Kabanata 37: Knight Order

2.5K 155 7
                                    


"Crystal knights?.. Ibig sabihin ay sila ang pinaka mababang rango ng ganap na holy knights." at ibig sabihin rin nun ay maari na silang lumabas ng paraalan para gumawa ng malilit na misyon sa mga maliiit na bayan, bigla akong namangha sa naisip ko!

Kasalukuyan akong nagbabasa tungkol sa rank order ng mga holy knights. Bilang bagong studyante ay isa ako sa mga tinatawag na  Apprentice knight at ang unang ranngong matatangap ko kung sakaling ma promote ako sa holy knight order ay Crystal Knight

Crystal knight- ito ang pinakamababang rango ng holy knight order!

Emerald- Fourth highest rank in holy knight order.

Ruby- Third highest rank in holy knight order.

Platinum- Second highest rank in holy knight order.

Diamond - Highest rank in holy knight order

Ito ang pagkasunod sunod ng isang knight order at base sa nabasa ko, if ang isang knight  ay nagpakita ng kakaibang talento sa pamumuno at nangunguna sa lakas ay maari itong mapabilang sa  Holy order na deriktang nagsisilbe sa emperador at emperatris.

Ang nasa ibaba ng bilang ay ang..

Holy knight lieutenant - Na syang nag bibigay ng command sa mga small fleets na Apprentice knight and Crystal knights.

Ibig sabihin lang nun ay ang m matandang lalaki na  nag bibigay command samin sa Knights formation ay isang Holy knight lieutenant, sa mga pagdalo ko nitong mga nag daang araw ay masasabi ko talaga na malakas sya. akala ko nga ay isa na itong Great Holy knight pero nagkamali ako at pakiramdam ko ay napakalaki ng agwat sa kapangyarian at talento sa nasabing Pinaka mataas na holy knight!

Assistant Great Holy Knight - Nagbibigay ito ng command sa lahat ng kabilang sa knight order.

Great Holy knight - Ang may pinaka malakas at malawak na otoridad sa lahat sunod sa hari at santo papa ng emperyo!

Sa di mapaliwanag na dahilan ay bigla akong kinalabutan, ibig sabihin ay marami pa akong masasaksihang naglalakasang tao sa emperyo.

Nakasaad din dito na ang pinakamadaling paraan para maka angat sa ranggo ay hamunin sa isang duelo ang  isang tao na nakutungtung sa mas mataas na rango kaysa saiyo.

Binabad kopa ang sarili ng ilang minuto sa pagbabasa...

"Binibini, Maligo napo kayo nang maayusan na kita."saad nito habang tinuro ang orasan sa kamay. Nag angat ako ng tingin kay lena at tumango dito. Tinabi kuna ang libro at nagtungo sa paliguan.

Pinagmasdan ko ulit ang likuran ko, dahil sa bawat tingin ko nang salamin ay hindi parin mawala sa alaala ko ang marka na nakita ko nung nakaraang araw. Sinipat kopa muna ito ng maigi.. ilang minuto din iyon bago ako nag kibit balikat at napagdesisyunang maligo at nagbihis.

"Binibini, Para kang isang diwata. Bumagay ang iyong magandang  buhok at mata sa iyong mamahaling damit, tiyak talaga akong may mahuhulog na prinsepe sa iyong pagdalo!" masyang saad nito habang napapalakpak pa. Napangiti nalang ako habang pinagmasdan itong namamanghang hinawakan ang damit ko. Tanga nalang ang magkakagusto sakin dahil lang sa damit. Tch!

"Sayo nato pagkatapos ng piging..." kaswal ko na saad ko at tumingin sa salamin. Ang astig talaga ni lena. Grabe maka ayos ng buhok! Pinag-aralan ba nila to? Sa dati kong buhay ay ponytail lang talaga ang alam ko kaya pina-ikli ko ito hanggang leeg.

"E-Eh binibini, hindi naman babagay iyan saakin." nakangiting saad nito. Sumulyap naman ako dito.

"Bakit mo naman nasabi? Maganda ka naman ah!"

"A-Ah hindi naman po ako kasing ganda nyo at isa pa po ay isa lamang po akong hamak na katulong at hindi po ako nararapat sa kasoutan ng mga maharlika.." Malungkot na saad nito. Kunot noo ko itong tinignan ng maigi. Maya maya lang ay tumayo ako dito at tinapik ang balikat nya.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now