11

166 9 2
                                    

Typo and grammatical errors ahead. You can freely correct my wrong sentences and words :)

Enjoy reading mi àngels<3

_

I woke up feeling a heavy thing lying on my stomach. Muli pa ako'ng napapikit ng tumama sa aking mukha ang sinag ng araw na nangagaling sa labas. Bahagyang nakahawi ang kurtina at hindi natatahuban ang buong glass door ng teresa.

Tiningnan ko ang bagay na nakadagan sa aking tiyan. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang braso'ng naka-akap sa akin. Nilingon ko ang nasa aking tabi at naitikom ko na lang ang aking labi nang makita si Heix roon. Dito nga pala siya natulog. Nakayakap ito sa akin patagilid at nakatanday pa ang hita nito sa aking hita kaya kulong ako at paniguradong mahihirapan sa pag alis. Ang mukha rin nito ay nakasiksik sa aking leeg at ramdam ko ang mainit niya'ng hininga dahilan upang mag kagulo ang aking sistema.

Keaga-aga, Thatria! Suway ko sa aking sarili. Hindi ko pa nga makalimutan ang nangyari kagabi. Ang paghalik nito sa akin. Sa gilid ng labi ko mismo. Totoo ba talagang nangyari iyon?

Iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isipan. Marahan kong inangat ang braso nito'ng naka akap sa akin at dahan-dahang humiwalay sa kaniya. Nahirapan pa ako dahil ang bigat ng kaniyang binti at braso. Umungol pa ito ng mahina at mukhang magigising kaya kinuha ko ang isang unan at ito ang ipina-akap sa kaniya. Mahigpit niya iyong inakap at muling nabalik sa malalim na pag tulog. Ano'ng oras na siya nakauwi at natulog kagabi, masyado maaga kung gigising agad siya.

Matapos ko'ng gawin ang morning routine ko at makapag palit rin ng damit ay bumaba na ako upang mag tungo sa kusina. Naabutan ko pa si Manang Lilian roon na nag luluto ng pancakes at isa pang kasambahay na nag luluto para sa almusalan.

"Good morning po." Bati ko rito ng makalapit.

Nag angat ang mga ito ng tingin sa akin at bumati.

"Good morning. Nagugutom ka na ba?"

Umiling ako sa tanong ni Manang Lilian. "Hindi pa naman po."

"Hala't ika'y maupo na laang muna. Tatapusin muna namin ito." Saad nito na nasa nilulutong pancake ang atensyon.

"Uh,Manang... Ano po..." I lightly scratch my nape feeling a bit shy.

Nag angat ito muli ng tingin sa akin bago marahang ngumiti.

"Gusto mo'ng ipagluto si Heix ng sabaw para sa hangover niya?" Tanong nito na aking tinanguan.

"Opo."

Mas lumawak ang ngiti nito. "Aba'y halika na at ika'y magsimula ng mag luto."

Ngumiti ako rito bago lumapit sa kanila. Kagaya ng sabi ni Manang ay nag simula na ako sa pag luluto. Hinanda ko lahat ng kailangan ko para sa soup na aking gagawin. Nasa kalagitnaan na ako ng pag luluto nang pumasok si Loisse kasabay si Aldrich. Mukha ito'ng nagtataka habang kausap si Loisse.


"Hindi ko alam kung asan si Señorito." Rinig ko'ng saad ni Loisse habang papalapit ang mga ito sa amin.
Bumaling ito sa amin at tinuro ako.

"Tanong mo kay Señorita Thati. Baka alam." Bumingisngis ito kaya napaismid ako. Nang aasar na naman.



Dahil sa sinabi ni Loisse ay bumaling sa akin si Aldrich upang mag. tanong. "Maganadang umaga, Señorita. Uh, alam nyo ho ba kung nasaan si Señorito Altos? Hindi ko ho makita sa kaniyang kwarto kung saan ko siya hinatid kagabi." May pag tataka sa mukha nito.


So, hinatid siya roon ni Aldrich pero nag punta pa rin sa aking silid? Bahagyang kumunot ang noo ko dahil roon.


"N-Nasa kwartong tinutuluyan ko si Heix." Sagot ko rito.


Purchased (On-Going) Where stories live. Discover now