05

248 9 6
                                    

Typo and grammatical errors ahead. You can freely correct my wrong sentences and words :)

Enjoy reading mi àngels<3

_

"Ito na lang?"

Humarap ako sa full length mirror at itinapat sa katawan ang hawak ko'ng sleeve dress. Sinuri ko kung ayos lang ba ito sa akin bago humarap kay Loisse. Nakasingkit ang mata nito'ng tiningnan ako bago umiling at lumapit sa wardrobe para mag hanap roon ng ibang damit.

Humingi ako ng tulong kay Loisse para maghanap ng su-suotin ko papuntang kompanya ni Heix. Pagkatapos ko pa lang maligo ay hinagilap ko na siya sa baba para matulungan ako. Hindi ko kasi alam kung pormal ba o kahit casual lang.

"Ito, señorita Thati." Lumapit ito sa akin at itinapat sa katawan ko ang hawak niya'ng dress. Isa iyong beige halter dress na may tie sa likod. Sa may batok. Kita ang likod ko dahil backless iyon.

"Bagay sayo, señorita." Puri ni Loisse.

Sinuri ko ng tingin ito. Napanguso ako nang mapagtantong medyo revealing ito. Kita ang pulsuhan ko'ng may sugat. Wala ito'ng gauze at hindi ko pa nilalagyan dahil kaliligo ko lamang.

"Paano itong pulso ko? Kita ang sugat ko."

Ngumiwi ito nang mapagtanto iyon. "Pag may nag tanong señorita..." Ngumisi ito kaya naningkit ang mga mata ko.

"Sabihin niyo nahigpitan ni señorito Heix iyong tali." Dagdag niya at bumulaghit ng tawa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at wala sa sariling nahampas siya sa balikat niya.

"Loisse naman e!"

Nakangiwi nito'ng hinimas ang balikat niya'ng nahampas ko.

"Sakit señorita Thati ah." Nakanguso na nito'ng ungot.

Humingi ako rito ng paumanhin. Pinasuot na niya sa akin ang dress dahil mag a-alas-siete na. Sabi pa naman ng amo niya ay before 7 ay dapat ayos na ako.

Pag labas ko ng banyo ay pinakisuyo ko kay Loisse na itali ang tie sa likod ng dress. Inabot rin niya sa akin ang ang isang flat shoes na kulay puti. Matapos ay nag paalam na ito sa akin dahil tutulong pa raw siya sa pag hahain. Nag pasalamat naman ako rito.

Sinuklay ko ang buhok ko'ng basa pa. Hinayaan ko lang itong nakalugay at matuyo ng kaniya. May binili namang blower si Heix noon para sa akin ngunit malapit ng mag alas siete kaya hindi ko na ginamit. Nag apply lang ako ng lip tint at perfume na binili ni Heix pero si Hailee ang pumili.

Saktong pag bukas ko ng pinto ay siya namang pag labas ni Heix sa kwarto niya. Kumunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
Nakasuot siya ng white long sleeve shirt at slacks. Naka suot rin siya ng black short coat.

Tuluyan ako'ng lumabas ng kwarto at marahang isinara ang pintuan nito.
Pagharap ko ay nasa akin pa rin ang paningin nito. Nanatili rin ang magkasalubong nito'ng kilay. Nailang tuloy ako.

"What are you wearing, Thatria?" Ganoon pa rin ang ekspresyon niya nang mag tanong ito.

Tumingin ako sa suot ko bago muli siya'ng tingnan. "H-Hindi ba bagay?" Tanong ko rito.

Lalong nag salubong ang kilay nito at muli ako'ng pinasadahan ng tingin.

"No... You look fine." Tumikhim ito bago nag iwas ng tingin. "That's fine." Aniya bago ako talikuran at mag simulang mag lakad.

I pouted my lips and follow him from behind. Yumukod ang ilang tauhan na nasa sala ng dumaan kami. Nang pumasok naman kami sa dinning area ay binati kami ng kasambahay na naroon at nakahanay sa isang tabi. Binigyan ko sila ng maliit na ngiti. Inismidan ko naman si Loisse na itinataas baba ang kilay sa akin.

Purchased (On-Going) Where stories live. Discover now