Kabanata 27: Cid William Grosvenor

2.9K 159 7
                                    


NAGLALAKAD kami ngayon pabalik sa dormitoryo ko, kasama ang nagpakilalang kapatid ko at si kuya.

Di ako makapaniwala na ganito pala ka gwapo ang itlog na ito, Soot nito ang uniporme ng paaralan at ang kisig nya tignan dito, Kulay Ginto rin ang buhok nya na namana pa kay ama at pula rin ang mga mata na kasing tingkad ng saakin. Halos magkapantay narin kami sa tangkad kahit matanda ako sa kanya ng dalawang taon.

Nakapamulsa lang ito at parang asong sunod ng sunod saamin sa likuran kaya tinawag kona ito at agad namang syang lumapit.

Umakbay ako dito at ginulo ang buhok nya, masyado kasing papogi!

"Ate!" angal nya pero di nya naman tinabig ang kamay ko. Ako nalang ang nag ayos at isiukbit nalang ang kamay ko sa kanyang braso at nginitian sya, nahihiya naman itong ngumiti pabalik.

Biglang nawala ang ngiti  ko  nung naalala ang kapatid ko sa kanya. Ganito narin ito kalaki, hindi nga magkamukha pero parehong pareho ang binibigay na impression, Lord sana maayos syang namumuhay mag isa. Agad akong nag angat ng tingin at nagpunas ng mata ng maramdaman ko ang  nagbabadyang luha.

"Ate Ayos kalang, umiyak kaba?" Natatarantang tanong nito, umiling ako at sumilip naman saakin si Cale, inabot nya ang panyo  saakin. Naasar akong nagpunas at ngumiti sa kanila.

"Ayos na ako, natutuwa lang akong makita tayong tatlo nakumpleto na rin." Malambing na sabi ko sa kanila, ngumiti naman ito at ginulo naman nila ang buhok ko. Sa inis ay isa isa ko silang inambaan ng suntok pero agad din namang nag si ilag. Siraulo talaga!

Madami narin ang napapatingin sa gawi namin at napapahinto pa sa paglalakad. Ngunit ni isang tingin ay hindi namin sila tinapunan. Nang marating namin ang dormitoryo ay nagpaalam na si kuya saamin kasi may pag pupulong pa daw itong dadaluhin.

"Eh ikaw? Di kapa aalis?" Tanong ko kay cid.

"Ate, Gusto pa kita makasama."

"Eh bawal ka dito" nagtatakang sagot ko sa kanya.

"Kapatid kita at hindi bawal ang magpapasok ng sariling kadugo." saad nito at tinignan ko naman ang bantay na tumango sa sinabi ng kapatid ko at  yumuko saamin.

Tinaasan ko sya ng kilay pero gumaya lang ito saakin, napabuntung hinininga nalang ako at payagan syang sumama sa loob.

Pumasok na kami sa loob ngunit agad ding nahinto nung tinawag nya ako.

"Ate, pahawak" nahihiyang saad nito at linahad ang kamay nya sa akin, naka ngiti ko naman itong tinanggap  at inaasar sya.

"Chansing ka na e." pangaasar ko dito. Agad naman itong nahihiyang ngumuso at may binulong bulong pero di ko marinig.

"Ano? Narinig ko yun. Sabi mo maganda ako." pabirong sabi ko kahit hindi ko naman talaga narinig ang sinabi nya. Napangiwi nalang ito habang nakatingin saakin, natawa naman ako sa inasal nya.

Habang naglalakd sa loob ng kababaihan ay paniguradong magtataka sila kung bakit nakapasok ang itlog na to dito. Pero iba ata ang nangyari, Puno ng paghanga sa kapatid ko ang naririnig ko mula sa kanila,May iba pa akong nakitang kinikilig at sinisigaw ang pangalan nito tch! Mga kababaeng tao akala ko panaman Conservative!

Tunay naman kasing napakakisig at napakagwapo nya para sa edad nya, kung ako ang tatanungin ay para syang batang bersyon ni ama. Mas gwapo panga sya kay kuya para saakin dahil mas mabait ito kaysa sa kanya, pero ni isang sulyap sa kanila ay di nya ginawa, naglakad lang ito na para bang walang kababaihan ang kinikilig sa harapan nya at diretso lang ang mga matang naglalakad sa daan.

Nang makarating ay kumatok na ako at agad namang pinagbuksan ni lena.

"Tagal mo naman, magbukas." sabi ko pero di sya makapagsalita nang mapansin at makilala nya ang kasama ko.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon