04

317 17 8
                                    

Typo and grammatical errors ahead. You can freely correct my wrong sentences and words :)

Enjoy reading mi àngels<3

_

Napahikab ako nang makabangon at marahang inunat ko ang aking mga braso. Gamit ang kamay ay sinuklay ko ang maikli ko'ng buhok. Binaling ko ang tingin sa orasan. Alas-sais pa lamang ng umaga.

Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at tinungo ang banyo upang magsipilyo. Binuksan ko ang gripo at saglit na itinapat ang sipilyo sa tubig bago muling patayin. Inabot ko ang toothpaste at naglagay ng tamang dami nito sa sipilyo. 

Habang nag sisipilyo ay napatingin ako sa bandage na nasa basurahan na. Napaismid ako nang maalala ang mapang asar na ngisi sa akin ni Heix nang makita ito sa akin. Tss. Eh sa wala ako'ng ibang masusuot na pangilalim e.

Inilihis ko na ang tingin roon at nagmumog bago naghilamos. Tinuyo ko ang mukha ko ng malinis na towel matapos maghilamos. Isinabit ko ito sa rack at lumabas ng banyo.

Lumabas ako ng kwarto at ipanako ang tingin sa katapat na pinto. Kwarto ito ni Heix. Nang makauwi kasi kami kagabi ay ipina-ayos na daw niya ang katapat na kwarto upang matulugan ko.

Nag iisip ako na katukin ito kaso baka nasa trabaho na ang lalaki. Napanguso na lamang ako at tinungo ang daan pababa. Katulad nang nadatnan ko kahapon ng bumaba ako rito ay may mga armadong tauhan pa rin ang ilang nakakalat.

Binati ako ng isang nanggaling sa kusina nang makasalubong ako nito. Tumango ako rito bilang pagtugon bago siya lampasan at tumuloy sa dinning table. Nadatnan ko roon si Loisse na busy sa paghahain ng pagkain.

"Good morning." Kuha ko sa atensyon nito.

Bumaling ito sa akin at sinalubong ako ng ngiti. "Good Morning Señorita Thati!" Magiliw nitong bati sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at lumapit. Agad naman niya ako'ng pinaghila ng upuan na ikinangiwi ko pero hindi na lamang umangal pa at nagpasalamat.

"Ayan ha, señorita. Simple na ang umagahan niyo." Anito kaya napatingin ako sa hapag.

Simple nga lamang ang nakahain at hindi katulad ng umagahan kahapon. Kanin, hatdog, bacon, piniritong itlog at toasted bread ang nakahain.  Ngumiti ako at tumango kay Loisse habang naka-thumbs up. Nag thumbs up rin ito pabalik sa akin kaya parehas kaming natawa.


"Umalis na ba si Heix?" Tanong ko at isinubo ang bacon na nakatuhog sa tinidor.

Tumango si Loisse habang nag sasalin ng kape'ng hinihingi ko sa tasa.

"Kanina pa, señorita. Ibinilin pa nga niya na h'wag kayo gigisingin e." Sagot nito bago naupo sa katabi ko'ng upuan.



"Lagi ba'ng maaga umaalis ang amo nyo'ng yun?" Muli ko'ng tanong.

"Ay, Oo señorita." Inalok ko siya ng toasted bread at kumuha naman siya. "Kaso noong dinala ka rito at hindi ka pa nagigising?" Tinanguan ko siya at uminom ng kape.

"Lagi ho'ng late si—"

"Hoy! Loisse!"

Napabaling kami parehas ni Loisse sa isang kasamahan niya na kakapasok lang sa kusina. Pinanlakihan nito ng mata si Loisse at nilapitan. Hinila nito patayo si Loisse sa pagkakaupo bago ako balingan ng tingin ni Ate Ellen.

Purchased (On-Going) Where stories live. Discover now