14

111 3 2
                                    

Typo and grammatical errors ahead. You can freely correct my wrong sentences and words :)

Enjoy reading mi àngels<3

_

I woke up with Heix's arm around my waist, hugging me and my head is making his right arm as a pillow. Nakaharap ako rito kaya malaya ko siyang napagamasadan. Itinaas ko aking kamay to touch his beautiful face, using my pointing finger I trace his perfect jaw line then his eyebrow down to his pointed nose. His forehead crease a little and scooted to me more, he even buried his face to the shallow part of my neck. I smile a little and comb his hair using my fingers. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago tuluyang umalis sa pagkaka-yakap niya. Tinungo ko ang banyo upang mag hilamos at mag sipilyo.

Matapos ko'ng gawin ang morning routine ko ay nag tungo na ako sa ibaba upang mag luto ng umagahan namin. Nang makapasok sa kusina ay dumeretso ako sa tapat ng refrigerator upang mag hanap ng pwedeng lutuin. After cooking, I covered the food since Heix still not awake. Nag tungo na lang muna ako sa salas dala ang tinimplang kape upang manuod roon habang hinihintay na magising si Heix.

"Thatria?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Heix na bumaba sa hagdanan. Magulo pa ang buhok nito.

"Good morning." Bati ko rito matapos tumayo sa sofa. Pinatay ko muna ang TV at inaya na siya sa kusina upang kumain.


"Kailan pala tayo uuwi?" Tanong ko rito habang nililigpit ko ang mga pinagkain namin.

"Maybe the day after tomorrow?" Ibinaba nito sa lababo ang hawak na mga baso at nilingon ako. "Why? Do you want to go back na?"

Umiling ako agad dito. "Uh, hindi naman."

"Okay. Just tell me if you want to and we'll go back then." Malumanay nitong saad sa akin. Tumango ako rito habang may maliit na ngiti sa labi.

A ringtone call echoed in the kitchen. Heix's brows furrowed and took his phone that was placed on the counter top. Mas lalong nag salubong ang kilay nito nang masilayan ang phone screen nito.

"I'll just take the call, cariño." Anito na siya namang tinanguan ko.

Nag lakad ito palabas ng kusina ngunit bago makalabas ay lumingon pa ito sa direksyon ko.

"Don't wash the dishes, cariño. I'll wash them myself."

Napairap ako sa sinabi nito na ikinatawa niya. Nang tuluyan na itong maka alis ay inilagay ko na sa may lababo ang mga pinagkainan para hugasan at hindi na pinakinggan ang sinabi niya. Mukha rin namang matatagalan siya sa pakikipag usap dahil mukhang importante ang tawag na natanggap niya.



Tama nga ako dahil hanggang sa matapos ako sa pag huhugas ay hindi siya pumasok sa kusina. Nang lumabas ako ng kusina at mag tungo sa living room ay wala siya roon, natagpuan ko lang siya sa may teresa sa ikalawang palapag. May kausap pa rin sa telepono at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila dahil sa expresyon na ipinakikita niya. Kaya hindi na rin ako lumapit at nag tungo na lang sa kwarto upang mag palit ng damit pang langoy. May swimming pool sa labas at naisipan ko na mag langoy roon. Alas siete pa lang kaya hindi pa ganoon kasikat ang araw.



Matapos kung mag palit ay lumbas na din agad ako ng kwarto. Nang lingunin ko ang teresa ay nandoon pa rin si Heix at nag titipa sa hawak niyang cellphone mukhang may tatawagan siya. Dumeretso na ako sa labas kung nasaan ang pool upang mag babad roon.

Hinubad ko ang suot ko'ng t-shirt na pag aari pa ni Heix at inilapag iyon sa bangko na naroon. Nakita ko lang ang t-shirt niya sa bagahi at iyon na lang ang sinuot para kahit papaano ay hindi kita ang katawan ko pag labas. Marahan kong iniapak ang isang paa sa hagdan ng swimming pool, napayakap pa ako sa sarili dahil malamig ang tubig. Nang mailusong ko sa tubig ang katawan ay tsaka ako lumangoy patungo sa kabilang bahagi ng pool. Ilang minuto akong nakababad sa tubig at nakaharap sa gawi kung saan kita ang dagat at pinag mamasdan ito. Naging ukupado ang utak ko kaya hindi ko namalayan ang pag lusong ni Heix sa tubig at ang pag lapit niya, kaya napapitlag na lang ako nang may brasong umakap sa aking bewang mula sa likod.




Purchased (On-Going) Where stories live. Discover now