Kabanata 52: Malungkot Na Ngiti.

2.2K 157 19
                                    

DAMIAN POV.

Napatigil ako sa pagbabasa tungkol sa mga platapormang iniatas saakin ng aking ama nang may kumatok sa labas ng aking silid at pumasok.

Seryosong naglakad si stevan sa akin deriksyon at marahang yumuko. Isinandal ko ang sarili sa upuan at pinagkrus ang brasong tumingin sa kanya, hinihintay ko ang kanyang sasabihin.

Nagbuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Prinsepe Damian, maayos na nasagawa ang iyong ipinag utos, pansamantalang isinilong namin sila sa isang abandonandong bahay at binigyan ng mga makakain, naroon din naman ang ibang kawal upang maging bantay sa mga ito." mahinahong saad nito.

Patango tango akong tumingin sa malayo at di mapigilan ang mapangiti.

"Napaka kisig mo pala prinsepe, pag naka ngiti." biglang saad ni stevan na ngayon ay nakatingin saakin ng mapang asar na tingin. Napa ayos ako ng upo at bahagyang umubo.


"E-Ehem!.. At tungkol sa sindikato?" Tanong ko dito, mabilis naman itong naging seryoso at sumagot.

"Maayos naming naihatid ang mag asawang Kriminal sa karsel(bilanguan). Ngunit, ayon sa aming imbistigasyon sa magasawa ay sumusunod lamng sila sa utos ng kanilang kinikilalang panginoon.--Sa aming pagrating ay nadatnan namin ang Bunso nang Grosvenor na nagpapalabas at umaatake gamit ang  bayolenteng kapangyarihan nito sa isang bolang itim, isang special na kalasag, Ang Ryoiki Tenkai. " Saad nito.

Habang sinsabi nya yun ay di ko mapigilang hindi magulat at mapatayo sa oras na narinig ko ang sinapit ng kakilala ko.

Tumitig ako kay stevan kung nag sasabi ba ito ng katotohanan o hindi. Pero mukhang hindi nga ito nag sisinungaling.

Napaka delikado ng Kapangyarihang iyon. Lalo na't habang nasa loob ay hindi mo magagawang mailagan ang pagatake nito na pinalakas pa ng ilang beses.

At bukod saakin ay ang mga haring namumuno lamang na sakop ng Brittannian ang alam kong kayang gumamit nito.

Mahinang napakamot nalang ako sa tungki ng aking ilong bago humawak sa tenga. Aaminin ko, binabagabag ako ngayon sa maaring sinapit ng binibini. Alam kong imposibleng makaligtas sya sa bagay na iyon.

Kumusta na kaya sya?

Nang maintindihan ko na ang sitwasyon ay napahiya akong naupo at tumingin kay stevan, pero tinignan lang ako nito na parang alam na nyang ganito ang magiging reaksyon ko. 

Di ko na talaga mabasa basa ang iniisip ng taong to.

iniisip ba nya na tama lang ang reaksyon ko dahil sakanya ay may namamagitan sa aming dalawa ng binibini? Nahihibang na sya!

Pano ko magugustuhan ang babawng puro sakit lang sa ulo ang dala.

Napa ismid nalang ako at pinagtounan  nalang ng pansin ang sinabi nito tungkol sa Ryoiki tenkai!

Ngunit sino ang makapangyarihang taong iyon at nakakamanghang nagagawa nya ito. Bakit ginagamit nya ito sa maling gawa? Isa ba syang hari sa ibang emperyo? Pinuno?

Napatingin ako sa gawi ni stevan ng magsalita ito.

"Ayon sa imbestigasyong naganap ay isang mataas na ranggo na majin ang may gawa nito, Humingi ako ng kapatawaran sa inyo mahal na prinsepe dahik wala na kaming nakuhang karagdagang impormasyon  matapos itong matalo at nag laho." Paumanhin pa nito, pero naging mas naging interesante ako ng marinig ang huling sinabi nito.

"Natalo nyo ang isang mataas na majin?" pangungumpermang tanong ko dito, pero mas lalo lang itong sumeryoso, tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Hindi kami, prinsepe." Di ko maiwasang di mapakunot ang noo sa kanya.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now