03

269 11 0
                                    


Typo and grammatical errors ahead. You can freely correct my wrong sentences and words :)

Enjoy reading mi àngels<3

______

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin, suot ko ang kulay old rose na off shoulder sleeves dress. Hapit ito sa katawan ko kaya kita ang hindi gaanong kakurba ko'ng katawa dahil sa payat. Pff. Di bagay to sakin e.

"You done, Thatria?"

Nabaling sa saradong pinto ang tingin ko matapos marinig ang katok at boses niya sa labas nuon. Sandali ko pang tiningnan ang sarili sa salamin bago lumabas ng walk in closet ni Mr. Heix na nag hihintay na sa labas at nakasandal sa tabi lamang ng pinto.

He surveyed my dress and stare at me for a seconds before nodding and turning his back to me. Napangiwi ako bago siya sinundan.

There's a feeling of disappointment in me after not seeing any reaction from him. Was I expecting him to compliment me wearing this expensive dress na inalangan ko pang suotin matapos makita ang price tag? Pati itong flat shoes na nakakahimatay ang presyo.

You already told yourself Thatria na hindi nga bagay sayo iyong suot mo tapos mag expect ka ng compliment? Ays.

Napailing na lang ako bago tumakbo para makahabol sa kaniya na bumaba na ng hagdan. Nilingon ako nito na nasa likod niya at nakasunod.

"Don't run." Maikli nito'ng saad ngunit may babalang kasama.

Naitikom ko ang bibig at tumango rito.

Nang nasa tapat na kami ng main door ay pinagbuksan kami ng dalawang gwardiya na naka pwesto sa may pintuan. Bahagya pa ito'ng yumukod sa kaniya.

Pinigilan ko ang mapanga-nga matapos makita ang labas ng bahay. May malawak na front yard at malawak na pathway. May malaki rin na fountain sa gitna ng pathway na siya'ng mabubungaran mo agad. Isang malaki at may kataasang gate na may mga armadong tauhang bantay. Ang ganda ng paligid.

"Let's go."

Napatingin ako kay Mr. Heix na kinuha ang susi sa isang tauhan at lumapit sa nakaparadang kotse sa ibaba ng hagdan. Isang kotseng mamahalin. C-class mercedes obsidian black.

Sumunod ako sa kaniya matapos makita ang pagbukas niya ng shotgun seat at mwestrahan akong sumakay. Nagpasalamat ako rito bago itakid ang seatbelt ko. Tumango lamang siya bago isarado ang pinto sa tabi ko at nagtungo sa driver's seat. He started the engine and drive to pass the gate after the guards open it.

Mas lalo ako'ng namangha ng makita ang nag-gagarang mga bahay na nakatayo. Moderno at malalaki ang bahay na naririto. Ang gaganda.

Mangha lamang ako'ng nakatingin sa mga bahay na nada-daanan namin at  hanggang sa lumabas na kami ng village ay namamangha pa rin ako.

Makailang oras ay nasa highway na kami at puro mataas na buildings at mga sasakyan na lamang ang nakikita ko. Ngunit nagtataka ako kung saan kami papunta. Nahihiya naman ako mag tanong. More like, takot.

"Uhm... Saan ho tayo pupunta, Mr. Heix?" Nag aalangan ko pang tanong rito makalipas ang pakikipagdebate sa sarili.

Sandali siya'ng bumaling sa akin bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Drop the Mister, Thatria. We're heading to the mall to buy you clothes." Sagot nito sa malamig pa rin niyang boses.

Tumango na lang ako at hindi na muling nagsalita. Inaliw na lamang ang sarili sa mga nakikita sa labas ng sasakyan. Ngunit sa loob ko'y nanalangin ako'ng huwag sa mamahaling boutiques niya ako dalhin. Dahil kung kasing mahal ng damit at sapatos ko'ng suot ngayon ang presyo ng mga damit na pamimilhin ay baka mahimatay ako sa loob ng boutique. Jusko po lord. Ukay lang ang aking mga damit. Yun lang keri ko.

Purchased (On-Going) Where stories live. Discover now