawak na gubat na gawa sa kapangyarihan ng isang Guro na nagmula sa Terrasen.

Isang Man made forest!

Halos di ko na maalis ang paningin  ko dito sa pagkamangha nang pinaalam sa amin na ito ay gawa lamang sa mahika. May narinig pa akong nag-uusap na  isa daw itong Kopya ng orihinal na Enchanted forest na matatagpuan sa kaharian ng terrasen.

Napaka realistic! Kuhang kuha grabe.

"Nais kong ipakilala sa inyo ang isa sa mga guro ng salamangkero na magsisilbing daan nyu papasok sa masukal na gubat na ito." Biglang salita ni maestro adam  na agad kinuha ang atensyon ng lahat. Umwestra itong tinuturo ang katabi ngunit nagtataka lang kaming nakatingin sa pwestong itinuro nito. Impossible  namang invisible ito! Kalokohan.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now